Sunday, January 4, 2009

He who laughs last, laughs best

You know, brod, this move of the commission is expected because they have only P5 million in funds available. Siyempre sa umpisa ba alam na ng Comelec na maraming magsusumite ng recall petition? Aling Iska, ano na ang mangyayari? For me, this is a temporary setback. Kailangan lang matutukan ang Comelec para mabilis na umaksiyon sa ikapagkakaroon ng pondo sa recall election.

Aling Iska, magkagayon man, batiin mo si Panlilio. Good morning gob, ikaw ba ay kilig to the bones? Alam kong hindi mo gusto iyan dahil sinabi mo sa akin, ang gusto mo ay magkarecall election dahil anyway you told me at a Robinsons affair that you are an automatic candidate. Let’s do it, sabi mo pa nga. Pero alam kong sa pagkakataong yaon ay hindi ka nagsasabi ng totoo, nagbibiro ka ba noon o nagsisinungaling? Kasi pagkatapos ng ilang araw nagbago ka, no to recall na ang panawagan.

For sure ngayon para kang nabunutan ng tinik, pero don’t be so confident. Baka hindi tinik ang malulon. Eh ano? Tinidor. Biro lang, baka ka mapikon. Pero alam kong nakakahinga ka ngayon ng maluwag. Sige lang enjoy, tawa pa, ngiti pa kasi baka bukas, makalawa, baka may pondo na. Naniniwala ka ba sa kasabihang, “He who laughs last, laughs best?”

That suspension order is a chain reaction of the Comelec due to the insufficiency of funds. Pero siyempre, Aling Iska, ang recall ay isang karapatan na ginagarantiyahan ng ating saligang batas. Obligado na maghanap ang Comelec ng pondo para rito. Don’t be in a hurry, in his time before the May 2009 deadline, magaganap ang inyong inaasahang recall election. Naniniwala tayo na gagawan ng paraan iyan ng Comelec para matupad ang kanilang mandato na igagalang nila ang anumang karapatan ng mga Filipino na nasasaad sa Constitution gaya ng recall.

Hindi ibig sabihin na suspindido ang pagdinig sa recall petition laban kay Eddie Panlilio ay panalo na at dapat magsaya ang gobernador. Dapat ngang malungkot siya dahil hindi niya agad mapatutunayan sa kanyang sarili na mas marami na pala ang mga taong isinusuka siya dahil sa kawalan ng pagtitiwala sa kanyang pangangasiwa.

Sa bandang huli ang kagustuhan ng higit na nakararaming mamamayan ng Pampanga ang mananaig. Kung hindi ngayon ang panahon na para sa iyo, may bukas pang naghihintay para i-recall ka. Huwag mawawalan ng pag-asa, bukas makalawa may pondo na. Hindi ba kanta iyan? Sige nga ulitin niyo.

Pusang gala, Aling Iska, para sa akin dahil sa malaki at matibay ang batayan ng recall sa Pampanga, walang magiging hadlang para hindi managumpay ang kagustuhan ng mga Kapampangan na hamunin si Panlilio sa halalan sa unang kuwartero ng susunod na taon. Just relax, wait and see what will happen next. Kasi kahit pansamantalang sinuspinde ng Comelec ang recall, nananatili pa rin ang katotohanan na matibay, lalong tumatatag at nanggigigil ang mahigit sa 200,000 petitioners sa kanilang conviction na walang mararating ang Pampanga sa ilalim ng isang mahinang liderato.

Kaya’t sila ay patuloy na kikilos upang kalampagin ang Comelec para maghanap ng pondo para maisakatuparan ang karapatan sa recall ng mga mamamayan na ayaw na sa kasinungalingan at kawalang direksyon sa panunungkulan.
Somebody from the capitol told Aling Iska: If there strife, if there is division, there is Satan. At the capitol, there is strife, there is division but who is Satan? Ba, itanong mo kay Panlilio sa kaniyang paboritong babae sa kapitolyo at sa kanilang anghel na bukud na pinagpala sa lalaking lahat.

No comments:

Post a Comment