Tuesday, May 25, 2010

Matalinong pagboto ngayon na!

ALING ISKA
Una sa Balita

Ang botohan para sa local at nasyonal na posisyon ngayong araw ay isang madalang na pagkakataon kung saan nagkakaroon ng pantay na karapatan ang mga mahihirap at mayayaman sa pamimili ng mga kandidatong uugit sa ating pamahalaan.

Kaya sa pagboto natin ngayon ay maging mapanuri at mapili tayo sa mga kandidato. Laging isipin una sa lahat ang kapakanan ng kabuuan ng bansa at ng mga probinsiya at mga bayan. Sapagkat kung tayo ay magkakamali sa pagboto ay tayo rin ang magsisi sa banding huli.

Huwag tayong masilaw sa amo ng mukha, sa tamis na salita, sa mga pangakong walang laman, sa baryang ibinibigay kundi dapat tayong magpakatalino.

Iboto po natin ngayon ang pinunong may kakayahan at tunay na malasakit sa bayan at sa mga mamamayan. Iyong pinunong hindi magnanakaw at may katatagan para pangunahan ang pamahalaan sa ikauunlad n gating bansa at mga bayan.

Marami diyan ang magaling magsalita, gumastos na napakarami sa patalastas sa radio at telebisyon pero isipin natin na hindi nakukuha sa dami ng patalastas kundi sa marubdob na hangaring makapaglingkod sa bayan. Kilatisin po natin ang kanilang plata porma, ang kanilang pananaw sa lahat ng isyu, ang kanilang nakaraan at kung paano ba sila nabuhay sa loob ng maraming taon ng kanilang buhay at doon ay tantiyahin natin kung ito bang kandidato ay maaaring mamuno ng may buong katatagan na ang tanging layunin ay maglingkod sa bayan at hindi para gamitin an gating boto sa kanyang makasariling interes na pagkakamal at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

As we all know today is the time to vote for local and national candidates. Let us be wised because the outcome of the election would affect all of us in many ways. When everyone votes today, we want to know that we've voted for the right person. Each candidate thinks they know how to fix this country economy problem but, there are some things they need to focus on in order to win this election and become leaders of this nation. Let us choose leaders who can fix the mess we are in and how they are going to do it.

Huwag na tayon paloloko at ngayon ang araw natin para palitan ang mga pulitikong puro pangako subalit isinisinsay ng kanilang mga gawa ang kanilang puro kasasalita.

Palitan na po natin ang mga liders na hindi kayang pag-isahin ang kanyang mga kababayan tungo sa inaasam na kaunlaran.

Pero kung ang mga halal na pinuno ay karapat-dapat pa rin sa posisyon, huwag tayong mangimi ngayon na sila ay muling ihalal para maging tuloy-tuloy at dire-diretso ang kaunlaran ng isang lugar o bayan.

Pero kung wala namang kakayahan ang nakaupo, huwag ng iboto para huwag na lang sumakit ang kanyang ulo at hindi na tayo maperwisyo.

Lagi nating tatandaan, kulang ang tatlong taon sa magaling manungkulan subalit nakakabagot at sobra-sobra ang isang taon sa pinunong inutil at walang kakayahan sa paglilingkod sa bayan.

Kaya ngayong araw, lumabas tayo at iboto kung sino ba sa palagay ninyo ang karapat-dapat na hindi ninyo pagsisihan kundi ipagmamalaki ninyo manalo man o matalo.

Maging mapagmasid din tayo sa kahihinatnan ng halalan dahil bago sa atin ang paraan ng pagboto at pagbilang nito. Huwag tayong papayag na madungisan ang halalan ng panibagong paraan ng pandaraya. Kaya makilahok at maging aktibo sa kampanya ng Commission on Election para sa isang malinis, matapat, maayos at mapayapang halalan.

Sa lahat ng kandidato, good luck pos a inyo. Lagi ninyong tatandaan. Manalo o matalo,s samahan ninyo ang pamahalaan sa matapat na paglilingkod sa kapwa at sa bayan.

May the best candidates with pure heart to serve and who have the best vision and mission for the country and in serving the Filipinos win this day’s election.

Matalinong pagboto, ngayon na!

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

No comments:

Post a Comment