Sunday, January 4, 2009

Walang himala

Paano ka naman nahilo Aling Iska? Noon kasing nasa Ilagan, Isabela siya sa lalawigan ng kanyang kaibigang babae, sabi ni Panlilio, “I can still win. They called my winning the governorship of Pampanga last year a miracle. Now, several months later, I am facing a recall petition. But who knows, there could be a second miracle that would happen.”

Alam mo, walang masama kung talagang marami siyang babae, Aling Iska. Bakit may masama rin ba kung nagyayabang siya at nananaginip ng gising sa Isabela? Wala naman. Karapatan niyang managinip ng himala. Karapatan ding sabihin ni Nora Aunor na. “Walang Himala!!!” Ang himala ay nasa puso ng tao. Wala sa imahinasyon ni Panlilio at ng kahit na sino.

Kung lahat ng himala, katulad ng sa kanya, buti pang wala na. Biruin mo lalong ipinangalandakan ng sinasabi niyang himala ang tunay na kulay ng kanyang balat. Sa pula sa puti, hindi mo alam kung alin ang tama at mali.
Kaya (ba) Natin na sikmurain, na ang sasabihin niya ngayon ay kakontra ng kanyang salita bukas?
Tingnan mo, isang araw matapos siyang magtungo sa Ilagan, Isabela, nakarating siya ng Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan. Mahilig talaga sa pasyal sa ibang lalawigan at talking engagement about good governance, which happens only in his dreams. Sa Cagayan ay kanyang tinuran, “I am confident that the recall elections will not succeed.”

Eh, ano bang masama kung kumpiyansa siyang hindi matutuloy ang recall eleksyon na tutuldok sa kanyang pagpapari, este paghahari? Kita mo naman, mga abogado niya’y mga Alhambra de Kampana. Ali wari, Aling Iska, sigarilyo yang matuling ita? Nung makananu yang matuling ing sigarilyo, makanyan la kagaling ding kayang abogado. Ba, baka naman ipakulong ka ng mga abogadong iyan, hindi ka ba kinakabahan na sila ay mga abogadong maaaring magpakulong ng isang tulad mo Aling Iska? Kung ganoon, mamumundok na lang ako, doon may makakausap akong matsing na hindi nagsisinungaling.

Balik tayo sa isyu. Hindi mo ba napapansin, Aling Iska, na paiba-iba ang kanyang pahayag sa ibat-ibang lalawigan na kanyang pinapasyalan? Lilinawin ko, Aling Iska, lumilitaw sa kanyang magulong pahayag na, ano nga? Mananalo daw siyang muli sa pagka-gobernador sa recall eleksyon na ayaw niyang matuloy. Kapagka nanalo si Panlilio sa recall eleksyon na hindi matutuloy, ayon sa kanya, pusang gala Aling Iska, may himala nga!!! Ito lang ang masasabi ni Aling Iska, ang tao raw na hindi tapat sa kanyang salita, sa bibig masisila at ang mamamayan sa kaniya’y mawawalan ng tiwala.

Kung talagang kumpiyansa si Panlilio na siya’y muling magwawagi, bakit hindi niya hayaang umusad ang recall petition? Patunayan niyang may silbi pa sa kanya ang himala dahil sa imposible na yata siyang manalo sa Pampanga.Sa Isabela siguro, puwede pa niyang itumba sa pagkakatayo si Grace Padaca pero dito sa probinsiya kung saan niya pinapaging-isang matatag na sama-sama ang kanyang mga dating kaalyado at kakontra sa pulitika, sa palagay mo Aling Iska, mayroon pa ba siyang pupuntahan kundi sa kangkungan? Mayroon pa ba siyang himalang sasantungan?

Buo ang tiwala ni Panlilio sa sarili, na siya pa rin ang gobernador hanggang 2010. Kung magkagayon, kawawa naman ang lalawigan, hindi na yata uusad sa pagkukunwari at kasinungalingan na may good governance tayong nararanasan. If this disunity and lack of clear direction in the province is good governance, what we need now is better governance for Pampanga’s best. Amen?

No comments:

Post a Comment