STRICTLY no politics, purely public service! Ito ang tinuran ng mahinhin at magandang binibini na si Lea Dizon ukol sa kanilang ginagawang pagtulong at medical mission sa loob halos ng anim na taon bilang paggunita sa kanilang yumaong ama na si Don Tomas Dizon.
Sa unang tingin Aling Iska, mapapahanga ka kay Lea dahil sa angkin niyang kagandahan na kalahating Chinese, kalahating Pinay, in short ‘Chinay’. Sa aming kuwentuhan, naibahagi niya ang mga gawain ng Don Tomas Dizon Foundation na halos walang Linggo na hindi sila tumutulong sa mga mahihirap na cabalen.
Batay kay Lea ang foundation ng kanyang ama ay tahimik na nagbibigay tulong para sa libreng panggagamot at pangangalaga sa mga ngipin at mata sa mga kapuspalad nating mga kababayan sa Pampanga. Kaya ayaw niyang ipadiario. Pero alam niyo naman kay Aling Iska, lahat nakabalita.
Simula pa noong Setyembre, 2003 ang Tomas Dizon Foundation ay nakatulong na sa mahigit kumulang sa tatlumpung libong kabalen sa halos limampung barangay sa Pampanga.
Batay sa mga benepisyario ng foundation, ito raw ang paraan ng pamilya ni Lea upang ibalik sa mga tao ang mga biyaya at pagpapalang tinatamasa nila bunga na rin ng kanilang kasipagan at pagsisikap na magtagumpay sa buhay.
Kamakailan sa Mandasig, isang payak na barangay sa Candaba ay palihim na nagsasagawa ng medical mission sina Lea, subalit alam niyo naman, ang inyong Aling Iska, laging una sa balita.
Kaya si Aling Iska, kay Lea ay palihim na nakipag-ututang dila. Ano ang ibig mong sabihin? Nakipagespadahan ng kuwento at balita ukol sa pamilya Dizon at maging sa hinaharap niyang hamon sa Pampanga.
Maganda ang kanyang mga pananaw sa liderato at disiplina na maaaring ibahagi niya kung ipagkakaloob sa kanya ang kapalarang makapaglingkod sa Pampanga bilang isang bise gobernador.
Alam niya at humahanga rin siya sa kakayahan at talino ng kasalukuyang Bise Gobernador na si Joseller “Yeng” Guiao.
Sa puntong ito ay nakiusap si Lea, na huwag naman sanang pag-usapan pa muna ang pulitika dahil ayaw niyang mabahiran ng pulitika ang matagal ng pagtulong na nasimulan ng kanilang ama.
Bagamat nahihiya si Lea ay pinaunlakan nito ang anyaya ng mga taga-Candaba na magpakuha ng larawang kasama siya.
Masaya ang mga taga-Mandasig sa pangunguna ni Kapitan Bong Mangalino dahil napaglingkuran at narating na ni Lea ang kanilang barangay kahit hindi sa ngalan ng pulitika kundi dahil sa paglilingkod bayan.
Batay kay Lea, ang pagtulong sa mga mahihirap ay nasa dugo na ng pamilya Dizon. Ito ay paraan ng kanilang ama at ng kanyang pamilya para lingunin ang nakaraan, ang kanilang pinanggalingan para marating nila ang lalu pang pagpapala at tagumpay sa buhay.
Si Lea ay nagtapos ng business administration sa University of Asia and the Pacific at nag-aral din ng kursong marketing at management sa University of Barcelona sa Espanya.
Kung titingnan hindi lang sa panlabas, panloob na katangian, si Lea Dizon ay hinog na sa panahon para tahakin ang mundo ng karerahan sa mga usaping pangkapampangan.
Taglay nito ang magandang reputasyon ng kanyang ama na si Don Tomas Dizon, isa sa mga tagapagtatag ng Save Pampanga Movement sa kasagsagan ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.
Batay sa mga nagmamasid, maaaring ibahagi ni Lea ang kanyang pagiging desente, katapatan at pagiging bukas sa lahat ng bagay maging sa mga usaping pampamilya at maging sa panlalawigan.
Ang kanyang integridad bilang isang professional na kabataan ay maaaring maging paraan para, anila, bumalik ang kompiyansa ng mga kapampangan sa mga pulitiko sa lalawigan.
Ayon din sa aming untahan, gusto niyang ihulma ang mga panglalawigang kapasyahan sa epektibong pamamahagi ng makatotohanang serbisyo na magbibigay diin sa pampublikong edukasyon, kalusugan at kapakanang pampamilya.
Maganda ang pananaw, matatag ang credential, may yaman, may magandang anyo at katangian, may talino, mababa ang loob, may puso at may panalo.
Si Lea Dizon, inspirasyon ng kabataan, kaantabay sa tagumpay sa mga hinaharap na hamon ng panahon.
Pero ang tanong Aling Iska, matapatan kaya ni Lea ang kabataan, subok na karanasan, husay, galing, talino at liderato at laging nanalong si Vice Governor Joseller “Yeng” Guiao?
Iyan ang dapat abangan!!!
Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

No comments:
Post a Comment