Sunday, January 4, 2009

Oktubre 15

ALING ISKA, at ne pala king kaimpurtanti ing Oktubre akinse (15) king pamanungkulan ng Governor Eddie Panlilio. Ing gobernador a mainang tinalakad para king pamisanmetung. Pero masikan neman keng pamikawa-kawani ning probinsiyang Kapampangan.
Para kay Panlilio, ito rin eksaktong araw nang ilahad niya noong nakaraang taon ang ibinigay di umano sa kanyang P500,000 mula sa hindi niya kilalang tao sa MalacaƱang. Ang problema Aling Iska noon kay gob, naiuwi niya ang pera pero di niya inalam ang pangalan ng nagbigay at para saan ang datung. Atiu la pa kaya retang tutung perang dinuwang da kaya? Yang makibalu kanita?
Aling Iska, ano ang masasabi mo? Kahit hindi niya alam kung kanino talaga galing ang pera, importante sa gobernor mo, nakapagpasikat siya at pumatok naman sa media, tuloy lumaki ang ulo niya. At pinag-iisipan daw niya kung tatakbo siyang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Salamat sa datung. Hindi man nagasta, nagresulta naman ng lalong mas mahalaga, ang ikonsidera siyang katawa-tawang kandidato sa pagkapresidente. Diusmiyo Marimar, makapangilabut bulbul kilikili, uling dakal no naman ding makapakaili kandidatong presidenti keng 2010. Ano ang tawag sa sa kanila sa wikang Ingles, “Nuisance Candidate”. Sa Kapampangan, “makagiligit ka bolang.” Kareng bading, “eka makaliu, makasawa na ka rin muting”. Nandiyan ka na naman Aling Iska, wala ka ng pinikon kundi iyong dati ng pikon.
Sa seryosong pag-uusap, ang tunay na istorya na walang dagdag-bawas sa likod ng pinalaking kontrobersiya ng kalahating milyong pera ay inaasahan nating ibubunyag ni Archie Reyes, ang kanyang dating chief of staff. Ikaw ha, binigyan mo na naman ng alalahanin ang paboritong gobernor, Ka Isko. Ano ba talaga ang tunay na kuwento na kinikimkim ng kanyang dating konpidante? Abangan, mas malaking kuwento at siyempre, ito talaga ang tunay na kuwento na isasampa yata sa husgado. Ikaw talaga, Aling Iska lagi kang una sa balita. Ano bang klaseng storya yan, lusis o time bomb. Secret. Abangan ang susunod na kabanata.
Namamasyal ang isipan ni Panlilio, naghihinala siya sa motibo kung bakit ang pagsasampa ng recall petition ay naitapat din sa petsang Oktubre 15. Gob, isa lang ang ibig sabihin niyan, minumulto ka ng katotohanan at binabangungot ka ng kasinungalingan sa iyong isipan dahil sa palagay ko ikaw lang ang nag-iisip ng malisya sa araw na iyan.
Isa lang ang totoo, sa araw na ika-15 ng Oktubre, si Panlilio lang at ang kanyang pangangasiwang pinamahayan ng sari-saring kontrobersya ang paksa ng mga balita.
Sa umaga nang araw na iyan, libo-libong tao ang nagsumite sa Comelect ng 224,875 na pirma ng mga Kapampangan wala ng tiwala sa panunungkulan ng gobernador. Masigla, masaya at kapanapanabik.
Sa hapon, kahit umuulan, kulang sa tatlong daan katao ang nagmartsa patungo naman sa harap ng kapitolyo. Dala nila ang kanilang streamers kontra recall. Masigla, masaya, palaban kahit sila’y iilan lamang.
Sa araw na iyan, nakita natin ang dalawang mukha ng Pampanga na nilikha ng mga kontrobersiya kinasasangkutan ng gobernador na nangako ng mabuting pangangasiwa subakit sumemplang. Dahil alam lang niya ito sa salita, pero malayo sa katotohanan.

Mabuti bang pangangasiwa kung wala kang kasundong kapwa inihalal ng taong bayan? Mabuti bang hindi niya masulusyunan ang mga problemang kinakaharap ng probinsiya sa kapaligiran, sa kalusugan, sa kapayapaan, pagka-adik ng mga kabataan at ang lumalalang hidwaan maging sa tanggapang kanyang tuwirang pinangangasiwaan – ang kapitolyo dahil daw anila sa katigasan ng kaniyang ulo este ng kanyang paninindigan sa kung anong alam nila ni Dabu na tama kahit na magalit na ang buong probinsiya.

Ang sabi ng mga kapanalig at kambilan ni Panlilio siya raw ay sinisiraan lamang. Pero hindi ba sila nakakahalata, maging sila ay nauuto ng isinisigaw na good governance. Kung may good governance, wala sanang rally sa harap ng kapitolyo. Wala sanang recall petition na nilagdaan ng mahigit sa bilang ng mga bumoto kay Panlilio noong nakaraang halalan.

Ang good governance ay kapayapaan sa isipan at sa bayan. Ang good governance ay kaunlaran. Ang good governance ay tamang paglutas sa mga problema. Ang good governance ay ikaw, siya, tayong lahat sa ngalan ng pagkakaisa. Ang good governance ay ang pagsasabi ng totoo. Wala niyan si Panlilio, kaya walang good governance ngayon sa kapitolyo.

Iyan ang nakalap nating opinion, huwag po tayong pikon.

No comments:

Post a Comment