Ito ang lalong nagpapatindi sa prinsipyo na ang tunay na may kapangyarihan sa pangangasiwa ay ang mismong mga mamamayan. Ang mga tao na siyang naglagay ng mga halal na pinuno ay siya ring may karapatan magtanggal sa mga maykapangyarihan matapos na sila ay mawalan ng kumpiyansa at tiwala.
Sa Pampanga, naisumite na sa Comelec ang recall petition at ang 224,875 na lagda ng mga petisyoners para pag-aralan ang sustansiya at merito ng petisyon. Subalit Aling Iska, ang umuugong na balita ay ang kawalan ng sapat na pondo ng Comelec para tugunan ang gastos kung matutuloy ang recall eleksyon. Sa iyong palagay, dapat ba na ang recall eleksyon ay ibasura dahil lang sa walang pera ang Comelec?
Pusang gala Aling Iska, hindi mo ba alam na may pera sa basura? Hindi ba’t ang Pampanga pang-walo sa buong bansa na may pinakamaraming basura? Opo, Aling Iska, iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit nirerekol si Governor dahil sa dami ng basurang estratehiya at bulok raw na pangangasiwa sa Pampanga.
Aling Iska, lumilinaw na gumugulo ang ating paksa. Ang storya, ang Comelec walang pera hindi basura. Hindi ka lang makulit, Aling Iska, bingi ka pa yata. Bat naman mag-aamoy basura, mukha ngang laging guaping, kasi mahilig sa taping? Panoorin mo man sa magkalabang television station. Siyempre naman, simula na ng kanyang station of the cross, nagbabakasakali na talagang walang pondo para manatili siya sa puwesto.
Aling Iska, ang mga kapatid nating Kapampangan, 224, 875 ang kabilangan ay nakakita ng liwanag sa kawalang pondo ng Commission on Elections. Ayon kay Ka Isko, ang pondo ay hindi manggagaling kay Makee Pangan, lalo namang hindi kay Dan U. Pan. E saan nga? Sa kaban ng lalawigan. Oh? Ewan ko ha. Hindi siguradong papayag si Governor. Para siyang nagrequest ng martilyong ipupukpok sa kanyang ulo. That’s impossible, men. Bakit, nasisiraan na ba ang gobernador para pondohan ang rekol eleksyon? Bakit si governor lang ba ang may karapatan sa pondo ng lalawigan?
Diyusmiyo Marimar, hindi mo ba alam, na nang ihalal natin ang mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan ay siyang gumawa ng mga batas at palatuntunan kung paano at saan ilalaan ang pondo ng lalawigan?
Ang balita, solidong ipapasa ng mga bokal at ng bise governador na si Yeng Guiao, team coach ng Philippine National Basketball Team (we are proud of you!) ang isang ordinansa na maglalaan ng 25-milyong piso pondo kung matutuloy ang eleksyon na gagamitin ng Commission on Elections.
Anong basehan nila sa pagpasa ng ordinansa? Ang kagustuhan ng 224,875 na Kapampangan na lumagda sa recall petition na higit ang bilang kaysa sa mga bumoto kay Panlilio noong nakaraang eleksyon. Ang pagpasa ng batas, of course, ay mahigpit na tututulan ng gobernador dahil sa wala na rin siguro siyang tiwala sa kanyang sarili na muli niyang mauuto ang mga Kapampangan. Kung siya ay may tiwala na pinagtitiwalaan pa siya ng higit na nakararaming Kapampangan, bakit hindi niya hayaang umiral ang batas sa recall at pondohan ito para magkaalaman na kung siya’y may karisma pa o wala na?
Pero sa mga lumalabas na reaksyon niya, ayaw niya, galit siya. Baka naman kaya Atty. Dabu, nanginginig na ang kanyang tuhod? Bakit hindi siya bumili ng balot para tumigas ang tuhod? Ikaw, naman Aling Iska, panggasolina nga wala, balot pa kaya? Kung ayaw niyang magbalot-balot sa kapitolyo, hayaan naman sanang magpasya ang taong bayan sa balota kung sino talaga ang gusto nilang maging gobernador ng Pampanga.
Kasi parang ang mangyayari, ayaw ni Panlilio na magsalita ang bayan sa balota, kaya maaaring gagawin nila ang lahat para mabinbin at hindi na matuloy ang recall election sa pamamagitan ng pagpigil sa pondong laan ng Sanggunian para lamang masunod ang kagustuhan ng taong bayan.
Kung ganoon ang iniisip ng gobernador, talaga sigurong nanginginig na sa sobrang kaba baka nga naman gov na tumaob pa. Pero kung papayagan niyang marelease ang pondo ng recall mula sa kapitolyo, ibig sabihin, itong si Panlilio ay isang sport at maginoong tao. Kung hindi naman, talaga sigurong makapal at matigas at kapit tuko sa kalasingan sa kapangyarihan?
Pero gayon pa man, mayroon naman sigurong paraan para matuloy ang halalan. Don’t worry, be happy. Malapit ng magkaalaman ng baraha. Taya ka!

No comments:
Post a Comment