Tuesday, May 25, 2010

LILIA G. PINEDA, ang gobernador ng Pampanga

ALING ISKA
Una sa Balita

Si Lilia G. Pineda ang tunay na nanalo noong 2007 gubernatorial election batay sa desisyon at deklarasyon ng Comelec en banc kamakailan. Si Lilia G. Pineda ang ating gobernador noong 2007 at ngayon din sa halalang 2010. Narito ang sa palagay ko ay magiging sentro ng kanyang panunungkulan kung hindi ako nagkakamali.

Wala naman sigurong masama kung mayroon tayong mga inaakalang gagawin ng ating gobernadora sakaling siya ang umupo sa puwesto bilang lider ng mga Kabalen na isinaayos ayon sa mga sunod-sunod na letra ng kanyang pangalan.

Livelihood (TRABAHO AT HANAPBUHAY)
  • Pagbubukas ng mga bagong oportunidad sa paghahanap ng Trabaho (job market) para sa mga may kakayahang mangggawa sa lokal at maging sa ibang bansa.
  • Pagtatayo ng mga proyektong pangkabuhayan na pakikinabangan ng mga mahihirap na mga kapampangan sa mga kanayunan sa pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor.
  • Tutulungan niya ang mga mamamayan sa bawat barangay na maging aktibo sa mga programang pangkabuhayan upang sila ay lalong maging masagana at maunlad na miembro ng pamilya at ng kanilang kumunidad.

Investment (PAMUMUHUNAN)
  • Dahil sa ang Pampanga sa pamamagitan Clark Economic Zone ay may mahalagang gampanin sa kaunlaran ng buong rehiyon ng Central Luzon at kinukunsidera bilang isa sa sentro ng pamumuhunan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya, planong gawin ng kaniyang administasyon na maging pangunahing kabalikat sa pagpapabatid sa sa mga ‘potentials’o sa mga katangian nito para maging sentro ng pamumuhunan.
  • Maging pangunahing katuwang ng pamunuan ng Clark Economic Zone sa paghikayat sa mga dayuhan at lokal na mamumuhunan na magtayo ng negosyo na makapagpapadagdag ng hanapbuhay sa mga Kapampangan.
  • Bahagi din ng kanyang adbokasiya ang paghikayat sa mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa mga bayan na may magandang lokasyon at ‘potentials’ para pagtayuan ng negosyo.

Law and Order (BATAS AT KAAYUSAN)
  • Naniniwala ang administrasyong ni Governor Lilia Pineda na ang paglaban sa krimen at karahasan ay dapat magsimula sa lebel ng mga barangay na kung saan ang mga Bantay Bayan at mga opisyales ng Sangguniang Pambarangay ay gumaganap ng napakahalagang responsibilidad para pigilan at sawatain ang mga nagaganap na kriminalidad.
  • Kaugnay nito, titiyakin ng kanyang administrasyon na buo ang suporta ng pamahalaang panlalawigan upang mabigyan ang mga myembro na Bantay Bayan at iba pang tumutulong sa kapayapaan ng mga ‘insurance benefits’ at karagdagang tulong pinansyal
  • Tutugunan ang pangangailangan sa kasanayan (training needs) ng mga bantay bayan sa pagpuksa, paglaban at pagpigil sa kriminalidad sa mga barangay.
  • Pagpapalakas sa mga Municipal at Barangay Peace and Order Councils sa buong lalawigan.

Infrastructure (INFRASTRAKTURA)
  • Sa ilalim ng administrayon ni Pineda, bibigyan ng malaking pansin ang mga hindi tapos na kalsada, pagpapagawa ng tulay at kanal na sinimulan ng dating gobernador na nagiging sanhi ng panganib hindi lamang sa kalagayan ng trapiko kundi maging sa kundi maging sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na tuwing tag-ulan.
  • Pagpapatayo ng mga karagdagang gusali sa mga pampublikong hospital at paaralan para sa kapakinabangan ng mga mahihirap na pasyente at mga mag-aaral

Agriculture (PAGSASAKA)
  • Pagbubuo at pagtatag muli ng mga organisasyon ng mga magsasaka o pagtatayo ng mga matatag na kooperatiba na magiging daan para matulungan ang sektor ng mga magsasaka upang maging daan ng pag-unlad hindi lamang ng kanilang pamilya kundi ng kanilang komunidad.
  • Tutulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makakuha ng “Credit Assistance” mula sa mga banko at institusyong magbibigay ng puhunan na may mababang interes.
  • Tutulungan ang mga magsasaka sa pagbili ng mura at dekakalidad na pataba, pestisidyo, gamit sa sakahan tulad ng traktora at pagpapaayos sa mga patubig. Sa kanyang pamamahala, mabibigyan ng dalawang traktora ang bawat bayan upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbubungkal ng kanilang sakahan.
  • Ipatutupad din ng administrasyon ni Pineda ang pagpapagawa ng 'farm market road,”patubig at ‘training and trading centers’ para sa mga magsasaka at mangingisda.
  • Ayon kay Pineda, kailangan din ang pagpapagawa ng ‘slaughterhause’ na may kumpletong pasilidad at kagamitan kabilang ang ‘refrigerated vans’ upang makatulong sa mga may-ari ng mga manukan at babuyan

Good Governance (TAPAT AT MARANGAL NA PANGANGASIWA)
  • Magiging bukas sa publiko ang lahat ng mga pinapasok na transaksyon ng Kapitolyo tulad ng mga pangongontrata sa mga proyekto, kagamita at iba pang mga bagay upang maging malinaw at bukas sa lahat ng katanungan at pagsisiyasat.
  • Lahat ng mga Talaang Pinansiyal (Financial Statement) kasama na ang operasyon at koleksyon sa Quarry ay ipapaskil sa mga bulletin boards ng mga munisipyo at maging sa mga lokal na pahayagan.
  • Magsasagawa din ng regular na konsultasyon sa mga opisyales ng barangay at bayan particular sa mga Alkalde tungkol sa kapakanan at pangangailangan ng kani-kanilang nasasakupan.
  • Tapat at sinserong pamamahala at panunungkulan sa Pampanga at mga kapampangan ang ninanais at pinapangarap ni Gobernador Lilia Pineda.

PROMOTION OF TOURISM AND CULTURAL HERITAGE (Pagpapalakas sa Turismo at Pamanang Pangkultura)
  • Pagpapayaman sa mga ipinamamalas na pamanang tradisyon at kultura na makapagpapalago sa lokal na ekonomiya Ipinangako ni Pineda na mapayaman ang nasyonal at kultural na tradisyon na makakatulong sa paglago ng lokal na ekonomiya.
  • Pagpapaunlad at paglalaan ng pondo sa mga proyektong pangturismo ng probinsiya.
  • Pagpapalakas at pagpapaunlad sa mga ‘tourist destinations’ng probinsiya.
  • Palalakasin din ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapakilala sa lokal na produkto ng bawat bayan sa pamamagitan ng paghikayat sa mga dayuhan at lokal na mamumuhunan.

Industrial Development ( PAGPAPAUNLAD NG INDUSTRIYA)
  • Magpapatupad ng mga batas at programa upang maging ‘business-friendly’ ang probinsiya. Karagdagan sa maayos at angkop na lalawigan para a maayos at dekalidad na pamumuhay,magbibigay din ng mga kapakinabangan sa trabaho ang lalawigan.
  • Titiyakin ng bagong administrasyon na sa pamamagitan ng mahusay at matapat na pangangasiwa kaantabay ng magaang pamumuhay, makasanayan at prodaktibong manggagawa at mayamang likas na yaman, ang Pampanga ay magiging pangunahing pook pangnegosyo at kalakalan.
  • Magbibigay ang pamahalaang panlalawigan ng kaukulang impormasyon ukol sa ibat-ibang gawain, likas na yaman, kapaligiran, kultura at kapakinabangang pinansiyal at suportang pangkomunidad.

Nutrition and Health (NUTRISYON AT KALUSUGAN)
  • Bibigyang ng ibayong pansin ang mga suliranin sa kakulangan ng mga kagamitan at mahinang serbisyo sa labing dalawang (12) pangdistritong hospital sa buong lalawigan.
  • Pagpapatupad ng agarang pagpapagawa at pagpapaayos ng mga pasilidad ng mga pampublikong Hospital at mga medikal na kagamitan upang maiangkop ang mga ito sa pangangailangan ng mga mahihirap.
  • Titiyakin ng bagong administrayon na maragdagan ang kasanayan at kakayahan ng mga doctors, nurses at iba pang manggagawa ng hospital upang maging lalong magkaroon ng higit na kasanayan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kapampangan.
  • Pagbibigay ng mga kinakailangang gamit at pasilidad sa mga Barangay Health Centers tulad ng mga laboratoryo.
  • Sinabi ni Pineda na lahat ng mga barangay health centers ay mabibigyan ng kumpletong suplay ng medicina upang masiguro ang tamang nutrisyon na maibibigay sa bawat kumunidad.
  • Magtatalaga din siya ng isang ambulansya sa bawat barangay at ‘fire truck’ at bumbero na magmumula sa Department of Interior and Local Government (DILG). Magkakaroon din ng pagsasanay mula sa nabanggit na ahensya.

EDUCATION (EDUKASYON)
  • Dahil naniniwala si Pineda na ang edukasyon ay siyang susi sa pagpapakilos sa tao at sa sa kaunlaran, inihayag niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng maraming scholarship assistance sa mga masisipag at matalino subalit walang kakayahang mga kabataan para ituloy nila ang kanilang karera sa kolehiyo.
  • Alam din ni Pineda ang kahalagahan ng pagbibigay ng pondong sapat sa school board na gagamitin sa pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga pampublikong paaralan.
  • Sisikapin din niya na mapaunlad ang programa sa “technology education and skills development” upang siyang sumagot sa pangangailangan ng out-of-school-youth na gusting magkaroon ng hanapbuhay pagkatapos ng tatlo hanggang anim ng buwang pagsasanay.

DELIVERY OF BASIC SERVICES (PAMAMAHAGI NG MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN)
  • Bibigyan din ng prayoridad ni Pineda ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya at communidad sa pamamagitan ng pangmalawakang at sama-samang pamamahagi ng serbisyong panlipunan sa tulong na rin ng national at mga local na pamahalaan.

ALLEVIATION OF POVERTY (PAG-AHON SA KAHIRAPAN)

Ang paglutas sa kahirapan ay isang pangmatagalang proseso at hindi ito malulunasan sa isang iglap lang. Sa ganitong kaisipan, si Pineda ay magsasagawa ng mga praktikal at simpleng pamamaraan na maaaring mangyari para harapin ang problema sa kahirapan.
  • Sisikapin niya na ang karamihan kung hindi man lahat ng mga ama ng sambahayan ay may trabaho, may sariling hanapbuhay at sumasama sa mga gawaing pangkabuhayan sapat para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga miembro ng sambahayan.
  • Gagamitin ng Pineda administration ang estratehiya ng pagpapakilos o empowerment ng mga tao at ng buong komunidad sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga programa at proyekto ng pamahalaang nasyonal at local sa buong probinsiya.
  • Sa ganitong paraan ay mahihikayat ang mga miembro ng pamayanan na tulungan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pansariling kabuhayan
Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment