Galit ang Bundok Arayat!
KAHINDIK-HINDIK. Nakapangingilabot, makataas balahibo ang pakiramdam kung iyong masasaksihan ang paghukay sa mga bangkay ng mga nasawi sa sandaling pagdagundong ng mga gahiganteng bato at tila kumunoy na lapot ng putik na rumagasa sa barangay San Juan Bano, Arayat, isang maliit na pamayanan sa paanan ng Bundok Arayat.
Habang pinagmamasdan ng mga kaanak ng labindalawang biktima ng pagragasa ng makapal na lupa mula sa itaas ng Bundok Arayat, iba ang iyong mararamdaman, may mga katanungan na sumasagi sa isipan ng mga nakasaksi sa tindi ng galit ng kalikasan. Sino ang may sala? Sino ang dapat sisihin? Ano ang dahilan ng trahedya? Ito ba ay galit ng kalikasan? O isang trahedayang tao rin ang may pakana?
Sa ginawang inisyal na imbestigasyon ni Aling Iska, sinasabing may mga nagnanakaw sa mga likas na yaman ng kabundunkan kaya ito ay ginamitan di umano ng dinamita na pinasabog sa kasagsagan ng pagkulog at pagkidlat samantalang sinasalanta ng bagyong Ondoy ang ating lalawigan. Matagal na di umano ang nangyayaring illegal na pagmimina sa Bundok Arayat.
Sa tindi rin kahirapan ay hindi naiwasan ng ilang residente ang pagkakaingin, pag-uuling at pagputol ng mga punongkahoy na naging sanhi ng pagkakalbo ng ilang bahagi ng kabundukan. Ito ay tahasang pagyurak at paglapastangan sa inang kalikasan, kay Maria Sinukuan at sa Bundok ng Arayat.
Bakit kaya walang sinuman ang humadlang sa ganitong ilegal na Gawain sa itaas ng kabundukan? Sino ba ang tagapangalaga sa kabundukan? Ayon sa ating pagsasaliksik, ang bundok Arayat ay nasa pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kung totoo ang mga illegal na pagmimina at patotroso sa kabundukan, ang mga opisyales ng DENR na nangangalaga sa Bundok Arayat ay hindi lang pabaya, wala rin silang kakuwenta-kuwenta na opisyal ng pamahalaan.
They don’t deserve to stay any minute longer in their air-conditioned room while Mount Arayat suffers a lot due to their blatant neglect to the environment.
Para silang putong walang asukal. Sila ay mga rebultong pipi at bingi. Tau-tauhan. Kung hindi ninyo kayang pangalagaan ang kabundukan ng Arayat, mas mabuti pa na bitawan ninyo ang pangangasiwa at ibigay niyo na lang sa lokal na pamahalaan dahil sila rin naman ang tuwirang tinatamaan kapag nagalit ang kalikasan.
Mag-isip-isip po kayo bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay nangyari ang ganitong trahedya? Hindi kaya singilan sa kanilang kamay ang dugo ng mga nasawing biktima?
Nawa, nagsilbi itong “learning experience” sa inyo na nagpabaya sa kagandahan at kabutihan ng inang kabundukan.
Sa mga opisyales ng local na pamahalaan, ito lang ang masasabi natin kung gusto po talaga ninyo na pangalagaan ang Bundok Alaya, mas maganda po na kayo ang mangasiwa, pero hindi rin po dahilan na wala sa inyong kamay ang pangangasiwa para ipagkibit-balikat ang mga nangyayaring illegal sa itaas ng kabundukan.
Kung nagbubulag-bulagan ang DENR, buksan po ninyo ang kanilang bulag na mga mata, kalampagin po ninyo ang kanilang binging mga tainga. Magtulungan po kayo para sa inang kabundukan para hindi po maulit ang galit ng kalikasan. Sa mga residente, huwag po nating pagsamantalahan ang mga punong kahoy sa kabundukan, mana pa ay magtanim ng puno para sa kinabukasan ng inyong pamilya at ng bayan.
Tandaan po ninyo ang Mount Arayat ay isang landmark sa Central Luzon na naglalagay sa bayan ng Arayat sa mapa ng kaunlaran.
Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

No comments:
Post a Comment