Thursday, November 12, 2009

Cong Rene and Cong Ric's food for thought in 2010

HAWAK ng pamilya Bondoc ang tiwala ng Kuwatro Distrito ng Pampanga sa loob ng halos dalawang dekada. Taglay nila ang mga matatapat at nag-ugat ng lider pulitika sa walong bayan na nasa tabi ng gumuguhong pampang ng Pampanga River.

Kilala ang mga Bondoc pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga kakampi sa pulitika, umulan man at umaraw. Ang ganitong estilo ng pamumulitika ng mga Bondoc sa Macabebe ay nangyayari na sa panahon pa ng kanilang ama na si Congresman Emigdio Bondoc. Ipinagpatuloy ito ni Congressman Rimpy Bondoc at ngayon ay siyang isinasagawa ng kasalukuyang Congresswoman Anna York Bondoc-Sagum.

Kumbaga, ang pagmimintina ng mga Bondoc sa kanilang mga lider sa pulitika ay taga na sa panahon at pinanday na ng mga pagkakataon. At ang estilong ito ay napatunayang totoo at epektibo.

Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay namamayagpag ang mga Bondoc sa larangan ng pulitika at nirerespeto sila ng kanilang mga tagasunod at mga lider na tapat at may tiwala sa kanilang kakayahan na pangunahan ang Kuwatro Distrito sa Kongreso.

Pero marami ang nagtatanong kung bakit sa kabila ng kanilang pagsisikap ay patuloy pa ring nangungulelat ang Kuwatro Distrito kung pag-uusapan ay infrastrakutura at ekonomiya.

Marami pa rin ang mga sira-sirang daan. Marami pa rin ang kulang sa lahat ng larangan ng serbisyo publiko. Pero, Aling Iska, masipag naman sila sa paggawa, halos araw-araw nga ay kasama ni PGMA si Dra. Anna sa pamamasyal sa Pampanga. Bumbulong tiyak ng proyekto. Pero sa tagal ni GMA sa pagkapangulo, parang kaunti pa rin ang naibulong na proyekto, kasi from the looks of it, wala pa ring malaking pagbabago sa kuwatro distrito.

Baka naman nasa lugar talaga ang problema dahil ito ay catch basin at sirain ng tubig-baha kaya kahit kagagawa ng proyekto ay biglang itong guguho. Aro. Diyusmiyo ot mipapakanyan, dakal yata masasayang?

Pero ang tanong naman ng iba, bakit natin sila pinagtitiyagaan? Bakit para bang sila na lang ang puwedeng manungkulan bilang congressman? Wala na bang ibang puwede sa Kuwatro Distrito? O talagang sila lang ang dapat? Well, panahon lang ang makapagsasabi at tayo sa kuwatro distrito ang pipili at boboto.

Sa palagay ko Aling Iska, maraming puwede na katulad nila ay may kakayahan din para manguna sa atin. Pero kung sabay-sabay silang hahamon sa mga Bondoc pagdating ng halalan ng pagkacongressman, tiyak na pupulutin ang ating mga kaibigan sa pansitan. Papaano mong titibagin ang hanay ng mga tagasuporta ng mga Bondoc kung nagkakabaha-bahagi ang inyong puwersa? Para niyo lang tinulungan si Dra. Anna na mamalagi pa sa kanyang puwesto sa kuwatro distrito at sa kongreso.

Kaya ano ang maipapayo mo Aling Iska sa iyong mga kaibigang gustong magkongressman na sina dating DOTC Assistant Secretay Rene Maglanque at kasalukuyang Board Member Ricardo Yabut? Ba, isa lang bro advise, sa pagkakaisa ay abut tanaw at maipamamalaque ang tagumpay subalit sa pagkakabahagi, tiyak ang hantungan ay sa kabiguan.

Kaya kay Cong Rene at Cong Ric, mag-isip kayo ng lalong makabubuti para hindi kayo malugi. Malugi in the sense na nag-aksaya na kayo ng pera at panahon, si Dra. Anna lang pala sa bandang huli ang kakain ng masarap na pansit bihon.

In short, isa lang sa inyo ang dapat na lumaban sa halalan dahil matibay at malakas pa rin ang kalaban. Kung magsasanib ang puwersa ninyo at hindi kayo magkakawatak-watak, maaaring sa banding huli ay sabay kayong papalakpak at hahalakhak sa tuwa at galak.

To Cong Rene and Cong Ric, let the following food for thought serve as your guiding wisdom: “ In unity, there is strength. In accord, there is power. In harmony, there is victory. Why not try to be one in strength, in power and in harmony for a congressional victory? Just simply think of it, before you finally decide on your fate before the evening of November 30.

If they fail to consider this line of thought, Dra. Anna will finally have this to say: She who laughs last, laughs best. One one-one is good. But three is best for her success again in Congress.

A three cornered fight will favor the congresswoman but what would give her a hard time is a congressional one-on-one.

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

No comments:

Post a Comment