Sunday, January 4, 2009

Kandidato sa Recall

Susmariosep Marimar, Aling Iska, puwede bang tumakbo si Ka Isko? Diyusmiyong bata ka, kahit sinong ilaban mo kay Governor Eddie Panlilio, kahit iyon lang tindero ng fishball sa kanto, puwedeng manalo sa lotto. Hindi po lotto ang pinag-uusapan, Aling Iska. Pagtakbo sa recall eleksyon. Eleksyon ba ka ‘mo? O eh, siyempre si Panlilio siguradong kakandidato pero malabo na yatang manalo?

Eh, bakit naman nasabi mo iyan, Aling Iska? Diyusmiyo kang bata ka, hindi mo ba alam ang balita? Si Dabu na lang, si Eddie, mga militante at ang ilang kalaban ng mga kasalukuyang mayor kontra Panlilio ang sumusuporta sa kanya.
Tingnan mo iyang si Brother Eddie. Si Eddie Gil? Hindi, si Brother Eddie. Iyong laging kumakausap kay Panlilio sa TV tungkol sa imahinasyong good governance sa Pampanga. Ah, oo, siya iyong natalong kandidato sa pagkapresidente. Utong-uto nga si brother Eddie kay Gob Eddie. Simplehan mo naman, masyado ka namang sarcastic, Aling Iska.
O sige, ano ang gusto ni Gob Eddie na gusto rin ni brother Eddie at Eddie Gil? Ooops alam ko iyan. Gusto nilang maging presidente ng Republika ng Pilipinas. Very good answer. O kala ko sasabihin mo, very good governance? Diyang ditak…
Tingnan mo noong No-to-Recall rally, ang gusto nilang bilang ay 1,500 sila. Pero sa pagbibilang ni Aling Iska, may litrato pa siya, uy, kulang sila sa 300. Ikit at balu da na reng tau nung pilan la, bisa la pang maglaram. Siyempre, “like supporters like father.”

Puntahan naman natin ang mga mayor-not-yet sa lalawigan. Alam ba ninyong sa isyu ng recall sila’y sumasakay? Kontodo suporta kunwari sa gobernador pero ang totoo gagamitin nila si Panlilio para sa kanilang personal na interes sa 2010. Baka nga naman maambunan sa galing ni Panlilio sa paggawa ng gawa-gawang kuwento ng good governance.

Ito naman ang tanong Aling Iska, sino ang gusto mong maglaban sa recall eleksyon? Ba, magandang tanong iyan ha. Siyempre si tatay at si nanay, huwag na nating isali ang anak, tapos na iyon. Hindi mo ba napansin, nasubukan na natin ang anak, sinusubakan natin ngayon ang ama, puwede sigurong subukan naman natin ang ina.
Sa ngalan ng anak, ng ama, nakakasawa na, puro sila kontrobersiya. Puwede kayang si nanay naman?

Ang isang nanay kasi alam niya ang pangangailangan ng pamilyang Kapampangan. Marami na siyang karanasan sa pagtulong sa mga nangangailangan. Bakit hindi natin subukan, tutal nasubukan na natin ang anak ni Leon. Ang ama. Nino? Ewan ko. Hindi po iyong dating ama ng parokya. Ano ang nangyari? Iyong isa, mayroon daw nawalang koleksyon, iyong ama, may karanasan sa pangongoleksyon sa simbahan kaya may koleksyon. Ang kanyang mga nakolekta ay ang mga sumusunod: nagtambakang basura, sandamakmak na problema at kontrobersya at 224, 875 na pirma na ayaw na sa kanya dahil sa kawalang tiwala sa kanyang napakahinang pangangasiwa.

Totoo na pagkatapos ng halalan noong 2007, marami ang nawalan ng buhay. Sila iyong mga pasyente ng dialysis at chemoteraphy dahil sa sakit na diabetes, bato sa bato, may cancer at iba pang may karamdaman dahil sa nahiya na rin sigurong lumapit kay nanay.

Pero ang balita, kahit si nanay ay wala na sa pampublikong serbisyo, patuloy pa rin ang pagtulong niya sa mga kapuspalad at may karamdaman sa kanyang sariling paraan at kakayanan.
E, ano ngayon Aling Iska? Palagay ko brod, kung hindi available si coach, si nanay na lang para sa probinsiyang Kapampangan. Pagtulungan na lang nila ni coach ang nalalabi pang panahon bago ang 2010 para sa kaunlaran at tunay na pagkakaisa.

No comments:

Post a Comment