Sunday, January 4, 2009

Sulat pasumbat kay Oca

"Hindi ba’t nagpahayag ka pa ng suporta sa aking administrasyon?”, sumbat ng hari kay Mayor tugak este Cocac. Ano ba talaga Ka Isko ang tama? Oca, tugak o kokak? Oini na, daratang na la deng tugak, ne po Mayor Cocac? Sa kabila daw na itinuring siyang kaututang dila, bakit daw si Mayor Cocac? Puwede ba Mayor Oca na lang, ang pangit kasi eh. Bakit daw si Mayor Oca ay naglabas ng permit sa mga boys ng Balas? Tuloy kinalampag siya at madalas na tawaging balasubas sa harap mismo ng kapitolyo at hindi lang iyan, pinabababa pa siya sa puwesto. Pusang gala, Aling Iska, kilos ba ni Mayor Oca ay kaduda-duda? Kaya naguguluhan itong hari ng kapitolyo kung siya’y isang kaalyado o isa na sa mga taong gustong bumaba siya sa puwesto? Huwag ninyo akong tanungin, iyan ay hindi ko kayang sagutin. Kung isasalin natin sa Tagalog ang bahagi ng sulat, ganito ang ipinahayag ni Panlilio. “Makakalimutin ka ba o sadyang hindi mo alam.” Parang bobo si Oca? Hindi, parang ulianin daw ka Isko. Nalimutan daw ni Mayor Oca na ang Macario Arnedo Park ay nasa loob ng compound ng kapitolyo at pag-aari ng panlalawigang gobierno ni Panlilio. “The capitol compound might be located within your city but the administration and governance over it is lodged within the provincial government.” Ba ingles yan, Aling Iska? Kung tama ang ingles ng hari, ulianin kaya si Mayor Oca o hindi nakakaintindi ng ingles, Ka Isko? Ewan ko, itanong mo kay Dabo dahil sa palagay ko siya at hindi si Panlilio ang sumulat kaya kulang sa kortesiya at mukhang abugado de kampupot ang kumatha sa sulat pasumbat ni Panlilio. Huwag ding kalimutan ni Dabu na si Mayor Oca ay isa sa mga prosecutors na nagpatalsik kay Erap, kaya sa kaniya, si Dabu at Panlilio ay kaiingat dahil kapag siya ang yumari, yari ka! Ang sabi

No comments:

Post a Comment