Wednesday, December 23, 2009

Joel P. Mapiles - Marami Salamat Po!

SA PAGGUNITA ko sa taong ito na lilipas, maraming mga bagay ang sumasagi sa aking puso at isipan. Maraming mga pangyayari ang hindi ko malilimot kailanman. Tulad ng pagpanaw ng pinakamamahal kong magulang- ang aking tatay-ang aking Pangulong Diakuno na lumingap at gumabay sa aming sambahayan sa simple at matuwid na pamumuhay na may iisang adhikaing maglingkod ng tapat sa Panginoong Diyos.

Lumisan man ang aking tatay, iniwan naman niya ang matatag na pananampalataya na aming itataguyod habang kami ay nabubuhay. Marami pong Salamat aking ama. Lagi kaming aasa na tayo ay muling magkikita doon sa langit -ang tunay nating bayan.

Sa taong ito na mabilis na lumilipas, gumimbal din ang labis na kadalamhatian hindi lamang sa aming sambahayan, kundi maging sa kabuuan ng mga kapatid sa loob ng Iglesia Ni Cristo sa buong mundo sa pagpanaw ng pinakamamahal din naming kapatid –ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, si kapatid na Erano G. Manalo.

Kay Ka Erdy, sa puso at sa aming isipan ay hindi namin lilimutin kailanman, ang magandang alaala ng kanyang pagmamahal, ng paglingap, ng paggabay, ng pagtatagumpay, ng pagmamalasakit, ng paglingap, ng matatag na pagkakaisa at ng tapat na pangangaral sa ikapagkakaroon ng matuwid at pinagpapalang sambahayan at higit sa lahat ang tunay na paglilingkod sa Diyos tungo sa pagsalubong sa kaligtasang mabilis na dumarating. Paalam at maraming salamat po mahal naming Ka Erdy!

Subalit sa harap ng mga kalungkutan na aming naranasan sa taong ito, maraming –marami pa ring kagandahang loob at kabutihan ang ibinigay ng Panginoong Diyos sa akin at sa aking sambayahan at maging sa kanyang bayan.

Oh, Diyos na mapagmahal, maraming-maraming salamat po sa tulong at awa, sa buhay at lakas na patuloy na ipinagkakaloob niyo sa amin. Sa panahong nalungkot kami at dinalaw ng malabis na kalungkutan, ikaw oh Ama, ang sa amin ay lumingap, ikaw ang sa amin ay nagbigay ng ibayong pag-asa.

Tandang-tanda ko pa Oh, aking Diyos ang panahong nagkasakit ang aking mga anak, sa Banal Mong Pangalan, sa iyong tahanan ako ay lumuha at sa iyo ay tumawag. Doon ay naranasan ko ang iyong malakas na kapangyarihan, ang pagsagot sa aking panaghoy na nawa ay tulungan ako at pagalingin ang aking anak. Sa pagdilat ng aking mga mata, malakas ang aking loob, ang panalangin ko sa Iyo ay pinakinggan. Ang sakit na dapat sana ay nagdulot ng kagipitan sa aking sambahayan ay naging kasangkapan para kami ay palakasin at kami ay pagpalain. Gumaling ang aking anak, nanumbalik ang kanyang lusog at lakas. Sa simple at karaniwang pamumuhay ay dama namin ang pagpapala at ang Kanyang paglingap.

Payak man ang buhay ng aking mag-anak, sama-sama kami sa kaligayahan at sa kalungkutan dahil ang pinakamahalaga sa amin ay matupad namin an gaming tungkulin –ako bilang Pangulong Diakuno, ang aking maybahay bilang Diakunesa at ang aking tatlong bilang mga mang-aawit sa Iglesia Ni Cristo. Sa lahat ng ito Oh, Diyos na aming Ama. Maraming-maraming salamat po! Mahal na mahal po namin kayo!

Sa pagsalubong sa taong 2010, taglay namin ang ibayong lakas, ang ibayong sigla at katatagan sa pananampalataya at mataas na pagkakilala sa banal Mong Pangalan dahil ang lahat ng pagpapala sa aking pamilya at tagumpay ng Iglesia Ni Cristo ay gawa ng iyong makapangyarihang kamay.

Sa inyong lahat na tumangkilik sa aking panulat, natuwa man kayo o nasaktan, pasensiya na at maraming-maraming salamat po.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Teatru Ima at Arti- MaArti!

MaArti! Sinong maarti? Ako?Hindi, Aling Iska. MaArti talaga. Ano ang ibig mong sabihin? Ing buri kung sabian, Teatru Ima at Arti (MaArti). Deng miembro na niting MaArti, ali lamu pang lokal. Magperform la, ali mu karing eskuwela. Miras nala naman king Cultural Center of the Philippines. CCP? Woww! Hanep.

Oy ni pa ing mayap a balita, king maigit pa sigurong pabanuang pamanyibul anti mong artista, manganganta king teatru, king lagyu ning MaArti, menagumpe na la ketang milabas dang musical dramang “Ima” .Ngeni king karelang musical performance a “Beauty Parlor” magpalage la rugu ali mun keni nune karing teatru na ning Estados Unidos para patakman dala ring kalupang kapampangan a megdaywan king lasa na ning likwan dang teatrung Kapampangan keti king bansa tamu.

Buri mung sabian, MaArti goes US? Yes, from the Far East, MaArti will bring their talents to the far west. That dream if it is just a dream, it’s already a success. What more if it really happens in the west coast of US.

Magagaling sila Aling Iska. Alam mo tuwang-tuwa ako, habang sila ay pinagmamasdan ng aking dalawang mata. They are so good. They enjoy what they are doing.

Alam mo, Aling Iska, you miss half of your life kapag hindi mo napanood ang masayang samahan ng mga kababaihang kapampangan na nasa kanilang kalakasan sa idad na sengkuwenta. Sengkuwenta? Oo, Aling Iska. Hindi ko sukat akalain na sa ganoong idad ay maiintertain pa ako. Halos mahulog ako sa bangko habang pinagmamasdan ko ang kanilang pag-indak at pakikinig sa mga nakakaaliw nilang tinig sa ginanap na Press Con noong Lunes sa Villa Conchita Resort.

Balu mu, anyang mayari la rugung perform, mebitin ku, feeling ku bisa ku pa. Oneng patikim, ya pala itang performance da uling atin

Rugu, atsi kung Iska nung Atsu ka karin, ali ka mainlove, mangapali ka pa king salol! Bakit? Uling at nala king pangalagu. Nanu ing susulud da? Ali, mangalagu lang talaga itsura.

Ali ku pa kelimuan, anyang albayan kula, metung karing meka sungkit king kanakung paglalawe, y Atsing Ma. Theresa “Tess” Laus. Atne king kabage ketang maputi ng buwak, Anti yamong linageng mestisang manganganta anyang dekada sisenta. Malagu ya itsura, masanting ya boses, talagang total performer ya kayantabe da ring aliwa pang artista ning MaArti.

Siyempre, aliwa mu ya, dakal la pang biasa at mangagaling magpalage teatrung Kapampangan. Anti mo y Marilou “Malou” Bianzon Garbes. Atne king kalagu ketang makuyad ng palda at ketang poniteil na king buwak, sexy yang linto at ne king kabage. Nung baintau ku mu anyang dekada sisenta, peglolowan ke ing malagu kung kang Atse. Makanyan la naman pangalagu, pangasanting boses ding abe ra kalupa ng Ma. Frieda O. Hizon, Marita “Rita” G. Villanueva, Agnes “Anette” Romero, Lina Francisco Velez, Roxanne Flor “Roxie” Gorospe, Ma. Lourdes “Des” Deang, Carmen “Meng” Mc Tavish, Leonor “Nor” S. Pineda, Maritess Ramos Punsalan, Germinia “Germie” C. Villanueva, Divina “Vina” O. Tayag, Corito Rose O. Tayag, Caridad Tanciangco, Marsha Nepomuceno, Cleofe Umlas, Evelyn “Leny” dela Cruz, and Let Panganiban, Macaria Teresita “Siobe” Co, Maria Amio “Maygold” Guintu, Theng Villaluna, Agnes “Bondee” M. Dinio, Dita Dayrit Patawaran, Bess Tranquilino, Beth Masangcay, Josephine Gozun, Ma Czarina “Rina” O. Alarcon, Doren Tayag, Victoria “Vicky” C. Segundo, Edna David at Divine Tulio.

Deting mesabing artistang Kapampangan, tune at malyari nalang isabak ing gelingan da agyang kareng manalbeng American-Kapampangan.

Rugo, atsi kung Iska, patse ayalben mula, mapalyaring mansamantalang akalimuan me ing asawa mu. Pero kaibat naniting palage ning Ima, paintunan me ing kabislak ning pusu mu, uling buri mu sana, makanyan ya naman boses at karisma ing kekang malagu mu namang esposa.

Kaya nung albayan mula ring MaArti, tuki mune ing darling mu. Para parehas kayu at sabe kayung mag-enjoy.

Ngayon pa lang ay congratulations na kay Andy Alvis, ang multi-talented nilang Director at sa lahat ng miembro ng MaArti sa nalalapit nilang musical concert na “Beauty Parlor.

Sa concert na ito, ipalalabas ang lahat ng mga nangyayari sa loob ng Parlor. Tsismisan, daldalan, palaguan at dakal pa. Manalbe na kayu mu uling ali la maArti, atin lapang sasabian dang kapampangan beauty.


Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920.

Monday, December 14, 2009

KANDIDATO 2010 (Part 2)

Lazatin vs Yabut sa First District
KAKATUWA, Aling Iska, kontodo ngiti itong si Congressman Lazatin nang tanungin ko kung ano ang masasabi niya sa kanyang mga challengers na sina Ares Yabut at ang simpatikong si Luistio Bacani.

He-he-he-he… eku rugo kalaban de ta, ilang adwang milalaban. Ito ang simpleng sagot ni Congressman Ditak a salita, dakal a gawa. Kung ating pag-aaralan ang sagot ni Congressman Lazatin parang sinasabi niyang, ‘makalunos no man obat, mipapate la keng pangadwang puwesto. Ba Aling Iska, hindi ba wala namang Vice-Congressman? Loko, eka makanian, ena buring Luisito Bacani ing makanian.

Apansin ko Aling Iska, ot karitak na ning pakibat ng Lazatin? O siyempre pu, ulitan ku, ya pu y Congressman Ditak a Salita, Dakal a Gawa.

Oneng Aling Iska, for the sake of fairness, balance news and opinion, ba agad ke rugong inaus ing paintungol a congressman Ares Yabut. Eto ang tanong. Ano ang edge mo kay Congressman Ditak a Salita, Dakal a Gawa? Eto ang sagot. Ba, talagang ing matua, magnerbius ne. Ena rugo a pakiwari keng isip na metung yang konsehal ing sumambut kaya.

Aro diyusmiyo, buri mung sabian Congressman-to-be Yabut, y Congressman Lazatin matua ne? Nanu ing pekibat na? Oini ing pakibat na. Y Lazatin matua ne rugo, kakalimuan na nala deng supporters na, malambat na lang magtampo. Kaya kanaku na la pupunta. Ena rugo sigurong balu ning matua, nga na.

Oneng atin, ya ring sinabi y Yabut. Y Congressman Lazatin, champion ya kanu king pamagserbisyo kilub ning 21 a banua. Buring sabian aminan ng Yabut talagang magaling ya y Lazatin. Ba, Konsehal Yabut, nung champion ya king panga-Congressman kagalang simbut na ka naman at mibalik ka rin king panga-Konsehal? Bakit naman Aling Iska, kasi ang sabi ni Congressman-to-be Yabut, champion din siya sa pagka-konsehal ng Siyudad ng Angeles.

Kumbaga, Aling Iska, heavy weight champion versus light weight champion ang labanan. Kung gayon, mismatch. Pero Aling Iska, huwag mong kalilimutan sa banal na kasulatan ay natala na si David na tagapag-alaga ng tupa ng kanyang ama ay ang nagpabagsak sa pinakamatapang na mandirigmang si Goliat. Ibig mong sabihin David and Goliat ang labanan?

Alam mo ang naglakas loob na lumaban kay Goliat ay isa lang si David. Pero kay Lazatin, hindi isa kundi dalawa ang humamon. Kaya siguro, magkaiba ang kuwento. Kung hindi sana tumakbo si Luisito Bacani, masasabi nating David’s history repeats itself sa Angeles. Pero hindi ganoon, it’s not one-on-one, it’s a three cornered fight.

Congressman-to-be Yabut kung mapapakiusapan mong maging ‘water boy’ na lang si Luisito Bacani, baka mangyari nga ang labanang David at Goliat. Aro, ali ya rugo mabisa y apu mu, banua-banua aliwa ri paimbulog ya king pulitika.

Nung emu agyung pakisabian, keka Konsehal Yabut, listen also to the wisdom of the elders, watch out for his veteran move, pota nung baga keng chess, emu balu, mesambut ka. Uling sabian mu pin, champion ya king division na. Pero nung mas magaling ka, you can realize your presence in the next Congress.

Batay sa aking pananaliksik, naging mahusay na Congressman si Carmelo Lazatin,marami siyang sinuportahang mga bills na naging batas. Marami siyang naitalang proyekto ukol sa social services, infrastructure, education, ang haba ng listahan ng mga proyekto, kahit isang araw ay kulang pa kung iyong bubusisiin. Basta marami siyang nagawa, pero kaunti lang kanyang sinasalita.

Kapag naman daw si Yabut ang umabot sa kongreso, tiyak daw walang ghost projects at wala silang bubusisiin dahil transparent. Ba, Aling Iska, Yabut is okay and making sense.

Ang katulad niya ay isang masigasig na kabataan, malawak ang pananaw, pursigido, parang siya ay may kalalagyan din sa Kongreso. Ang kahinaan daw ni Lazatin kung mayroon man ay kanya raw pupunuan. Tulad ng ano?

Kung hindi naisabatas ni Lazatin na maging Universidad ang Pampanga Agricultural College, kanya raw itong pagpupursigihan ng buong lakas kung mananalo siya sa unang distrito at isa pa, gagawin niyang ‘lone district’ ang Angeles na hindi nangyari sa panahon daw ni Congressman. Y Congressman-to-be Yabut lupang dakal ya salita, dakal mu naman sana ing gawa.

Well, sa inyong dalawa este tatlo pa la, may the best congressional bet wins the elections. Good luck

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Balat ng recount lumilinaw na

SA PAGTATAPOS ng proseso ng recount parang ang tunay nitong balat ay lumilinaw na at lalong lumilinaw din ang tunay na kulay ng balat ni Governor Eddie Panlilio. Ano ang ibig mong ipahiwatig iyong natural, literal o symbolical na balat? Simbolical. Ikaw naman Aling Iska, wala namang personalan, trabaho lang.

Okay, ano ang natatanaw mong symbolical na balat ni Panlilio. Lumilitaw sa ating pananaw na self-righteous itong si Gobernador. Kapagka pabor sa kanya ang isang bagay tulad ng pagkadeklara sa kanya noong 2007 ng Comelec bilang gobernador, kulay puti ang tingin niya sa kanyang balat at sa Comelec.

Pero ngayon na pinaulit ang bilangan para malaman ang katotohanan sa likod ng election sa pagkagobernador at tila hindi pumapabor sa kanya ang resulta at mukha yatang talunan ang lolo mo, pinalilitaw niya na kulay itim ang balat ng mga Commissioners kaya nagtangka sila ng kanyang abogado de kampana na si Atty. Ernesto Francisco na maghain ng motion to inhibit laban sa tatlong commissioners.

Batay kaya Commissioner Nicodemo Ferrer ng Second Division, una di umano nilang inilabas ito sa Media. Siyempre nga naman, Aling Iska, this is for the purpose of media mileage at paawa effect, kumbaga gusto nilang ipakita na sila ay under dog. Anong ibig mong sabihin, dugong aso? Hindi. Sila ay balat aso? Hindi sila ay nag-papaawa.

Ito lang ang nakapagtataka, Aling Iska, matapos na siya ay pumayag na sumailalim sa proseso ng recount sa pangunguna ng apat sa pinakamagagaing na election lawyers sa bansa ay biglang sasabihin ni Panlilio na bias ang Comelec. Na kung tutuusin ay naging bukas sa publiko at pagtatanong ang naturang proseso ng recount.

Ngayon para niyang sinasabing naging pabaya at hindi nagtrabaho ang kanyang mga abogado dahil siya ay mukha yatang natalo sa recount ay ang sinisisi niya ay ang pagiging bias di umano ng mga commissioners.

Katunayan ay nagrally pa raw sina Panlilio para ikondena ang recount na dinaluhan ng mahigit sa dalawang daan. So, ibig mong sabihin pati rally ni Panlilio kontra recount ay nilangaw?

Sa mga pangyayaring ito lumalabas na si Panlilio at si Atty. Francisco ay tila yata natataranta na. Anong tawag sa taong natataranta? Tarantado Aling Iska. Parang pag may talent ka? Ang tawag sa iyo ay Talentadong Pinoy. Ganoon lang iyon.

Sa puntong ito. Aling Iska, Central Luzon Daily ito, hindi Punto. O sige, sa ating pananaw, para bang sinasabi ni Panlilio na ang mahuhusay niyang abogado ay naisahan at naging mangmang sa proseso ng recount dahil ang mga ito ang naging tagapagtanggol niya sa ginanap na proseso.

Alam mo Aling Iska, kahit gaano ka pa kagaling na abogado hindi mo tatalunin ang nagpupumiglas na katotohanan na tunay ngang talunan si Panlilio sa naganap na halalan.

Kaya naman sinabi nating nataranta si Atty. Francisco dahil inihayag nitong si Commissioner Ferrer na hindi dapat na inilabas sa media ang motion to inhibit ni Panlilio, kailangan di umano na isinumite muna ni Francisco ang motion sa Comelec bago ipinangalandakan sa mga mamamahayag. Totoo ba iyan? Iyan ang inihayag ni Ferrer sa eksklusibong panayam ni Aling Iska.

Ano pa ang sinabi ni Ferrer? Sabi niya loko-loko si Francisco at huwag siyang susubukan. Ibibigay raw ni Ferrer ang doses ng sariling gamot ni Francisco. Ano ang gagawin niya? Sasampahan daw ni Ferrer ng kasong Contempt of Court. Bahala na kayo diyan, basta balitaan lang niyo kami.

Kaya rin pala nagngingitngit sa galit itong si Ferrer dahil inuulol di umano siya ni Atty. Francisco. Kaya ayan, pinag-aaralan na nila ang kasong contempt laban sa kanya. Kawawa naman pala sina Panlilio, talo na, may kaso pa si Atty. Francisco.

Well, kahit na ano pa ang gawin, tila yata hindi na mapipigilan ang promulgasyon ng resolusyon ng recount na nagsasabi di umano na si Nanay Pineda ang tunay na gobernador sa Pampanga. Iyang bagay na iyan ay espekulasyon pa lang, kung mangyari ay kukuwestiyunin pa iyan sa Comelec en banc at baka nga makarating pa sa Korte Suprema. Pero sa panig naman ni Pineda, maaari din namang magmotion na habang mayroong motion for reconsideration ay paupuin na muna ang tunay na gobernador. Kumbaga, pending appeal, si Pineda na muna ang mangangasiwa sa Pampanga.

Iyan naman ay pawing mga opinion at kuro-kuro, maaaring magkatotoo at maaaring mabinbin, depende sa husay ng mga abogado de kampanilya.

Well, abangan ang susunod na mga pangyayari sa recount.Alam kong mayroon sa inyong malulungkot, pero parang kaunti lang at mayroon namang matutuwa. Kumbaga, Aling Iska, sa labanang ito ay “who laughs last, laughs best.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joelesy01@yahoo.com

Friday, December 4, 2009

‘Tongressman’ l Congressman na mahilig sa tong!

MAKAPANGYARIHAN ang isang representante sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kahit wala silang naipapasang mahahalagang batas na siya namang pinakalundo ng kanilang katungkulan ay maalab pa rin ang kanilang pagnanasa na mahalal bilang isang kagalang-galang na Kongresista.

Subalit mga kapatid ko, isang tahasang pagsasamantala sa kahinaan at kawalang kapangyarihan ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kanilang talamak at lantarang ginagawa noon, ngayon at maging sa hinaharap na panahon.

Ang mga ahensiyang ito ay beholden hindi lamang sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas kundi maging sa mga buwaya sa Kongreso.

Bakit kaya, kapatid na Joel? Aling Iska, kasi ang budget ng bawat kagawaran o ahensiya ng gobyerno ay nagdaraan sa mabusising pakikialam ng mga kongresista lalo na sa panahon ng Budget hearing na isinasagawa ng mga Congressional Committee sa Kongreso. Sa hearing na ito, magdaraan sa butas ng karayom ang budget proposal ng mga ahensiya ng gobyerno. Dito na magkakaroon ng hokus-pokus. Ipatatanaw na mga kongresista sa mga opisyal ng gobyerno na isang utang na loob na pagtitibayin nila ang budget ng bawat kagawaran.

Sa budget hearing, ay ipapasok ng mga kongresista ang kanilang mga pet projects sa kani-kanilang distrito na kung hindi naman pagbibigyan ay maaaring hindi agad pagtibayin, binbinin at kuwestiyunin ang kanilang kabuuang budget sa Kagawaran.

Sa puntong ito, sa hindi sinasadaya ay ‘hostage’ ng mga kongresista ang mga ahensiya ng gobyerno. Isa ng halimbawa ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi ba Kapatid na Joel, mayroon ng tinatawag na ‘Pork Barrel’ ang mga Kongresista? Sa kasamaang palad ay mayroon nga silang pork barrel na kadalasan ay ginagawang ‘milking cow’ ng mga buwaya ng Kongreso. Bakit kamo, Aling Iska? Ang pork barrel ay ginagamit sa pumumulitika ng mga kongresista. Sinasabi nila na ito ay kanilang sariling pondo na ipinantutulong sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Pero Aling Iska, ito ay isang tuwirang panlilinlang sa ating mga kababayan. Sapagkat ang salapi na kanilang pork barrel na kadalasan ay ginagawang gatasan ng mga Kongresista ay ang mismong buwis na binabayaran ni Juan Dela Cruz.

Ang sama pa kapatid na Joel, hindi lang nasapatan sa ‘pork barrel’, pinagsasamantalahan din nila ang regular na pondo ng mga Kagawaran ng Gobyerno tulad ng DPWH.

Halos lahat ng mga regular na proyekto ng DPWH at ng iba pang kagawaran ay ipinangangalan sa kanila bilang proyekto ng mga taong buwaya sa Kongreso.

Paano nangyayari ito, Aling Iska? Nangyayari ito dahil ang mga tao sa gobyerno ay empleyado lang at hindi makapangyarihan tulad ng isang Kongresista. Kung hindi naman nila pagbibigyan ang mga buwaya, maaaring ang mga maliliit na mangagawa ng gobyerno ay pagbantaan na alisin sa puwesto lalo na kung ang Kongresista ay sipsip sa Pangulo.

Sa paanong paraan na pagbibigyan ang mga Kongresista? Una, halos lahat ng mga proyektong pang-imprastraktura ay hawak ng mga congressman. Ang sama pa, hawak na ang proyekto, hawak pa ang contractor. Dito na maaaring gatasan ng mga Kongresista hindi lamang ang pork barrel kundi maging ang regular na pondo ng mga ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng tuwirang panghihingi ng mga Congressman ng S.O.P. sa mga contractors na beholden din sa mga buwaya sa Kongreso.

Pero sa gitna ng lahat ng ito ay nalilimutan kadalasan ng mga congressman ang tunay na pakay ng kanilang katungkulan- ang gumawa ng batas na maaaring magpaunlad sa Pilipinas.

Ginagawa marahil ito ng mga kongresista para manatili ang kanilang kapangyarihan, kasikatan at higit sa lahat ang kanilang pagpapayaman.

Pero Aling Iska, hindi naman siguro la’at ng Tongressman ay ganyan. Itanong mo man sa ating mga kongresista sa Pampanga. Mayroon namang mahuhusay talaga sa paggawa ng batas sa Kongreso. Hindi sila gumagawa ng millagro sa proyekto, para dumami ang pera at manatili sa puwesto.

Mayroon namang totoong hindi buwaya kundi mga nagpapakilalang anghel ng kabutihan, anghel ng pagtulong sa nasasamantalang si Juan Dela Cruz.. Anong klaseng anghel? Iyong anghel na may pakpak o anghel na may sungay?

Ito naman eh, bato-bato sa langit ang tamaang Tongressman, guilty at pangit.

Kawawa ka Juan Dela Cruz sa iyong mga Tongressman. Sa susunod ay magbibigay tayo ng halimbawa ng Congressman na aking binabanggit? Iyong may sungay? Hindi, iyong may pakpak para tayong ay pumalakpak at humalakhak. Ika nga sa mundong ito ay kailangang, everybody is happy.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920.

Thursday, November 19, 2009

Capitol nagbayad sa Church!

ANG pagsasanay ng tamang liderato sa mga kabataan ng simbahan o ng anumang pangkatin ng pananampalataya ay isang bagay na mabuti. Ibig mong sabihin Aling Iska, okey lang at walang masama?

Wala brod. Lalo na kapagka ang pagtuturo ng liderato ay nakabatay sa mga ipinatutupad na tuntuning itinakda ng saligang batas at maging ng mga banal na kasulatan ukol sa pagiging mabuti at makapangyarihang lider. Ang nangangasiwa sa pagsasagawa ng pagsasanay ukol sa liderato at ang mga nagtuturo nito ay kailangang maging huwaran ng kanilang tinuturuan. Tumpak, Aling Iska. Kailangang maalam sila sa batas at buong kapakumbabaang sumusunod sa mga ito.

Kung gayon, Aling Iska, tama at mabuti ang ginawa ng His Life City Church sa pamamagitan ng kanilang Wild Fire Organization na turuan ang mga kabataang Kapampangan ukol sa mga katangian ng isang tunay na lider. Walang masama at siyang tama.

Pero, Aling Iska, ano po ang isang siste ng iba ukol sa ginanap ng Youth Camp Leadership Training ng tanggapan ng PESO na ibinigay sa ilalim ng pangangasiwa ng di umano ay simbahan kung saan dumadalo ang acting provincial administrator?

Iyon po palang Youth Camp leadership training ay hindi libre at may bayad. Nagpabayad ang His Life City Church ng P675,000 mula sa kabang yaman ng Kapitolyo para punan ang ichinarge nilang P2,250.00 kada participants. Nakapangalan sa simbahan ang chekeng ipinambayad para raw punan ang gastos sa pagsasanay.

Ano ang punto rito, Aling Iska? Okay lang siguro kung libre ang leadership training. Pero kung gagastos din pala ang kapitolyo, bakit nila pinayagan?

Wala bang kakayahan o capability ang kapitolyo na maging organic na lang ang naturang Youth Camp training? Ibig sabihin iyong mga empleyado ng kapitolyo na trained sa leadership ang dapat nagsagawa na lang ng pagsasanay para hindi na sila nagbayad pa ng mahal sa pangkatin ng pananampalataya di umano ni Atty. Vivian Dabu.

Isa pang punto de vista. Karaniwan kapagka may patraining ang kapitolyo, ang hirap magreimburse ng gastos, maraming rekititos at etcheburetche, kaya umaabot sa halos isang buwan bago maapruhan ang budget. Pero sa training na ito ng His Life raw ni Dabu, advance pa ng 4 days ang release ng pondo. Iba talaga kung paborito ka ni Dabu at may connection. Iyan ba ang makakristiyanong liderato. May palakasan at kung gusto at paborito, walang dahilan, lahat ay may paraan.

Bakit naman agad na nakalusot samantalang kapagka training package at contract kung saan lahat ng pagkakagastusan ay nakapakete na sa nakakontrata. Kailangang ang kontratista ay dumaan at nanalo sa bidding. Pero tila yata, nagkaroon ng hokus-pokus at bigla na lang iniaward ang Youth Camp training package sa His Life City Church. Ito kaya ay accredited ng Provincial Development Council?

Isa pa Aling Iska, tama bang magkaroon ng transaksyon ang simbahan di umano ni Dabu sa pamahalaang panlalawigan?

Kung iyong Church di umano ni Dabu ay isa talagang pangkatin ng pananampalataya ay mali na makipagtransakayon ang kapitolyo at bigyan ito ng tinatawag na ‘public funds’ kahit man ito ay kanilang pinagpaguran dahil sila ay isang Church.

Malinaw na nasusulat sa saligang Batas ang pagkakahiwalay ng simbahan at pamahalaan. Maging ang Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 ay nagsasaad na ang pondong pambayan ay hindi maaaring gamitin sa anumang gawain ng simbahan o anumang layuning pangrelihiyon.

Alam mo, Aling Iska, na hindi kayang pasubalian ang katotohanang kapag walang nagreklamo, walang mabibisto. Ang problema lang Aling Iska, at naka kasi king kasigla. O Siyempre, si Aling Iska, dapat laging una sa balita.

Batay sa ating naglilibot na balita, ang naturang training ay isang uri ng pag-aakay sa mga kabataan na tanggapin ang kanilang paniniwalang pang-espiritual. Ibig sabihin ginawa di umano ang pagsasanay para di uman ang mga kabataan sa kanilang pananampalataya. Para daw dumalo ang kabataan sa isang retreat na ginanap sa Peniel, Patling, Tarlac, isang tago at liblib na lugar.

Ibig mong sabihin Aling Iska, nanghikayat na sila na yakapin ang kanilang pananampalataya, kumita pa sila? Well, that is your query but I am not in the position to answer that question.

Pero ang sabi ni Pareng Board Member Cris Garbo, ang ginawang ito na pagbabayad sa His Life City Church ng kapitolyo ay ‘irregular’ o hindi pangkaraniwan, ibig sabihin labag sa mga batas na umiiral.

Para naman sa Boss ng DILG sa Pampanga. That actuation is unconstitutional and it blatantly defies the provision of the Local Government Code of 1991 that public funds should not be used for religious purposes. Ano pa ang sinabi ni Boss Angie? O rugo ot ela mimingat.

Careful…. Careful….because the ends does not justify the means. Maganda ang layunin ng His Life, nagkaroon lang ng lapse.

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Thursday, November 12, 2009

‘Alang Plastikan’

TOTAL ban of all forms of plastic at the capitol premises is easier said than done lthough it is a noble and admirable move and the best thing to do as role model for the fight against climate change. Anyway, this move is also better than nothing at all.

However, Aling Iska, hindi kaya kapag ipinatupad ang ‘Alang Plastikan’ sa Tanggapang Panlalawigan ay hindi na magpasukan ang mahigit sa kalahati ng mga official at politician? Bakit naman? Dahil nga ipatutupad ang ‘Alang Plastikan’. Diyusmiyo, Aling Iska,sa totoo, plastik lang magagalit sa iyong kuwento.

Ba, ikaw ba brod ay nagpapatawa, nagbibintang o nagtatanong lang? Anyone of the three will do. Depende sa kung ano ang interpretasyon mo. Sino? Ikaw na tagabasa ni Aling Iska, una sa balita.

Balikan natin ang panukalang ‘Alang Plastikan’. Ito ay iminungkahi ng kaibigan nating si Board Member Ricardo Yabut sa isang Committee Hearing kamalawa ng hapon sa harap ng mga mista niya at ilang may katungkulan sa Kapitolyo.

Pero diusmiyo, Aling Iska, habang binabanggit ni Board Member Yabut na tatakbong 4th district Congressman ay nagmemeryenda sila ng palabok na nakalagay sa styrofoam, may plastic na tinidor at kutsara at nakaplastic na tinapay na may palaman. Ang sarap ng meryenda. Nakikikain ka Aling Iska? Oh, siyempre naman, sino naman ang tatanggi sa masarap na, nakaplastik pang meryenda.

Pero habang sarap na sarap sa pagkain ang mga bokal natin, naimungkahi na ipatupad ang total ban ng plastik o ‘Alang Plastikan’ sa buong tanggapang panlalawigan. Hindi ba kaplastikan iyan, Aling Iska? I am sorry pero tama ka. Kaplastikan nga.

Bakit naman Aling Iska? Kasi, a sincere man is walking his talk, he practices what he teaches. Am I right Mapiles? If you want to drive something as an advocacy and for others to religiously follow, start it within yourself. Do not patronize any form of plastic of any use.

To the officials or any personality, behind this move, can you please examine your self, your environment, your equipment so you could determine if you are one of the violators of this ‘no to plastic’ move or not.

Aling Iska, I would like to stressed that we are not against to ‘Alang Plastikan’ move, but what I am trying to point out is that there should be detailed measures on how to impose the Alang Plastikan at the Capitol.

Banning of plastic is ideal but what is more appropriate and doable for me is regulating. We should face the fact, that plastic has conquered not only the capitol, not only Pampanga, not only the Philippines but the entire planet earth.

Hence, the use of plastic has put in danger our total environment. But the Capitol as a starter should regulate its use and not totally ban the plastic or else they would end up in failure and in vain or total hopelessness.

The banning of plastic needs holistic approach. If you to get rid of plastic, ban all plastic manufacturers from making plastic materials in the entire Philippines through asking the two houses of Congress to ban plastic making in the country and provide stricter penalty to those who violate.

Tama po ang mungkahi ni Board Member turned candidate for Congresman Ricardo Yabut. Kapagka Congressman ka na imungkahi ninyo sa Kongreso na ipagbawal sa buong Pilipinas ang paggamit ng plastik.

Basta ito lang ang tatandaan at dapat itong simulan, sa Kuwatro Distrito sabihin mo Cong Ric, sana naman ‘Alang Plastikan.’

Meron ka bang pinariringgan Aling Iska, ala naman. Pero kung gusto ninyo sasabihin ko sa susunod. Abangan!!!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Lea S.Dizon- buong ang loob sa hamon ng panahon

STRICTLY no politics, purely public service! Ito ang tinuran ng mahinhin at magandang binibini na si Lea Dizon ukol sa kanilang ginagawang pagtulong at medical mission sa loob halos ng anim na taon bilang paggunita sa kanilang yumaong ama na si Don Tomas Dizon.

Sa unang tingin Aling Iska, mapapahanga ka kay Lea dahil sa angkin niyang kagandahan na kalahating Chinese, kalahating Pinay, in short ‘Chinay’. Sa aming kuwentuhan, naibahagi niya ang mga gawain ng Don Tomas Dizon Foundation na halos walang Linggo na hindi sila tumutulong sa mga mahihirap na cabalen.

Batay kay Lea ang foundation ng kanyang ama ay tahimik na nagbibigay tulong para sa libreng panggagamot at pangangalaga sa mga ngipin at mata sa mga kapuspalad nating mga kababayan sa Pampanga. Kaya ayaw niyang ipadiario. Pero alam niyo naman kay Aling Iska, lahat nakabalita.

Simula pa noong Setyembre, 2003 ang Tomas Dizon Foundation ay nakatulong na sa mahigit kumulang sa tatlumpung libong kabalen sa halos limampung barangay sa Pampanga.

Batay sa mga benepisyario ng foundation, ito raw ang paraan ng pamilya ni Lea upang ibalik sa mga tao ang mga biyaya at pagpapalang tinatamasa nila bunga na rin ng kanilang kasipagan at pagsisikap na magtagumpay sa buhay.

Kamakailan sa Mandasig, isang payak na barangay sa Candaba ay palihim na nagsasagawa ng medical mission sina Lea, subalit alam niyo naman, ang inyong Aling Iska, laging una sa balita.

Kaya si Aling Iska, kay Lea ay palihim na nakipag-ututang dila. Ano ang ibig mong sabihin? Nakipagespadahan ng kuwento at balita ukol sa pamilya Dizon at maging sa hinaharap niyang hamon sa Pampanga.

Maganda ang kanyang mga pananaw sa liderato at disiplina na maaaring ibahagi niya kung ipagkakaloob sa kanya ang kapalarang makapaglingkod sa Pampanga bilang isang bise gobernador.

Alam niya at humahanga rin siya sa kakayahan at talino ng kasalukuyang Bise Gobernador na si Joseller “Yeng” Guiao.

Sa puntong ito ay nakiusap si Lea, na huwag naman sanang pag-usapan pa muna ang pulitika dahil ayaw niyang mabahiran ng pulitika ang matagal ng pagtulong na nasimulan ng kanilang ama.

Bagamat nahihiya si Lea ay pinaunlakan nito ang anyaya ng mga taga-Candaba na magpakuha ng larawang kasama siya.

Masaya ang mga taga-Mandasig sa pangunguna ni Kapitan Bong Mangalino dahil napaglingkuran at narating na ni Lea ang kanilang barangay kahit hindi sa ngalan ng pulitika kundi dahil sa paglilingkod bayan.

Batay kay Lea, ang pagtulong sa mga mahihirap ay nasa dugo na ng pamilya Dizon. Ito ay paraan ng kanilang ama at ng kanyang pamilya para lingunin ang nakaraan, ang kanilang pinanggalingan para marating nila ang lalu pang pagpapala at tagumpay sa buhay.

Si Lea ay nagtapos ng business administration sa University of Asia and the Pacific at nag-aral din ng kursong marketing at management sa University of Barcelona sa Espanya.

Kung titingnan hindi lang sa panlabas, panloob na katangian, si Lea Dizon ay hinog na sa panahon para tahakin ang mundo ng karerahan sa mga usaping pangkapampangan.

Taglay nito ang magandang reputasyon ng kanyang ama na si Don Tomas Dizon, isa sa mga tagapagtatag ng Save Pampanga Movement sa kasagsagan ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.

Batay sa mga nagmamasid, maaaring ibahagi ni Lea ang kanyang pagiging desente, katapatan at pagiging bukas sa lahat ng bagay maging sa mga usaping pampamilya at maging sa panlalawigan.

Ang kanyang integridad bilang isang professional na kabataan ay maaaring maging paraan para, anila, bumalik ang kompiyansa ng mga kapampangan sa mga pulitiko sa lalawigan.

Ayon din sa aming untahan, gusto niyang ihulma ang mga panglalawigang kapasyahan sa epektibong pamamahagi ng makatotohanang serbisyo na magbibigay diin sa pampublikong edukasyon, kalusugan at kapakanang pampamilya.

Maganda ang pananaw, matatag ang credential, may yaman, may magandang anyo at katangian, may talino, mababa ang loob, may puso at may panalo.

Si Lea Dizon, inspirasyon ng kabataan, kaantabay sa tagumpay sa mga hinaharap na hamon ng panahon.

Pero ang tanong Aling Iska, matapatan kaya ni Lea ang kabataan, subok na karanasan, husay, galing, talino at liderato at laging nanalong si Vice Governor Joseller “Yeng” Guiao?

Iyan ang dapat abangan!!!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Cong Rene and Cong Ric's food for thought in 2010

HAWAK ng pamilya Bondoc ang tiwala ng Kuwatro Distrito ng Pampanga sa loob ng halos dalawang dekada. Taglay nila ang mga matatapat at nag-ugat ng lider pulitika sa walong bayan na nasa tabi ng gumuguhong pampang ng Pampanga River.

Kilala ang mga Bondoc pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga kakampi sa pulitika, umulan man at umaraw. Ang ganitong estilo ng pamumulitika ng mga Bondoc sa Macabebe ay nangyayari na sa panahon pa ng kanilang ama na si Congresman Emigdio Bondoc. Ipinagpatuloy ito ni Congressman Rimpy Bondoc at ngayon ay siyang isinasagawa ng kasalukuyang Congresswoman Anna York Bondoc-Sagum.

Kumbaga, ang pagmimintina ng mga Bondoc sa kanilang mga lider sa pulitika ay taga na sa panahon at pinanday na ng mga pagkakataon. At ang estilong ito ay napatunayang totoo at epektibo.

Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay namamayagpag ang mga Bondoc sa larangan ng pulitika at nirerespeto sila ng kanilang mga tagasunod at mga lider na tapat at may tiwala sa kanilang kakayahan na pangunahan ang Kuwatro Distrito sa Kongreso.

Pero marami ang nagtatanong kung bakit sa kabila ng kanilang pagsisikap ay patuloy pa ring nangungulelat ang Kuwatro Distrito kung pag-uusapan ay infrastrakutura at ekonomiya.

Marami pa rin ang mga sira-sirang daan. Marami pa rin ang kulang sa lahat ng larangan ng serbisyo publiko. Pero, Aling Iska, masipag naman sila sa paggawa, halos araw-araw nga ay kasama ni PGMA si Dra. Anna sa pamamasyal sa Pampanga. Bumbulong tiyak ng proyekto. Pero sa tagal ni GMA sa pagkapangulo, parang kaunti pa rin ang naibulong na proyekto, kasi from the looks of it, wala pa ring malaking pagbabago sa kuwatro distrito.

Baka naman nasa lugar talaga ang problema dahil ito ay catch basin at sirain ng tubig-baha kaya kahit kagagawa ng proyekto ay biglang itong guguho. Aro. Diyusmiyo ot mipapakanyan, dakal yata masasayang?

Pero ang tanong naman ng iba, bakit natin sila pinagtitiyagaan? Bakit para bang sila na lang ang puwedeng manungkulan bilang congressman? Wala na bang ibang puwede sa Kuwatro Distrito? O talagang sila lang ang dapat? Well, panahon lang ang makapagsasabi at tayo sa kuwatro distrito ang pipili at boboto.

Sa palagay ko Aling Iska, maraming puwede na katulad nila ay may kakayahan din para manguna sa atin. Pero kung sabay-sabay silang hahamon sa mga Bondoc pagdating ng halalan ng pagkacongressman, tiyak na pupulutin ang ating mga kaibigan sa pansitan. Papaano mong titibagin ang hanay ng mga tagasuporta ng mga Bondoc kung nagkakabaha-bahagi ang inyong puwersa? Para niyo lang tinulungan si Dra. Anna na mamalagi pa sa kanyang puwesto sa kuwatro distrito at sa kongreso.

Kaya ano ang maipapayo mo Aling Iska sa iyong mga kaibigang gustong magkongressman na sina dating DOTC Assistant Secretay Rene Maglanque at kasalukuyang Board Member Ricardo Yabut? Ba, isa lang bro advise, sa pagkakaisa ay abut tanaw at maipamamalaque ang tagumpay subalit sa pagkakabahagi, tiyak ang hantungan ay sa kabiguan.

Kaya kay Cong Rene at Cong Ric, mag-isip kayo ng lalong makabubuti para hindi kayo malugi. Malugi in the sense na nag-aksaya na kayo ng pera at panahon, si Dra. Anna lang pala sa bandang huli ang kakain ng masarap na pansit bihon.

In short, isa lang sa inyo ang dapat na lumaban sa halalan dahil matibay at malakas pa rin ang kalaban. Kung magsasanib ang puwersa ninyo at hindi kayo magkakawatak-watak, maaaring sa banding huli ay sabay kayong papalakpak at hahalakhak sa tuwa at galak.

To Cong Rene and Cong Ric, let the following food for thought serve as your guiding wisdom: “ In unity, there is strength. In accord, there is power. In harmony, there is victory. Why not try to be one in strength, in power and in harmony for a congressional victory? Just simply think of it, before you finally decide on your fate before the evening of November 30.

If they fail to consider this line of thought, Dra. Anna will finally have this to say: She who laughs last, laughs best. One one-one is good. But three is best for her success again in Congress.

A three cornered fight will favor the congresswoman but what would give her a hard time is a congressional one-on-one.

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Sunday, October 25, 2009

WFP: World Full of Politics

WFP, ibig sabihin World Food Programme at puede ring WFP: We Feed for Peace kung United Nations ang pag-uusapan. Eh, Kung Candaba? Sa nangyaring eksena kamalawa lumilitaw na ang WFP ay World Full of Politics.

Bakit naman? Kasi naman Aling Iska, nakakatuwa ang photo ops ni Pangulong Gloria kamakalawa sa Candaba. Bakit Aling Iska? Ang magkakalaban kasi sa pulitika ay pumapel at umeksena, gustong makapagpalitrato. Na kasama si Gloria? Mukhang hindi. Eh sino? Kay KC, anak ni Gabby. Siyempre, artista, anak ni Sharon Cuneta.

Pero siyempre, nagpalitrato rin sila with Ate Glo na maaaring gamiting good propaganda para magpapogi at maliitin ang iba.

Ano ba ang nangyari? May okasyon si Kuyang Jerry. Nagdonate kasi ng relief goods ang United Nations sa pamamagitan ng World Food Programme na maaaring pakinabangan ng mahigit sa dalawang libong Candabenios sa loob ng tatlong buwan. Ba!!! Maganda ang balita, Aling Iska. Kaya naman brod, ito ay agad na kumalat sa apat ng sulok ng lupa. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa. Nakarating sa kaalaman ng ating kaibigang Konsehal na si Andy Gulapa.

Kaugnayan ng magandang balita, sinikap ni Kuyang Jerry na imbitahin si Pangulong Gloria para pasalamatan ang mga opisyal ng United Nations sa kanilang World Food Programme. Siyempre, malakas si Kuyang Jerry kay Aling Gloria, este Pangulong Gloria at importante din naman na makarating siya sa Candaba para pasalamatan ang mga dayuhang kinatawan ng UN at siyempre para makumusta na rin ang kanyang mga cabalen sa Candaba.

Ang daming tao Aling Iska, hindi mahulugang karayom ang Covered court dahil nga may libo-libong relief commodities at naroon din si KC, ang anti-hunger national ambassador. Napakagandang okasyon para pag-usapan para sa pangkabuhayan at maging sa usapang pampulitika dahil malapit na at nasa mga pintuan na ang halalang 2010.

Aling Iska, ang dami mong pasakalye. Ano ba talaga ang nangyari? Siyempre, bago dumating si Ate Glo, maaga pa ay naroon na sina Kuyang Jerry, Board Member Ric Yabut, na napabalitang tatakbong Congressman ng kuwatro distrito at napansin na rin ang nagbabalik pulitikang si Dan Gallardo, ang ating kaibigan na gustong maging vice mayor muli ng ating mga kababayan sa mungkahi ni Kuyang Jerry. Of course. Naroon din ang mga konsehal ng bayan. Pero kapansin-pansin na sa paghahanda, pag-aasikaso sa okasyon ay wala ang ibang konsehal tulad ng atin katotong si Andy Gulapa.

Kung tutuusin at karapatdapat naman na ang mga nabanggit na opisyal ang maging bida dahil sila ang naghanda, nagsaing pero nang maluto tila yata hindi ang grupo ni Kuyang ang kumain.

Eh, sino? Si Konsehal Andy Gulapa at si Congresswoman Anna York Bondoc. Ba, sukat ba naman na nang bumaba si Ate Glo sa kanyang coaster ay kasama niya sina Dra. Anna at Konsehal Gulapa.

Siyempre, sa pagdating ng Pangulo, tuloy-tuloy siya sa entablado. Pero nakakatuwa, nakasunod sa likod ng Pangulo sina Bondoc at Gulapa. Siyempre si Bondoc ay congresswoman at si Gulapa ang minamanok niya sa pagkamayor. Si Gulapa pumuwestong mayor? Hindi, Aling Iska, magaling lang siyang kumuha ng puwesto sa entablado. Malay natin baka matiambahan rin ang puwestong gusto niya sa munisipyo. Puwede o hindi puwede? Candabenio lang ang makapaghuhusga. Bilog ang bola.

Kasi naman Aling Iska, sa tingin kasi ng maraming media na nagpatrolya sa Candaba, si Gulapa ay agaw eksena at astang bida. Ang tamis ng kanyang mga ngiti at diretso lang ang tingin. Buti nga, Aling Iska, diretso lang ang tingin at hindi duling. Anyway, konsehal din naman si Gulapa sa bayan ng Candaba.

Eh, saan napunta si Kuyang Jerry? Sa panahon ng photo-ops siyempre bida si Ate Glo at ang mga nasa background -sina Dra. Anna at Konsehal Gulapa. Nasaan nga si Kuyang Jerry? Nasa gilid lamang ng entablado at tila nagpapasalamat sa pagdating nilang lahat -kasamahan at mga kalaban sa pulitika.

Well, Aling Iska, this is politics of opportunism and political bluff. Umeeksena, bumibida at nagpapatawa.In the world food programme in Candaba, there is this world of politics, full of fun and intrigues.

Well, anyway, sa pulitika, kanya-kanyang gimik lang, Aling Iska. Malay mo bumenta ang instant propaganda para makuha ang interes sa pulitika.

Sana man lang tumutulong sila at hindi lang puro dada. Nung dakal man salita, dakal mu naman ing gawa, kaysa doon sa maraming dada, wala sa gawa.

Sumulat at lumiham sa joeley01@yahoo.com o magtext sa 09063900920

Thursday, October 15, 2009

Water gates scandal

Pinagtibay ni Pangulong Arroyo ng kanya itong atasan si Budget Secretary Rolando Andaya na palabasin ang P50-milyong piso para sa rehab ng Gugu dike kabilang na nga rito ang paggawa ng mga water gates.

Ibig sabihin, Aling Iska, kabilang ang water gates sa inaprubahang PWater gates scandal

Watergate is a general term used to describe a complex web of political scandals between 1972 and 1974. Watergate" is a general term used to describe a complex web of political scandals between 1972 and 1974. The burglary and subsequent cover-up eventually led to moves to impeach US President Richard Nixon. Nixon resigned the presidency on 8 August 1974.

Aling Iska, ang husay mo sa kasaysayan ng America. Pusang gala ka, huwag kang maingay, sinaliksik ko lang iyan sa Wikipedia.

Pero ang tanong Aling Iska, nasaliksik mo na ba ang ‘water gates scandal’ daw sa Gugu dike sa makasaysayang bayan ng Bacolor?

Ba, nabasa ko iyan kahapon, sa sulat ni kapatid na Joel na may ulat na galing kay Rop Siquia, mariing kinukuwestiyon ni Kapitan Jomar Hizon, na siya ring pangulo ng Liga ng mga barangay sa Baculud ang program of works sa rehabilitasyon ng Gugu dike.

Bakit naman Aling Iska? Sa program of work na pinagbabatayan sa rehabilitasyon ng Gugu ay nawawala ang plano para sa water gates.

Bakit dapat isama ang water gates? Una ang sabi ni Kapitan Jomar malinaw na pinag-usapan sa lahat ng mga naging pagpupulong, caucus at komperensiya. Ang alin? Ang paggawa ng water gates. Ito anya ay nabanggit, alam at 50-milyon. Tumpak iyan kung susundan natin ang mga pahayag ni Kapitan Jomar na saksing tunay sa mga naturang pag-uusap ukol sa Gugu rehab.

Isa pa, ang Water gates ay may napakahalagang ginagampanan sa kapakanan ng mga magsasaka. Ito ang buhay ng agrikultura sa Bacolor. Kung walang water gates, paanong mapapatubigan ang libo-libong hektarya ng lupa? Paano magkakaroon ng control sa tubig na nagmumula sa Gugu river?

Eh, bakit naman tila yata, ayaw tumupad sa mga naging usapan ang DPWH gayong ang water gates ay isa sa kanilang napagkasunduan? Sa anumang pag-uusap ay dapat magpakatotoo ang bawat panig para maiwasang sumiklab ang digmaan o hindi pagkakaunawaan.

Don’t worry, be happy, ito naman ang buod ng mga pahayag ni Congressman Dong Gonzales, ang punong abala na may akda ng Bacolor Rehabilitation Council.

Kailangan nga aniya ang check gates o water gates pero….. Pero sa susunod na lang na release ng pondo.

Ibig sabihin, hindi kukunin ang pondo sa P50-milyon ang pagpapagawa ng mga water gates.

Sa puntong ito, ano ba talaga kuya? Sino ba ang nagsasabi ng totoo batay sa kanilang mga nagging pag-uusap sa planong pangrehabilitasyon ng Gugu?

Sa palagay ko, sa puntong ito ay sisiklab ang mainit na kape at balita sa pagitan ng DPWH at ni Kapitan Jomar. Siyempre kailangan ding ipaliwanag na mabuti ni Congressman kung bakit hindi nakasama ang water gates sa pondong P50-milyon gayong malinaw ang kanilang usapan.

Mayroon kayang hokus-pokus o mayroon lang tayong hindi pa alam sa ganitong usapang teknikal o pang enhinyero.

Kailangan pong magpaliwanag kayo sa umusbong na water gates scandal.

Hintayin natin ang palitan ng paliwanag sa kanilang pagitan, abangan!!!!

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920






Board Member JQ ‘pinawalang sala’

MATAPOS ang ilang buwang kontrobersiya,si 3rd District Board Member Johnny Quiambao, mula sa Canada ay ‘pinawalang sala’ ng hukuman sa kasong panggagahasa, masakit sa pandinig ng isang kagalang-galang na bokal lalo na at ito aniya di umano ay salat sa katotohanan at gawa-gawa lamang ng malikot na kaisipan ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Linawin natin Aling Iska? Anong ibig mong sabihin sa salitang pinawalang sala. King kapampangan nung intindiyan mu ya naman, ing walang sala, ing buring sabiyan, atiu ya king kadalumduman. Ibang sala naman iyon, Aling Iska. Iyong sala na binabanggit ay salitang ugat ng kasalanan. Ibig mong sabihin si Board member JQ ay walang ugat ng kasalanan sa isyung kanyang kinasangkutan?

Iyan ang maliwanag na lumalabas sa kinahinatnan ng kaso. Bakit kamo? Sabi kasi sa Affidavit of desistance ng nagsasakdal ay ‘misunderstanding’ at ‘misapprehension’ang nangyari sa pagitan nila ni JQ. Pero may nangyari? Oo, may nangyaring hindi pagkakaunawaan. So ibig mong sabihin, ngayon nagkakaunawaan na sila dahil ayos na. Ayos na brod.

Balikan natin iyong salitang ‘pinawalang sala’. Baka ang ibig mong sabihin sa pinawalang sala ay walang sala-wal. Grabe ka naman brod., wala na ngang sala, pinaghuhubad mo pa ng salawal.

Kalokwan mo bro, ot asabi mu ita? Loko ot makanian ka? Ba, Aling Iska, sa tono ng pananalita mo, ako pa ngayon ang berde ang utak. Bakit? Sino ba ang utak ng di umano ay kumalat na black propaganda laban kay Board Member JQ. Ba, ala kung balu ken. I JQ, balu ne, ena ya buring sabian, pota pin naman sa halip na yari na, wala na siyang sala, humaba pa. Maulit na naman. Ang Alin? Iyong walang sala-wal, hindi iyong black propaganda.

Batay nga sa ating panayam kay Board Member JQ, pinabulaanan niya ang lahat ng bintang laban sa kanya at lahat ng binabanggit sa reklamo ng minor de edad na nagsakdal ay gawa-gawa lamang ng mapaglarong isipan na nagnanais siyang pabagsakin sa masalimuot na mundo ng pulitika.

Sa ibang pakahulugan naman ng pinawalang sala ay nawalang liwanag. Bakit naman nakarating ka sa nawalang liwanag. Alam mo sa exclusibong panayam ni Aling Iska, kasama sina tatang Jovy, Bong at Joey. Ang dami niyo pala, akala ko sabi mo eksklusibo. Oo nga exclusive sa aming apat. O sige, anong eksklusibong sinabi niya sa inyong apat.

Alam mo aling Iska, ang sabi ni Board Member JQ, simula nang sirain siya ng makalaban sa pulitika at mabalitaan nila ng kanyang pamilya ang nasabing sumabog na kontrobersiya habang kasama niya ang kanyang mag-anak sa Canada, adwa ya kanung bulan atiu king dalumdum. Kaya nung lawen me rugo, mengayayat ya, siguro king kakaisip uling pati ing keying pengari migkasakit ya at ing pamilya na tune lang menamdaman king milyari pamanyira kanu kaya.

Ah, makanian rugo, makalunos neman rugo y JQ. Kaya pin, masakit at masakit ing makipagkaluguran kareng anak. Kasi ing tutuna, malugo ya rugo kareng anak y board member, kaya eta naman rugo didinang malisya.

Walang malisya! Ang malisya ay nasa isip lang ng taoooo…!!! Tama ka riyan, kaya yayamang isinara na ng hukuman ang kontrobersiya at pinawalang sala, hindi pinawalang sala-wal si JQ, ay tapusin na po natin ang isyung ito. Sa in, case closed!

Wa pen, akalimuan me ne rugo ing kuwento ng JQ, Atsi kung Iska, ikang migpayalalang pasibayu. A makanian!! Wa pin pala ne. O sige ustu na.

Wakasan natin sa ganito: Napatunayan ng hukuman na si Johnny Quiambao ay inosente sa mga ibinintang sa kanya kaya siya ay pinawalang sala at maaaring bigyan siya ng premyo na isa pang termino bilang bokal sa kapitolyo.

Kung may puna, pasensiya na, tumawag sa 09063900920 o lumiham sa joeley01@yahoo.com.

3 Rs - Relief, rehabilitasyon at rekonstraksiyon

PAGHUPA ng tubig-baha, kapag ubos na ang bigas, noodles, kape at sardinas, paano na kaya?

Ito ang katanungang bumabagabag sa isipan ng mga nasalanta sa ilang linggong hampas nina Ondoy at Pepeng.

Sa ganitong mga kalamidad, karaniwan na ang pagbibigay ng emergency relief assistance, isang pansamantalang tulong na pantawid-gutom na galing sa pamahalaan at mga pribadong samahan at indibidual na may puso para sa iba, na nabiktima at napinsala.

Pero iyan ay pansamantalang lunas lang sa kumakalam na tiyan, ang tunay na problemang kinakaharap ng ating mga kababayan at maging ng pamahalaan ay ang rehabilitasyon at rekonstraksyon. Kaya 3 Rs ang kailangan – Relief, rehabilitasyon at rekonstraksyon.

Mayroon kayang pera ang mga pamilyang biktima para muling simulan ang kanilang buhay? Mayroon kaya sila gagamitin para muling itayo o kumpunihin man lang ang kanilang nawasak na tahanan? Paano na nga kaya nila sisimulan ang bukas na naghihintay?

Batay sa mga anunsiyo, ipapasa ng kamara at senado ang halagang P12-bilyong piso para sa Calamity Fund ng nasyonal na pamahalaan para muling ibangon ang bansa mga pinsalang dulot ng kalamidad sa pamamagitan ng rehabilitasyon at rekonstraksyon.

Tama rin po ang pagbubuo ng isang Special Commission para sa rehabilitasyon at reconstruction program na pinirmahan ni Pangulong Gloria Arroyo noong isang araw na pamumunuan ni Ginoong Manny Pangilinan, isang matagumpay na Pilipino at Kapampangang mamumuhanan sa ating bansa.

Batay sa ulat, ang commission ay responsable sa paghahanap ng mga donor agencies at grants sa lokal man o maging sa mga international communities.

Huwag nating sabihing kaya na natin, ang sabihin natin ay mas kaya natin kapag ang lahat ay nagtutulungan anuman ang kulay ng balat at rasa ang pinanggalingan.

Tinatayang mahigit sa bilyong piso ang nasira at winasak ng mga bagyong sina Ondoy at Pepeng.

Tiyak na kanya-kanyang diskarte ang mga opisyal ng pamahalaan kung paano nila ipatutupad ang mga programang pangrehabilitasyon at rekonstraksyon sa mga nasirang tulay, gumuhong bundok at nawasak na tulay pati ng iba pang infrastraktura na pag-aari ng pamahalaan tulad ng maga eskwelahan, pagamutan at ibang pampublikong tanggapan at ang mga bumigay ng dam.

Nawa ay muling magbangon ang bansa sa tindi ng mga naging pinsala. Isa sa mga matindi ring tinamaan ay ang sector ng agrikultura. Bilyong piso rin ang nawala sa ating mga magsasaka sa Luzon.

Kaya sa ating mga kababayan at sa pamahalaan, tama po na bigyan ng relief assistance ang mga biktima pero sa kabuuan mas pahalagahan po natin ang rehabilitasyon at rekonstrakyon program para sa pangmatagalang tulong at panghabangbuhay na pagbangon tungo sa kaunlaran

Sa mga nakaraang taon at mga buwan, matagal na pinag-usapan ang climate change at maging ang epekto nito. Pero tila yata hindi napaghandaan ang epekto ng pagkasira ng kalikasan dahil lahat ay nabigla at ang pamahalaan ay ngayon pa lang kumikilos at tila yata hindi naging handa.

Well, at this point Aling Iska, hindi na panahon ng sisihan. Panahon na para magtulungan ang lahat ng mga Pilipino at ipakita ng pamahalaan na sila ay nasa sentro ng laban para pangalagaan ang kalikasan.

Kaya ang climate change ay huwag lang pag-usapan, magpatupad ng mga epektibong programa para kaharapin ang suliranin sa climate change dulot ng global warming.

Lahat ng mga Pilipino ay kailangang magkaroon ng partisipayon sa rehabilitasyon at rekonstraksiyon.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

MORALES - MORALES = DEE beginning!

Sa loob ng nakaraang labing limang taon sa bayan ng Mabalacat kung may isang taong mapalad at suwerte sa pulitika ay walang iba kundi si Mayor Marino "Boking" Morales.

'Ken mu waring Mabalacat atsi kung Iska? O nokarin pa? King buong Pilipinas. O bakit? Iya kasing linampas. Nokarin? King dapat sanang atlu mung ukdung pamanungkulan o kabuuang siyam a banua anti mong alkalde ning Mabalacat. Ha, okey,iyang linabag? Nang linabag, iyang misuwerte.

Ba, Aling Iska, tingnan mo naman ang Mabalacat. noong 1995, nagsimulang mayor si Boking P22-million lang daw ang income pero ngayon ha, habang binabasa mo ang pitak na ito, umabot na sa P400-million ang kita ng Mabalacat.

Eto, pa sa Nobyembre 11, pag-uusapan na sa Kongreso ang cityhood ng Mabalacat, kung suwerte pa, bago ang May 2010 elections siyudad na raw ang Mabalacat na tinatayang aabot na sa P700-million ang kita.

Oy ni ing bie Mabalacat. Maligaya, masarap keng kapampangan, kaniaman tuknang Mabalacat. Pero, alam mo Aling Iska nang makausap ko si Mayor Boking may lungkot sa kanyang mga mata, parang mahapdi ang kanyang nadarama.

Bakit naman? Kasi naman may makakatapat na si Mayor Morales. Sino si Anthony Dee? Puwede pero hindee. Sino nga ang kulit mo? Si Marjorie. Si Marjorie Barreto dating asawa ni Dennis Padilla. Uy ha, showbiz ka ha. Imposible, konsehal iyon ng Caloocan. Aling Iska kanina ka pa. Sino nga? Si Marjorie Morales. Si Marjorie na asawa ni John Sambo na anak ni Mayor Morales!!!

Tumpak. Diyusmiyo Aling Iska, kapag ka ganoon kaninong boto ang mababawasan? Kay Morales. Kanino madaragdag kay Marjorie Morales. Kaninong supporters ang babaligtad? Kay Morales pupunta kay Morales. Ibig mong sabihin maaaring mahati ang boto ni Mayor Morales, kung hindi man mahahati, mababawasan.

Siyempre, hati ang pamilya, hati ang boto. Kapagka ganoon, puwedee ng tumakbong muli si Anthony Dee bilang alkaldee. Ano ang pormulang gagamitin? Simpleng-simple, eto: Morales - Morales = DEE beginning.

Kaya kung ako kay Marjorie, tigilan niya ang kanyang kahibangan. Ang kanyang gagawin ay isang "kiss of death" hindi lang ng kanyang ambisyon kundi ng mga pangarap pa ng kanyang ama para sa Mabalacat.

Isa pa, paanong sasabihin ni Marjorie sa bayan na marunong siyang tumingin sa pinanggalingan kung mismong ama niya ay kanyang lalabanan?

Sa banal na kasulatan ay nasusulat ang ganito. Ang paggalang sa magulang ay ang unang utos na may pangako. Ano ang pangako? Hahaba at lalawig ang buhay ng anak. Subalit... ano pa? Basa!! Subalit, ang sinumang lumapastangan sa kanyang ina o ama ay walang pagsalang mamatay.

Hindi po si Aling Iska ang may sabi niyan. Iyan po ay mga katagang halaw sa mga banal na kasulatan.

Kaya kay Marjorie, hindi po mabuting halimbawa lalo ng sa mga anak na kabataan, lalo na sa inyong mga anak ang paglaban sa magulang sa pulitika man o maging sa inyong sariling sambahayan.

Well, in DEE end, sabi naman ni Mayor Boking, blood is thicker than water. Ikaw na nga ang may sabi na mahal ka ni Marjorie pero mas mahal niya si John. Hanggang kailan? Hanggang saan? In DEE end or in DEE beginning.

Sayang!!! Bago po ninyo pangarapin na lunasan ang gusot sa bayan, ayusin po muna ninyo at kumpunihin ang sira-sirang bahagi ng inyong sambahayan.

Dahil kung hindi. Hindi lang nakakahiya na ibinibilad ninyo sa publiko ang inyong personal na galit sa inyong ama, kung totoo man. Ito rin ang simula ng inyong wakas. DEEs is DEE beginning of your end in politics. Baka ito na ang tamang pagkakataon para kay Ginoong Anthony DEE. Baka magbago rin ang kanyang plano. Gustuhin na niyang lumaban hindi sa pagka-vice mayor, kundi mayor as usual. Just a reminder to the Moraleses.

Kasi naman ang gamot sa taong nakakalimot sa pinanggalingan ay paalala.

Bawal ang pikon.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Saturday, October 3, 2009

Si Jomar at ang pagbabagong liderato ng Bacolor

Ang makasaysayang bayan ng Bacolor , na minsan ay naging kabisera ng ating bansa ay nahaharap sa pagbabago ng liderato sa hinaharap na taon.

Isa sa mga nais maghandog ng kanyang paglilingkod bilang susunod na punong bayan ng Bacolor ay ang iginagalang na si Jomar Hizon –kapitan ng Cabalantian- Pangulo ng Liga ng mga Kapitan sa kanyang bayan.

Sa mga nakaraang mga araw at taon ng kanyang pagsisilbi sa bayan, si Jomar ay kinakitaan ng pagiging matapat at masigasig sa paglilingkod sa kanyang mga kababayan.

Para sa mga Bacolorenos, si Jomar ay maituturing na isang tunay na anak ng Bacolor dahil taglay nito ang katangina ng pagiging isang masigasig o yaong tinatawag nilang ‘dynamic leader’. Si Jomar para sa kanyang mga kababayan ay isang punong may mabuting at matatag na karakter.

Lumaki siya sa isang tahanan na nagmulat sa kanya ng maging makatotohanan sa kanyang sarili, sa kanyang sambahayan at maging sa mga mamamayan sa kanyang bayan.

Lumaki siya sa isang pamilyang pinanday ng panahon sa katapatan, sa kasipagan, sa pagmamahal sa kapwa at sa Dakilang Lumikha.

Kaya si Jomar ayon sa ating pananaliksik ay isang punong tapat sa kanyang pangako. Siya na Kapitan ng Cabalantian ay may mataas na moral na tumitindig ng matatag sa mga bagay na kanyang pinaniniwalaan na tama at marangal kahit na siya ay magtiis mapatunayan lamang niya ang kanyang paninindigan.

Sa kabila nito, si Jomar ay isang taong may paggalang sa kapwa. Tinatanggap niya ang anomang responsibilidad at ginagawa niya ang anomang dapat gawin batay sa kung ano ang tama at napapanahon sa ikabubuti ng lahat at sa ikapapanuto ng kanyang nasasakupan.

Siya ay isang uri ng masigasig na lider na may pantay na pagtingin sa tuntunin at mga batas. Kanya itong matapat na ipinatutupad sa ngalan ng katarungan at tapat na paglilinkod sa bayan.

Si Jomar ay may pusong nagmamalasakit sa kapakan ng kapwa, mapagpaumanhin at higit sa lahat isang taong mapagpatawad.

Siya ay isang puno na handang makisama at makipagtulungan sa ikasusulong at ikabubuo ng maunlad ng bayan.

Lagi niyang isinasaalang-alang kung ano ba ang mahalaga sa buhay at pamumuhay ng kanyang sambahayan at mga taong nasasakupan.

Nakikinig din siya sa mga mabuting panukala at sa mga magandang suhestiyon na nagmumula sa mga taong kanyang iginagalang na may magandang pananaw sa kabutihan, sa kaunlaran ng higit na kabutihan higit na nakararami.

Ang mga pinagsama-samang pananaw na makabubuti sa lahat ay kaniyang ipinatutupad bilang prayoridad sa kanyang pamilya, sa kanyang hanapbuhay, sa kanyany paglilingkod sa kanyang barangay at sa mga darating na panahon ay sa kabuuan ng kanyang bayang minamahal- ang Bacolor.

Kaya kung ating susumahin, si Jomar ay isang umuusbong na ‘dynamic leader na may anim na katangian at ito ang mga sumusunod: Huwaran sa pagkakaroon ng mabuting karakter (Model Good Character); mahusay sa paghanap ng lunas sa ibat-ibang bumabangong suliranin (Solve Problems); nagpapakita ng mabuting pakikisama sa kapwa (Foster Positive Relationship); marunong mag-ayos ng gusot ( Manage Conflict); Marunong bumuo ng samahan sa paggawa (Build Teams) at nagtuturo ng magandang panukala sa kanyang mga kasamahan ( Educate peers).

Kaya mapalad ang Bacolor dahil isa sa kanilang pinagpipilian na magiging susunod na mayor ng Bacolor ay ang kanilang kaibigan; ang taong kanilang maasahan; ang taong matatag sa paninindigan para sa kaunlaran ng bayan ng Bacolor – siya si Kapitan Jomar, nagmula sa respetadong angkan ng mga Hizon na kilala sa pagiging “Pampanga’s Best”.

Usap-usapan sa Pampanga (Part 3)

Galit ang Bundok Arayat!

KAHINDIK-HINDIK. Nakapangingilabot, makataas balahibo ang pakiramdam kung iyong masasaksihan ang paghukay sa mga bangkay ng mga nasawi sa sandaling pagdagundong ng mga gahiganteng bato at tila kumunoy na lapot ng putik na rumagasa sa barangay San Juan Bano, Arayat, isang maliit na pamayanan sa paanan ng Bundok Arayat.

Habang pinagmamasdan ng mga kaanak ng labindalawang biktima ng pagragasa ng makapal na lupa mula sa itaas ng Bundok Arayat, iba ang iyong mararamdaman, may mga katanungan na sumasagi sa isipan ng mga nakasaksi sa tindi ng galit ng kalikasan. Sino ang may sala? Sino ang dapat sisihin? Ano ang dahilan ng trahedya? Ito ba ay galit ng kalikasan? O isang trahedayang tao rin ang may pakana?

Sa ginawang inisyal na imbestigasyon ni Aling Iska, sinasabing may mga nagnanakaw sa mga likas na yaman ng kabundunkan kaya ito ay ginamitan di umano ng dinamita na pinasabog sa kasagsagan ng pagkulog at pagkidlat samantalang sinasalanta ng bagyong Ondoy ang ating lalawigan. Matagal na di umano ang nangyayaring illegal na pagmimina sa Bundok Arayat.

Sa tindi rin kahirapan ay hindi naiwasan ng ilang residente ang pagkakaingin, pag-uuling at pagputol ng mga punongkahoy na naging sanhi ng pagkakalbo ng ilang bahagi ng kabundukan. Ito ay tahasang pagyurak at paglapastangan sa inang kalikasan, kay Maria Sinukuan at sa Bundok ng Arayat.

Bakit kaya walang sinuman ang humadlang sa ganitong ilegal na Gawain sa itaas ng kabundukan? Sino ba ang tagapangalaga sa kabundukan? Ayon sa ating pagsasaliksik, ang bundok Arayat ay nasa pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kung totoo ang mga illegal na pagmimina at patotroso sa kabundukan, ang mga opisyales ng DENR na nangangalaga sa Bundok Arayat ay hindi lang pabaya, wala rin silang kakuwenta-kuwenta na opisyal ng pamahalaan.

They don’t deserve to stay any minute longer in their air-conditioned room while Mount Arayat suffers a lot due to their blatant neglect to the environment.

Para silang putong walang asukal. Sila ay mga rebultong pipi at bingi. Tau-tauhan. Kung hindi ninyo kayang pangalagaan ang kabundukan ng Arayat, mas mabuti pa na bitawan ninyo ang pangangasiwa at ibigay niyo na lang sa lokal na pamahalaan dahil sila rin naman ang tuwirang tinatamaan kapag nagalit ang kalikasan.

Mag-isip-isip po kayo bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay nangyari ang ganitong trahedya? Hindi kaya singilan sa kanilang kamay ang dugo ng mga nasawing biktima?

Nawa, nagsilbi itong “learning experience” sa inyo na nagpabaya sa kagandahan at kabutihan ng inang kabundukan.

Sa mga opisyales ng local na pamahalaan, ito lang ang masasabi natin kung gusto po talaga ninyo na pangalagaan ang Bundok Alaya, mas maganda po na kayo ang mangasiwa, pero hindi rin po dahilan na wala sa inyong kamay ang pangangasiwa para ipagkibit-balikat ang mga nangyayaring illegal sa itaas ng kabundukan.

Kung nagbubulag-bulagan ang DENR, buksan po ninyo ang kanilang bulag na mga mata, kalampagin po ninyo ang kanilang binging mga tainga. Magtulungan po kayo para sa inang kabundukan para hindi po maulit ang galit ng kalikasan. Sa mga residente, huwag po nating pagsamantalahan ang mga punong kahoy sa kabundukan, mana pa ay magtanim ng puno para sa kinabukasan ng inyong pamilya at ng bayan.

Tandaan po ninyo ang Mount Arayat ay isang landmark sa Central Luzon na naglalagay sa bayan ng Arayat sa mapa ng kaunlaran.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Sunday, September 27, 2009

Usap-usapan sa Pampanga (Part 2)

Kaniaman ing bie! Sarap ng food. Galing ng ambiance sa SM at Clark Pampanga. You feel like in heaven. Lahat ng hinahanap mo, nandoon na, nandian na sa SM Pampanga. Saan ka pa? Dito ka na!

Oo nga Aling Iska, pati nga street children, street mothers, street fathers at street beggars wala na sa lansangan, nariyan na rin sa SM Pampanga. Ang SM Aling Iska ay talaga naman palang pambuong pamilya at pang all walks of life. Maganda talaga sa SM at Clark Pampanga. Saan ka pa? Dito ka na!

Siyempre naman, ang init sa lansangan. Kaya ang mga pobreng namamalimos sa lansangan ay nagbago na ng rota. Sila ngayon ay nasa malamig, masarap na SM Pampanga.

Ibig mong sabihin Aling Iska nabiktima ka na sa loob ng SM ng mga mamamalimos. Alam mo, atin atin lang, Aling Iska. Kawawa naman sila. Hinahayaan sila ng SM na mamayagpag sa loob ng SM , sa loob ng mga department stores, sa loob ng mga food chain at sa loob ng mga restaurants.
Wala bang mall security? Ano ka? Ang dami nila. Ano ginagawa? Ba ewan ko, itanong mo sa kanila.

Eto ang eksena sa SM Pampanga. Kumakain ako sa isang kilalang restaurant. Siyempre, kasi naman gusto kong papakin to the max ang masarap na inihaw na manok. Pasosyal effect, siyempre, tumayo ako at naghugas ng kamay.

Sukat ba namang sinunggaban ng mga batang lansangan este batang SM na tila kumakalam ang sikmura ang inihaw na manok. Anong ginawa mo? Naawa ako Aling Iska at naalalang kasising idad lang sila ng mga anak ko, kaya ayun, hinayaan ko nalang.

Kaya sa SM Pampanga, masarap talaga. May mga kadalagahan din na nagtitinda ng mga kakanin, kunway mga self-supporting students. Style nila magbibigay ng kapirasong ID, kasunod pa la noon kailangan mong bumili ng isang supot na kendi.

Siyempre kawawa effect and dating. Sino ba naman ang hindi bibili kung pag-aaral na ang idadahilan. Palagay mo Aling Iska, hindi kaya iyan sindikato o marketing strategy ng mga gumagawa ng produkto.

Bago mo ituloy Aling Iska, Batiin mo naman sina ang napakaganda at mabait na si Roselle Ocampo Sarmiento, public relation officer ng SM Pampanga at ang mabait ding si Engineer Roman Palo, SM manager. Magandang araw po sa inyo.

Pero mas maganda araw at ang SM kung ano? Kung naiiwasan po ang pagpasok ng mga namamalimos, ng mga batang lansangan at mga nagkukunwang estudyante na gumagambala sa mga costumers ng SM.

Payong kapatid, pangit ang magagalit. Sa mga bata, matanda, babae, lalake, bakla at tomboy, sa ilalim po ng mga umiiral na batas bawal po ang mamalimos sa mga lansangan, sa mga malls at kahit saan.

Mga magulang at kapatid, huwag po ninyong abusuhin, palakihin sa pamamalimos ang inyong mga musmos na anak.

Sa mga magulang ng mga batang lansangan, magtrabaho po kayo ng marangal, iunat ninyo ang inyong mga kamay. Kumain po kayo sa pawis ng inyong mukha.

Sa mga kadalagahan kunway mag-aaral, tama po na maging negosyante kayo pero ilagay po ninyo sa lugar. Sabihin niyo ang tototo sa inyong parukyano at magpaalam kayo sa mga nangangasiwa ng mall.

Huwag po ninyong samantalahin ang tila pagpapabaya sa siguridad ng mall at sa kanyang bisinidad.

Sa mall, patuloy nating tatangkilikin ang SM, dahil ito ay makamahirap, makapamilya at pambuong eskwela,. Pero kailangan po ninyong pangalagaan ang kanilang kapakanan ng mga mallers at customers habang sila ay nasa loob ng masarap at malamig na SM Pampanga.

Chika… chika.. Binabati ko rin si Venus Manalang, ang mabait ding PR ng SM Clark.

Marami pang usapan sa Pampanga, isa-isang hihimaymayin ng inyong paboritong si Aling Iska, una at diretso sa balita. Walang kinikilingan, sa totoo lang. Abangan.

Kung may puna, lumagda at lumiham sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Thursday, September 24, 2009

Usap-usapan sa Pampanga (Part 1)

Samut-saring balita, makainis at makatula. Nung pag-umasdan mu, anti mong ala neng pag-asa ing probinsiya kareng manungkulan makalukluk king kasalukuyan.

Bato-bato sa langit, Aling Iska, ang tamaan, may bukol sa kanua. Ang may sugat tiyak na masasaktan.

Well-well, brod simulan natin sa mga ipinagawang daan. Magagara, malalaki. Ang alin? Ang daan? Hindi ang kanilang malasantong pangalan. Tila nagsasabing sa kanilang bulsa nanggaling ang salaping ginamit sa pagpapagawa at hindi sa kaban ng bayan. Juskuday!!!

Pero ang totoo, mas malaki pa ang SOP nila sa actual na halaga ng proyekto. Iyan siguro ang inyong opisyal na gumastos ng todo sa halalan, kaya kung tutuusin bumawi lang ang kumag na halal ng bayan. Kaya ang konkreto o inaspaltong daan, ngayong ang gawa, bukas ang sira.

Pusang gala ka talaga, Aling Iska, ot balu mu ita? Loko, kakung talabasa, balu tangan iyan, etamumu bubulad kabang pipikit tala kunwari deng kekatang mata. As in dedma lang Aling Iska.

Binanggit mo ang SOP, ano ba iyon brod? Standard Operating Procedure. Ba ang galing pala ng meaning? Ito daw Aling Iska ang “standard” na pangungulimbat sa bayan.

Hindi maaaward ang project kung hindi advance ang bigayan. Hindi lang tuso, sigurista pa ang kagalang-galang na halal na opisyal na nagpagawa ng substandard na daan. Mika pera la ken.

Ganyan ba ang opisyal mo? Ganyan ba ang hinihirang sa posisyon ng mga nakatataas sa pamahalaan? Kung ang sagot mo’y oo, iboboto mo ba silang muli? O baka naman nagbabakasakali karing bigyan ng SOP?


**** *** ****

May mayor naman sa ating lalawigan, ang galing magkengkoy-kengkoyan. Balu mu makatula ya pero ing tutu makainis ne uling nekahilig keng casino, ne man sasambut. Guess who?

Sa loob ng ilang taong panunungkulan, mas madalas pa siya sa Casino kaysa pumasyal sa barrio. Ang sama ang alkaldeng ito ay laging talo ng libo-libo, sabi kasi ng driver niya, hindi naman siya marunong maglaro, trip lang niyang magpatalo sa Casino.

Kawawa ang mga barangay sa kaniyang bayan, walang nakakarating na pulis, doctor, ambulansiya at bumbero. Sabihin na natin ang totoo. Walang nakararating na serbisyong totoo kasi nga naman si Mayor laging talo sa casino. Hindi naman niya siguro ipatatalo ang pondo ng munisipyo. Hindi nga kaya? Huwag naman sana Aling Iska.

Kung ganyan ang mayor mo, boss, palitan mo, baka pati ikaw itaya sa casino. Siya si Mayor…. Guess who? Your guess is as good as mine. Ika…. Kilala me rin pala. Yapin ya.


**** *** ****

May opisyal din naman sa Pampanga ang galing mambola, Aling Iska. Magaling din sa paper works. Ang opisyal na ito ay laging kumpleto sa dokumento sa kanyang tila nawawalang proyekto. Documents are brilliantly prepared by his dogs, in short mga aso.

Ghost projects ang hilig para daw iyong kikitain niya ay ipantutulong sa higit na nakararaming kapus-palad. Well-well. Kapag ganito ang opisyal mo, ang bayan ay tiyak na maloloko. Guess who? .

**** *** ****

Dito naman sa atin probinsya, ang hilig kumalkal ng ating mga opisyal ng kontrobersiya. Ang dami ng isyu at kontrobersiya. Sabi nila may mga paglabag sa probinsyon ng batas ang nakaupong pinakamataas. Pero naghabla ba sila? Hinanap ba nila ang hustisya? Oh, pagkatapos maggrand standing, pagkatapos magdadaldal at magpose sa camera at sa media, wala na. Anti lamo waring ‘ningas kugon’ pero kaibat dang apalual ing karelang pali, anti la mo waring balasenas a mepanat.

**** *** ****

Mayroon din namang acting opisyal na over-acting ang dating, nanood lang ng telebisyon, nagbigay na nang mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng donasyon. Saan sa Candaba? Hindi. Sa Guagua? Hindi, Sa Masantol? Hindi. Sa Sta. Ana? Hindi, sa Arayat, Hindi. Sa Pampanga? Hindi. Sa Zambales? Puede, puede. Sa Iba? Hindi. Sa Botolan. Oo, may Botolan ba sa Pampanga?. Atin deng kabalen tang butulan king kasakitan a ali mididinan saup uling ala lang request a pirmado da ring karelang opisyal.

Bakit Aling Iska? Ang Botolan ba kaya nabigyan ay may request sa Pampanga?
Wala naman, eh siguro basic instinct lang sa ateng acting ang pagtulong sa mga nangangailangan sa ibang lalawigan kahit walang pahintulot ng Sanggunian? Masikan ya talaga. Doon na lang kaya siya umakting sa Botolan? Loko, kamuan na kang atse mu kanyan. Iya pa, kaluguran naku nita.

If you are “acting” or “official” or whatever, don’t be “onion skin”, please! Because all things are part of your job and all public officials are subject to public scrutiny.

Pasensiya, napag-uusapan lang, marami pa, abangan.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920.

Wednesday, September 23, 2009

Mayor Boking, Mayor Pecson kumusta na po ang baho sa inyong bayan?

Ang serbisyo publiko ba sa Mabalacat at Magalang ay may kinikilingan at pinapaboran? Bakit mo naitanong iyan brod? Ba, Aling Iska kahapon sa aking pagdalaw sa paborito kong biyenan sa Sta. Lucia at Madapdap Resettlement, narinig ko mismo ang reklamo sa bibig ng mga residente patungko sa kanilang pagkadismaya sa mga lokal na pamahalaan dahil sa masangsang at mabahong amoy ng Quitangil Creek na nagmumula siyempre sa mga dambuhalang piggery.

Sa mga negosyante, maganda po ang negosyo na pagbababoy o piggery kaya lang ayusin po natin ang pagtatapon ng piggery waste at water waste. Marami po ang paraan para malinis ang inyong babuyan at maisaayos and pag-aalis ng tae ng baboy na hindi makapipinsala sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Sa balita, ano bang ginawang hakbang ng nina Boking at Pecson? Wala. As in wala pa. Kaya ba mga constituents nila nawawalan ng pag-asa at gana sa kanila. Intriga iyan. Gusto iyan ng kalaban. Si Aling Iska ay walang pakialam sa kanilang kalaban, ang mahalaga ay mapangalagaan ang ating kalikasan.

Diyusmiyo Aling Iska, ikaw man ay dapat mawalan ng gana kay Mayor Boking Morales, Mayor Romulo Pecson? Bakit naman brod? Ang bait kaya nila. As in ang bait nila.

Hindi ba naikuwento mo na sa pitak na ito ang paghihirap ng mga residente sa Magalang bunga ng amoy ng mga kababuyan sa Mabalacat na tumagos sa Magalang.

Oo, Tinawagan mo pa nga si Mayor Boking at Pecson. Oo nga? Ano sabi nila, siyempre papogi sa kanilang pangako, magpapaimbestiga raw kuno? Ano nangyari sa pangako? Eh siyempre, puro pangako, pero tuloy pa rin ang amoy ng mga kababuyan.

Eto pa ang nakakalungkot, nabanggit ng isang residente sa Mabalacat, na paano raw aaksyunan ni Mayor Boking ang mga piggery na nagtatapon ng waste water sa Quitangil creek, eh di umano, di umano, hindi tayo nagpaparatang, ay mga ‘friends’ niya ang mga ito as in “close friends”. Siguro kaya untouchables ang arrive nila ng mga may-ari.

O sige para patunayan na totoo ang reklamo ng mga tao, tuwing araw ng Linggo ay nagluluwal ng mabahong dumi ng baboy ang mga piggery na pag-aari raw ng mga maimpluensiya at untouchables sa Mabalacat at Magalang na sinasabing close sa mga mayors.

Pero nang minsan na makausap natin si Mayor Boking, sabi niya may resulta na raw ang imbestigasyon. Pero wala pang solusyon ang problema sa mabahong amoy na abot sa Magalang dahil sa tumutulo ang katas ng kababuyan sa daluyang ilog ng Quitangil.

Alam niyo mga Mayors okay, ang imbestigasyon pero mas okay kung mayroon ng solusyon ang dinaranas na paghihirap ng mga residente hindi lamang sa Mabalacat pati na rinsa Magalang.

Kay Mayor Pecson, ang masamang amoy ng tae ng baboy na dumadaloy sa Quitangil Creek na bumabagtas mula sa barangay Sapang Biyabas, Sapang Camachiles sa bayan ng Mabalacat patungo sa Sta. Lucia, San Pedro 2, San Miguel, San Agustin hanggang sa barangay Turu, Magalang sa likod ng Bundok Arayat ay isang problemang dapat na masolusyunan dahil kung inyong aamuyin abot ito sa inyong ilong.

Kung hindi aaksyunan ng mga mayors na ito at ng Department of Environment and Natural Resources lala ang problesm, hindi lang kalabaw ang napipinsala, hindi lang isda ang mamatay, maaaring puminsala ito sa buhay at pamumuhay ng mga pobreng mamamayan ng Magalang.

Pero isang nakapanlulumong katotohanan na sa kabila ng kabi-kabilang reklamo, tila yata pipi at bingi sina Mayor Pecson at Boking?

Ito lang iyan, brod,hinahamon natin sila na tutukan ang problemang ito. Ipakita nila sa publikong kanilang pinaglilingkuran na serioso sila na ipagtanggol ang kapakanan na mga naaapi at nahihirapan.

Madaling sabihin ang imbestigasyon, pero mahirap gawin kung ang mga opisyal ay nagbubulagbulagan at nagkukunwaring sira ang pang-amoy sa isyu ng kababuyan.

Ang DENR-Environment Managament Bureau ay tila yata natutulog sa kangkungan. Hoy gising! Aling Iska, mahirap gisingin ang nagtutulugtulugan. Bakit kaya? Involve kaya sila sa under the table? Patunayan po ninyo na malinis at hindi mabaho inyong konsensiya na pangalagaan ang ating mga kailugan at kalikasan.

Sa mga mayors, laging tatandaan, ang pikon mangungunsumisyon.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o magtext sa 09063900920

Wednesday, September 16, 2009

Noy-Noy Aquino sa 2010?

Malaki ang nagawa ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino para sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa, Siya ay isang bayani na nagtaya ng buhay laban sa di umano ay diktaduriang Marcos. Pero hanggang sa ngayon ay wala pang ebidensiya na nag-uugnay kay Marcos sa pagkamatay ni Ninoy.

Gayunpaman, ang pagkamatay ni Ninoy ang nangggising sa kamalayan ng mga Pilipino para magkaisa at isulong ang isang pagbabago sa gobyerno.

Bunga ng matinding simpatiya kay Ninoy ng mga nagising na Pilipino, hinikayat nila ang kanyang maybahay na si Corazon Aquino para hamunin sa isang halalan si yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dahil sa paratang na nagkaroon ng dayaan sa halalan, tumindig ang mga Pilipino at dito na isinilang ang tinawag nilang People Power or Edsa 1.

Tuluyang napatalsik si Marcos hanggang sa makaupo bilang kauna-unahang babaeng Pangulo si Cory sa ilalim ng isang revolutionary government. Sinimulan ang mga pagbabago sa ilalim na bagong silang na demokratikong bansa. Sa kabila ng kabi-kabilang kudeta o pag-aaklas military, matatag na nakapanatili sa puwesto ay yumaong si Cory Aquino.

Malaki ang naiambag ng mag-asawang Aquino sa pagbabago ng pamahalaan at naiwan nilang legasiya ang anila ay bansang nasa ilalim ng demokrasiya at nagmamahal sa kalayaan at pagbabago.

Pumanaw na sila subalit nananatili sa puso ng mga Pilipino at natatak sa kasaysayan ng ating bansa ang kanilang makulay na buhay.

Pagkamatay ni Cory, marami ang nakisimpatiya, tumatanaw ng utang na loob at nagpapasalamat kay Cory Aquino. Sa puntong ito ng kasaysaysan, sa dami ng mga dumalo sa lamay at sa libing ni Cory, bumangon ang panawagan na patakbuhin si Senator Noy-Noy Aquino sa pagka-pangulo ng bansa sa taong 2010 na totong nasa mga pintuan na o napakalapit na.

Sumunod dito, ay ang pag-atras ni Senator Mar Roxas sa kanyang ambisyong maging Pangulo para pagbigyan ang kagustuhan ng mga maka-Cory at mga miembro ng kanilang partido Liberal na isalang bilang kandidato sa pagkapangulo si Noy-Noy Aquino.

Subalit ang tanong ng nakararami, ang simpatiya ba sa mag-asawang Aquino ay mamana ng kanilang anak na si Noy-noy.

Maaari bang matupad dito ang kasabihan na kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Si Ninoy naging mahusay, matalino at namayagpag na oposisyon laban kay Marcos. Kinilala ng mga Pilipino ang kanyang kakayahan na dapat sana ay pamalit sa di umano ay diktaduriang Marcos. Siya ay matapang at isang bayani.

Si Noy-Noy, siyam na taon sa kongreso, walang naging tunog ang kanyang pangalan. Sinasabing tahimik na mambabatas di tulad ng kanyang ama. Ayon sa isang komentarista mula sa Tarlac – si Noy-noy day ay isang kongresistang walang nagawa sa kanyang distrito.

Magtatatlong taon na siya sa Senado, mayroon na kaya siyang nagawang mahalagang batas para sa kapakanan at ikabubuti ng higit na nakararaming Pilipino?

O si Noy-Noy ay kasama sa silent majority ng Senado? Ano pa man ang sabihin natin, kung ang pagkapangulo ay isang destiny, wala tayong magagawa kung mangyari na si NoyNoy ay ihalal ng mga Pilipino sa pagkapangulo.

Pakiusap lang po natin, na ipakita ni Noy-Noy na kaya niya at hindi siya padadala sa dikta ni Kris o sinumang kumag na nais paandarin ang kanyang ulo sa pagkapangulo.

Saludo po tayo sa mga Aquino, pero ang tanong wala nap o bang iba pa. Hindi ba magaling din at sinsabing mas magaling si Defense Secretary Gilbert Teodoro na tulad ni Noy-Noy ay isa ring Kapampangan.

Sino ba naman ang tutol kung isang kapampangan muli ang uugit ng ating bansa. Subalit hindi lang ang pagiging kapampangan ang ating batayan, higit sa lahat kailangang may higit na kakayahan na patakbuhing maayos at maunlad ang ating bansa. Mahalaga po ang sympathy vote pero higit na mahalaga ang confidence vote para sa isang magiging pangulo ng bansa.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Monday, September 7, 2009

Paalam mahal na Ka Erdy

(Kapatid na Eraño G. Manalo- Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo)

Mga kapatid ay nagdadalamhati
Iglesia ni Cristo ay nasa pighati
Kalumbayan sa puso ay namayani
Bunga ng paglisan,mahal na Ka Erdy

Napakasakit man sa ‘ming kalooban
Paglisan ng pamamahalang huwaran
Subalit, Ama siyang may kagustuhan
Ang Ka Erdy, sa iglesia, nagpaalam

Lumisan man, mahal na pamamahala
Banal na takot, pananampalataya
Sa magagawa ng Dakilang Lumikha
Iniwan sa puso, tinanim sa diwa

Ang Tagapamahalang Pangkalahatan
Mababa ang loob, makapangyarihan
Hawak ng Ama, hindi pinabayaan
Pinatnubayan, pangunguna sa kawan

Ang Iglesia’y patuloy na nagtagumpay
Namalagi ang awa, tulong at gabay
Pagkasi ng Ama ay hindi nawalay
Kay Ka Erdy, ang pamamahalang tunay

Kaanib sa Iglesia Ni Cristo
Nagmamahal kay Ka Eraño Manalo
Ginabayan kami, tapat at totoo
Mamuhay ng isang tunay na Kristiano

Mahal na Ka Erdy, sa iyong paglisan
Mananatili po sa ‘ming sambahayan
Sa puso itatanim, laging tatandaan
Ituturo sa anak na kabataan
Kayo po ay punong tunay na uliran

Ang pagkakaisa at pag-iibigan
Matatag, matibay sa loob ng kawan
Ang pamamahala ay hindi nagkulang
Sila ay nagturo, nangaral sa bayan

Habang buhay, hindi namin lilimutin
Mga aral ng Dios, iyong ibinilin
Magpapatuloy, Ama ay sasambahin
Ang Iglesia ay pakamamahalin

Salamat po sa iyong pamamahala,
Mga kaanib kaming laging aasa
Sa bayang banal tayo ay magkikita
Sa Kaligtasan,‘pinangako ng Ama

Tatanawin namin ang kinabukasan
May pag-asa at ibayong katatagan
Iglesia ay laging papatnubayan
Ni Cristo at Amang makapangyarihan
Hanggang marating, pangakong kaligtasan

Ka Erdy, mahal na mahal namin kayo

Sunday, August 30, 2009

Si Elaine, ang aking mahal na asawa

Si Elaine Mercado Mapiles ang aking mahal na esposa. Itinuturing ko siyang isang tanging yaman na kaloob ng Ama. Sa kanya, natupad ang nasusulat na ang isang mabuting asawa ay galing sa Panginoon. Si Elaine ang sagot sa aking mga panata sa Panginoon nang ako ay binata pa.

Noon ay laging dalangin ko sa Panginoon na pagkalooban niya ako ng isang esposang mapagmahal at may banal na takot sa kanya, mabuting katuwang, mabuting ina ng aking magiging mga anak. Idinalagin ko ito ng isang Linggo. Sa ikapitong araw siya ay aking nakita sa loob ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo. Nasabi ko sa aking sarili na siya ang babaeng hiniling ko sa Diyos, ang katuparan ng aking mga panalangin.

Ito ay isang uri ng pag-ibig sa unang pagkikita. Sa aking puso’y isa siyang babaeng walang kapara. Mahal niya ako, mahal ko rin siya.

Nagmula po kami sa isang relihiyon ng pananampalataya. Kami po ay aktibong maytungkulin sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

Payak po ang aming pamilya. Magkasama kami ni Elaine sa hirap at ginhawa. Salamat sa Diyos sapagkat napagkalooban kami ng tatlong supling na katulad namin ay mga maytungkulin sa Iglesia.

Maligaya kaming nagsasama at sa tulong ng Dakilang Lumikha ay nalalampasan namin ang mga pagsubok na dumarating sa aming sambahayan.

Ang aming sambahayan ay umiikot sa mga aral at kalooban ng Diyos. Nakapaglilingkod kami sa Kanya bilang isang Pangulong Diakuno at diakunesa sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ang panalangin ay isang napakahalagang sangkap ng aming sambahayan.

Si Elaine ay mananampalataya, mapanalanginin at isang masipag na diakunesa, katuwang sa pag-aalaga ng mga kapatid sa Iglesia.

Sa aming tahanan, hindi tumitigil ang aking asawa sa paggawa araw-araw. Sa araw-araw, madaling araw pa lang ay kumikilos na ang aking sa asawa para kami na kaniyang sambahayan ay mapagsilbihan sa abot ng kanyang makakaya. Napakasipag po ng aking asawa. Wala na akong mahihiling pa.

Siya ang katuwang ko sa pagtuturo sa aming mga anak ng kagandahang asal at pagkakaroon ng banal na takot sa Panginoon. Ipinadarama niya sa akin at sa aming mga anak kung gaano niya kami kamahal at pinahahalagahan.

Hands on ang aking asawa sa lahat ng bagay sa aming munting tahanan. Napakasarap niyang magluto ng aming pagkain sa araw-araw. Napakahalaga sa kanya n gaming kalusugan kaya ako at ang aking mga anak ay hindi niya kinaliligtaan na paalalahanan na laging kumain sa takdang oras.

Napakasweet ni Elaine. Masarap siyang magmahal. Para sa akin bukod sa aking ina, siya ang pinakamagandang babae sa aking puso. Si Elaine bukod sa aking mga anak ang pinakamagandang pangyayari sa aking buhay. Mahal na mahal ko ang aking asawa. Wala na po akong mahihiling pa dahil isa siyang biyaya kaloob ng Ama.

Kung ako ay bibigyan pa ng isang pagkakataon na makapag-asawa, si Elaine pa rin ang aking nanaisin. Ley, I love you very much. Nobody can upstage you in my heart.

Salamat sa pag-aalaga mo sa ating mga anak. Salamat sa iyong pagiging mabuting asawa. You are one of the best things that ever happened in my life.

Kung may puna ka sa akin na iyong asawa, pasensiya na. Lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Wednesday, August 26, 2009

Pulis-Candaba tulog; Pulis-Sta. Ana puwede ng matulog!

KAPULISAN. Sila ang mga alagad ng batas na tapat at maaasahan. Sila ang sandigan ng mga mamamayan, sila ay mga tagapagtanggol ng mga naaapi at bantay ng katarungan at kapayapaan. Saludo ako sa kapulisan kaya wala akong balitang negatibo, ngayon lang siguro.

Eto na, ayusin niyo muna ang inyong pagkakaupo baka kayo mabigla sa unang balita ni Aling Iska.

Diyusmiyo, Rosalinda, alam mo na ba ang balita? Tungkol kanino? Sa mga Pulis-Candaba at Pulis- Sta. Ana. Well, well idol ko ang mga iyan. Kamakailan lang ay pinapurihan sila at pinayuhan na lalo pang magpakasipag sa paglilingkod sa bayan.

Totooooo? Eh, ang balita ko Darna ( Uy, kapuso ka pala Aling Iska?) Sa Candaba ang mga kaibigang pulis ay natutulog paminsan-minsan sa pansitan. At ang mga masisipag na pulis sa Sta. Ana ay maaari na ring matulog sa kangkungan.

Ay, grabe ka naman Aling Iska, iyan ay anong klaseng balita? Totoong nakakasira sa magandang imahe ng mga pulis Candaba at Sta. Ana.

Ang natutulog na bayan ng Sta. Ana (Natutulog dahil sa walang kabali-balita. At iyan naman ang gusto ni Mayor Rommel “Omeng’ Concepcion) ay tunay ngang payapa, ang mga mamamayan ay panatag at nakakatulog ng mahimbing sa gabi dahil sa kakaunti ang mga incidente ng nakawan at kriminalidad.

Congratulations Mayor Omeng at Major Arcega, ang hepe de pulisya. Dahil sa inyo ay payapa ang bayan sa pakikipagtulungan daw di umano ng mga masisipag ding Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na pumapatrolya sa gabi mula alas onse hanggang alas dose ng gabi sa mga ilang barangay ng Sta. Ana. Kaya siguro puwede ng matulog ang mga pulis Sta. Ana, total may guwardiya na.

Ba, kung nariyan na rin ang mga kaibigan at masisipag na RHB na nagbabantay sa gabi, baka nga puwede ng matulog sa pansitan ang ating mga kapulisan.

Hindi naman kaya nakakahiya sa mga Rebolusyonaryong Hukbong Bayan? Habang sila ay nagpapatrolya ay matutulog ang kapulisan.

Sa kasalukuyan, ang mga pulis Sta. Ana ay nagpapatrolya gabi-gabi. Very good. Keep up the good work! Pero nagpapatrolya rin ang mga miembro ng RHB. Salamat din po dahil sa tulong ninyo, tahimik anila at nakakatulog ng payapa ang bayan ng Sta. Ana. Hindi kaya nahihiya ang pulis sa RHB?

Eh, ang Pulis-Candaba? Alam mo Aling Iska, ayaw ko sanang magsulat sa mga pulis Candaba pero bilang isang mamamahayag, ito ay tawag ng katungkulan.

Sa mga nakaraang araw, pusang gala, Santino, alam mo bang may nakakulong sa Candaba? Eh, ano ngayon? Wala lang, nakatakas lang naman sila sa malamig na selda ng Municipal Police Station sa may Poblacion ng bayan ng magagandang lotus at ibat-ibang ibon?

Eto, ang nangyari Darna at Rosalinda, habang natutulog anila ang mga pulis at ang iba naman ay sinasabing nagpapatrolya, sa katahimikan ng malamig na selda ay nilalagare pala ng dalawang pugante ang seldang bakal. Parang si Lupin. Ang galing. Ano pa?

Pagkatapos ng ilang oras na lagarian, ang mga tulog na pulis ay naisahan. Sinasabing sa mismong pintuan, sa harapan ng himpilan ay payapang nagdaan at naglakad ang mga bilanggong uhaw sa kalayaan.

Ha?? I don’t believe it? Make believe Darna, dahil totoo ang kuwento at hindi isang kuwentong barbero. Nahuli na ba Aling Iska? Naabsuwelto na.

Anong reaksyon ni Kuyang Jerry, Aling Iska? Natural, nag-alburuto ang mama dahil sa kabila ng kanilang suporta, eh naisahan pa ang mga pulis na hindi na man tonta.

Isa pa, sa kalaliman ng gabi, alam ba ninyong sa plaza, sa mismong harap ng Municipal Police Station, sa harapan din ng municipal hall ay may nagpapatrolyang mga lahi ni Eva? Isang hukbo ng mga bakla na tila yata naghahanap ng mga ibong masisila.

Nililinaw po natin, hindi tayo kalaban ng bakla, itanong niyo man kay Jema. Ang sa atin ay nagtataka tayo kung bakit hindi naman sila nanganganak ay patuloy silang dumarami at namamayagpag.

Alam ba ninyo na sa mga nakaraang araw at buwan ay laganap sa harapan ng Candaba Police Station, kung hindi man ay sa harap ng luneta at municipal hall ang suntukan, bugbugan, paluan na nauuwi sa asuntuhan na sangkot ang mga kababayang nasa kabataan sa pagitan ng alas diyes hanggang alas dose ng hating gabi.

Nasaan sa gayong mga pagkakataon ang kapulisan na sa bilang ay totoong naragdagan bunga ng pagsisikap at pakiusap ni Kuyang?

Kaya kay Police Superintendent Wilson Santos, wake up sir!! Kay Major Arcega ng Sta. Ana, kulang pa ang inyong pagsisikap dahil sa nahihigitan di umano kayo ng mga masisipag na RHB. Mayor Omeng, totoo nga po bang nariyan sila sa inyong bayan?

Nagtatanong lang pero matawagan po sana kayo ng pansin. There is always a second chance. May this serves as a wake up call to our dear police officers.

Ang pikon ay talo. Tiyak na panalo ang nagbabago. Magbago po kayo.

Kung may puna, sumulat sa joeley01@yahoo.com.