Sunday, January 4, 2009

Media parurusahan?


Buti na lang patas tayo sa panig ng nakararami, patas tayo sa panig ng katotohanan. Patas tayo sa kapakanan ng lalawigan. Patas tayong ibalita ang totoo. Itanong mo man kay Soriano este kay Panlilio. Pusang gala, Aling Iska, maghanda na kayo ni Ka Isko. Baka kayo ang binabanggit ni Panlilio? No, no, no. Tayo ay para sa serbisyong totoo lamang at walang halong kasinungalingan. Ating ibabalita ang katotohanan, kahit humangga sa kulungan. Tapang mo talaga Aling Iska. Yes, that’s harassment. Pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag. Metung pang dapat mung tandanan kekaming atsie mung Iska, “itang Kapampangan, king leon, king tigre , eta tatakut, keya pa kaya? Tapang mo rin Ka Isko. Kagalang patse menakit kang tigre, salambitin kang patomba kang atse. Siguro itong si gobernador ay natataranta lang sa magkabi-kabilang puna ng media sa mga di umano ay kapalpakan niya at ng kanyang administradora. Ang bigat naman ng mga pananalitang iyan Aling Iska? Hindi ko ma-carry. Pero silang dalawa ng reyna, kering-keri? Ang kapalpakan at pagkataranta ay madaling lunasan, kailangan lang ay tunay na konsultasyon, marunong makinig at magtanong, bumasa ng sitwasyon at magaling manguna sa lahat ng pagkakataon. Higit sa lahat marunong tumanggap ng mali at magreporma sa sarili. Pero alam po ninyo, walang hospital at eskwelahan sa taong matigas ang ulo. Katulad ni Panlilio? Ayaw ko, Ka Isko, ng tanong na hindi ako sigurado. Kaya nga nagtatanong eh. Pero ito ang dapat nating tandaan, kung ang isang tao ay pumasok sa masalimuot na mundo ng pulitika, hindi siya dapat maging balat sibuyas at kung ayaw mong mapuna, pagbutihin mo ang pangangasiwa. Kung hindi mo naman kayang batahin ang mga puna, umalis ka sa pulitika, magbalik ka sa parokya o kung saan mo gustong pumunta. Eh, saan mo ba siya gustong pumunta, Aling Iska? Walang masama at makabubuti sa kanya na magsuot muli ng sutana para hanapin ang mga nawawalang tupa. May anak siya? Ewan ko. Tupa ang sinabi ko, hindi anak. Basta ako ang tinutukoy ko tupa ng simbahan na nangangailangan ng lingap at pagmamahal. Isa lang ang natitiyak natin, tayo’y hindi kayang pigilin sa pagsasabi ng totoo at magpaunlak sa pananaw ng masamang Kapampangan, masaktan na ang masaktan, mataranta man sila sa ngiti at kiliti. Basta isa lang aking natitiyak, ang taong walang sugat, hindi aaray at hindi iiyak. Brod, ikaw ba naman ay patas? Patas tayo ka Isko. Matapos nating iwagayway sa kaalaman ng Kapampangan na ang Pampanga ay pangwalo sa buong bansa sa larangan ng kalat at baho sa basura. Sinamahan natin ang gobernador sa Rodriguez, Rizal para mag-aral sa paanan ng Alkaldeng si Ping Cuerpo, na tubong Candaba sa pagsasaayos ng basura. Siyempre, ininterview ko siya ukol sa kanyang mga gagawing hakbang sa pagsugpo sa basura at lumabas naman sa pahayagan ang kaniyang panig. Nabawasan na ba ang problema sa basura? Gumawa na ba siya ng short and long term solution para lunasan ang lumalalang problema sa basura? Pero mayroon bang nangyari bukod sa kakamiting? Mayroon. Ano po, Aling iska? Ipinasa ng gobernador ang sisi sa iyong mayor. Dapat daw idemanda ang iyong alkalde dahil sa basura. Tama. Tamang-tamang mali. Diusmiyo Marimar, hanggang kailan, hanggang saan, titiisin natin ang ganyang bulok na isipan? Gumawa lang siya ng tama, mayroon tayong magandang balita, period.

No comments:

Post a Comment