Tuesday, May 25, 2010

Fearless election forecast

ALING ISKA
Una sa Balita

ELEKSYON NA! Sino kaya ang mananalo at sino ang iiyak ng bato? Iyan ang tanong na masasagot lang pagkatapos ng election.

Well, dito sa Pampanga. Kahit na ano pa ang sabihin nila, tiyak na ang panalo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pagkakongresista dahil una, mahal siya ng kanyang mga kadistrito, may nagawa at ginagawa bilang Pangulo at isang kandidato.

Ang kanyang kalaban ay hindi naman kilala at tiyak itaga mo man sa bato, wala pa siyang performance, track record o ng kahit na anong sabihin mo Aling Iska. Adonis Simpao, kandidato sa pagka-Congressman, tiyak uuwing luhaan.

Sa Unang Distrito, magaling at bata si Aris Yabut. Pero sa tingin ko, mahihirapan pa rin siya kay incumbent Congressman Tarzan Lazatin. Siyempre, matandang tinali si Congressman,mahusay, may karanasan, iginagalang ng mga matatanda at ng mga kabataan pati na siguro ng kanyang kalaban na si Konsehal Aris Yabut. Bata pa at mayroon pang naghihintay na matatag na hinaharap sa pulitika si Konsehal Yabut. Pero parang matatalo siya ngayong halalan. Better luck next time.

Sa Tersera distrito, ang kalaban ni Pol Quiwa sa pagkakongresista ay ang malalaking covered court, scholarship program, mga daan at programang pang-agrikultura at serbisyo publiko ni Congressman Aurelio ‘Dong” Gonzales. Haharapin niya ang mga iyan pero hindi niya kayang pasubalian. Siyempre magsasalita siya ng ilang kapintasan pero hindi makahihigit sa ginawa ni Dong Gonzales. Magaling din si Pol Quiwa, wala tayong masasabi, bata at masigasig pero parang ang kapalaran ang nagsasabing si Gonzales ang ating congressman sa Tersera Distrito. Better luck next time, pare koy.

Sa Kuwatro Distrito, lumalakas ang kandidatura ni Kong Rene Maglanque lalo na sa Candaba at Sto. Tomas- close friend natin. Pero ang tanong matitibag kaya ni Maglanque ang karisma hindi lang ni Dra. Anna kundi ng pamilya Bondoc na hinog na sa panahon sa larangan ng pamumulitika? Kahit na ano pa ang sabihin natin muling mapapalaban si Kong Rene kay Congresswoman Dra. Anna. Marami ngayon ang sumisimpatiya kay Maglanque. Umaagos ang mga tao sa kanyang tahanan, pero ano ang dahilan. Kanino kaya ang silent majority? Sila kaya ay kay Maglanque o die hard Bondoc?

Noong nakaraang halalan, 80,000 ang lamang ni Dra. Anna kay Kong Rene. Kaya niya kayang tibagin ito sa loob ng 45 day election period? Tingnan natin ang resulta pagkatapos ng halalan. Well, sabi nga hugis bilog ang itlog. Sino kaya ang mangingitlog? Matalo kaya o lalampasan pa ni Bondoc ang lamang o kung manalo man, tiyak kayang ang lamang na 80,000 ay mababawasan o matatapyasan? Well. Bahala na pagkatapos ng halalan.

Ang mga pumupusta sa halalan, malaki ang pusta nila para kay dating board member Lilia ‘Nanay Baby” Pineda sa pagkagobernador laban kay Governor Eddie Panlilio. Ang sabi nila mahihirapan na si Panlilio na makakuha ng 100,000 votes at malaki na iyon para sa isang low-performing governor. Kahit pa anong gawin nilang paninira na kesyo ang kalaban sa pagkagobernador ay masama at si among ay mabuti. Alam naman ng mga kapampangan ang tunay na pangyayari sa loob ng nakalipas na halos isang taon.

Actually, ang tanong, nagliwanag ba ang Pampanga sa panahon ni Panlilio? O Lalong nagulo? Nawala ba ang kaguluhang political? O lalong dumami? Nagkaroon ba ng mga malalaking accomplishments si Panlilio bukod sa super na ipinagmamalaki niyang kita sa quarry operations? Ito ba ay nakatulong ng malaki sa dami ng mga mahihirap na nangangailangan ng kabuhayan at mga maysakit sa pagamutan. So, simple, so basic pero naideliber ba ng itinuturing nilang mesiyas ng Pampanga ang pagbabago o lalo lang naiwan ang Pampanga sa mga karatig na probinsiya?

Iyan ang tanong namin. In short, sa ganyang situasyon, si Pineda ang uupo, si Panlilio ay iiyak ng bato ngayong halalan.

Kung ayaw ninyo opinion ko, opinion lang po iyan, hindi pa po nagkatotoo, kayo rin po ang boboto sa gusto ninyo. Bahala kayo. Iyan an gating fearless election forecast.

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment