Wednesday, August 26, 2009

Pulis-Candaba tulog; Pulis-Sta. Ana puwede ng matulog!

KAPULISAN. Sila ang mga alagad ng batas na tapat at maaasahan. Sila ang sandigan ng mga mamamayan, sila ay mga tagapagtanggol ng mga naaapi at bantay ng katarungan at kapayapaan. Saludo ako sa kapulisan kaya wala akong balitang negatibo, ngayon lang siguro.

Eto na, ayusin niyo muna ang inyong pagkakaupo baka kayo mabigla sa unang balita ni Aling Iska.

Diyusmiyo, Rosalinda, alam mo na ba ang balita? Tungkol kanino? Sa mga Pulis-Candaba at Pulis- Sta. Ana. Well, well idol ko ang mga iyan. Kamakailan lang ay pinapurihan sila at pinayuhan na lalo pang magpakasipag sa paglilingkod sa bayan.

Totooooo? Eh, ang balita ko Darna ( Uy, kapuso ka pala Aling Iska?) Sa Candaba ang mga kaibigang pulis ay natutulog paminsan-minsan sa pansitan. At ang mga masisipag na pulis sa Sta. Ana ay maaari na ring matulog sa kangkungan.

Ay, grabe ka naman Aling Iska, iyan ay anong klaseng balita? Totoong nakakasira sa magandang imahe ng mga pulis Candaba at Sta. Ana.

Ang natutulog na bayan ng Sta. Ana (Natutulog dahil sa walang kabali-balita. At iyan naman ang gusto ni Mayor Rommel “Omeng’ Concepcion) ay tunay ngang payapa, ang mga mamamayan ay panatag at nakakatulog ng mahimbing sa gabi dahil sa kakaunti ang mga incidente ng nakawan at kriminalidad.

Congratulations Mayor Omeng at Major Arcega, ang hepe de pulisya. Dahil sa inyo ay payapa ang bayan sa pakikipagtulungan daw di umano ng mga masisipag ding Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na pumapatrolya sa gabi mula alas onse hanggang alas dose ng gabi sa mga ilang barangay ng Sta. Ana. Kaya siguro puwede ng matulog ang mga pulis Sta. Ana, total may guwardiya na.

Ba, kung nariyan na rin ang mga kaibigan at masisipag na RHB na nagbabantay sa gabi, baka nga puwede ng matulog sa pansitan ang ating mga kapulisan.

Hindi naman kaya nakakahiya sa mga Rebolusyonaryong Hukbong Bayan? Habang sila ay nagpapatrolya ay matutulog ang kapulisan.

Sa kasalukuyan, ang mga pulis Sta. Ana ay nagpapatrolya gabi-gabi. Very good. Keep up the good work! Pero nagpapatrolya rin ang mga miembro ng RHB. Salamat din po dahil sa tulong ninyo, tahimik anila at nakakatulog ng payapa ang bayan ng Sta. Ana. Hindi kaya nahihiya ang pulis sa RHB?

Eh, ang Pulis-Candaba? Alam mo Aling Iska, ayaw ko sanang magsulat sa mga pulis Candaba pero bilang isang mamamahayag, ito ay tawag ng katungkulan.

Sa mga nakaraang araw, pusang gala, Santino, alam mo bang may nakakulong sa Candaba? Eh, ano ngayon? Wala lang, nakatakas lang naman sila sa malamig na selda ng Municipal Police Station sa may Poblacion ng bayan ng magagandang lotus at ibat-ibang ibon?

Eto, ang nangyari Darna at Rosalinda, habang natutulog anila ang mga pulis at ang iba naman ay sinasabing nagpapatrolya, sa katahimikan ng malamig na selda ay nilalagare pala ng dalawang pugante ang seldang bakal. Parang si Lupin. Ang galing. Ano pa?

Pagkatapos ng ilang oras na lagarian, ang mga tulog na pulis ay naisahan. Sinasabing sa mismong pintuan, sa harapan ng himpilan ay payapang nagdaan at naglakad ang mga bilanggong uhaw sa kalayaan.

Ha?? I don’t believe it? Make believe Darna, dahil totoo ang kuwento at hindi isang kuwentong barbero. Nahuli na ba Aling Iska? Naabsuwelto na.

Anong reaksyon ni Kuyang Jerry, Aling Iska? Natural, nag-alburuto ang mama dahil sa kabila ng kanilang suporta, eh naisahan pa ang mga pulis na hindi na man tonta.

Isa pa, sa kalaliman ng gabi, alam ba ninyong sa plaza, sa mismong harap ng Municipal Police Station, sa harapan din ng municipal hall ay may nagpapatrolyang mga lahi ni Eva? Isang hukbo ng mga bakla na tila yata naghahanap ng mga ibong masisila.

Nililinaw po natin, hindi tayo kalaban ng bakla, itanong niyo man kay Jema. Ang sa atin ay nagtataka tayo kung bakit hindi naman sila nanganganak ay patuloy silang dumarami at namamayagpag.

Alam ba ninyo na sa mga nakaraang araw at buwan ay laganap sa harapan ng Candaba Police Station, kung hindi man ay sa harap ng luneta at municipal hall ang suntukan, bugbugan, paluan na nauuwi sa asuntuhan na sangkot ang mga kababayang nasa kabataan sa pagitan ng alas diyes hanggang alas dose ng hating gabi.

Nasaan sa gayong mga pagkakataon ang kapulisan na sa bilang ay totoong naragdagan bunga ng pagsisikap at pakiusap ni Kuyang?

Kaya kay Police Superintendent Wilson Santos, wake up sir!! Kay Major Arcega ng Sta. Ana, kulang pa ang inyong pagsisikap dahil sa nahihigitan di umano kayo ng mga masisipag na RHB. Mayor Omeng, totoo nga po bang nariyan sila sa inyong bayan?

Nagtatanong lang pero matawagan po sana kayo ng pansin. There is always a second chance. May this serves as a wake up call to our dear police officers.

Ang pikon ay talo. Tiyak na panalo ang nagbabago. Magbago po kayo.

Kung may puna, sumulat sa joeley01@yahoo.com.

No comments:

Post a Comment