Subalit, Aling Iska, in fairness kay dating Congressman Juan Pablo “Rimpy” Bondoc, nabigyan siya hindi ng pondo sa fertilizer kundi ng katibayan mula sa Kagawaran ng Pagsasaka na wala siyang tinanggap na kahit na ano mula sa naturang Fertilizer Fund. Sa palagay mo Aling Iska, kailangan bang kumuha rin ang ibang dati at kasalukuyang congressmen ng certification sa kagawaran para alisin sa isipan ng taong bayan na sila ay nakinabang sa Fertilizer Fund?
Bukod kay dating Congressman Bondoc, nabalita sa mga pahayagan na ang ilang kongresista sa ating lalawigan na sina dating Congressman Zenaida Ducut at Congressman Oscar Rodriguez ay nabiyayaan ng pondo mula sa kontrobersiyal na Fertilizer Fund. Anong masasabi mo Aling Iska? Kailangan siguro ay kumuha rin sila ng DA certification o idetalye kung ilan at sino-sinong kapitan o magsasaka ang tumanggap ng farm inputs at farm implements kung mayroon pa silang listahan para maalis ang pag-aalinlangan sa kredibilidad ng mga nasasangkot sa kontrobersiya.
Ayon sa talaan ng Commission on Audit, ito palang sina Rodriguez at Ducut ay nabigyan ng tig-tatatlung milyong piso mula sa Fertilizer Fund ng Kagawaran ng Agrikultura. At sila man ay nagsalita na rin at ipinaliwanag ang kanilang panig ukol sa isyu. Siyempre walang aamin. Baka naman talagang walang aaminin?
Aling Iska, paano nangyayari ang kurakutan sa pamahalaan? Siyempre may conspiracy sa mga opisyal, empleyado, contractor at mga kaibigang runner na gumagawa ng legwork mula sa pagpapagawa ng project proposal, pagpapapondo at pagrerelease ng national cash allotment (NCAA), bidding and awarding at pagpili ng mga contractor na magbibigay ng SOP.
Sa fertilizer scam, parang ganito raw ang nangyaring modus operandi. Darating ang isang runner sa tanggapan ng isang senador, kongresista o isang lokal na opisyal na may dalang Purchase Order na nagkakahalaga halimbawa ng P3-milyong piso. Sila na raw ang bahalang umorder at magdeliver basta pirma lang ng pirma. Sabi nila Aling Iska, may SOP. Anong SOP?
Iyong sa GMA 7, Sobrang Okey Pare starring Ogie and Janno? Hindi, standard operating procedure sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Ha, oo, uso nga raw iyan sa DPWH, DA, NIA, DOTC at halos lahat ng ahensiya ng gobyerno. Indi naman siguro laat, Aling Iska. Loko balamu Kapampangan ka? Siyempre. Luid ya ing Kapampangan.
Balik tayo sa SOP. Ano at paano naman daw ang hatian sa SOP? Puwedeng 40-60 ang hatian, 40% for the boys, 60% sa project or vice versa.
Sa Fertilizer scam, ayon sa kuwento ng isang runner, lalapitan nila ang mga opisyal. Pag nagkasundo sa Purchase Order at SOP, magdedeliber sila ng farm inputs at gamit sa pagsasaka at magpapapirma ng delivery and acknowledgment receipt na kunwari daw ay P3-milyong piso ngang farm inputs ang naideliber, pero ang totoo daw wala pang isang milyong piso. Ang masarap dito, brod, ayon sa ating runner, susuklian na lang ang opisyal para naman may magamit na pantulong sa mga nangangailangan. Ang galing, ano po? Eh siyempre, mayroon ding parte si runner at ang kanyang boss na nagpakana ng raket. Sa modus operandi na ito, everybody is happy. Kanyaman na ken.
Pero Aling Iska, palagay ko naman ay hindi ganyan ang nangyari kay Oca at Zenaida. Let’s give Zenaida and Oca the benefit of the doubt. Hindi naman siguro sila nagkaroon sa Fertilizer Fund. Hindi naman tayo nag-aakusa. Siyempre, kay Aling Iska ang lahat ay haka-haka at minsan ay kathang-isip lamang. Pero ang sabi nga bato-bato sa langit, ang tamaan pikon at guilty. Pero ang tanong, pondo sa pataba, mayroon bang tumiba?

No comments:
Post a Comment