Friday, January 30, 2009

Lakas-Kampi merger, suntok sa buwan

Malaki ang paghanga ko sa hangarin ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na mapagsanib puwersa ang dalawang higanteng partido pulitikal sa ating bansa. Ito ang Lakas- Christian Muslim Democrat at ang Kampi na kung saan nanatiling pinuno ang ating Pangulo.
"
Subalit sa simpleng pananaw ni Aling Iska, ang hakbang na ito ay isang "Kiss of Death" or "Dead on Arrival".

Bakit mo naman nasabi iyan Aling Iska? Sa simpleng usapan sa Lungsod ng San Fernando, maaari bang magsanib puwersa sina Mayor Oscar Rodriguez at si dating Mayor Reynaldo B. Aquino na miembro ng magkabilang partidong Lakas at Kampi?

Aling Iska parang sinabi mong suntok sa buwan ang panukala ni GMA. Hindi naman sa tinututulan natin ang Pangulo na pagsamahin ang mga partidong naging instrumento para magtagal siya sa puwesto kundi talagang malayo sa hinagap na mangyayari ang kanyang kapritso dahil sa ayaw niya at sa gusto, sa kanyang partido mayroon ding mga tuso at sakim sa kapangyarihan.

O sige, bigyan pa kita ng halimbawa. Sa bayan ng Mexico, Pampanga, maaaring magsanib puwersa sina dating Mayor Ernesto Punzalan at kasalukuyang Mayor Teddy Tumang? Imposible hindi ba?

Alam mo ang merger na gusto ng Pangulo ay may layunin lamang na ipanalo ang kanilang mamanukin sa pagkapresidente.

Maaaring nangangamba ang Presidente na baka ang dalawang higanteng partido ay mag-endorso ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo. At ito ay tiyak na hindi makakabuti sa kanila. Maaaring maapektuhan ang kanilang line up sa 2010 elections. At sa halip na manalo ay pareho-pareho silang pulutin sa kangkungan.

Sa puntong ito ay hinahangaan natin ang Pangulo dahil sa ayaw niyang magkaroon ng puwang ang mga taga oposisyon na maging benepisyaryo ng pagkakawatak ng dalawang partido.

Subalit, ika nga, Aling Iska ang lahat ng ito, sa kasaysayan ng ating pulitika ay nangyayari lang sa imahinasyon at malayo sa katotohanan. Ang dahilan ay ang mga pansariling interes ng mga pulitiko na maluklok sa poder ng kapangyarihan.

Noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, nang hindi siya ihalal ng partido na maging standard bearer, hindi ba't tumiwalag siya at nagtayo ng sariling kanya. Kahit batang-bata pa noon si Aling Iska ay tanda niya na naitatag ang Lakas-Tao na naging behikulo ni Tabako para mahalal sa pagkapangulo.

Ngayon, maaaring maulit ang kasaysayang ito sa pulitika. Sa Lakas, tanging si Bayani Fernando, hepe ng Metro Manila Development Authority lamang ang "presidentiable" at wala ng iba pa. Pero alam mo ba Aling Iska na minamaliit ng kanyang kapartido ang kanyang tsansa na manalo? Kaya maaaring ang gustuhin nila ay si Pangalawang Pangulong Noli De Castro na kahit hindi lihitimong miembro ng Lakas ang kanilang gugustuhing maging standard bearer.

Kasi, kahit magaganda ang iyong personal at propesyonal background, nag-aral ka man sa pinakadalubhasang paaralan, kung hindi ka naman winnable, wala ka. Para ka lang pusang nagtampo sa ulam.

Balik tayo sa merger, para kay Aling Iska, maganda ang panukala subalit malayong mangyari sa katotohanan. Mangyayari lamang ang merger kung papalitan mong lahat ang miembro ng magkabilang partido.

Kaya sa ating pananaw maganda man ang panukala ay pupulutin lang ito sa lalong masakit na kabiguang pulitikal.

Dahil una, wala ng panahon ang dalawang partido na ayusin ang mga personal na alitan ng mga pulitikong may malalim na hidwaan bunsod na mga nakaraang eleksyon.

Noong nakaraan kasi, halos lahat ng naglaban ay Lakas lang at Kampi. Ngayon pagsasamahin, sino pa ang maglalaban? Paano na ang kanilang mga ambisyon at interes na maglingkod at mangurakot sa bayan?

Si Aling Iska ay nagtatanong lang po.
Kung kayo ay may puna, pasensya na, sumulat at lumiham sa joeley01@yahoo.com o magtext sa 0921-519-92-23.

Wednesday, January 28, 2009

Two heads in Magalang

Ba, kung ako ang tatanungin, brod, I prefer a man with two balls. Hindi, itlog ang tinatanong ko. O sige, ano ba ang tanong? Deserve ba ng mga Magaleños ang mga kontra-kontrang pasya ng Comelec at Regional Trial Court na naging sanhi ng pagkakaroon ng dalawang punong bayan?

Ang sabi ng Comelec, si Cunanan ang Mayor. Ang sabi ng korte, si Pecson ang alkalde. Ang sabi ng Korte Suprema, tama ang korte. Ang sabi ng DILG, status quo? Ano ang say mo, Aling Iska? Walang problema. Iyong isa, mayor. Iyong isa, alkalde. Nye!!! Pwede ba ‘yon?

Pero seriously speaking, this present political situation and status quo in Magalang is not politically healthy and economically beneficial for the people and the continuous development of Magalang.

However, the recent Supreme Court decision favoring the order of the Regional Trial Court in declaring Pecson as the duly elected mayor may give a glimpse of hope to once and for all settle the issue besetting the town’s leadership.

I heard from Marites Miranda, local government officer 5 in Magalang, that Cunanan has already received his official copy of the SC decision on January 20. As expected, Cunanan has a 15-day reglamentary period for the filing of a motion for reconsideration. Meaning after February 5, the SC could decide whether to junk the motion or effect their decision favoring Pecson as final and executory.

Ayun naman pala, Aling Iska, hanggang February 5 na lang pala ang paghihintay sa nangyayaring status quo sa Magalang.

Oo nga, dapat ng madesisyunan kung sino talaga ang mayor, dahil sa aking palagay, hindi deserve ng mga Magaleños ang magulong pulitika. They deserve a peaceful town led by their duly elected local chief of executive.

Kay Mayor Lyndon, I salute you for your sincerity, enthusiasm and perseverance in serving your fellow Magaleños for more than one and half year. Just keep it up and charge it to experience. You deserve a big round of applause and even a standing ovation.
Kay Mayor Pecson, I think your long wait will finally be over. You deserve to get what is due to you. However, let me remind you that the Magaleños are expecting you to surpass the accomplishments of Cunanan once you get your most coveted position -- the mayorship of Magalang. Good luck. God bless.

To the Magaleños, patience brings peace. Peace brings development. Development brings reformation. Reformation may bring Pecson, if he really won the election.

Only God knows.





Tuesday, January 27, 2009

Recall election vs Panlilio, napipinto

Maaari din namang ma-“save by the bell” itong si Panlilio dahil sa mayroon pang natitirang paraang legal. Ito iyong dilly-dallying tactic o i-delay ang proseso sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa signatures ng mga petisyoners at umiyak ng bato sa Kongreso na huwag aprubahan ang budget.

Dahil sa kasalukuyan ay nakahain na sa kongreso ang panukalang budget ng Comelec?a siyang gagamitin sa pagsasagawa ng recall election. Sa puntong ito, Aling Iska, what can you say? It is a kiss of death for Panlilio if he would opt to use the legal tactic of delaying the process of setting the recall election. If I were him, I will just let the recall process run its due course.

If he would let his election lawyers prevent the recall, minds of the Kapampangans would be conditioned that he is a coward and he has lost confidence in himself that he could renew his mandate as governor because he knows he has done nothing significant for the province, hence, he has no option left in his mind but to be saved by the bell.

In-English mo pa Aling Iska. Ang ibig mong sabihin sa salitang kanto, “Si Panlilio ay magiging kapit-tuko sa kapitolyo, nanalangin na tumagal ang proseso hanggang sa tumigtig ang kampana.”
Pero ang kampana ng simbahan ay nanggigising na. At waring nagsasabing na tayo’y bumoto na para si Panlilio’y palitan na.

Ibig mong sabihin Aling Iska, ang mga Kapampangan kasama na iyong mga nagbabasa sa pitak na ito ay hindi na makapaghintay sa 2010 elections? Bakit hindi mo itanong sa kanila? Hindi ba? Sagot ka. Sino? Ikaw, ikaw na nagbabasa… ay tanga.

Ay diyusmiyo Aling Iska, pati ba naman ang mga masugid mong tagabasa ay nilalambing mo. Siyempre, para kasali sila sa istorya. At least masaya di ba? O sagot ka. Oo naman. Edi, sumagot ka rin. Si Eddie Panlilio sasagot? Puede rin kung kasama na siya sa fans club ni Aling Iska, tulad mo.

Sa seryosong usapan, Aling Iska, hindi ba sa magaling na lider, maikli ang tatlong taon? Subalit sa dispalinghadong gobernador, three years is too long. That is your opinion, in the own point of view of your Aling Iska. For a governor who cannot unite the province toward its full development, even a single day is too long for him to stay in office. This may create uncertainty in the direction that we may want to achieve as a progressive province.

Look at what has happened now. The governor is not even privy to the investment and development plans of our poor province. That is a clear manifestation that Pampanga is now in the darkest era of uncertainty.

To once and for all settle this socio-political-economic mess in the province, the recall elections should be held as soon as possible. Kung talagang hindi ninenerbiyos si Panlilio at kumpiyansa siyang gusto pa siya ng mga Kapampangan, hayaan na lang niyang umusad ang recall election para sa ikapapayapa ng lalawigan.

Sa pananaw mo ba Aling Iska? Kung magtutuloy-tuloy sa panunungkulan si Panlilio, papayapa ba ang Pampanga? Sa aking simpleng pananaw, lalong gugulo at hindi na titino ang administrasyon ng gobernador kung hindi matutuloy ang recall election.

Napakahalaga kasi sa isang nanunungkulan na hawak mo ang kumpiyansa ng iyong nasasakupan upang maayos mong maipatupad ang iyong programa. Pero kung lameduck leader ka, para ka lang nagsasalita sa hangin at sa kawalan dahil hindi nga naglahong parang bula ang tiwala nila sa iyong panunungkulan.

Kaya kung ayaw mo ng recall election, mag-resign ka na lang. This may be a supreme sacrifice but if this is the only way you can save the province which you vowed to serve, why not do it, if you really love it more than yourself?

As the governor sees himself in high heavens, I may be asking the heaven to fall. Why come down? The governor should do this to get in touch with reality. However, with the way things are going, the recall election will move on. Period.

Sunday, January 25, 2009

Happy 85th Anniversary, mga kapatid

Ipinagpapasalamat namin sa Panginoong Diyos ang mga namamalagi at nagpapatuloy na pagpapala at pagtatagumpay na ibinibigay niya sa Iglesia Ni Cristo at sa mga kapatid sa Pampanga.

Maraming salamat sa Panginoong Diyos dahil ako at ang aking sambahayan ay namamalaging masisiglang kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Ito ay maituturing naming isang napakalaking biyaya na kaloob ng Ama.

Salamat din sa Pamamahala na inilagay ng Panginoong Diyos dahil sa kanilang makapangyarihang pangunguna, ang Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pampanga ay nakarating na sa kanyang mataas na kalagayan sa larangan ng pagpapalaganap, pagpapatibay at pangangalaga sa mga kapatid sa Iglesia. Ito ay masasabi namin na gawa ng makapangyarihang kamay ng Diyos.

Sa bahaging ito ay nais kong batiin ang aking mga kapamatok sa tungkulin. Si Kapatid na Jess, ang aming destinado, ang aking mga kasama sa pamunuan sa Lokal ng Candaba, si Tatay Poncing, sina Ka Del, Ka Peping, Ka Jun, Ka Konring, Ka Aldrin, Ka Temie, Ka Fred Reyes, Fred Millado, Dan Ombina, Ka Dan, Ka Luis at ang lahat ng mga Diakuno at Diakunesa kasama na ang aking asawang si Elaine, ang aking mga nanay na sina Violeta at Amelia. Maligayang pagdiriwang din sa mga kapatid sa lokal ng San Pablo, Madapdap, Sta. Lucia, Angeles City, San Luis, San Sebastian, San Fernando at sa lahat ng lokal sa Distrito ng Pampanga.

Sa inyong lahat mga kapatid, “Happy 85th Anniversary. Nawa ay lalo tayong maging kaisang diwa ng Pamamahala sa pagmamalasakit sa mga gawain sa loob ng Iglesia Ni Cristo lalo na sa gawaing pagpapalaganap. Lahat ay sa kaluwalhatian at kapurihan ng ating Diyos.

Aling Iska, ano ang masasabi mo? Ako po ay buong galang na bumabati sa Tagapangasiwa, sa mga ministro at manggagawa sa pagsapit ng anibersaryo ng ating Distrito.

Marapat lamang brod… O sige, ituloy mo Aling Iska na magpahinga tayo ngayon sa mga makabuluhang komentaryo sa pulitika at sa lipunan bilang pagpupugay sa mga kapatid sa Iglesia. Nawa po ay marami pang tagumpay ang marating ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo.

Sa susunod na pitak na natin pipigain at pag-uusapan ang napapabalitang pagpapatibay ng Comelec sa recall petition. Oh, ‘wag munang ituloy, ireserba mo bukas. Kahit ubusin mo ang iyong buong lakas sa kakatalak, okey lang. Huwag lang po ngayon, Aling Iska.






Thursday, January 22, 2009

Si Leon at ang recall

Marami ang nagsasabing, tatakbo siyang muli sa pagka-gobernador sa darating na halalan sa 2010. Kung tatakbo siya, hindi kaya siya madapa?

Kung magkagayon man, ano sa palagay mo, Aling Iska, bakit ayaw na niya sa Senado? Simple. Sa Senado, hindi puwede ang bobo dahil sa kakainin ka ng buhay ng mga tunay na leon at tigre kung mahina ang iyong kukote.

Eh, bakit ninais niyang magbalik sa kuta ng mga Kapampangan, Aling Iska? Puwede siya rito, makakatabla siya sa lobong nagpapanggap na santo. Isang artista at nag-aartista-artistahan.
Kaya kung tatakbong gobernador si Leon at makakasalpukan niya ang lobo, tiyak na malaking sarsuela ang ating masasaksihan sa nalalapit na halalan sa ating napipighating lalawigan. Sino kaya ang mananalo sa labanan sa 2010? Wala na bang iba? Maawa ka naman, Aling Iska. Ang ating probinsiya ay nadaya na ng kakisigan, katanyagan at pagkamalasantong kaanyuan, na tila baga walang bakas ng kasalanan. Pero ang totoo, banal na aso, santong kabayo. Kanina mo pa binabanggit ang leon, lobo, aso at kabayo. Ano bang mayroon tayo, Zoo?

Susmariosep, Aling Iska, how I wish, huwag munang dumating ang 2010 election.
Anong gusto mong election? Siyempre, iyong napapanahon -- ang recall election.
Kailangan ito para magkaalaman na kung sino ang gusto sa kasalukuyan ng higit na nakakaraming Kapampangan. Maaaring may gastos, pero ito ay isang karapatan na nakapaloob sa ating Saligang Batas na hindi maaaring ipagkait kay Aling Iska at kay Juan Dela Cruz.
Kaya ang mahigit sa 200,000 pumitisyon kay Panlilio ay patuloy na umaasa na mabigyan na ng kaulang pondo ang Comelec para sa pagdaraos ng recall election.

Mas maganda siguro, lumabas ang budget sa Pebrero, pagkatapos, itatakda na ang recall election. Sino kaya ang hahamon kay Governor Panlilio? Ba, ewan ko. Ang alam ko ang makakatalo sa “good” ay “better.” Pero may mas maganda sa better, iyong “Best,” parang Pampanga’s Best. Ba, kapagka, Pampanga’s Best ang gusto natin. Itanong ninyo kay Atseng Lolet. Basta, abangan ang malapit na muling buksang kabanata ng recall election. Parang P50 million yata ang pinagtibay ng badyet. Talaga yatang walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin.

Recall is now on its way home. It’s near. It’s exciting.

Tuesday, January 20, 2009

Mag-ingat sa mga malls

Subalit, pusang gala Aling Iska, ganito na ba talaga kagulo ang Earth? Kasi ba naman, sa loob mismo ng mga malalaking malls sa siyudad ng mga Fernandino na napapaligiran ng mga unipormadong guwardiya na kung saan dapat sana ay nagpapahinga, nagrerelax at nag-eenjoy ang mga shoppers ay talamak na nangyayari ang carnapping at pagnanakaw sa ilalim ng mainit na araw.

Sa iyong pananaw, Aling Iska, sino ang dapat na managot sa ganitong mga insidente? Una, serioso ito ha!! Ang mga shoppers mismo. Bakit kamo? Sa kanila iyong sasakyan, sa kanila ang mga kagamitan, kaya sila mismo ang tuwirang nanagot sa kanilang sariling kasangkapan. Kaya, ang payo ko sa mga shoppers, “extra careful,” careful-careful! Don’t be a fool, don’t be so confident. Be cautious. In short, Aling Iska, maging alisto at mapagmasid, right? Yes, alangan namang left. Learn for past experience ng iba, huwag gumaya at huwag tatanga-tanga.

Pangalawa, ang mga itinalagang guwardiya sa mga malls ay ang siyang tuwirang nanagot sa seguridad at sa kaligtasan ng buhay at pag-aari ng kanilang mga shoppers. Huwag naman sana silang matulog sa panis na pansitan. Ang nakawan ay nagdaraan sa kanilang harapan and yet, para silang hilong talilong na walang kamalay-malay. Ano sila estatwa?

Hindi rin naman tama na sabihin mo, Aling Iska na sila ay kasabwat? Dahil wala tayong ebidensiya na magpapatunay sa ganyang espekulasyon. Pero maaari nilang patunayan na sa kanilang mga kamay ang mga shoppers ay safe and sound. Sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga tuntunin sa seguridad at matamang pagmamanman sa lahat ng mga sasakyan na akaparada sa parking lot ng mga malls, at siguro maaari ring ipatupad ang paglalagay ng mga CCTV camera upang makuha sa akto ang anumang pagtatangka sa kagamitan at sasakyan ng ating mga kababayan.

Pangatlo, tuwiran ding nanagot ang ating mga kapulisan. Ang alam ko, may inilagay na “quick reaction force” (QRF) ang ating police provincial director na si Senior Superintendent Keith Ernald Singian. Sa Hepe de polisiya ng San Fernando maging alisto po tayo dahil baka kasi ang ating mga kapulisan sa San Fernando ay “aanga-anga” at natutulog sa kangkungan. Kailangan po ay walang puknat na foot patrol at police visibility.

Ang paglaban sa kriminalidad ay dapat gawin ng sama-sama. Lahat ay magkaroon dapat ng responsibidad at masiglang partisipasyon dahil sa ang kriminalidad ay walang pinipiling tao – mayaman, mahirap, karaniwan o kahit na kinikilala pa sa lipunan. Kaya ang paglaban dito ay pananagutan ng lahat ng mga mamamayan. Kung magtutulungan para sa ating kaligtasan, tayo rin ang makikinabang. Mag-ingat po tayo sa mga malls.

Monday, January 19, 2009

Computerization sa kapitolyo, nasaan na?

Aling Iska pasok! Loko ka ha! Bala mu, atiu ta keng radio. Saka ne ita ne, ha? O sige eto na. Alam ba ninyo, na ito palang si Gobernador Eddie Panlilio ay “privy” at alam na alam niya na ang computerization project ng probinsiya na ginastusan ng P47 million ay may malaking bahid ng iregularidad at parang bulang naglalaho sa kapitolyo.

Oh, balu na pala, nang gewa na? Oh, ng balu ng gawan? Matagal na bang alam ni Panlilio, Aling Iska? Malambat na pero nung ali dya kitnan, ena sabyan. Oh, iyan ing gobernador tamo.

As the highest public official in the province, the governor is duty bound before the people he vowed to serve and his God to take the most appropriate action in protecting the interest of the province. It is not good but very bad for him to stay mum on the issue.

Ali naman buring sabyan, sampahan na lang anti manong kaso reng involved, kailangan bilang gobernador, kutnan nala pa reng abe ng involved. Obat mipakanyan? Nung agawa na ita, kailangan nung tutung ating “good governance” keng kayang pamaggubyerno, gawa yang aksyung legal.

Pusang gala ka, brod. Don’t you know that for Panlilio, what you are saying is easier said than done? Bakit hindi ba kaya ni Panlilio na sampahan ng kaso ang mga sangkot sa di umano ay maanumalyang computerization project? I doubt it. For sure, he cannot do it.

Batay sa pananaliksik ni Aling Iska, kulang pa ng dalawang milyong piso ang kapitolyo dahil sa ang kabuuang halaga ng computerization ay P49 milyong piso. Iyong P47 milyong piso ay naibayad na sa Geodata Solutions, Incorporated subalit nakapagtataka na “no-show” ang nasabing proyekto, hindi lumilitaw, kahit multo.

Sa Geodata, ano ba talaga ang nangyari kuya? Kay Panlilio, putak ka ng putak na may anomalya, ba’t hindi mo kasuhan? Kasi kung ganyan, Geodata and those involved are being tried by publicity. Natatakot po ba kayo? Duwag po ba kayo Governor Panlilio?
Alam mo brod, hindi naman sa bias ako kay Vice GOVERNOR Joseller “Yeng” Guiao. Kung hindi sa kanyang pagtatanong kay Panlilio, hindi malalaman ng publiko na mayroon na palang nangyaring anomalya sa proyektong computerization sa capitol.

In giving due respect to Panlilio, inihayag ni Guiao na bibigyan nila ng tatlong buwan ang gobernador na gumawa ng kaukulang aksyon ukol sa isyu ng computerization.
At kapag walang ginawa o walang nangyari, ang Sangguniang Panlalawigan ay mapupuwersang imbestigahan ang isyu at magsampa ng kaukulang kaso kung masusumpungan nilang totoo at may merito ang isyu ng computerization project sa kapitolyo.

Sa totoo lang ha, mga kabalen, si Yeng Guiao talaga ang tunay na sagisag ng tamang pangangasiwa at hindi ang nagpapanggap daw na si Panlilio. Ano ang ating batayan? Kay Vice Gov, hindi niya pinalalampas ang anumang anomalyang nangyayari sa kapitolyo, no matter what would happen and who would be affected.

Ang mahalaga kay Guiao ay maprotektahan niya ang interest ng probinsiya kaya hanggang sa kasalukuyan ay may nakasampa siyang P1-bilyong kaso ng katiwalian laban sa mag-amang dating gobernador.

Kay Panlilio, huwag kang papatay-patay. King Kapampangan, eka papate-pate. King termino ning bading, don’t be shilly-shallying, Charing. In short, eka malemiyak pota muli ka Minaling pupugak-pugak

Thursday, January 15, 2009

Mt. Pinatubo Eruption

Bobo ba si Gob? ‘I’m sorry!’

Kung janitor si Panlilio, huwag nating asahang may plano siya sa investment ng probinsiya. Kung aasahan natin, may diperensiya ang ating kukote. Pero hindi ba siya ang gobernador? Ha, siya ba? Akala ko sabi nila si Atty. Vivian Dabu, kasi naman lagi siyang sangkot sa mga kontrobersiya sa probinsiya.

O, sige sabihin na nating symbolically, si Panlilio ang gobernador. Bakit naman wala siyang kamalay-malay sa hinaharap na panahon kung saan patutungo ang pamumuhunan sa ating lalawigan?

Sobra ka naman, Aling Iska. Kapag nagsisinungaling si Panlilio, ayaw mo, ngayong nagsasabi siya ng totoo na siya ay bobo sa investment plan ng probinsiya, para kang hilong talilong at nabiglang pagong. Bobo ba si Gob sa investment ng probinsya?

Eh ka makanyan Aling Iska, masakit neman ing salitang bobo. Estupido na ka ya? Hoy, Kapampangan tamu, ali ta kastila. O sige, lingo namu.

Oh, oh, ba’t ka nagkakamot ng ulo? May balakubak ka? Sino ba naman ang hindi magkakamot ng ulo, of all people na hindi nakakaalam ng plano sa investment ng probinsiya, eh ito pang si Panlilio na halal na gobernador. Talaga yatang nasayang ang boto ng higit sa nakakarami ng kaunti sa mga Kapampangan. Pero questionable pa yan ha?

His being ignorant and a know-nothing governor ang ating pag-uusapan ay bilib ako sa kanya, at least nagsasabi siya ng totoo na ang Pampanga, this time is being ran by an incompetent leader who has nothing in his shell as far as investment and economic growth is concerned.

Alam mo sa puntong ito, pinatunayan lang ng gobernador na hindi talaga siya dapat at karapat-dapat sa kanyang posisyon dahil ang salitang “good governance” ay nakasabit lang sa kanyang bibig at hindi naman talaga nakatanim sa kanyang kaisipan at sa kanyang puso at hindi naman niya talaga nararamdaman. King salitang Kapampangan, “bulaklak niya ning dila” sa salitang salitang bading, “charing”!

Sabyan ta ng monu ya king detalye ning investment plan, ala ya ka yang agyang nanu mang idea nung nanu ing pararasan ning pamagnegosyo at kabyayan king probinsiya?

Nakakainis ka naman Aling Iska, para mong sinabing nagkamali ang presidente ng Pampanga Chamber of Commerce and Industry na si Rene Romero sa pagpili noon kay Panlilio.

Ot ali me kutnan? Sagad king banua ing pamagsisi na. Pauli ka nung mekagawa yang maragul a pamikasala ka reng investors ning probinsiya, uling ing gobernador a penyambut na ala yang plano para karela at karing talapag-obra da. Kaya, ngeni y Mr. Romero, susuka ne ing gobernador na kanita.

O, nang gawan ta ngeni? O nanu pa mong gawan tamu, paburian ta niya ing probinsiya karing gamat na? Ay, e makanyan! Sabiyan ta na kaya, nung ala kang male, migising na ka at eka mag-alimpungatan. Tanggapan mu ing katutuan, ali mune asalese ing probinsiyang Kapampangan. O bakit naman? O rugo puros niyang magsalitang good governance, ala ne mang amamasalese.

I am sorry, Gob, talaga yang makaniyan y Aling Iska, she is so candid like you. But unlike you, she intends to be privy on your public life.

Until next issue, Gov.



RELATED POSTS





Monday, January 12, 2009

Diosdado MaMacapagal Memorial Hospital, sumbong at reklamo!

Talagang kainis at ang galing ng good governance ni Governor Eddie Panlilio. Kitang-kita iyan sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital. Siya nga pala Aling Iska, batiin mo naman ng belated happy birthday itong si Dr. Romulo Lacson, acting chief of Hospital ng naturang pamprobinsiyang pagamutan.

Simula ng hirangin ng gobernador si Dr. Lacson, gumanda ang hospital dahil sa kabibili ng magagarang kurtina. Ba, Aling Iska, tribute yata yan sa magaling na Doktor. Pero pakitiyak lang boss chief, na kumpleto ang mga gamit at gamot ng hospital bago kayo bumili ng kurtina. Aanhin mo ang dekorasyon, kung pasyente ay nagkukumbulsyon dahil sa walang gamot at pang-ineksyon?



Ayon kay Ka Isko, na madalas sa Clark Economic Zone, ito raw si Dr. Lacson ay kilalang-kilala raw sa Mimosa Casino. Ano kaya ang ginagawa niya roon? Nagtatrabaho ba o nagkakasino? Eh, ano bang masama kung nasa casino? Ano rin ang masama kung tumataya siya, hindi mo naman pera, Aling Iska? Kung nagtatrabaho naman, okay lang. Baka kasi bigyan tayo sa kanyang double compensation? Kung mayroon?



Pero, hindi ba fulltime siya bilang hepe ng hospital? Baka naman talagang sikat lang si Dr. Romulo at hindi naman consultant o empleyado ng casino? Aling Iska, give the doctor the benefit of the doubt. Huwag kang manghuhusga kung walang pruweba. Si Aling Iska mo’y hindi nanghuhusga, nagtatanong la-ang kabagis. However, that remains a question, a good subject for investigation of the provincial board and the governor.



Pero Aling Iska, mayroon bang masamang pandesal sa nagtatanong? Ba, eh wala po lalo na’t kung mainit at bagong luto.



In fairness to Dr. Lacson, tila yata napakabait niya. Bakit naman? Kasi, kainis siya Aling Iska, sukat ba namang hinahayaan ng pangasiwaan ng pagamutan na gamitin ang ambulansiya ng hospital sa pamimiesta. Ba, anong pruweba, aber? Noong piyesta sa San Nicolas, Lubao kitang-kita ang ambulansiya ng Diosdado Macapagal Memorial Hospital, sakay-sakay hindi mga pasyente kundi mga empleyadong nakikipamiyesta. Kasarap naman, mga labi nila’y namantikaan at the expense of the poor patients and indigents who were in dire need of ambulance.



Diyusmiyo Governor Panlilio, Atty. Dabu, puwede bang pakiimbestigahan ang naturang pagsasamantala diyan sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital. Ang ganda pa naman ng pangalan ng pagamutan, pero kung ang pamilya ng pasyente ang hihiling ng ambulansiya, laging wala at hindi puwede.

Iyan ba ay alam ng administrative officer na nag-iisyu ng trip-ticket? Kapag piyesta, anong nakalagay sa trip-ticket? Hindi naman siguro trip to Jerusalem. Baka naman trip to heaven.



Hindi, noong minsan kasi ay trip to Balibago sa Siyudad ng Angeles sa tabi ng PG Pawnshop at Longganisa, sa bahay ni Dr. Romulo Lacson, kasi naman mga kaputol, nagdaos ng kanyang ikaanim na pung kaarawan ang hepe ng pagamutan. Happy Birthday Doc. May you have many more birthdays to come.

Take note, nandoon din si Governor Panlilio. Sakay ng tricycle? Hindi. Sakay ng Jeep? Hindi. Naglakad siya? Hindi, ikaw naman Aling Iska, parang hindi ka showbiz? Gimik lang iyon. Sakay ng ambulansiya? Hindi, governor sasakay ng ambulansiya? Pero nakita niya siguro ang ambulansiya na sinakyan raw ng mga staff ng hospital?



Dr. Romulo, talaga bang policy ninyo bilang chief of hospital na ipagamit ang ambulansiya kahit saan at kahit ano ang dahilan maging birthday o piyesta man iyan? If it is so, it defeats the very purpose of the ambulance. Nakakaawa ang mga pasyente na siyang tuwirang nangangailangan ng ambulansiya.



Kung ayaw ipahiram ang ambulansiya, may dahilan. Kung gustong makipamiyesta o makipagbirthday, may paraan diyan sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital.

Ay, susmariosep, Aling Iska. Pati pasyente pipila na ng alas sais ng umaga, alas nueve na wala pa si doc. Sa hapon, alas dos y media na, doon palang magsisimula ang konsultasyon sa pobreng maysakit.

Marami pang sumbong at reklamo ang natatanggap ni Aling Iska. Kasi iyan ang usong good governance sa probinsiyang kapampangan ku, pagmaragul ku. Buwisit.

Sunday, January 11, 2009

Kay Singian, job well done; Kay Gob Among, bawal ang pikon.

Alam mo Aling Iska, hindi naman sa ipinagtatanggol natin ang kapulisan partikular itong si Senior Superintendent Ernald Keith Singian, officer-in-charge ng Pampanga Police Office, pero tila yata hindi makatarungan at patas sa kanila ang mga naging akusasyon ni Governor Eddie Panlilio sa ating kapulisan.

Sa salaysay ni Panlilio, sinabi nito na inutil at walang kakuwenta-kuwenta ang ating kapulisan dahil sa puwersahan na raw na pinasok ang opisina ng gobernador at ang kanyang buhay ay nalagay sa panganib kasama ng kanyang mga pamangkin na bumisita sa kanya ay wala pang ginawang pag-aresto ang kapulisan.

Ito kaya ay totoo o salat sa katotohanan? Ano ba talaga ang tunay na nangyari, Aling Iska? Eto, ang balita, totoo na may nagprotesta na gustong makipag-usap kay governor. Nakipag-usap ba naman si Among? Hindi, nagkulong daw sa opisina at hindi hinarap ang mga ralyista. Malaki nga ang dinadala niyang problema.

Hindi ba sabi niya ang kapitolyo ay gagawin niyang laging bukas para sa mga Kapampangan? Bakit siya nagtago? Sarado na ba ang kanyang tanggapan sa mga taong gusto siyang makausap? Ibig bang sabihin namimili na siya ng bisita? Hindi na ba siya ma-reach? Oo, mayroon siyang iniiwasan? “Ing kapitolyo ibuklat taya karing tao at pakakalulu.” Etcheng mo!!! Nung biklat me sana ing opisina mu, ali ka sa mipapakanyan, nung minsan, ing tau, magaling yang magsalita, kulang neman keng gawa.

Sigurado, mayroon siyang sinalita sa mga ralyista, na hindi niya ginawa. Kaya ayon nagkulong sa opisina, para nga naman hindi mapahiya.

Isa pa, hindi naman pala totoo na kinalabog at hinambalos ang kanyang napakaimportanteng pintuan at pati ng kanyang administradora at walang nangyaring kaguluhan sa loob ng mga tanggapan ng kapitolyo.

Ang mga ralyista ayon sa mga nakasaksi ay iniskortan pa ng kanyang sariling civil security escorts patungo sa tanggapan ng gobernador kaya walang pagkakataon na malagay sa panganib ang buhay ng gobernador o ng kanyang administradora.

Alam mo Aling Iska, kung minsan may pagkakatulad kayo ni Panlilio? Ano iyon, bro? Parehas kayong magkuwento. Eksaherado. Ken kata mipate, bro? Ako, base sa totoo. Eh si Panlilio? Itanong mo, sigurado, base sa imbento ang kanyang kathang kuwento.

Isa pa, hindi naman pala dapat masaktan ang kanyang mga pamangkin kung hindi sila nagsimula ng away, sukat ba namang alisin ang mga posters at streamers na nagpapahayag ng damdamin at karapatan sa pamamahayag ng mga Balas Boys doon mismo sa lugar na ideneklarang Freedom Park. They did that at their own risk. Gayunpaman, wala namang nagsampa ng reklamo at dahil sa pamamagitan mismo ni Singian nanumbalik ang kaayusan at kapayapaan na walang anomang nangyaring karahasan.

Pero, eto ang totoo, matagal na at lantarang inaayawan ni Panlilio si Colonel Singian kasi ang gusto niya atang mamuno sa kapulisan ay hindi isang Kapampangan. Kaya siguro naghahanap siya ng butas sa batas.

Kita mo naman, dahil sa marubdob na hangaring patalsikin niya si Singian, ang ginawa niya, dinala niya ng personal ang kanyang petisyon sa tanggapan ng PNP Crame at DILG Central Office.

Hindi ba dapat magpasalamat siya kay Singian dahil napayapa ang situwasyon sa kapitolyo dahil na rin sa presensiya ng kapulisan?

Ba’t naman siya magpapasalamat? Ang gusto ni Panlilio, hulihin at arestuhin ang mga ralyista at ang mga nakaenkuwentro ng kanyang mga kamag-anak?

Alam mo sabi nga ni Singian, “they are upholding the rule of law and not of men.” Bakit naman nila aarestuhin ang mga ralyista? May ginawa ba silang labag sa batas? Ginawa lang nila ang kanilang karapatan sa ilalim ng batas –ang karapatan sa pagtitipon at sa pamamahayag. Isa pa, Aling Iska, nasa panahon ba tayo ng martial law na ang umiiral ay ang batas militar at kamay na bakal?

Ang buong katungkulan ng ating kapulisan ay protektahan ang buhay at kaligtasan hindi lamang ng mga pulitiko at opisyal ng pamahalaan kundi kailangan din namang igalang nila at protektahan ang karapatan ng mga tao sa ilalim ng ating saligang batas.

At iyan sa pananaw ni Aling Iska ay magiting na isinagawa ng ating kapulisan. Kaya kay Singian at sa ating kapulisan, “job well done.” Saludo kami sa inyo. Keep up the good work men. Kay Gob-Among, bawal ang pikon.

Wednesday, January 7, 2009

Kapitolyo kay Panlilio, lalong gumugulo

Bakit mo nasabi iyan? Ano ba ang latest, Aling Iska? Wala naman, nagpakita lang ng ngitngit ang mga kabalen natin na binubuo ng mga nagtatrabaho at nabubuhay sa “Biyayang Lulugaran at Sisikapan” (BALAS) sa minang bigay ng kalikasan -- ang buhanging ibinuga ng bundok Pinatubo. Ang industriya ng Balas ang siya ngayong puno’t dulo ng kasalukuyang kontrobersiya.
Matatandaan sa unang bugso ng panunungkulan ni Governor Eddie Panlilio, ang milyong-milyong kita mula sa industriya ng quarry na dulot ng pakikipagtulungan ng mga quarry operators, Pampanga truckers at quarry checkers ang ikinukunsidera niyang simbulo ng matuwid na pangangasiwa o “good governance.” Ito ang laging laman ng kanyang mga propaganda na hinangaan ng mga Filipino sa buong bansa.
Ngayon, sa ika-18 buwan ng kanyang panunungkulan, ang mga pangunahing tauhan sa kanyang pantasyang palabas na “good governance” ang siya ngayong pangunahing kumukondena sa kanya sa di umanong mga kasinungalingan at kawalang isang salita bilang lider ng ating lalawigan partikular sa isyu ng industriya ng pagku-quarry.
Pero kailangang malaman natin, kung paano ang mabilis na pagtaas ng kita ng quarry noong 2007 ay ang bilis din naman ng pagbulusok sa kita ng pagku-quarry na naitala noong nakaraang taon – 2008.
Pero ayon kay Panlilio, ang mga nasa likod ng mga kaguluhan at kontrobersiya na kanyang kinakaharap ay ang mga taong ayaw siyang manungkulan bilang gobernador sa unang araw pa lang niya sa kanyang kapangyarihan?
Totoo kaya ito, Aling Iska? Isang malaking “question mark” ang kanyang imahinasyon. Ang totoo, sa unang araw pa lang niya o ilang araw bago pa siya umupo sa puwesto, nagpakita na siya ng kataasan at kawalang tiwala sa kanyang kapwa halal na opisyal tulad ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ng mga alkalde. Kaya tuloy sinuklian din ito ng kawalang tiwala sa kanyang ipinakikitang mahinang pangangasiwa.
Subalit tinanggap naman ni Panlilio hindi ang kanyang mga pagkakamali kundi anya, natural lang sa isang demokrasyang bansa ang magkaroon ng hindi magkakatugmang opinyon sa mga isyu at kontrobersiya.
Kaya sa pagdaraan ng mga buwan, madalas ang pakikipagdayalogo niya dahil sa madalas na hindi inaayunan ang kanyang mga posisyon sa mga isyu ng lalawigan at dahil karamihan anila ay wala sa patulo, walang direksyon at highly improbable tulad noon na kaniyang hinihinging “blanket authority.”
Subalit, mapapansin sa mga dayalogong ito, lalong lumalala ang situasyon at nababaon ang gobernador sa lalong lumalang masamang kalagayan at imahe ng kanyang tanggapan.
Ang resulta: Walang alkalde sa mga bayan ang sumusuporta sa kanya; 13-0 ang score niya sa Sangguniang Panlalawigan; mga masugid na tagasuporta niya noong nakaraang halalan, isinuka siya; mga orihinal niyang quarry checkers na tumulong sa pagkita ng milyong piso sa industriya ng buhangin, ayon matagal nang nagha-hunger strike doon sa harap ng kapitolyo, nananawagan na patalsikin siya sa puwesto; mga truckers na nagpapakilos sa industriya ng quarry, sa kagustuhang makausap siya at itanong ang kanyang kawalang isang salita, tinangka siyang pasukin sa kanyang pinakamakapangyarihang tanggapan sa lalawigan.
Hay, Diyusmiyo Marimar, saan hahantong ang kasaysayan ng gobernador na piniling iwan ang kanyang abito para magsuot ng simpleng T-shirt na sumisimbulo sa kahinaan niya sa panunungkulan?
Ngayon sa pagsalubong natin sa bagong taon, sa mga inisyal na kaganapan sa kapitolyo, maraming sinisisi ang gobernador.
Sinisisi niya ang Sangguniang Panlalawigan kung bakit ideneklarang Freedom Park ang Macario Arnedo Park. Kaya tuloy sabi niya, patuloy na nababastos at nababaon siya at ang kanyang tanggapan sa kahihiyan.
Ano masasabi mo, Aling Iska? Ay susmaryosep, brod, kahit ideklarang “freedom park” ang buong Pampanga, kung tama at maayos ang iyong panunungkulan, walang mambabastos at walang maglalagay sa iyo sa balag ng kahihiyan.
Nasusulat, ang tao ay susundan ng kanyang mga gawa at sa kanyang mga gawa, siya ay hahatulan. Sa puntong ito ng mga pangyayari, ang dapat sigurong sisihin ng gobernador ay ang kanyang sarili mismo.
Una, bakit niya ipinagpalit ang kanyang pinakamataas na bokasyon at katungkulan --ang pagkapari -- sa pansamantalang kinang ng kapangayarihan bilang isang pulitiko?
Sa takbo ng mga pangyayari, sa buhay ng gobernador, maaari nating sabihin na parang nakikialam ang langit. Siya na nga ang nagsabi, na sa unang araw pa lang niya ay hindi na siya nakaramdam ng kapayapaan at katiwasayan sa kanyang panunungkulan.
Kung ikaw Aling Iska ang gobernador, anong gagawin mo? Hihingi ako ng tawad sa langit, sa pagmamaliit sa katungkulang bigay sa akin; ikalawa, bababa na ako sa puwesto dahil sa ang pananatili ko sa puwesto ay nagdudulot lang ng kaguluhan at pagkakabaha-bahagi ng lalawigang Kapampangan.
In short, kung ako kay Panlilio, I will make a supreme sacrifice. I will step down for the sake of the Kapampangan, for the sake of Pampanga, for the sake of the sanctity of my former vocation and for the sake of my own person and dignity.

Tuesday, January 6, 2009

Aling Iska, online na!

FLASH REPORT!!! Alam ba news na si Aling Iska ay hindi lang nababasa ngayon sa iba’t-ibang lugar at tanggapan dito sa lalawigang Kapampangan? Oo nga po, noon ngang minsan, hinahanap ng lolo ko si Aling Iska, pupunta kasi ng palikuran, doon paborito pa lang binabasa ang kanyang malambing at maanghang na punto de vista.
Tama po ba Aling Iska? Pusang gala ka brod, una, huwag mong sinisilip ang lolo mo. Pangalawa, sabihin mo sa kanya, si Aling Iska ay hindi lang pang-opisina at lalo namang hindi pangkubeta. Dahil ang Aling Iska mo ay on-line na. Mababasa ang kanyang mga simpleng pananaw kahit saan man may internet sa mundo.
Sa internet hanapin lang ang http://alingiska.blogspot.com at inyo ng mababasa ang lahat ng makuwela at sarkastikong puna ni Aling Iska. Ito naman ay sa kagandahang loob at sa kahilingan na rin ng mga masugid nating mambabasa.
Sa blogspot ni Aling Iska, lahat ng mga artikulo, komento at reklamo na iniimbag sa Central Luzon Daily ay inyo ng mababasa hindi lang sa www.centralluzondaily.com.
Sa susunod na mga araw ay lalo pa nating pagagandahin ang blog spot para sa konbeniensiya at mabilis na paghahanap ng ating mga mambabasa sa mga pitak ni Aling Iska.
Well, well Joel, ano ngayon ang ating aasahan sa mga panulat ni Aling Iska? Of course, kanyang susubaybayan ang takbo ng pulitika sa Pampanga, pupuna sa mga anomalya at kontrobersiya hindi lang sa mga lokal na pamahalaan kundi maging sa pamahalaang nasyonal upang maibigay sa ating mga mambabasa ang mga napapanahon at sariwang balita at komentaryo para sa kanilang reaksyon at kabatiran. Basta’t laging tatandaan, kay Aling Iska, masa ang dapat una sa balita.
Aling Iska, bigyan mo nga sila ng sample. Diyusmiyo, Ginoong Panlilio, ang ipinagmamalaki mong bagong sementadong daan sa Barangay Pansinao, Candaba sa kasamaang palad ay bumibigay at nasisira na. Sabi mo Gob walang kurakot? Pero ang proyekto mo pala ay nakakatakot. Mukhang substandard, mukhang minadali at hindi pinag-isipan. Sayang ang pondo ng kapitolyo. Sa susunod, ayusin ninyo ang trabaho, ha. Kawawa ang taong bayan kung ganyan ang mga proyekto sa lalawigan. I am sorry. Pero para kayong nakakaloko.
Sample lang yan ha. Kaya sa mga buwaya at kurakot, magtigil-tigil na kayo, dahil si Aling Iska ay hindi kailanman matatakot sa pagkukuwento ng mga kabalastugang nangyayari sa gobyerno.
Kaya sa ating mga mambabasa, hanapin ang http://alingiska.blogspot.com o mag-email sa alingiska@yahoo.com para sa inyong sumbong at reklamo kahit kanino, sa pribado man a maging sa gobyerno.

Monday, January 5, 2009

2009 na! Ang saya-saya!

IT’S New Year! 2009 na! Bang!!! Bang!!! Pero huwag kang mahibang, baka bukas, pagkagising mo, who knows 2010 na. Malapit na ang karnabal, komedya at ekonomiya sa pulitika. Pero bago ka pumalaot, “Happy New Year” and “Happy 35th Birthday.” What’s your birthday wish, Aling Iska? Well, of course, malinaw na mata, magandang kalusugan and more blessings from Heaven above. For my kids, I want them to give more time and concentration on their studies. For my darling – yes of ourse, I need more schedules. Moments of love and intimacy! Ano ba naman iyan Aling Iska? Katindig balahibo, kay sarap isipin, kay bangong amuyin. She knows what I mean.

Hoy, Aling Iska, bago ka magpaka-daring. Anong masasabi mo sa pagsisimula nang taong 2009? Well, hopefully dapat masaya at mabiyaya. Sabi nga nila, “lucky 09.” Pero ang pagiging mapalad ay kumporme sa tao. Kung masipag at matiyaga ka, maaaring masuwerte ka. Pero kung tamad ka, tiyak magugutom ka. Kaya huwag nating sayangin ang mga araw na agdaraan. Gugulin natin sa kasipagan sa lahat ng bagay maging sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa tao. Kapagka gayon ang ginawa mo, tiyak may “lucky 09” ka.

Ang 2009 rin ay simula ng pamumulitika sa ating bansa bilang paghahanda sa 2010. Kaya maging matalino at mapagbantay sa mga nangyayari sa kapaligiran. Sabi nga, “huwag aanga-nga.”
Pero kung kilos trapo ka sa pulitika na pakunwari lang ang pagtulong mo sa kapwa at malasakit sa bayan, huwag ka ng tumakbo. Maglakad ka na lang dahil sana ang maging hantungan mo ay sa kangkungan. Mamalasin ang bayan, madaragdagan ang mga hipokritong pulitiko na ang pinaglilingkuran lamang ay ang kanilang pansariling kapurihan at karangalan.
Tiyak ngayong taon, masasaya na naman ang mga mamamayan. Bakit kamo? Kasi, kikilos na naman ang ating ekonomiya sa pulitika, iikot ang pera na tinipon ng iba at kinurakut ng karamihan para manatili at magkapuwesto sa gobyerno.

Sa pulitika sa kasalukuyan, napapansin mo Aling Iska, kapagka ang pera ay galing sa malinis na paraan, napakabigat gastusin sa halalan. Pero kapagka ang pera galing sa hindi mo alam kung saan, napakadaling ipamudmod at ilaban sa gastusan. Pero kahit saan nanggaling, tiyak iikot yan sa mga botante ng bayan. Huwag maging dahilan sana iyan para ipagbili mo ang iyong boto at karapatan sa halalan.

Pero ganyan talaga ang nakakalunos na imahe ng ating bayan tuwing sasapit ang halalan. Ganon pa man, anila, diyan lang nakababawi si Juan Dela Cruz. Pagkatapos, anila, naiupo na sa puwesto ang pulitikong hunghang, magprotesta ka na lang sa lansangan dahil sa pagkakamali sa pagpili ng pinunong manunungkulan.
Nangyayari ito dahil nga nasilaw ang karamihan sa kislap ng kakaunting salaping ipinamumudmod tuwing halalan.
Ang totoo, marami ng nagtangkang ituwid ang bulok na sistema ng halalan pero ang problema, pati sila ay kinakain na rin ng masamang imahe at kultura ng pulitika.
Kaya ang resulta, iilan lang ang nanalong pinuno na may tunay na malasakit at pakialam sa kapakanan ng bayan at ng taong bayan. Karamihan ay matatayog ang lipad, mayayabang, palalo at akala mo kung sinong hari at reyna na nakaupo sa pedestal ng kapangyarihan.
Ang bottom line niyan, Aling Iska, ngayon pa lamang ay maging matalino tayo sa pagkilatis sa mga pulitikong aali-aligid na mag-uumpisa na sa pangangampanya. Alamin ang kanilang background, uri ng hanapbuhay at pagdadala ng pamilya. Huwag palilinlang sa matamis na salita at pakyut na tingin ng mga pulitikong kambing.

Pero siyempre, tiyak na kikita riyan ang mga himpilang radio, telebisyon, pahayagan at imprenta dahil sa maglalabasan ang sari-saring propaganda. Kaya tiyak na magiging masaya rin ang 2009 sa mga kabaro natin sa hanapbuhay. Ang saya-saya diba?

Sunday, January 4, 2009

Good news-bad news for Candabeños

Yes, you’re right Aling Iska, because the perennial flooding along the 1.2 kilometer Pansol road in Pasig will no longer be a problem. If we could still recall, for more than a decade the floods along this national road in Candaba caused yearly misery, inconvenience and economic setback to more than 30,000 Candabeños from the 11 barangays of this sanctuary of migratory birds.

During those years, the Candabeños lamented that the three-foot high perennial floods along this road has paralyzed the normal operations of trade and business, particularly the daily transport of “tilapia” produce in this town to other areas in Luzon.

With this, tricycle and jeepney drivers took advantage of the situation by increasing the daily regular fare by 200 percent. However, through the persistent efforts of the Department of Public Works and Highways and the local government of Candaba, the Candabeños will soon enjoy the convenience of using an elevated concrete road.

All the Candabeños’ remorse will just become things of the past. According to Pampanga 1st District Engineer Enrico Guilas, this P37-million road, funded by the Rural Road Development Network, is expected to be finished and open to all types of vehicles on the first week of January 2009.

At last, the Candabeños’ dream and wish have come into a concrete reality – good news they will surely be pleased about. Thanks to the efforts of Public Works and Highways Undersecretary Rafael Yabut, regional director Alfredo Tolentino and the energetic district engineer – Rico Guilas.

We cannot forget the efforts of Mayor Jerry Pelayo and the Sangguniang Bayan in making constant follow-ups and the support of course of Congresswoman Anna York Bondoc and the assistance of Board Member Ricardo Yabut through his younger brother Usec. Yabut.
However, the happiness of the Candabeños is not complete, as they are now alarmed over tAnna York Bondoche rapid scouring of the national highway in the same barangay, in the same stretch of the road, a great danger that poses a grave threat to the lives and safety of the motorists.
And after we enjoy and think of the good news, here’s a more pressing problem – a bad news worse than that of the Pansol floods.

Why? Because if the continuous collapse of the road due to seepages and strong current of the Pampanga River persist, there is a possibility that all the 11 barangays in the riverside would be isolated. With this emerging problem, we are again calling the emergency intervention of the DPWH. In my phone talk with Guilas, he told this writer that Pelayo and Usec Yabut are now doing their homework in asking the timely assistance of no less than President Gloria Arroyo, proposing road rehabilitation and construction of a cut-off-channel costing an estimated P300 million -- a big amount that can be seldom given to a municipality like Candaba, considering that less than P300 million has already been given by the national government to some other road projects of the town, particularly the Candaba-San Miguel road and Candaba-Baliwag road.

All the Candabeños can do now is to support Pelayo and Usec Yabut, if not through physical means, we can do it by giving a moral boost to our leaders for them to be inspired in looking for a long-term solution to this emerging problem.
To Mayor Pelayo and Usec Yabut, just keep going, keep working and God will do the rest as your constituents are fervently praying for it.

Year-end na, Aling Iska!

Aling Iska, tumatanggap ka ba ng Christmas gift, Christmas bonus, Christmas is there? Ba hindi!!! Dumadalo ka ba ng Christmas Party? Siyempre naman hindi. Eh ano ang tinatanggap mo? Year-end Gift, Year-End Bonus at Year-end is there. Siyempre dumadalo rin ako sa Year-End Party. Pero nagkataon lang na lahat ng iyan ay ginagawa sa huling buwan ng taon – Disyembre.

Seriously speaking Aling Iska, anong pinagkakaabalahan mo? Siyempre, nagsusulat para may binabasa ka ngayon. Pero, sa totoo lang, abala kami sa buwan ng Disyembre, marami kaming ginagawa hindi para sa sarili kundi para sa Dakilang Lumikha.
Unang-una, sa buwan ng Disyembre ay ginugunita namin at lubos na ipinagpapasalamat sa Diyos na isang taon niya tayong iniligtas at iningatan sa mga sakuna at maging sa karamdaman.

Actually, totoo naman Aling Iska, na hindi lang natin dapat isipin kung anong saya at anong regalo ang ating matatanggap sa buwan ng Disyembre.

Ito iyong panahon na dapat ay pag-ukulan natin ng pansin ang ating paglilingkod sa Panginoon at suriin natin ang ating naging pamumuhay. Nabuhay ba tayo ayon sa katuwiran? Kung may nagawa man tayong pagkakamali at nahulog tayo sa tukso. Ito iyong panahon na dapat ay magbalikwas tayo at magbagong buhay.

Dapat din nating ituring na isang biyaya ang taong ito na lilipas at tayo’y maging mapagpasalamat sa lahat ng pagpapala na ipinagkaloob sa atin, maliit man malaki.
Salamat sa araw-araw na buhay tayo at malakas kasama ng ating sambahayan. Salamat dahil kasama natin ang ating mga kapwa tao, kaibigan o kakilala na laging nariyan para magkatulong-tulong tayo sa araw-araw.

Higit sa lahat, maraming pong salamat sa patuloy na awa, pag-iingat at pagkukupkop ng Panginoong Diyos sa atin sa bawat sandali ng ating buhay. Aling Iska, marami ka bang naging karanasan sa taong ito na hindi mo malilimutan? Hindi ko mabibilang ang mga karanasan na lalong nagpapalapit sa akin sa Diyos na Lumikha. Isa sa mga ito ay nang ako ay makaranas ng pansamantalang pagkabulag, sa sandaling iyon kasama ng aking maybahay ay makdahup palad kaming lumuhod at nanalangin sa Ama taglay ang matibay na pag-asa na hindi kami mabibigo sa aming pagtawag.

Isang maningas at walang pag-aalinlangang panalangin ang aming isinagawa. Sa huli ay nasabi namin na sa pagdilat ng aming mga mata ay muli akong makakita.

Salamat sa Amang Lumikha dahil sa aking pagdilat ay parang ulap na nahahawi ang aking nakikita at sumilay na muli ang liwanag sa aking mga mata. Ito ay isang karanasang hindi ko malilimutan magpakailanman at aariin kong isang kayamanan habang ako ay nabubuhay. Marami pa na mga patotoo ang Ama na ginawa niya at kasalukuyan pang nangyayari kaya sa wala akong ibang pinakananasa sa aking buhay kundi ang huwag akong magkulang sa aking tungkulin na mabigyan ko ng kaluwalhatian at kapurihan ang Diyos na Lumikha.

Pasensiya na kung ako ay naging emosyonal sa pitak na ito dahil hindi ko malilimutan at lubos na ipinagpapasalamat ang lahat ng kagandahang loob ng Diyos sa aming buhay.
Tama lamang na ating harapin ang bagong taon na may lubos na pagkakatiwala at pag-asa sa magagawa ng Ama sa ating buhay sa mga taon pang darating kung mamalagi pa ang hiram nating buhay.



Protesta sa kapitolyo ng Pampanga

Alam mo kung minsan talaga, masakit ang ganyang paratang pero ang may sugat lamang ang dapat masaktan. Sa may Benigno Hall kahapon, ang dami talagang tao. May sumisigaw, nagkukuwentuhan. Tila yata may dating kasamahang inirereklamo ang mga miyembro ng Federation of Pampanga Truckers, Incorporated.

Ba, ayaw sanang makibalita ni Aling Iska, pero nahikayat, dahil ayaw niya sa taong swapang. Pero nang makita niya si Mike, nakapagsalita siya ng “in fairness,” mas guwapo siya kay Mike Enriquez. Mukhang disente at malinis. Paki-describe mo nga Aling Iska ang hitsura ni Mike Swapang? Correction please, ang apelyido ni Mike ay Tapang at hindi Swapang. Kaya tama iyong sabi noong isa pang T-shirt, “Mike maTapang ang Mukha.”

Ba in fairness, ang mukha niya’y talagang may dating, super gwaping, kalaglag panting nangingitim. Huwag mong aamuyin, ikaw ay tiyak na hihimatayin sa panting suot ng bading.
Pero bakit naman kasi iniintriga si Mike kay Atty. Vi? Anang isang sulat na ikinalat sa Kapitolyo, “Hindi kaya sila sosyo ni Mike Tapang sa Suretrax? Kung ganoon, ano ang relasyon nilang dalawa? May namamagitan ba sa kanila?” Anang isa pa, tila yata sila’y sosyo sa isang kumpanya na kokolekta ng P20 kada kubikong buhangin? Ba, magpapayaman ba sila? Aling Iska, ano ang masasabi mo? “Ganito iyan, sa aking opinion, bakit kailangang makisosyo ni Dabu? Mayroon ba siyang pinaglalaanan? Ang balita ay simpleng tao lang siya. Not unless may plano siyang tumakbo bilang Congresswoman ng Segunda distrito ng Pampanga? Kahit papaano kailangang may ipon ka, hindi ba?”

Sa karkula ng Pampanga truckers, ang eskemang ito ng sinasabi nilang kumpanya ni Mike ay kikita ng P1.5 milyong piso kada araw. Kung gayon Aling Iska, ang planong iyan ay dapat mong siyasatin, magandang paksa sa iyong investigative journalism, hanep!
Aro, Diyusmiyo, ayaw ko sa taong tsismoso. Ba, mag-aaway tayo diyan. Bakit Aling Iska, may masama ba sa nagtatanong? Ang sabi ng lolo ko, ang taong nagtatanong, marunong. Ang taong pikon, mukhang hipon.

Pero, ano ba talaga ang ayaw ng mga opisyales ng Federation of Pampanga Truckers? Nagtataka at naiinis sila Aling Iska, kung bakit hindi naman nila inihalal si Mike bagkus ay inialis siya sa pagkapangulo ng Pampanga Truckers ay nailagay pa na representante nila sa Technical Working Group (TWG) na gagawa ng mga alituntuning magpapatupad sa pinagtibay na Ordinansa 261 na mag-reregulate sa paghakot ng buhangin sa probinsiya?

Hindi ba dapat ay maghalalal muna ang federasyon mula sa kanilang hanay kung sino ang magrerepresenta sa kanila sa TWG? Ba, unang una, si Mike ay matapat sigurong kaalyansa ng hari at reyna? Kaya naman si Mike ay may karapatang maging matapang at sobra naman kung totoong swapang din sa kapangyarihan?

Aling Iska, sino ang dapat magrepresenta sa mga truckers? Siyempre, iyong presidente o sinumang itinalagang representante hindi ni Dabu o ni Panlilio kundi ng federasyon.
Sa dinig ko naman kay Panlilio, kailangan niyang ipatupad ang ordinansa kundi ay madaragdagan na naman daw ang kanyang kaso sa Ombudsman. Kawawa naman.

Trahedya sa motorsiklo

May masama po ba sa dumaraming motorsiklo, Aling Iska? Ba, ang pagkakaroon ng motorsiklo ay hindi masama. Iyan ay mabuti dahil nakapagbibigay ng kumbinyensiya sa sumasakay at napakatipid sa gasolina. Pero, ang masama, bunga ng kawalang disiplina at kayabangan ng maraming sumasakay sa motorsiklo, marami ang nasasaktan, nababalian at humahantong sa kamatayan. Ang problema marami ang nadadamay, pati ang mga inosenteng biktima na nadidisgrasya dahil sa mabilis at walang taros na pagmamaneho. Para silang pusang may siyam na buhay kung magmaneho.

Kung pagmamasdan mo sila para silang hari sa daan at walang kamatayan. Marami sa kanila ay mga kabataan na kung minsan ay lasing pa at wala man lang pananggalang sa katawan tulad ng helmet kapag sila ay nagjojoyride.

Kamakailan, nakakalungkot isipin na isang anak at isang ina na kasalukuyang nagdadalantao ang nabundol ng mga kabataang nakamotorsiklo sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Sta. Ana. Patay ang mag-ina, nakaligtas ang mga suspect na taga Candaba kasama ng kanyang backride na nakatalikod sa motor habang nagtetext at sumisigaw.

Sa buong bansa o sa Pampanga na lang, maraming aksidenteng tulad nito ang nangyayari. Marami sa mga biktima ay nasa sementeryo na at nagpapahinga. Kawawa naman sila.
Kaya ang maipapayo namin sa mga sumasakay ng motorsiklo, may kaakibat na responsibilidad ang pagmamaneho dahil sa ang kalahati ng buhay ninyo at ng inyong mabubundol ay nasa hukay na. Sa kaunting pagkakamali ay matutuluyan na kayong haharap kay kamatayan.

Kaya sana ay buong ingat kayong sasakay ng motorsiklo bago mahuli ang lahat sapagkat ang trahedya ay hindi mangyayari kung may disiplina kayo sa sarili at sa pagmamaneho.
Sa mga may motorsiklo, kamatayan ang inyong hahantungan kung hindi kayo mag-iingat sapagkat ang sakuna ay dumarating sa oras na hindi ninyo inaasahan.

***
Sa mga tricycle drivers na rumorota sa Sta. Ana-Candaba road, nais naming ipaalam sa inyo na ang tamang halaga ng pamasahe mula Candaba hanggang Sta. Ana ay P12 lamang at hindi P15 kada pasahero tulad ng inyong ipinatutupad.

Sa inyong kabatiran kayo ay maaaring alisan ng prankisa dahilan sa inyong walang takot na paglabag sa Ordinansang pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Candaba.

Maraming mga pasahero ang umaangal lalo na ang mga empleyadong kumikita lamang ng minimum at nahihirapan. Huwag ninyo ng hintaying isumbong pa kayo at mawalan kayo ng prankisa dahil sa alam naman natin na tanging iyan lamang din ang inyong pinagkakakitaan.
Magtrabaho po tayo ng malinis at ayon sa batas para po iyan magamit na maluwag ng ating mga pamilya.

Salamat kay Police Superintendent Wilson Santos at kay Leny Manalo, chief of Staff ni kuyang Jerry Pelayo sa kanilang mabilis at maagap na pag-aksyon sa hinaing ng mga pobreng pasahero.

Sa konkretong barikada, trapiko nagkahibla-hibla

Ano ang masasabi mo Aling Iska? Walang gamot diyan, dalhin mo na lang sa mental hospital. Ibig mong sabihin Aling Iska, doon dapat dalhin ang mga pasimuno sa paglalagay ng “concrete barriers” sa harap ng SM City Pampanga at Robinsons. Ba, eh hindi ako ang nagsabi niyan. Eh, sino? Itanong mo sa city hall ng San Fernando.

Hindi ba mga maysakit sa pag-iisip ulo lang ang mga naroon? Eh, saan mo sila dadalhin? Sa kangkungan? Malapit na ang halalan, tandaan mo na lang ang mga pangalan.

Ano ba ang sabi nila, kaya raw nagkabuhol-buhol ang trapiko dahil sa isinara ang Quezon Road at dumaan na ang mga sasakyan diyan sa harap ng Robinsons.

Hindi ba ilang buwan na ang nakakaraan nang isara ang Quezon road at iyong bottleneck ay nagsimula lang ng dugtungan ang concrete barriers hanggang sa boundary ng Mexico? Doon sa lugar kung saan tagpos ang concrete barriers ngayon ay makipot ang likuan. Doon din ang Gate 2 at ang terminal kung saanlumalabas ang mga pampasaherong sasakyan. Samantala kung ibabalik sa dati at aalisin ang mga idinagdag na concrete barriers, maluwang ang likuan dahil talagang nakadisenyo sa pagliko ng mga sasakyan.

O sige, granting without accepting for the sake of argument na ang dahilan nga ay ang pansamantalang pagsasara ng Quezon road. Ano ngayon ang gagawin ninyong pinakamabisang hakbang para lunasan ang bumper to bumper na traffic diyan sa harap ng SM lalo na tuwing rush hour?

O, kuntento na kayo na pinagmamasdan ang paghihirap ng mga mall shoppers, motorista at maging ng mga turista dahil sa buhol-buhol na trapiko? Tamaan sana kayo ng Lotto, huwag na kayong iboto dahil mayaman na kayo. Sa mga miembro ng Sangguniang Panlungsod ng San Fernando, akala ko, para kayo sa kapakanan ng mga Kapampangan at Fernandino? Bakit kayo natutulog sa pansitan at nagbubulag-bulagan, hindi ba kayo nahihiya o talagang manhid na kayo?

Sa hepe de polisiya ng San Fernando, kung hindi mo kayang ayusin ang daloy ng trapiko, may dahilan ba para manatili ka kahit isang minuto sa iyong puwesto? Nagtatanong lang. Dapat ang tatanggapin mo lang na order ay iyong talagang order at hindi disorder. Kita mo ang nangyari, lalong lumala ang situasyon dahil sa mga konkretong barikada na hinambalang ninyo sa harap ng SM at Robinson.

Iyan ay ilan lang sa isang milyong tanong na dapat sa inyo ay ipukol. Teka muna, tila yata napakainit ng ulo mo, Aling Iska. Talaga, kasi ito lang ang paraan para ang mga opisyal ng Siyudad San Fernando ay magising sa tila yata sinasadyang pagkakahimbing.

Diosdado Macapagal Memorial Hospital

Simula ng hirangin ng gobernador si Dr. Lacson, gumanda ang ospital dahil sa kabibili ng magagarang kurtina. Ba, Aling Iska, tribute yata yan sa magaling na Doktor. Pero pakitiyak lang boss chief, na kumpleto ang mga gamit at gamot ng hospital bago kayo bumili ng kurtina. Aanhin mo ang dekorasyon, kung pasyente ay nagkukumbulsyon dahil sa walang gamot at pang-ineksyon?

Ayon kay Ka Isko, na madalas sa Clark Economic Zone, ito raw si Dr. Lacson ay kilalang-kilala raw sa Mimosa Casino. Ano kaya ang ginagawa niya roon? Nagtatrabaho ba o nagkakasino? Eh, ano bang masama kung nasa casino? Ano rin ang masama kung tumataya siya, hindi mo naman pera, Aling Iska? Kung nagtatrabaho naman, okay lang. Baka kasi bigyan tayo sa kanyang double compensation? Ayun ay kung mayroon?

Pero, hindi ba fulltime siya bilang hepe ng hospital? Baka naman talagang sikat lang si Dr. Romulo at hindi naman consultant o empleyado ng casino? Aling Iska, give the doctor the benefit of the doubt. Huwag kang manghuhusga kung walang pruweba. Si Aling Iska mo’y hindi nanghuhusga, nagtatanong la-ang kabagis. However, that remains a question, a good subject for investigation of the provincial board and the governor.Pero Aling Iska, mayroon bang masamang pandesal sa nagtatanong? Ba, eh wala po lalo na’t kung mainit at bagong luto.
In fairness to Dr. Lacson, tila yata napakabait niya. Bakit naman?

Kasi, kainis siya Aling Iska, sukat ba namang hinahayaan ng pangasiwaan ng pagamutan na gamitin ang ambulansiya ng hospital sa pamimiesta? Ba, anong pruweba, aber? Noong piyesta sa San Nicolas, Lubao ay kitang-kita ang ambulansiya ng Diosdado Macapagal Memorial Hospital, sakay-sakay hindi mga pasyente kundi mga empleyadong nakikipamiyesta. Kasarap naman, mga labi nila’y namantikaan at the expense of the poor patients and indigents who were in dire need of an ambulance at that time.

Diyusmiyo Governor Panlilio, Atty. Dabu, puwede bang paki-imbestigahan ang naturang pagsasamantala diyan sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital? Ang ganda pa naman ng pangalan ng pagamutan, pero kung ang pamilya ng pasyente ang hihiling ng ambulansiya, laging wala at hindi puwede.

Iyan ba ay alam ng administrative officer na nag-iisyu ng trip ticket? Kapag piyesta, anong nakalagay sa trip ticket? Hindi naman siguro trip to Jerusalem. Baka naman trip to heaven?
Hindi, noong minsan kasi ay trip to Balibago sa Siyudad ng Angeles sa tabi ng PG Pawnshop at Longganisa, sa bahay ni Dr. Romulo Lacson. Kasi naman mga kaputol, nagdaos ng kanyang ika-60 kaarawan ang hepe ng pagamutan. Happy Birthday Doc. May you have many more birthdays to come.

Take note, nandoon din si Governor Panlilio. Sakay ng tricycle? Hindi. Sakay ng Jeep? Hindi. Naglakad siya? Hindi, ikaw naman Aling Iska, parang hindi ka showbiz? Gimik lang iyon. Sakay ng ambulansiya? Hindi, governor sasakay ng ambulansiya? Pero nakita niya siguro ang ambulansiya na sinakyan raw ng mga staff ng hospital?

Dr. Romulo, talaga bang policy ninyo bilang chief of hospital na ipagamit ang ambulansiya kahit saan at kahit ano ang dahilan maging birthday o piyesta man iyan? If it is so, it defeats the very purpose of the ambulance. Nakakaawa ang mga pasyente na siyang tuwirang nangangailangan ng ambulansiya.

Kung ayaw ipahiram ang ambulansiya, may dahilan. Kung gustong makipamiyesta o makipagbirthday, may paraan diyan sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital.
Ay, susmariosep, Aling Iska. Pati pasyente pipila na ng alas sais ng umaga, alas nueve na wala pa si doc. Sa hapon, alas dos y media na, doon palang magsisimula ang konsultasyon sa pobreng maysakit.

Marami pang sumbong at reklamo ang natatanggap ni Aling Iska. Kasi iyan ang usong good governance sa probinsiyang Kapampangan ku, pagmaragul ku. Buwisit.

Kapit-tol sa pulitika

Ang suwerte talaga ng mga kumag, Aling Iska. Pero ang tanong mayroon ba at ilan talaga sa kanila ang may pusong maglingkod sa bayan at hindi ang pakay ay ang sariling kasikatan, iwan man nila kahit ang kanilang dating propesyon at bokasyon?

Kung pumorma ang mga pulitikong kumag Aling Iska, malaki pa ang litrato at pangalan kaysa proyekto. Parang gustong palabasin ng mga buwaya sa pulitika na malaki ang utang na loob ng taong bayan sa kanila dahil sa naipasimiento ang kapirasong kalsada.

Pero alam mo bilib din naman ako sa ating bagitong gobernador. Kakaiba siya. Ang agang natuto sa pagiging trapo. Hindi siya kaanak ng pulitiko pero ang kilos at gimik ay mukhang trapo na, malaki pa ang litrato kaysa sa proyekto. At iyan ay makikita mo sa lahat ng mga proyektong ipinagawa ng kapitolyo.

Pusang gala Aling Iska, ano kaya ang gustong palitawin ng bagitong gobernador? Dalawa lang iyan, brod. Una, gusto niya sikat siya para makatakbong muli ng gobernador o senador. Mayroon naman kayang kumuha sa kanya? Meron siguro, mga batikang pulitiko, ibig mong sabihin trapo? Hindi lang trapo, mga mukhang gago. Pero isa lang ang ating natitiyak, iyong mga dati niyang nabola sa pulitika, nagtanda na at isinuka siyang buong-buo dahil para daw silang nakalulon ng malaking lason na bumara sa kanilang bituka.

Pero hanggang kailan siya mananatili sa kapitolyo? Brod, nung akung kutnan mu, buri ku neng kuldas, peka malambat siguro anggang bukas. Aling Iska naman, hindi siya magreresign. Patagalin mo naman siya hanggang Enero, Pebrero o Marso ng susunod na taon. Bakit naman? Dahil matutuloy ang eleksyon at magkakapondo na ang commission. Kaya nga nangangampanya na siya kahit wala pang kalaban. Ginagamit niya mga pulpito ng simbahang katoliko, malalaking litrato sa mga proyekto ng kapitolyo at pinababa niya ang kahulugan ng salitang “good governance” at “good Kapampangan leader.”

Alam mo brod, naging kawawa ang kahulugan ng salitang “good governance.” Bakit naman, Aling Iska? Naging kalapating mababa ang lipad. Masyadong na-prostitute at pinagsamantalahan ng halo-halong halusinasyon na mayroon daw good governance sa kapitolyo. Pero pumunta ka naman doon sa kapitolyo, ang gulo-gulo. Magkakalaban, kampi-kampi, watak-watak, walang kaayusan, walang katahimikan, bangayan ng bangayan. Ibig lang sabihin mahina ang inilagay na lider at walang kakayahang pangunahan ang higit na nakararaming mamamayan.

Kung nababoy na ang salitang good governance, palagay ko ang kailangan na natin ay better governance. At tuluyan ng magising ang kamalayan ng mga Kapampangan at hindi na malinlang sa animoy ma-among mukha ng mga tupang gustong magtangkang pumasok sa masalimuot na mundo ng pulitika.

Pero ang tanong, ang pulitika ba ay sadyang nakakaadik na dahil pati ang responsibilidad sa sambahayan at sa simbahan ay iniiwan, maging pulitiko lamang? Pati ang uri ng pagpapari ay bumababa dahil iniiwan at mukha yatang ayaw ng balikan dahil mistulanng mahigpit ang kapit-tol sa pulitika.