Tuesday, May 25, 2010

Jomar Hizon, mahal ng mga taga Bacolor!

ALING ISKA
Una sa Balita

Si Jomar Hizon, kandidato sa pagkamayor ng Bacolor. Matatag, may prinsipyo, may paninindigan, may maunlad na pananaw sa kinabukasan ng kanyang bayan, masipag, matalino at maaasahan.

Saksing buhay si Aling Iska, ang mga media at mga kapitan ng Bacolor nang personal na bisitahin ni Jomar Hizon ang tanggapan ng Department of Public Works and Highway upang ipaglaban ang pagtatayo ng mga check gates sa Gugu Dike.

Sa tagpong ito, naramdaman ng lahat ng mga nakasaksi ang tibay ng paninindigan, ang pagpupursige at ang tapat na pagmamalasakit ni Jomar Hizon sa buhay at kaligtasan ng mga taga Baculud.

Narinig din sa pagpupulong na iyon, ang komprehensibong karanasan at kaalaman ni Jomar Hizon sa kaliit-liitang problema, sa kaliit-liitang sulok ng Bacolor. Kabisado nito ang problema at nagbibigay ng mga suhestiyon at kumikilos para gawan ng solusyon. Sa harap ng mga opisyal ng DPWH, matama niyang ipinaliwanag at matapang niyang pinanindigan ang inaakala niyang mas makabubuti paraan sa kaligtasan ng mga taga Bacolod sa banta ng mga taong-taong kalamidad na hinaharap ng bayan.

Kaya naisip ni Aling Iska, mapalad ang mga taga Bacolor kung si Jomar Hizon ang mananalong mayor ngayong halalan dahil sa pa lamang kapasidad bilang Presidente ng mga kapitan ay kinakitaan na siya ng lakas ng loob at matibay na paninindigan sa bagay na inaakala nilang tama at makabubuti sa kanyang bayan.

Sa pagtatanong ni Aling Iska sa mga taga Baculud, narito ang ilang impormasyon na kanyang nakalap:

Ayon sa mga taga-Baculud, payak ang paraan ng pamumuhay ni Jomar, ang kanyang kaasalan, ang kanyang pagkilos, ang kanyang propesyon at hanapbuhay ay naglalarawan sa kanyang katangian bilang isang lider na may kakayahan sa pangangasiwa.

Siya ay nagtataglay ng malinis na puso, mabuting hangarin at tamang pamamaraan para sa paglilingkod. Si Jomar, ang pangalawa sa labingdalawang anak ng kilalang mag-asawa na sina Angelo D. Dizon Jr, ng Lungsod ng San Fernando at Lolita Gomes Olalia ng bayan ng Bacolor, may-ari ng kilalang Pampanga’s Best.

Ipinanganak si Jomar noong Disyembre 7, 1961, isang araw bago ang kapistahan ng Imaculada Concepcion, ang pitong librang sanggol ay bininyagan pagkatapos ng walong araw na bigyan siya ng pangalan sunod sa kanyang lolo sa ina na si Jose at Maria na isinunod naman sa pangalan ng mahal na ina ni Jesus. Simula noon, tinawag siyang Jomar.

Sa kanyang pormal na pag-aaral, ang buhay ni Jomar ay naimpluwensiyahan ng mga pari sa Mater Boni Concili noong sa ilang panahon ay pumasok siya sa seminario bilang isang seminarista.

Tulad ng isang tunay na kristiyano, si Jomar ay lumaking tagapagtanggol ng kanyang pananampalataya, ng kanyang pilosopiya at mga prinsipyo sa buhay.

Sa kasalukuyan, si bilang isang maunlad na negosyante, si Jomar ay payapang namumuhay kasama ng kanyang esposang si Dayna Lyn Paltz. Sila ay biniyayaan ng tatlong anak - Kirsten, 4; Jody, 3; at Joshen, 2.

Sa kanyang pakikisalamuha sa mga kababayan noon at hanggang sa kasalukuyan at sa mga darating na panahon, dama at mararamdaman ng mga masang taga Baculud ang tunay at tapat na intensiyon ni Jomar na makapaglingkod sa bayan.

Ilang araw na lang halalan na, ang taong bayan ang huhusga sa kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanila. Isa sa mga pagpipilian ng mga taga Bacolor ay si Mayoral bet Jomar Hizon. Vote intelligently, wisely and correctly. Dalhin ninyo sa munisipyo, sa pagkamayor, ang pinunong galit sa katiwalian, may sapat na galing at talino at ang may sipag at tiyaga. Siya si Jomar Hizon, mahal ng mga taga Bacolor. For Mayor!!!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment