Tuesday, May 25, 2010

Proklamasyon ni Nanay Baby at ni Cong. Gloria

Aling Iska
Una sa Balita

KAPANA-PANABIK. Ito ang paglalarawan ni Aling Iska sa nangyaring proklamasyon kamakalawa sa Bren Z. Guiao Convention Center sa Lungsod ng San Fernando . Halos araw-araw simula noong gabi ng Mayo 10 ay matama ng naghihintay ang mga tagasuporta ng ibat-ibang kandidato sa kahihinatnan ng halalan sa probinsiya at kung sino ba ang mga ipoproklamang kandidato.

Kitang-kita ni Aling Iska, ang katiyagaan ng bawat abogado na kumakatawan sa mga kandidato, ang paghihintay ng mga miembro ng tri-media para mayroon lang silang maiulat na storya sa kanilang himpilan.

Noong gabi ng May 10, halos umuugong na ang balita kung sino ang mga nanalo sa bawat munisipalidad dahil nga sa bilis ng pagbilang ng mga PCOS machines subalit sanhi ng ilang teknikal na problema sa compact flash cards ay hind agad nakapagproklama ang ibang mga bayan. Subalit dahil sa nauna ng nakita ng Comelec ang problema ay agad nilang nasulusyunan. Kaya ng sumunod na araw May 11, halos naiproklama na ang mga nanalong kandidato hanggang sa dumating nga ang gabi ng May 12.

Napuno na ang mga upuan, halos nagkulay pink ang convention center dahil sa unipormeng suot ng mga taga suporta ni Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda at Vice Governor Joseller “Yeng” Guiao at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Isa-isang nagdadatingan ang mga kaalyadong alkalde ni Nanay Baby at ng Pangulo. Pinalakpakan ang mga nanalong kandidato pati na ang pagdating ng mga bagong halal na miembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Dumating din doon para iproklama sina 1st district Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin, 3rd District Congressman Aurelio “Dong” Gonzales at si 4th District Congresswoman Anna York Bondoc.

Umani naman ng masigabong palakpakan ang pagdating nina Nanay Baby at Pangulong Gloria na mga nagtala ng kasaysayan sa halalan.

Si Nanay Baby ang kauna-unahang manunungkulan bilang kauna-unahang babaeng gobernador na inihalal ng mga kapampangan. Itanong niyo man sa kasaysayan.

Si Pangulong Arroyo ang kauna-unahang presidente na naihalal na kongresista bago matapos ang kanyang termino sa Palasyo ng Malakanyang sa ika-30 ng Hunyo.

Halos hindi magkamayaw sa saying nararamdaman ang mga nanalong kandidato. Kitang-kita sa mukha ni Nanay Baby ang kanyang kagalakan dahil muli niyang napatunayan na siya ang tunay na gobernador noon pang 2007, ngayong 2010.

Matagal ng nakahanda si Nanay Baby sa pagiging gobernador dahil matagal na siyang tumutulong sa kanyang mga kabalen na lumalapit sa kanya para sa problemang pangkalusugan, sa edukasyon at maging sa kabuhayan.

Lahat ay naghihintay at nanabik kung paano ba gagampanan ni Nanay Baby ang kanyang panunungkulan sa bilang ina ng lalawigan.

Nawa ay suportahan natin si Nanay Baby at bigyan natin siya ng pagkakataon para patunayan niya ang kanyang sensiridad sa panunungkulan.

Sa mga mamamahayag na tulad ni Aling Iska, maging mapagmasid, tulungan natin si Nanay Baby na punahin ang anomang makikitang mali para ito ay agad na maitama at magawan ng lunas bago lumala. Subalit siyempre kung dapat punahin ang mali , papurihan naman ang tama upang magkaroon sila ng inspirasyon at lakas ng loob sa paglilingkod-bayan.

Kay Congresswoman Gloria, good luck. Nawa’y magkaroon tayo ng speaker of the House na isang kapampangan at isang dating Pangulo. Kay Nanay Baby, good luck and may the Lord bless you more with good heart for the Kapampangans.

Abak na para karing Kapampangan! Oyni na ing tune sala na alang pamagkunwari.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment