MAGANDANG magandang araw sa po sa inyo na may hawak ng diaryong ito at bumabasa sa mga mapanuring kuwento at komento ng inyong mga paboritong sina Aling Iska at Ka Isko.
Aling Iska, bumati ka naman diyan. Maaari ko bang batiin si Ginang Maria Restinia Regala Panlilio ng Sta. Rita, Minalin? Mayap a aldo pu ke kayu madam. Y Madam pu pala metung yang respetadong head teacher ka rin king balen Minalin. Payabut mi pu ke kayu ing kekaming respeto.
Eh, bakit naman Ka Isko na napakaimportante naman yata ni Madam Panlilio? Eh, kasi ayon sa balita, kabilang na siya sa mga libo-libong pumirma ng recall petisyon. Eh, ano naman po ngayon Aling Iska kung pumirma siya? Sino po ba siya? At saka marami naman talagang gustong pumirma, hindi po ba?
Pusang gala, akala ko ba magaling ka sa balita? Ba’t hindi mo alam ang totoong kuwento? Na ano po? Huwag kang maingay ha. Ito palang si Madam Restinia Regala Panlilio ay madrasta o stepmom ni Eddie Panlilio, dating pari na ngayon ay gobernador. Oh, totoo po Aling Iska? Hindi po ba kayo nagsisinungaling? Bakit anong palagay mo sa akin? Kamukha niyang nagsisinungaling? Ay opo, ay hindi po.
Iwanan nga po muna natin si Aling Iska. Ka Isko, ikaw naman, bati ka. Oh diyusmiyong bata ito, oh! Hindi po, bumati kayo. Binabati ko una, ikaw na bumabasa ngayon. Ako po? Oo ikaw, sino po bang bumabasa kundi ikaw, gaga!
Tapos iyong mga fans namin sa kapitolyo partikular iyong mga nasa opisina ni Vice Governor Yeng Guiao. Si mommy, si Belle, si Millet, si Kong Art at marami pang iba. Diyan naman sa opisina ni Board Member Ricardo Yabut, magandang alon kay Grace at Mark Joseph De Leon. Salamat sa inyong pagtangkilik.
O sige, Aling Iska ikaw naman. Ibubulong ko sa iyo ha. Ito palang si Madam Panlilio na ina-inahan ni Governor Panlilio ay pumirma sa recall. Oo nga po, sinabi niyo na kanina. Bakit daw po? Kasi pala, hindi siya natutuwa sa ginawa ng kanyang anak-anakan.
Tinalikdan daw niya ang kanyang pangako sa Kaitaasan, at hinarap ang masalimuot na pulitika ng sanlibutan. Tapos sinabi pa daw niya, one man rule ang kapitolyo. Napakasakit kuya Eddie ang sinapit ng kanyang kasaysayan, pati ina-inahan, hindi na siya pinagtitiwalaan.
Eh kaya, ano nangyari sa kanya? Sa madrasta? Hindi po sa anak-anakan? Eto, nahaharap siya ngayon sa gabundok na pirma ng mga taong kontra sa kanya kasama na ang kanyang madrasta.
Alam mo Aling Iska, hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa kasi nakapanghihinayang. Sana hindi na lang siya tumalikod sa una niyang pangako sa Simbahan.
Bakit naman? Kasi ngayong gobernador siya, lahat ng pangako niya sumesemplang, palpak at wala yatang pupuntahan kung hindi sa kawalan sa kangkungan.
Nakakalungkot nga, Aling Iska. Eh, ano naman iyong nakakatuwa? Dahil ang sweet sweet ng photo nila sa harap ng kapitolyo. Para silang pinagbiyak na bunga ng langka? Biro lang, huwag pong pikon.
Pero nakakalungkot din Aling Iska, kasi nahalata, nairita at nagsampa? Saan sumampa? Sa kama? Hindi sa piskalya. Sinampahan nila ng kasong paninirang puri dahil sa malisyoso daw ang kanilang sweet photo tapos ibinilad pa sa harap ng kapitolyo. Nakakahiya. Sino? Hindi po iyong litrato, kundi iyong berde ang utak, iyong nag-iisip ng malisya. Talagang mali siya.
Bakit naman Aling Iska? Kasi kapagka nakabilad ang larawan nilang dalawa sa harap ng kapitolyo, madaling marerecall ang pangalan niya pati ang sweet photo nila dahil sa recall election mahalaga ang name recall. Ah, ganoon ba? Malinaw o magulo? Ewan ko.
Diyan po nagtatapos ang ating kuwento, hanggang sa muli, ito po ang inyong mga kaibigan sa pahayagan. Thank you.
No comments:
Post a Comment