Sa mga tunay na mananampalataya ng isang pangkatin ng relihiyon, napakasagrado ng pulpito dahil sa ito ay sumisimbulo sa kalinisan at kadalisayan ng mga salita ng Dakilang Lumikha. Subalit sa relihiyong kinagisnan halos ng lahat -- ang Katolisismo -- tila yata bumababa na ang uri ng pulpito. Nababastos, pinagsasamantalahan at ginagamit sa personal na interes partikular ng mga pulitiko para itaas ang kanilang sarili at atakihin ang iba na kalaban nila sa pulitika na karamihan naman ay kapwa nila Katoliko.
Nangangahulugan na ang pulpito ng simbahang Katoliko kahit ayaw ng mga Obispo ay nagagamit na rin para sa pagkakawatak-watak ng mga magkakapatid sa pananampalataya. Sa isang bukas na liham ng mga samahang Civil Society sa kanyang kabunyian, Arsobispo Paciano B. Aniceto, mariing inihayag nila ang pagkalungkot at malabis na pagkadismaya dahil sa naitala sa isang video ang malimit na paggamit ni Gobernador Eddie Panlilio sa pulpito partikular sa Parokya ng San Matias. Ang pulpito ng simbahang ito ay ginamit niyang tuntungan upang ipaliwanag ang kaniyang panig sa mainit na isyu ng recall laban sa kanya at pagpapasinungaling sa mga akusasyon laban sa kanya. Ginamit niya sa personal na pagpapakyut at paglalagay ng sungay sa mga kalaban niya sa pulitika.
Napag-alaman din na noon pang isang taon ginagamit ni Panlilio ang pulpito at ang mga isinasagawang misa para magsalita ukol sa pulitika at kanyang pangangasiwa sa Kapitolyo.Halimbawang may kapwa Katolikong tumayo rin sa simbahan sa gitna ng kanyang pagtatalumpati at hamunin siya sa isang mainitang debate, hindi kaya magkakagulo at magmistulang isang palengke ang dapat sana’y sagradong simbahan?Ang paggamit sa pulpito ng simbahan ng mga pulitikong may iba’t-ibang kulay ang budhi ay maaaring magbunga ng lalo pang pagkakabaha-bahagi at mainitang away ng mga parokyanong Katoliko.
Hindi ko alam kung ito ay pinahihintulutan na talaga ng mga tao sa simbahan na ipagamit ang sagradong pagtitipon para sa personal at pulitikal na interes ng mga pulitiko. Sa ganitong situwasyon, malinaw na nalalabag ang isang probisyon ng Saligang Batas -- ang pagkakahiwalay ng simbahan at ng estado dahil sa mistulang nagpapagamit na ang simbahan sa mga pulitikong nagpapatakbo sa pamahalaan kahit na personal na pagpapapogi na lang ang kanilang ipinangangalandakan sa pulpito ng simbahan.
Dahil sa pagbibigay ng pagkakataon kay Panlilio na gamitin ang pulpito, lumilitaw na hindi patas at may pinapanigan ang simbahan sa kanyang mga mananampalataya kung pulitika ang pinag-uusapan. Kaya masisisi ba natin ang mga civil society groups kung hilingin nila sa arsobispo na sila man ay pagbigyan ng simbahan para gisingin ang kamulatan ng mga Katoliko sa mga sinasabi nilang kasinungalingan at kawalang direksyon ni Panlilio sa pangangasiwa ng lalawigan?
Aling Iska, pumayag kaya ang arsobispo? Hindi!!! Itaga mo man sa bato. Nagagawa ni Panlilio na magsalita sa pulpito dahil sa matigas ang ulo. Nakikinig ba siya kay Apu Ceto? Ewan ko. Kung nakikinig siya, pari pa siya ngayon at wala sanang kontrobersiya na nakakaladkad pati ang pagkakawatak-watak ng simbahan at ng mga kaparian sa isyu ng kanyang mahinang panunungkulan.Gob, kahit hindi po ninyo gamitin ang pulpito alam na ni Ka Isko at Aling Iska ang tunay na kulay ng inyong motibo sa paggogobyerno. I Aling Iska pa, katalas na. Kung nasaktan po kayo, pagpasensiyahan po ninyo, nagsasabi lang po tayo ng ating saloobin sa mga totoong pangyayari.

No comments:
Post a Comment