Sunday, January 4, 2009

Daan sa San Fernando at Arayat, pakiayos lang

Bakit kamo Aling Iska? Sukat ba namang lagyan ng mga tinamaan ng palakang lason ng concrete barrier ang harapan ng SM Pampanga? Kaya ayon, nagkabuwisit-buwisit na ang araw ng mga mall goers pati ng mga drivers. Nagkabuhol-buhol ang trapiko. Nagkabulol-bulol sa kakapito ang mga yellow boys.

Nang tanungin naman daw ang mga yellow boys kung bakit nagdagdag ng concrete barriers hanggang doon sa malapit sa arko ng Mexico, ang sagot daw ng mga kawawang cowboys, “order lang po.” Baka naman Aling Iska, disorder at hindi order ang nangyari sa trapiko?

Pusang gala, Aling Iska, ito kaya di umanong order ng city government ay may kaugnayan sa pagkapikon daw ng mga opisyal ng City Hall dahil sa hindi inaprubahan ng SM Pampanga ang kanilang kahilingan na bigyan sila ng 1.2-milyong pisong donasyon para sa Giant Lantern Festival? Ikaw ha, nang-iintriga ka naman, kainis ka.

Totoo kaya na nanatili lamang sa 1-milyong piso ang pinagtibay ng pangasiwaan ng SM Pampanga tulad ng dati na nilang nakaugaliang ibigay na tulong financial taon-taon? Eh, anong masama roon, dapat ngang magpasalamat sila sa halip na mainis dahil ito naman ay tulong lamang at hindi obligasyon.

Kung totoo ang insinuasyon ni Aling Iska, maaaring napikon nga sila at siguro bilang benggansa ay naglagay ng barikadang bato ang mga opisyal ng Lungsod ng San Fernando upang i-divert ang mga tao sa kabilang malls. Hindi naman siguro dahil karamihan naman sa City Hall ay mababait na tao? Hindi po ba Mayor Kokak?

Aling Iska, hindi po Mayor Kokak. Mayor Oca po.Ay. Oo nga pala. Ilang days na lang Pasko na. Pero ang kasunod na tanong, saan gaganapin ang Giant Lantern Festival? Sa SM o sa Robinsons? Kung walang nangyaring pikunan palagay ko sa SM Pampanga – ang dating tagpuan ng mga malalaking parol na ipinagmamalaki ng mga peace-loving Fernandinos.

Kung mayroon namang napipikon at may benggansa – tiyak sa Robinsons gaganapin ang taunang piyesta ng mga higanteng parol. Pero, ang lahat naman ng kay Aling Iska ay haka-haka, maaaring itanong ang eksaktong impormasyon sa mismong tanggapan ni Mayor Oca. Tama ba Aling Iska? Mas tama kung aalisin nila ang sanhi ng bumper to bumper na daloy ng trapiko – ang mga konretong bato na isinagad lampas sa Gate 2 ng SM Pampanga. Kay Aling Iska ay huwag mapikon, dahil ang pikon laging hilong talilong.

Kay Mayor Oca, alam po naming bibigyan ninyo ng bagong order ang nangyaring disorder, there, in front of SM Pampanga. Sa mga opisyales ng bayan ng Arayat lalo na sa mabait at masipag na si Mayor Luis Chito Espino, pakisabihan lang at pakitulungan na rin ang mga opisyal diyan sa Poblacion dahil sa ang kalyeng malapit sa munisipyo ay kadiri. Masangsang, mabaho at maitim ang tubig galing sa umaapaw na mga kanal na puno ng basura sa gilid ng kalsada.

Huwag na po nating hintaying may magsakit dahil sa dengue o leptospirosis o anumang respiratory at skin disease dahil lamang sa kapabayaan ng opisyal ng barangay na tamad aksyunan ang nagpuputik na maitim na tubig sa kalyeng ayaw malapit din sa Opisina ng Pelco.
Talagang maitim at nakakasulasok ang amoy ng kalye, kaya kung mapapadaan ka, siguradong yari ka!!!

Aling Iska, naniniwala tayong agad na aaksyunan iyan ni Mayor Chito.
Good Luck sa ating mga tampok na mayors, pakiaksyunan lang po. Thank you in advance.

No comments:

Post a Comment