Thursday, November 19, 2009

Capitol nagbayad sa Church!

ANG pagsasanay ng tamang liderato sa mga kabataan ng simbahan o ng anumang pangkatin ng pananampalataya ay isang bagay na mabuti. Ibig mong sabihin Aling Iska, okey lang at walang masama?

Wala brod. Lalo na kapagka ang pagtuturo ng liderato ay nakabatay sa mga ipinatutupad na tuntuning itinakda ng saligang batas at maging ng mga banal na kasulatan ukol sa pagiging mabuti at makapangyarihang lider. Ang nangangasiwa sa pagsasagawa ng pagsasanay ukol sa liderato at ang mga nagtuturo nito ay kailangang maging huwaran ng kanilang tinuturuan. Tumpak, Aling Iska. Kailangang maalam sila sa batas at buong kapakumbabaang sumusunod sa mga ito.

Kung gayon, Aling Iska, tama at mabuti ang ginawa ng His Life City Church sa pamamagitan ng kanilang Wild Fire Organization na turuan ang mga kabataang Kapampangan ukol sa mga katangian ng isang tunay na lider. Walang masama at siyang tama.

Pero, Aling Iska, ano po ang isang siste ng iba ukol sa ginanap ng Youth Camp Leadership Training ng tanggapan ng PESO na ibinigay sa ilalim ng pangangasiwa ng di umano ay simbahan kung saan dumadalo ang acting provincial administrator?

Iyon po palang Youth Camp leadership training ay hindi libre at may bayad. Nagpabayad ang His Life City Church ng P675,000 mula sa kabang yaman ng Kapitolyo para punan ang ichinarge nilang P2,250.00 kada participants. Nakapangalan sa simbahan ang chekeng ipinambayad para raw punan ang gastos sa pagsasanay.

Ano ang punto rito, Aling Iska? Okay lang siguro kung libre ang leadership training. Pero kung gagastos din pala ang kapitolyo, bakit nila pinayagan?

Wala bang kakayahan o capability ang kapitolyo na maging organic na lang ang naturang Youth Camp training? Ibig sabihin iyong mga empleyado ng kapitolyo na trained sa leadership ang dapat nagsagawa na lang ng pagsasanay para hindi na sila nagbayad pa ng mahal sa pangkatin ng pananampalataya di umano ni Atty. Vivian Dabu.

Isa pang punto de vista. Karaniwan kapagka may patraining ang kapitolyo, ang hirap magreimburse ng gastos, maraming rekititos at etcheburetche, kaya umaabot sa halos isang buwan bago maapruhan ang budget. Pero sa training na ito ng His Life raw ni Dabu, advance pa ng 4 days ang release ng pondo. Iba talaga kung paborito ka ni Dabu at may connection. Iyan ba ang makakristiyanong liderato. May palakasan at kung gusto at paborito, walang dahilan, lahat ay may paraan.

Bakit naman agad na nakalusot samantalang kapagka training package at contract kung saan lahat ng pagkakagastusan ay nakapakete na sa nakakontrata. Kailangang ang kontratista ay dumaan at nanalo sa bidding. Pero tila yata, nagkaroon ng hokus-pokus at bigla na lang iniaward ang Youth Camp training package sa His Life City Church. Ito kaya ay accredited ng Provincial Development Council?

Isa pa Aling Iska, tama bang magkaroon ng transaksyon ang simbahan di umano ni Dabu sa pamahalaang panlalawigan?

Kung iyong Church di umano ni Dabu ay isa talagang pangkatin ng pananampalataya ay mali na makipagtransakayon ang kapitolyo at bigyan ito ng tinatawag na ‘public funds’ kahit man ito ay kanilang pinagpaguran dahil sila ay isang Church.

Malinaw na nasusulat sa saligang Batas ang pagkakahiwalay ng simbahan at pamahalaan. Maging ang Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 ay nagsasaad na ang pondong pambayan ay hindi maaaring gamitin sa anumang gawain ng simbahan o anumang layuning pangrelihiyon.

Alam mo, Aling Iska, na hindi kayang pasubalian ang katotohanang kapag walang nagreklamo, walang mabibisto. Ang problema lang Aling Iska, at naka kasi king kasigla. O Siyempre, si Aling Iska, dapat laging una sa balita.

Batay sa ating naglilibot na balita, ang naturang training ay isang uri ng pag-aakay sa mga kabataan na tanggapin ang kanilang paniniwalang pang-espiritual. Ibig sabihin ginawa di umano ang pagsasanay para di uman ang mga kabataan sa kanilang pananampalataya. Para daw dumalo ang kabataan sa isang retreat na ginanap sa Peniel, Patling, Tarlac, isang tago at liblib na lugar.

Ibig mong sabihin Aling Iska, nanghikayat na sila na yakapin ang kanilang pananampalataya, kumita pa sila? Well, that is your query but I am not in the position to answer that question.

Pero ang sabi ni Pareng Board Member Cris Garbo, ang ginawang ito na pagbabayad sa His Life City Church ng kapitolyo ay ‘irregular’ o hindi pangkaraniwan, ibig sabihin labag sa mga batas na umiiral.

Para naman sa Boss ng DILG sa Pampanga. That actuation is unconstitutional and it blatantly defies the provision of the Local Government Code of 1991 that public funds should not be used for religious purposes. Ano pa ang sinabi ni Boss Angie? O rugo ot ela mimingat.

Careful…. Careful….because the ends does not justify the means. Maganda ang layunin ng His Life, nagkaroon lang ng lapse.

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment