Totoo na ipinagbabawal yata ang pagdaan diyan ng mga heavy equipment at vehicles dahil tila yata substandard ang pagkakagawa ng tulay diyan sa San Luis. Hindi natin masisisi si Mayor Jayson Sagum kung mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagdaraan ng mga mabibigat na sasakyan. Dahil kung masisira yan, siya rin ang puputukan dahil siya ang punong bayan.
Pero natitiyak at kilala ko si Dr. Jay, ayaw na ayaw niyang may nangongotong na pulis, dahil sa gusto niyang manatili ang imahe ng San Luis na payapa at malinis.
Pero ayon sa mga drivers, idinadahilan daw si Mayor Jayson Sagum ng mga pulis na dapat daw ay sa kanya muna magpaalam bago dumaan. Pero tila yata may “exempted.” Kapag ang driver ay may P500, mabilis pa sa ibong wis, makakaraan ka sa San Luis. Lagot kang kotong pulis ka dahil sa alam na ni Dr. Jay kung sino ka. Kaya kung puwede itigil na ang gawang pangongotong. Tong, tong, pakitong-kitong sa San Luis, may pulis na nangongotong. Sa halagang barya-barya, pulis na buwaya ay gusto na kahit labagin ang kautusan ng punong bayan at labagin at patakaran ng kapulisan. Okay na sana kayo as you just simply follow an order from the boss.
Pero ang masama, Aling Iska, kinalimutan si Dr. Jay sa kaunting barya. Pinadaan na ang sasakyan dahil sa nakakolekta na. Ang masakit sa driver, pangalan ng kotong pulis ay hindi nalaman, dahil nakalimbag na pangalan ay tinakpan.
Aling Iska, kung ayaw ni Dr. Jay ang ginagawa ng pulis sa San Luis, lalo naman sigurong ayaw ni Pampanga Police Director , na mabalitaan na sa maliit na bayan ng San Luis ay may kotong pulis. PD, ustu ya ba?
Pakiimbestigahan lang po Director Singian kung totoo ang balitang nakalap ni Aling Iska. Balitaan mo naman si Aling Iska kung may development na ang inaasahan naming pag-iimbestiga. Tiyak naman siguro, na hindi alam ni hepe yan? Ikalabing isang utos, huwag pahuhuli. Ikalabing dalawa, kung mahuli, huwag aminin.
Sa panig naman ni Dr. Jay, nangako rin siyang iimbestigahan ang naturang insidente sa oras na malaman ang pangalan ng pulis at kung kailan naganap ang kotongan sa kanyang bayan.
Sa mga pulis San Luis, okay na sana kayo dahil sa madalang lang na may nauulat na krimen sa inyong nasasakupan. Pero huwag naman ninyong sirain ang magandang imahe ng San Luis dahil lang sa kaunting kotong.
Sa DPWH, bakit naman hindi maaaring daanan ang tulay na ginawa ninyo? Hindi ba, balita ko, mahigit sa isang daang milyong piso ang ginawa ninyong tulay diyan? Kung hindi makakadaan ang mga payloader, bulldozer, dump truck, pison, saan sila dadaan at paano nagawa iyang tulay na iyan kung hindi maaaring daanan ang tulay at kalsada ng San Luis? O, baka naman selective ang pagpapatupad ninyo ng batas? Kung may pinagtibay na batas ang bayan, pakiklaro lang, kasi malabo at kontradiksyon ang sitwasyon ng mga nagdaraang dump truck at heavy equipment.
Sa mga drivers at operators, huwag naman kayong mag-overloading kasi nga may anti-overloading law na ipinatutupad ang DPWH at LTO. Ewan ko kung deputized ang mga pulis ng San Luis. Bato-bato sa langit, ang pumutak guilty.

No comments:
Post a Comment