Ang milyong koleksyon ng mga Balas boys ang ipinagmamalaki ng gobernador na “good governance” at ipinagyayabang niya sa buong bansa na siya lang ang tanging gobernador na nakapagpatala ng milyong-milyong koleksiyon. Talaga bang maiksi ang sa kanya, Aling Iska? Ba, ba-ba-ba! Wala akong alam diyan. Hindi ko pa nakita iyan. Pusang gala, huwag mo namang biruin ang usapan. Ang ibig sabihin ni Ka Isko, kapag ang batisan ay maingay, tiyak na mababaw. Lalo yatang lumabo. Linawin nga natin ang usapan. Linawin mo nga ang tanong Ka Isko, parang di ma-gets ni Impong Iska. Ganito iyan, bukod sa mga Lapid, mayroon na bang ibang gobernador ang umupo sa kapitolyo bukod kay Panlilio? Mayroon. Malapit na. Hindi ba? Aling Iska naman, suspense iyan. Sa 2009 pa iyon. Ang tanong buhat ng bumaba sa puwesto ang mga Lapid, mayroon na bang ibang namuno sa probinsya? Wala pa, siya lang. Kaya hindi niya dapat ikumpara ang kanyang sarili sa iba dahil wala pang iba. Dapat magduda ang Kapampangan, bakit ang koleksyon sa quarry ng dating among ay bumubulusok pababa buwan-buwan? Bumalik na ba ang hokus-pokus ng mga sindikato sa quarrying? Ito ang tanong ng kanyang dating KONSENSIYA, kaya humihingi sila ng malalimang imbestigasyon sa Sangguniang Panlalawigan. Isa pa, ang mga taong nasa likod ng pagsikat ng dating among sa quarry koleksyon ay ang mga magigiting na Balas boys. Sila po ngayon ang nangunguna sa pagpapababa sa kanila sa puwesto dahil sa anila’y hindi tamang administrasyon ni Dabu at ng dating among. Ngayon ay parang naglalaro ng tug-of-war ang mga Balas at GSO boys sa harap ng kapitolyo. Kawawa naman sila. Para silang mga robot na pinaglalaruan ni Panlilio at ni Dabu masunod lang kanilang kagustuhang baklasin ang mapanira at malisyoso raw na ‘sweet’ photo. Ang pagiging malisyoso ng sweet na litrato ay kumporme sa tumitingin. Sabi nga, “beauty is in the eyes of the beholder”. Sa paningin ng mga Balas boys, ito ay isang karapatan at kalayaan. Sa pananaw ni Panlilio at ni Dabu, mapanira at may malisya. Pusang gala, Aling Iska hindi lang ba malisyoso ang kanilang tingin, berde rin ba ang kanilang luntiang isipan kaya mga streamers at litrato’y gustong baklasin? Ano ba talaga ang gusto ng Balas boys? Ayon sa kanilang nag-aalab na sigaw, magbalot-balot na sila sa kapitolyo dahil sila raw ay mga ‘indesirables’. Ano ibig sabihin noon Aling Iska? Kumain sila ng balot para lumakas ang kanilang tuhod at maging desirables. Mali, hindi ganoon. Ang gusto ng mga Balas boys, bumaba na si Panlilio sa itaas ni Dabu. Bumaba na sila sa puwesto! Ang gusto naman ni Dabu, umalis na sila sa harap ng kapitolyo dahil sa sila raw ay nag-iiskandalo. Kung hindi naman totoo bakit sila Dabu at Panlilio ay nag-aalburuto? Kung hindi sila apektado, bakit sila atat na atat na gambalain ang malayang paghahayag ng Balas boys ng kanilang mga nag-aalab na damdamin. Ang ating bansa ay isang bansang malaya. Ginagarantiyahan ng ating saligang batas ang ating karapatan sa pamamahayag. Wala na tayo sa panahon ng kastila at sa madilim na yugto ng ‘martial law’. Hindi dapat sikilin ang ating kalayaan sa kagustuhan at kapritso lang ng iilan. Kung ang ating mga inihalal na tagapanguna ay maramdamin, mabuti pang magbitiw na lang sila sa kanilang sinumpaang tungkulin. Nang sila ay pumasok sa pulitika at hinirang ng maging tagapaglingkod bayan, inilagay na nila ang kanilang sarili sa mapagsuring pananaw at mapanuligsang isipan ng ibat-ibang sektor ng lipunan. Hindi ito dapat ikapikon, ni ikainis ng mga taong nasa pamahalaan, dapat itong ituring na salamin na umuuri sa takbo ng kanilang pangangasiwa kung ito ba ay may direksyon o wala. Ang batayan ng mahusay na pangangasiwa ay hindi iyon lamang nasa kanilang paningin, higit sa lahat dapat bigyan na mas mahalagang bigat ang pananaw ng taong bayan. Panlilio and Dabu should know how to read between the lines. Baka sila mabangga at humantong sa kangkungan. Kawawa naman. Lagi po nating tatandaan, ang pikon – mukhang pop-corn
No comments:
Post a Comment