Alam mo Aling Iska, hindi naman sa ipinagtatanggol natin ang kapulisan partikular itong si Senior Superintendent Ernald Keith Singian, officer-in-charge ng Pampanga Police Office, pero tila yata hindi makatarungan at patas sa kanila ang mga naging akusasyon ni Governor Eddie Panlilio sa ating kapulisan.
Sa salaysay ni Panlilio, sinabi nito na inutil at walang kakuwenta-kuwenta ang ating kapulisan dahil sa puwersahan na raw na pinasok ang opisina ng gobernador at ang kanyang buhay ay nalagay sa panganib kasama ng kanyang mga pamangkin na bumisita sa kanya ay wala pang ginawang pag-aresto ang kapulisan.
Ito kaya ay totoo o salat sa katotohanan? Ano ba talaga ang tunay na nangyari, Aling Iska? Eto, ang balita, totoo na may nagprotesta na gustong makipag-usap kay governor. Nakipag-usap ba naman si Among? Hindi, nagkulong daw sa opisina at hindi hinarap ang mga ralyista. Malaki nga ang dinadala niyang problema.
Hindi ba sabi niya ang kapitolyo ay gagawin niyang laging bukas para sa mga Kapampangan? Bakit siya nagtago? Sarado na ba ang kanyang tanggapan sa mga taong gusto siyang makausap? Ibig bang sabihin namimili na siya ng bisita? Hindi na ba siya ma-reach? Oo, mayroon siyang iniiwasan? “Ing kapitolyo ibuklat taya karing tao at pakakalulu.” Etcheng mo!!! Nung biklat me
Sigurado, mayroon siyang sinalita sa mga ralyista, na hindi niya ginawa. Kaya ayon nagkulong sa opisina, para nga naman hindi mapahiya.
Isa pa, hindi naman pala totoo na kinalabog at hinambalos ang kanyang napakaimportanteng pintuan at pati ng kanyang administradora at walang nangyaring kaguluhan sa loob ng mga tanggapan ng kapitolyo.
Ang mga ralyista ayon sa mga nakasaksi ay iniskortan pa ng kanyang sariling civil security escorts patungo sa tanggapan ng gobernador kaya walang pagkakataon na malagay sa panganib ang buhay ng gobernador o ng kanyang administradora.
Alam mo Aling Iska, kung minsan may pagkakatulad kayo ni Panlilio? Ano iyon, bro? Parehas kayong magkuwento. Eksaherado. Ken kata mipate, bro? Ako, base sa totoo. Eh si Panlilio? Itanong mo, sigurado, base sa imbento ang kanyang kathang kuwento.
Isa pa, hindi naman pala dapat masaktan ang kanyang mga pamangkin kung hindi sila nagsimula ng away, sukat ba namang alisin ang mga posters at streamers na nagpapahayag ng damdamin at karapatan sa pamamahayag ng mga Balas Boys doon mismo sa lugar na ideneklarang
Pero, eto ang totoo, matagal na at lantarang inaayawan ni Panlilio si Colonel Singian kasi ang gusto niya atang mamuno sa kapulisan ay hindi isang Kapampangan. Kaya siguro naghahanap siya ng butas sa batas.
Kita mo naman, dahil sa marubdob na hangaring patalsikin niya si Singian, ang ginawa niya, dinala niya ng personal ang kanyang petisyon sa tanggapan ng PNP Crame at DILG Central Office.
Hindi ba dapat magpasalamat siya kay Singian dahil napayapa ang situwasyon sa kapitolyo dahil na rin sa presensiya ng kapulisan?
Ba’t naman siya magpapasalamat? Ang gusto ni Panlilio, hulihin at arestuhin ang mga ralyista at ang mga nakaenkuwentro ng kanyang mga kamag-anak?
Alam mo sabi nga ni Singian, “they are upholding the rule of law and not of men.” Bakit naman nila aarestuhin ang mga ralyista? May ginawa ba silang labag sa batas? Ginawa lang nila ang kanilang karapatan sa ilalim ng batas –ang karapatan sa pagtitipon at sa pamamahayag. Isa pa, Aling Iska, nasa panahon ba tayo ng martial law na ang umiiral ay ang batas militar at kamay na bakal?
Ang buong katungkulan ng ating kapulisan ay protektahan ang buhay at kaligtasan hindi lamang ng mga pulitiko at opisyal ng pamahalaan kundi kailangan din namang igalang nila at protektahan ang karapatan ng mga tao sa ilalim ng ating saligang batas.
At iyan sa pananaw ni Aling Iska ay magiting na isinagawa ng ating kapulisan. Kaya kay Singian at sa ating kapulisan, “job well done.” Saludo kami sa inyo. Keep up the good work men. Kay Gob-Among, bawal ang pikon.
No comments:
Post a Comment