Sunday, January 4, 2009

Protesta sa kapitolyo ng Pampanga

Alam mo kung minsan talaga, masakit ang ganyang paratang pero ang may sugat lamang ang dapat masaktan. Sa may Benigno Hall kahapon, ang dami talagang tao. May sumisigaw, nagkukuwentuhan. Tila yata may dating kasamahang inirereklamo ang mga miyembro ng Federation of Pampanga Truckers, Incorporated.

Ba, ayaw sanang makibalita ni Aling Iska, pero nahikayat, dahil ayaw niya sa taong swapang. Pero nang makita niya si Mike, nakapagsalita siya ng “in fairness,” mas guwapo siya kay Mike Enriquez. Mukhang disente at malinis. Paki-describe mo nga Aling Iska ang hitsura ni Mike Swapang? Correction please, ang apelyido ni Mike ay Tapang at hindi Swapang. Kaya tama iyong sabi noong isa pang T-shirt, “Mike maTapang ang Mukha.”

Ba in fairness, ang mukha niya’y talagang may dating, super gwaping, kalaglag panting nangingitim. Huwag mong aamuyin, ikaw ay tiyak na hihimatayin sa panting suot ng bading.
Pero bakit naman kasi iniintriga si Mike kay Atty. Vi? Anang isang sulat na ikinalat sa Kapitolyo, “Hindi kaya sila sosyo ni Mike Tapang sa Suretrax? Kung ganoon, ano ang relasyon nilang dalawa? May namamagitan ba sa kanila?” Anang isa pa, tila yata sila’y sosyo sa isang kumpanya na kokolekta ng P20 kada kubikong buhangin? Ba, magpapayaman ba sila? Aling Iska, ano ang masasabi mo? “Ganito iyan, sa aking opinion, bakit kailangang makisosyo ni Dabu? Mayroon ba siyang pinaglalaanan? Ang balita ay simpleng tao lang siya. Not unless may plano siyang tumakbo bilang Congresswoman ng Segunda distrito ng Pampanga? Kahit papaano kailangang may ipon ka, hindi ba?”

Sa karkula ng Pampanga truckers, ang eskemang ito ng sinasabi nilang kumpanya ni Mike ay kikita ng P1.5 milyong piso kada araw. Kung gayon Aling Iska, ang planong iyan ay dapat mong siyasatin, magandang paksa sa iyong investigative journalism, hanep!
Aro, Diyusmiyo, ayaw ko sa taong tsismoso. Ba, mag-aaway tayo diyan. Bakit Aling Iska, may masama ba sa nagtatanong? Ang sabi ng lolo ko, ang taong nagtatanong, marunong. Ang taong pikon, mukhang hipon.

Pero, ano ba talaga ang ayaw ng mga opisyales ng Federation of Pampanga Truckers? Nagtataka at naiinis sila Aling Iska, kung bakit hindi naman nila inihalal si Mike bagkus ay inialis siya sa pagkapangulo ng Pampanga Truckers ay nailagay pa na representante nila sa Technical Working Group (TWG) na gagawa ng mga alituntuning magpapatupad sa pinagtibay na Ordinansa 261 na mag-reregulate sa paghakot ng buhangin sa probinsiya?

Hindi ba dapat ay maghalalal muna ang federasyon mula sa kanilang hanay kung sino ang magrerepresenta sa kanila sa TWG? Ba, unang una, si Mike ay matapat sigurong kaalyansa ng hari at reyna? Kaya naman si Mike ay may karapatang maging matapang at sobra naman kung totoong swapang din sa kapangyarihan?

Aling Iska, sino ang dapat magrepresenta sa mga truckers? Siyempre, iyong presidente o sinumang itinalagang representante hindi ni Dabu o ni Panlilio kundi ng federasyon.
Sa dinig ko naman kay Panlilio, kailangan niyang ipatupad ang ordinansa kundi ay madaragdagan na naman daw ang kanyang kaso sa Ombudsman. Kawawa naman.

No comments:

Post a Comment