Tuesday, May 25, 2010

Proklamasyon ni Nanay Baby at ni Cong. Gloria

Aling Iska
Una sa Balita

KAPANA-PANABIK. Ito ang paglalarawan ni Aling Iska sa nangyaring proklamasyon kamakalawa sa Bren Z. Guiao Convention Center sa Lungsod ng San Fernando . Halos araw-araw simula noong gabi ng Mayo 10 ay matama ng naghihintay ang mga tagasuporta ng ibat-ibang kandidato sa kahihinatnan ng halalan sa probinsiya at kung sino ba ang mga ipoproklamang kandidato.

Kitang-kita ni Aling Iska, ang katiyagaan ng bawat abogado na kumakatawan sa mga kandidato, ang paghihintay ng mga miembro ng tri-media para mayroon lang silang maiulat na storya sa kanilang himpilan.

Noong gabi ng May 10, halos umuugong na ang balita kung sino ang mga nanalo sa bawat munisipalidad dahil nga sa bilis ng pagbilang ng mga PCOS machines subalit sanhi ng ilang teknikal na problema sa compact flash cards ay hind agad nakapagproklama ang ibang mga bayan. Subalit dahil sa nauna ng nakita ng Comelec ang problema ay agad nilang nasulusyunan. Kaya ng sumunod na araw May 11, halos naiproklama na ang mga nanalong kandidato hanggang sa dumating nga ang gabi ng May 12.

Napuno na ang mga upuan, halos nagkulay pink ang convention center dahil sa unipormeng suot ng mga taga suporta ni Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda at Vice Governor Joseller “Yeng” Guiao at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Isa-isang nagdadatingan ang mga kaalyadong alkalde ni Nanay Baby at ng Pangulo. Pinalakpakan ang mga nanalong kandidato pati na ang pagdating ng mga bagong halal na miembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Dumating din doon para iproklama sina 1st district Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin, 3rd District Congressman Aurelio “Dong” Gonzales at si 4th District Congresswoman Anna York Bondoc.

Umani naman ng masigabong palakpakan ang pagdating nina Nanay Baby at Pangulong Gloria na mga nagtala ng kasaysayan sa halalan.

Si Nanay Baby ang kauna-unahang manunungkulan bilang kauna-unahang babaeng gobernador na inihalal ng mga kapampangan. Itanong niyo man sa kasaysayan.

Si Pangulong Arroyo ang kauna-unahang presidente na naihalal na kongresista bago matapos ang kanyang termino sa Palasyo ng Malakanyang sa ika-30 ng Hunyo.

Halos hindi magkamayaw sa saying nararamdaman ang mga nanalong kandidato. Kitang-kita sa mukha ni Nanay Baby ang kanyang kagalakan dahil muli niyang napatunayan na siya ang tunay na gobernador noon pang 2007, ngayong 2010.

Matagal ng nakahanda si Nanay Baby sa pagiging gobernador dahil matagal na siyang tumutulong sa kanyang mga kabalen na lumalapit sa kanya para sa problemang pangkalusugan, sa edukasyon at maging sa kabuhayan.

Lahat ay naghihintay at nanabik kung paano ba gagampanan ni Nanay Baby ang kanyang panunungkulan sa bilang ina ng lalawigan.

Nawa ay suportahan natin si Nanay Baby at bigyan natin siya ng pagkakataon para patunayan niya ang kanyang sensiridad sa panunungkulan.

Sa mga mamamahayag na tulad ni Aling Iska, maging mapagmasid, tulungan natin si Nanay Baby na punahin ang anomang makikitang mali para ito ay agad na maitama at magawan ng lunas bago lumala. Subalit siyempre kung dapat punahin ang mali , papurihan naman ang tama upang magkaroon sila ng inspirasyon at lakas ng loob sa paglilingkod-bayan.

Kay Congresswoman Gloria, good luck. Nawa’y magkaroon tayo ng speaker of the House na isang kapampangan at isang dating Pangulo. Kay Nanay Baby, good luck and may the Lord bless you more with good heart for the Kapampangans.

Abak na para karing Kapampangan! Oyni na ing tune sala na alang pamagkunwari.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Pineda, Panlilio’s moment of truth

ALING ISKA
Una sa Balita

We can finally say for now that embattled Governor Eddie Panlilio’s days of stay at the capitol are numbered. Yes, this is the moment of truth as Comelec-en banc declared Governor Lilia G. Pineda won via landslide her re-election bid as duly reelected governor of the Province of Pampanga.

With the way things are going in the May 10 gubernatorial race, all indications speak that Panlilio is no longer needed to stay even a minute longer at the capitol. The Cabalens have already spoken through their official ballots last May 10.

I think for now, Panlilio is hoping against hope that a great blizzard will hit the official result but his might can never prevent the inevitable things to happen- his rise and imminent fall at the capitol.

Panlilio who lost not only his vocation, is now losing his gubernatorial seat from his possession together with his most loyal fans. He has also lost the confidence of the people whom he pledged to serve- the Kapampangans.

Actually, he did not win the May 10 elections, but he has been lucky to have possessed the position that belongs to Nanay Baby.

However, with the turn of events and results of May 10 polls, Panlilio cannot fool himself that he does not worry. Maybe, he is now suffering from sleepless nights of anxiety. I think he swirls like a top. Like a rabbit, he hops. Maybe, he is now nervous and mad. He is afraid he will snap.

However, he pretends to be relaxed and okay but deep inside, I think, at the bottom of his heart, there is a thing like a rat that makes his chest trembles like a pat. For sure he is in panic mode.

Ing tutu na nini, paki-isip ke y Panlilio. Eka yu pu sana, paisaul king tuksung pasibayu. Nga ng sasabi nitang sirkular ng Apu Ceto, ing pari ali ya dapat maging pulitiku para ibayu ne ing yatu.

The landslide victory of Pineda over Panlilio is a manifestation that the Kapampangans are politically alive and cannot be fooled by false hopes and good script of broken promises and lip service like story telling a lie and nothing but a lie. He should admit and recall that the truth will set him free and will let him stay out of the capitol- his downfall.

In this part of kapampangan history, Lolita Hizon learns and teaches us that we should not curve an icon out of a rotten wood; do not curve an icon out of ice, or else it will just melt before our eyes. “ Quo vadis” after this? King Kapampangan, “Eta gagawang kamulangan, uling datang ing aldo kekata yang pagsisisyan. Kaibat na nita, ala ta ng puntalan. King termino da ring bakla. “Tsupa ngeni, tsupa nandin kaibat miras yaring tsugi bukas.”

The people who overwhelmingly cast their votes in favor of Nanay Baby are also hoping against hope that Pampanga will change for better governance.

For me, this May 10 election is the moment of truth for the kapampangans to be given the chance for better good governance and for better Pampanga.

Congratulations Nanay Baby for giving the Kapampangans a new hope to live with your landslide victory.

If you have any comment, you can email the author at joeley01@yahoo.com

LILIA G. PINEDA, ang gobernador ng Pampanga

ALING ISKA
Una sa Balita

Si Lilia G. Pineda ang tunay na nanalo noong 2007 gubernatorial election batay sa desisyon at deklarasyon ng Comelec en banc kamakailan. Si Lilia G. Pineda ang ating gobernador noong 2007 at ngayon din sa halalang 2010. Narito ang sa palagay ko ay magiging sentro ng kanyang panunungkulan kung hindi ako nagkakamali.

Wala naman sigurong masama kung mayroon tayong mga inaakalang gagawin ng ating gobernadora sakaling siya ang umupo sa puwesto bilang lider ng mga Kabalen na isinaayos ayon sa mga sunod-sunod na letra ng kanyang pangalan.

Livelihood (TRABAHO AT HANAPBUHAY)
  • Pagbubukas ng mga bagong oportunidad sa paghahanap ng Trabaho (job market) para sa mga may kakayahang mangggawa sa lokal at maging sa ibang bansa.
  • Pagtatayo ng mga proyektong pangkabuhayan na pakikinabangan ng mga mahihirap na mga kapampangan sa mga kanayunan sa pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor.
  • Tutulungan niya ang mga mamamayan sa bawat barangay na maging aktibo sa mga programang pangkabuhayan upang sila ay lalong maging masagana at maunlad na miembro ng pamilya at ng kanilang kumunidad.

Investment (PAMUMUHUNAN)
  • Dahil sa ang Pampanga sa pamamagitan Clark Economic Zone ay may mahalagang gampanin sa kaunlaran ng buong rehiyon ng Central Luzon at kinukunsidera bilang isa sa sentro ng pamumuhunan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya, planong gawin ng kaniyang administasyon na maging pangunahing kabalikat sa pagpapabatid sa sa mga ‘potentials’o sa mga katangian nito para maging sentro ng pamumuhunan.
  • Maging pangunahing katuwang ng pamunuan ng Clark Economic Zone sa paghikayat sa mga dayuhan at lokal na mamumuhunan na magtayo ng negosyo na makapagpapadagdag ng hanapbuhay sa mga Kapampangan.
  • Bahagi din ng kanyang adbokasiya ang paghikayat sa mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa mga bayan na may magandang lokasyon at ‘potentials’ para pagtayuan ng negosyo.

Law and Order (BATAS AT KAAYUSAN)
  • Naniniwala ang administrasyong ni Governor Lilia Pineda na ang paglaban sa krimen at karahasan ay dapat magsimula sa lebel ng mga barangay na kung saan ang mga Bantay Bayan at mga opisyales ng Sangguniang Pambarangay ay gumaganap ng napakahalagang responsibilidad para pigilan at sawatain ang mga nagaganap na kriminalidad.
  • Kaugnay nito, titiyakin ng kanyang administrasyon na buo ang suporta ng pamahalaang panlalawigan upang mabigyan ang mga myembro na Bantay Bayan at iba pang tumutulong sa kapayapaan ng mga ‘insurance benefits’ at karagdagang tulong pinansyal
  • Tutugunan ang pangangailangan sa kasanayan (training needs) ng mga bantay bayan sa pagpuksa, paglaban at pagpigil sa kriminalidad sa mga barangay.
  • Pagpapalakas sa mga Municipal at Barangay Peace and Order Councils sa buong lalawigan.

Infrastructure (INFRASTRAKTURA)
  • Sa ilalim ng administrayon ni Pineda, bibigyan ng malaking pansin ang mga hindi tapos na kalsada, pagpapagawa ng tulay at kanal na sinimulan ng dating gobernador na nagiging sanhi ng panganib hindi lamang sa kalagayan ng trapiko kundi maging sa kundi maging sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na tuwing tag-ulan.
  • Pagpapatayo ng mga karagdagang gusali sa mga pampublikong hospital at paaralan para sa kapakinabangan ng mga mahihirap na pasyente at mga mag-aaral

Agriculture (PAGSASAKA)
  • Pagbubuo at pagtatag muli ng mga organisasyon ng mga magsasaka o pagtatayo ng mga matatag na kooperatiba na magiging daan para matulungan ang sektor ng mga magsasaka upang maging daan ng pag-unlad hindi lamang ng kanilang pamilya kundi ng kanilang komunidad.
  • Tutulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makakuha ng “Credit Assistance” mula sa mga banko at institusyong magbibigay ng puhunan na may mababang interes.
  • Tutulungan ang mga magsasaka sa pagbili ng mura at dekakalidad na pataba, pestisidyo, gamit sa sakahan tulad ng traktora at pagpapaayos sa mga patubig. Sa kanyang pamamahala, mabibigyan ng dalawang traktora ang bawat bayan upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbubungkal ng kanilang sakahan.
  • Ipatutupad din ng administrasyon ni Pineda ang pagpapagawa ng 'farm market road,”patubig at ‘training and trading centers’ para sa mga magsasaka at mangingisda.
  • Ayon kay Pineda, kailangan din ang pagpapagawa ng ‘slaughterhause’ na may kumpletong pasilidad at kagamitan kabilang ang ‘refrigerated vans’ upang makatulong sa mga may-ari ng mga manukan at babuyan

Good Governance (TAPAT AT MARANGAL NA PANGANGASIWA)
  • Magiging bukas sa publiko ang lahat ng mga pinapasok na transaksyon ng Kapitolyo tulad ng mga pangongontrata sa mga proyekto, kagamita at iba pang mga bagay upang maging malinaw at bukas sa lahat ng katanungan at pagsisiyasat.
  • Lahat ng mga Talaang Pinansiyal (Financial Statement) kasama na ang operasyon at koleksyon sa Quarry ay ipapaskil sa mga bulletin boards ng mga munisipyo at maging sa mga lokal na pahayagan.
  • Magsasagawa din ng regular na konsultasyon sa mga opisyales ng barangay at bayan particular sa mga Alkalde tungkol sa kapakanan at pangangailangan ng kani-kanilang nasasakupan.
  • Tapat at sinserong pamamahala at panunungkulan sa Pampanga at mga kapampangan ang ninanais at pinapangarap ni Gobernador Lilia Pineda.

PROMOTION OF TOURISM AND CULTURAL HERITAGE (Pagpapalakas sa Turismo at Pamanang Pangkultura)
  • Pagpapayaman sa mga ipinamamalas na pamanang tradisyon at kultura na makapagpapalago sa lokal na ekonomiya Ipinangako ni Pineda na mapayaman ang nasyonal at kultural na tradisyon na makakatulong sa paglago ng lokal na ekonomiya.
  • Pagpapaunlad at paglalaan ng pondo sa mga proyektong pangturismo ng probinsiya.
  • Pagpapalakas at pagpapaunlad sa mga ‘tourist destinations’ng probinsiya.
  • Palalakasin din ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapakilala sa lokal na produkto ng bawat bayan sa pamamagitan ng paghikayat sa mga dayuhan at lokal na mamumuhunan.

Industrial Development ( PAGPAPAUNLAD NG INDUSTRIYA)
  • Magpapatupad ng mga batas at programa upang maging ‘business-friendly’ ang probinsiya. Karagdagan sa maayos at angkop na lalawigan para a maayos at dekalidad na pamumuhay,magbibigay din ng mga kapakinabangan sa trabaho ang lalawigan.
  • Titiyakin ng bagong administrasyon na sa pamamagitan ng mahusay at matapat na pangangasiwa kaantabay ng magaang pamumuhay, makasanayan at prodaktibong manggagawa at mayamang likas na yaman, ang Pampanga ay magiging pangunahing pook pangnegosyo at kalakalan.
  • Magbibigay ang pamahalaang panlalawigan ng kaukulang impormasyon ukol sa ibat-ibang gawain, likas na yaman, kapaligiran, kultura at kapakinabangang pinansiyal at suportang pangkomunidad.

Nutrition and Health (NUTRISYON AT KALUSUGAN)
  • Bibigyang ng ibayong pansin ang mga suliranin sa kakulangan ng mga kagamitan at mahinang serbisyo sa labing dalawang (12) pangdistritong hospital sa buong lalawigan.
  • Pagpapatupad ng agarang pagpapagawa at pagpapaayos ng mga pasilidad ng mga pampublikong Hospital at mga medikal na kagamitan upang maiangkop ang mga ito sa pangangailangan ng mga mahihirap.
  • Titiyakin ng bagong administrayon na maragdagan ang kasanayan at kakayahan ng mga doctors, nurses at iba pang manggagawa ng hospital upang maging lalong magkaroon ng higit na kasanayan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kapampangan.
  • Pagbibigay ng mga kinakailangang gamit at pasilidad sa mga Barangay Health Centers tulad ng mga laboratoryo.
  • Sinabi ni Pineda na lahat ng mga barangay health centers ay mabibigyan ng kumpletong suplay ng medicina upang masiguro ang tamang nutrisyon na maibibigay sa bawat kumunidad.
  • Magtatalaga din siya ng isang ambulansya sa bawat barangay at ‘fire truck’ at bumbero na magmumula sa Department of Interior and Local Government (DILG). Magkakaroon din ng pagsasanay mula sa nabanggit na ahensya.

EDUCATION (EDUKASYON)
  • Dahil naniniwala si Pineda na ang edukasyon ay siyang susi sa pagpapakilos sa tao at sa sa kaunlaran, inihayag niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng maraming scholarship assistance sa mga masisipag at matalino subalit walang kakayahang mga kabataan para ituloy nila ang kanilang karera sa kolehiyo.
  • Alam din ni Pineda ang kahalagahan ng pagbibigay ng pondong sapat sa school board na gagamitin sa pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga pampublikong paaralan.
  • Sisikapin din niya na mapaunlad ang programa sa “technology education and skills development” upang siyang sumagot sa pangangailangan ng out-of-school-youth na gusting magkaroon ng hanapbuhay pagkatapos ng tatlo hanggang anim ng buwang pagsasanay.

DELIVERY OF BASIC SERVICES (PAMAMAHAGI NG MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN)
  • Bibigyan din ng prayoridad ni Pineda ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya at communidad sa pamamagitan ng pangmalawakang at sama-samang pamamahagi ng serbisyong panlipunan sa tulong na rin ng national at mga local na pamahalaan.

ALLEVIATION OF POVERTY (PAG-AHON SA KAHIRAPAN)

Ang paglutas sa kahirapan ay isang pangmatagalang proseso at hindi ito malulunasan sa isang iglap lang. Sa ganitong kaisipan, si Pineda ay magsasagawa ng mga praktikal at simpleng pamamaraan na maaaring mangyari para harapin ang problema sa kahirapan.
  • Sisikapin niya na ang karamihan kung hindi man lahat ng mga ama ng sambahayan ay may trabaho, may sariling hanapbuhay at sumasama sa mga gawaing pangkabuhayan sapat para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga miembro ng sambahayan.
  • Gagamitin ng Pineda administration ang estratehiya ng pagpapakilos o empowerment ng mga tao at ng buong komunidad sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga programa at proyekto ng pamahalaang nasyonal at local sa buong probinsiya.
  • Sa ganitong paraan ay mahihikayat ang mga miembro ng pamayanan na tulungan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pansariling kabuhayan
Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Matalinong pagboto ngayon na!

ALING ISKA
Una sa Balita

Ang botohan para sa local at nasyonal na posisyon ngayong araw ay isang madalang na pagkakataon kung saan nagkakaroon ng pantay na karapatan ang mga mahihirap at mayayaman sa pamimili ng mga kandidatong uugit sa ating pamahalaan.

Kaya sa pagboto natin ngayon ay maging mapanuri at mapili tayo sa mga kandidato. Laging isipin una sa lahat ang kapakanan ng kabuuan ng bansa at ng mga probinsiya at mga bayan. Sapagkat kung tayo ay magkakamali sa pagboto ay tayo rin ang magsisi sa banding huli.

Huwag tayong masilaw sa amo ng mukha, sa tamis na salita, sa mga pangakong walang laman, sa baryang ibinibigay kundi dapat tayong magpakatalino.

Iboto po natin ngayon ang pinunong may kakayahan at tunay na malasakit sa bayan at sa mga mamamayan. Iyong pinunong hindi magnanakaw at may katatagan para pangunahan ang pamahalaan sa ikauunlad n gating bansa at mga bayan.

Marami diyan ang magaling magsalita, gumastos na napakarami sa patalastas sa radio at telebisyon pero isipin natin na hindi nakukuha sa dami ng patalastas kundi sa marubdob na hangaring makapaglingkod sa bayan. Kilatisin po natin ang kanilang plata porma, ang kanilang pananaw sa lahat ng isyu, ang kanilang nakaraan at kung paano ba sila nabuhay sa loob ng maraming taon ng kanilang buhay at doon ay tantiyahin natin kung ito bang kandidato ay maaaring mamuno ng may buong katatagan na ang tanging layunin ay maglingkod sa bayan at hindi para gamitin an gating boto sa kanyang makasariling interes na pagkakamal at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

As we all know today is the time to vote for local and national candidates. Let us be wised because the outcome of the election would affect all of us in many ways. When everyone votes today, we want to know that we've voted for the right person. Each candidate thinks they know how to fix this country economy problem but, there are some things they need to focus on in order to win this election and become leaders of this nation. Let us choose leaders who can fix the mess we are in and how they are going to do it.

Huwag na tayon paloloko at ngayon ang araw natin para palitan ang mga pulitikong puro pangako subalit isinisinsay ng kanilang mga gawa ang kanilang puro kasasalita.

Palitan na po natin ang mga liders na hindi kayang pag-isahin ang kanyang mga kababayan tungo sa inaasam na kaunlaran.

Pero kung ang mga halal na pinuno ay karapat-dapat pa rin sa posisyon, huwag tayong mangimi ngayon na sila ay muling ihalal para maging tuloy-tuloy at dire-diretso ang kaunlaran ng isang lugar o bayan.

Pero kung wala namang kakayahan ang nakaupo, huwag ng iboto para huwag na lang sumakit ang kanyang ulo at hindi na tayo maperwisyo.

Lagi nating tatandaan, kulang ang tatlong taon sa magaling manungkulan subalit nakakabagot at sobra-sobra ang isang taon sa pinunong inutil at walang kakayahan sa paglilingkod sa bayan.

Kaya ngayong araw, lumabas tayo at iboto kung sino ba sa palagay ninyo ang karapat-dapat na hindi ninyo pagsisihan kundi ipagmamalaki ninyo manalo man o matalo.

Maging mapagmasid din tayo sa kahihinatnan ng halalan dahil bago sa atin ang paraan ng pagboto at pagbilang nito. Huwag tayong papayag na madungisan ang halalan ng panibagong paraan ng pandaraya. Kaya makilahok at maging aktibo sa kampanya ng Commission on Election para sa isang malinis, matapat, maayos at mapayapang halalan.

Sa lahat ng kandidato, good luck pos a inyo. Lagi ninyong tatandaan. Manalo o matalo,s samahan ninyo ang pamahalaan sa matapat na paglilingkod sa kapwa at sa bayan.

May the best candidates with pure heart to serve and who have the best vision and mission for the country and in serving the Filipinos win this day’s election.

Matalinong pagboto, ngayon na!

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Paalala ni Noynoy Aquino-ang aking Pangulo!

NOYNOY AQUINO. Siya ang aking pangulong iboboto at alam kung siya rin ang inyong gustong manalo ngayong eleksyon.

Pero para makatulong si Noy Noy Aquino ang ating Pangulo, narito ang ilan sa kanyang mahalagang Paalala sa Pagboto na dapat nating tandaan sa araw ng halalan.

1. Bago mag-Mayo 10, siguruhing nakalista ang pangalan sa Comelec Voter’s List. Kung nakakagamit ng “internet” hanapin ang rehistro (pangalan, lugar at numero ng presinto) sa COMELEC website: http://www.comelec.gov.ph/precinctfinder/precinctfinder.aspx o magtanong sa pinakamalapit na COMELEC office na dala ang kopya ng dating rehistro sa pagboto (kung mayroon), Voter’s ID (kung mayroon) at ID na galling sa pamahalaan (driver’s license, Passport, atbp.). Ang opisyal na listahan ay ipapaskel sa polling center sabay ng pagdating ng mga PCOS machines (maaaring mangyari mula may 3-7). Kung hindi nakalista ang pangalan, ireklamo agad sa COMELEC.

2. Tulungan ang mga kamag-anak at kaibigan na hanapin ang kani-kanilang mga pangalan at presinto.

3. Maghanda ng codigo at dalhin sa Mayo 10. Maghanda ng codigo upang di magtagal sa loob ng presinto at upang maiwasan ang maling pagboto. Tandaan ang pagkakalagay ng pangalan ng napiling kandidato (at kaukulang numero sa Official Ballot) upang di mailto sa pagmamarka ng balota.

4. Bumoto ng Maaga. Ang presinto ay bukas mula 7am hanggang 6pm. Maagang pumunta sa presinto upang maiwasan ang pagpila, at nang di naghahabol sa pagsasara ng botohan.

5. Huwag magsuot ng damit pang-kampanya sa loob ng presinto. ( Gaya ng T-shirt na may pangalan o mukha ng kandidato, baller ID o pin, atbp. Kung kulay lamang ang nakikita ay walang problema.)

6. Magdala ng valid ID. Voter’s ID, o iba pang valid ID galling gobyerno (driver’s license, passport, SSS ID)

7. Dapat malinis at di basa ang kamay. Siguruhing nakapaghugas ng kamay at siguruhing walang dumi ang kamay upang di marumihan o ma-mantsahan ang balota. Kung kailangan, magdala ng malinis na panyo na maaaring gamitin sakaling marumihan o mamasa ang kamay. Sensitibo ang balota sa dumi o marka.

8. Hanaping muli ang pangalan at numero ng presinto sa listahang nakapaskel sa labas. Kung magka-problema, magpatulong sa mga volunteer sa PPCRV Assistance Desk sa labas ng presinto.

9. Sa loob ng presinto, ibigay ang pangalan sa Board of Election Inspector (BEI) upang hanapin niya ito sa listahan ng botante. Susuriin ng BEI ang mga daliri ng botante para siguruhing wala itong tinta na nangangahulugang nakaboto ka na.

10. Lagdaan ang Election Day Computerized Votrers List at tanggapin ang balotang ibibigay ng BEI.

11. Suriin ang balota bago tanggapin. Siguruhing malinis ang balota at wala itong mga marka o anumang dumi na posibleng maging sanhi sa pagkaka-reject o miscount ng boto ninyo. Kung may dumi, marka o tupi ang inyong balota, maaari ninyo itong isauli sa BEI at humingi ng bago. Huwag itutupi ang balotang tinanggap.

12. Punuan ang oval ng napiling kandidato. Markahan ang inyong balota sa pamamagitan ng pag-itim ng oval sa tabi ng pangalan ng inyong napiling kandidato. DAPAT NAKA-ITIM NG BUO ANG OVAL. Huwag “x”, huwag “check”, huwag “dot” a thuwag rin “linya” ang gagamitin. Hindi rin maaaring kalahati lang ng oval ang itiman.

13. Siguruhing hindi sosobra ang bilang ng ibobotong kandidato. Maaaring magkulang, huwag lang sumobra. (Halimbawa: 12 ang kailangang ibotong Senador sa halalang ito. Kung magkamali at ang maitiman a7 13 oval, ang boto sa bahaging ito ng balota (para SENADOR) ay mapapawalang bias at magiging “ZERO”.

14. Ipasok ang inyong balota sa PCOS. Siguruhing din aka-tupi ang mga dulo ng inyong balota upang tanggapin ng maayos ng PCOS.

15. Kung i-reject ang inyong balota sa unang pagpasok, pwedeng ulitin ang pagpasok ng balota ng hanggang 4 na beses. Kung hindi pa rin pumasok kukumpiskahin ito ng BEI.

16. Hintayin ang nakasulat na “Congratulations” sa PCOS bago umalis sa harap ng makina.

17. Pagkatapos ninyo sa PCOS machine, ibalik ang secrecy folder at pen sa BEI.

18. Dito lang maaaring lagyan o markahan ng indelible ink ang isang daliri, para ipahiwatig na nakaboto na kayo.

Salamat NoyNoy Aquino sa inyong paalala sa paraan ng pagboto. Siya na ang susunod na Pangulo ng ating bansa kasama ni Mar Roxas ang aking bise presidente.

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920.

Jomar Hizon, mahal ng mga taga Bacolor!

ALING ISKA
Una sa Balita

Si Jomar Hizon, kandidato sa pagkamayor ng Bacolor. Matatag, may prinsipyo, may paninindigan, may maunlad na pananaw sa kinabukasan ng kanyang bayan, masipag, matalino at maaasahan.

Saksing buhay si Aling Iska, ang mga media at mga kapitan ng Bacolor nang personal na bisitahin ni Jomar Hizon ang tanggapan ng Department of Public Works and Highway upang ipaglaban ang pagtatayo ng mga check gates sa Gugu Dike.

Sa tagpong ito, naramdaman ng lahat ng mga nakasaksi ang tibay ng paninindigan, ang pagpupursige at ang tapat na pagmamalasakit ni Jomar Hizon sa buhay at kaligtasan ng mga taga Baculud.

Narinig din sa pagpupulong na iyon, ang komprehensibong karanasan at kaalaman ni Jomar Hizon sa kaliit-liitang problema, sa kaliit-liitang sulok ng Bacolor. Kabisado nito ang problema at nagbibigay ng mga suhestiyon at kumikilos para gawan ng solusyon. Sa harap ng mga opisyal ng DPWH, matama niyang ipinaliwanag at matapang niyang pinanindigan ang inaakala niyang mas makabubuti paraan sa kaligtasan ng mga taga Bacolod sa banta ng mga taong-taong kalamidad na hinaharap ng bayan.

Kaya naisip ni Aling Iska, mapalad ang mga taga Bacolor kung si Jomar Hizon ang mananalong mayor ngayong halalan dahil sa pa lamang kapasidad bilang Presidente ng mga kapitan ay kinakitaan na siya ng lakas ng loob at matibay na paninindigan sa bagay na inaakala nilang tama at makabubuti sa kanyang bayan.

Sa pagtatanong ni Aling Iska sa mga taga Baculud, narito ang ilang impormasyon na kanyang nakalap:

Ayon sa mga taga-Baculud, payak ang paraan ng pamumuhay ni Jomar, ang kanyang kaasalan, ang kanyang pagkilos, ang kanyang propesyon at hanapbuhay ay naglalarawan sa kanyang katangian bilang isang lider na may kakayahan sa pangangasiwa.

Siya ay nagtataglay ng malinis na puso, mabuting hangarin at tamang pamamaraan para sa paglilingkod. Si Jomar, ang pangalawa sa labingdalawang anak ng kilalang mag-asawa na sina Angelo D. Dizon Jr, ng Lungsod ng San Fernando at Lolita Gomes Olalia ng bayan ng Bacolor, may-ari ng kilalang Pampanga’s Best.

Ipinanganak si Jomar noong Disyembre 7, 1961, isang araw bago ang kapistahan ng Imaculada Concepcion, ang pitong librang sanggol ay bininyagan pagkatapos ng walong araw na bigyan siya ng pangalan sunod sa kanyang lolo sa ina na si Jose at Maria na isinunod naman sa pangalan ng mahal na ina ni Jesus. Simula noon, tinawag siyang Jomar.

Sa kanyang pormal na pag-aaral, ang buhay ni Jomar ay naimpluwensiyahan ng mga pari sa Mater Boni Concili noong sa ilang panahon ay pumasok siya sa seminario bilang isang seminarista.

Tulad ng isang tunay na kristiyano, si Jomar ay lumaking tagapagtanggol ng kanyang pananampalataya, ng kanyang pilosopiya at mga prinsipyo sa buhay.

Sa kasalukuyan, si bilang isang maunlad na negosyante, si Jomar ay payapang namumuhay kasama ng kanyang esposang si Dayna Lyn Paltz. Sila ay biniyayaan ng tatlong anak - Kirsten, 4; Jody, 3; at Joshen, 2.

Sa kanyang pakikisalamuha sa mga kababayan noon at hanggang sa kasalukuyan at sa mga darating na panahon, dama at mararamdaman ng mga masang taga Baculud ang tunay at tapat na intensiyon ni Jomar na makapaglingkod sa bayan.

Ilang araw na lang halalan na, ang taong bayan ang huhusga sa kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanila. Isa sa mga pagpipilian ng mga taga Bacolor ay si Mayoral bet Jomar Hizon. Vote intelligently, wisely and correctly. Dalhin ninyo sa munisipyo, sa pagkamayor, ang pinunong galit sa katiwalian, may sapat na galing at talino at ang may sipag at tiyaga. Siya si Jomar Hizon, mahal ng mga taga Bacolor. For Mayor!!!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Fearless election forecast

ALING ISKA
Una sa Balita

ELEKSYON NA! Sino kaya ang mananalo at sino ang iiyak ng bato? Iyan ang tanong na masasagot lang pagkatapos ng election.

Well, dito sa Pampanga. Kahit na ano pa ang sabihin nila, tiyak na ang panalo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pagkakongresista dahil una, mahal siya ng kanyang mga kadistrito, may nagawa at ginagawa bilang Pangulo at isang kandidato.

Ang kanyang kalaban ay hindi naman kilala at tiyak itaga mo man sa bato, wala pa siyang performance, track record o ng kahit na anong sabihin mo Aling Iska. Adonis Simpao, kandidato sa pagka-Congressman, tiyak uuwing luhaan.

Sa Unang Distrito, magaling at bata si Aris Yabut. Pero sa tingin ko, mahihirapan pa rin siya kay incumbent Congressman Tarzan Lazatin. Siyempre, matandang tinali si Congressman,mahusay, may karanasan, iginagalang ng mga matatanda at ng mga kabataan pati na siguro ng kanyang kalaban na si Konsehal Aris Yabut. Bata pa at mayroon pang naghihintay na matatag na hinaharap sa pulitika si Konsehal Yabut. Pero parang matatalo siya ngayong halalan. Better luck next time.

Sa Tersera distrito, ang kalaban ni Pol Quiwa sa pagkakongresista ay ang malalaking covered court, scholarship program, mga daan at programang pang-agrikultura at serbisyo publiko ni Congressman Aurelio ‘Dong” Gonzales. Haharapin niya ang mga iyan pero hindi niya kayang pasubalian. Siyempre magsasalita siya ng ilang kapintasan pero hindi makahihigit sa ginawa ni Dong Gonzales. Magaling din si Pol Quiwa, wala tayong masasabi, bata at masigasig pero parang ang kapalaran ang nagsasabing si Gonzales ang ating congressman sa Tersera Distrito. Better luck next time, pare koy.

Sa Kuwatro Distrito, lumalakas ang kandidatura ni Kong Rene Maglanque lalo na sa Candaba at Sto. Tomas- close friend natin. Pero ang tanong matitibag kaya ni Maglanque ang karisma hindi lang ni Dra. Anna kundi ng pamilya Bondoc na hinog na sa panahon sa larangan ng pamumulitika? Kahit na ano pa ang sabihin natin muling mapapalaban si Kong Rene kay Congresswoman Dra. Anna. Marami ngayon ang sumisimpatiya kay Maglanque. Umaagos ang mga tao sa kanyang tahanan, pero ano ang dahilan. Kanino kaya ang silent majority? Sila kaya ay kay Maglanque o die hard Bondoc?

Noong nakaraang halalan, 80,000 ang lamang ni Dra. Anna kay Kong Rene. Kaya niya kayang tibagin ito sa loob ng 45 day election period? Tingnan natin ang resulta pagkatapos ng halalan. Well, sabi nga hugis bilog ang itlog. Sino kaya ang mangingitlog? Matalo kaya o lalampasan pa ni Bondoc ang lamang o kung manalo man, tiyak kayang ang lamang na 80,000 ay mababawasan o matatapyasan? Well. Bahala na pagkatapos ng halalan.

Ang mga pumupusta sa halalan, malaki ang pusta nila para kay dating board member Lilia ‘Nanay Baby” Pineda sa pagkagobernador laban kay Governor Eddie Panlilio. Ang sabi nila mahihirapan na si Panlilio na makakuha ng 100,000 votes at malaki na iyon para sa isang low-performing governor. Kahit pa anong gawin nilang paninira na kesyo ang kalaban sa pagkagobernador ay masama at si among ay mabuti. Alam naman ng mga kapampangan ang tunay na pangyayari sa loob ng nakalipas na halos isang taon.

Actually, ang tanong, nagliwanag ba ang Pampanga sa panahon ni Panlilio? O Lalong nagulo? Nawala ba ang kaguluhang political? O lalong dumami? Nagkaroon ba ng mga malalaking accomplishments si Panlilio bukod sa super na ipinagmamalaki niyang kita sa quarry operations? Ito ba ay nakatulong ng malaki sa dami ng mga mahihirap na nangangailangan ng kabuhayan at mga maysakit sa pagamutan. So, simple, so basic pero naideliber ba ng itinuturing nilang mesiyas ng Pampanga ang pagbabago o lalo lang naiwan ang Pampanga sa mga karatig na probinsiya?

Iyan ang tanong namin. In short, sa ganyang situasyon, si Pineda ang uupo, si Panlilio ay iiyak ng bato ngayong halalan.

Kung ayaw ninyo opinion ko, opinion lang po iyan, hindi pa po nagkatotoo, kayo rin po ang boboto sa gusto ninyo. Bahala kayo. Iyan an gating fearless election forecast.

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Monina “Monz” Laus No.1 sa 3rd district

ALING ISKA
Una sa Balita

NUMBER ONE! Hanggang sa kasalukuyan, namamayagpag sa tersera distrito ang iniwang legasiya ni dating Board Member Pinong Laus –ang kanyang kabaitan, katapatan sa paglilingkod at karisma ay nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Katunayan, kahit pinagpahinga na si Tang Pinong ay buhay pa rin ang pagmamahal ng kanyang mga kadistrito.

Ito ang napatunayan ng bagong Board Member Monina “Monz” Laus dahil minana niya ang pagmamahal ng mga tao sa distrito kay Tang Pinong. Napakasigla ng pagtanggap sa kanya ng mga kadistrito.

Katunayan sa lahat ng survey, si Monz Laus ang nangunguna sa lahat ng mga board members kung ang pag-uusapan ay ang pagtitiwala ng taong bayan sa mga kumakandidato ngayong halalan.

Tiyak na ang panalo ni Board Member Laus. Pero sino nga ba si Monz Laus. Siya ay isang negosyante. Balo ni Tang Pinong ng Lungsod ng San Fernando.

Siya ay may tatlong anak – Cziarra, 21, nagtapos ng BSBA, major in Export Management, Czarmaigne: Czarmaigne, 17, nag-aaral ng BS Management at kasalukuyang SK President ng City of San Fernando at si Cristoff Arvince, tatlong taong gulang.

Si Monz ay nagtapos ng elementarya sa Bacolor Elementary School noong 1978, High School naman sa Don Honorio Ventura College and Trade noong 1982.

Tinapos niya ang Bachelor of Science in Business Management sa University of the Assumption noong 1986.

Ang kanyang mga magulang ay sina Galo Santos Palma at Antonina David Olalia, tubong San Vicente, Bacolor, Pampanga.

Kung siya ay papalarin at mukha ngang papalarin, ipagpapatuloy ni Monz ang nasimulan ng kanyang asawa –ang matapat na paglilingkod sa mga kadistrito at bukas pusong pagtulong sa mga mahihirap lalong lalo na sa mga kabataan at kababaihan.

Ang ilan sa mga pagtutuunan niya ng pansin sakaling siya ay maupo bilang bokal at representante ng ikatong distrito sa Sangguniang Panlalawigan ay ang may kinalaman sa Kabuhayan, Kalusugan, Karapatang Pangkababaihan at Kabataan, at ang nauukol sa Kalikasan.

Si Monz Laus ay nangakong makikipagtulungan sa susunod na uupong gobernador lalo na kay Lilia “Nanay Baby” Pineda kung silang dalawa ay papalaring manungkulan pagkatapos ng halalan.

Totoo ang kasabihang kung ano ang puno siya ang bunga. Kung mayroon kang itinanim tiyak mayroon kang aanihin. Nagtanim si Tang Pinong ng kabutihan, kaya ang bunga ay ang patuloy na pagtitiwala sa kanyang balong si Monz Laus.

Good luck kay Board Member Monz Laus. Panalo ka sa puso ng iyong mga kadistrito.



Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Kandidatong payaso, iyo bang iboboto?

ALING ISKA
Una Sa Balita

KAHIRAP palang maging kandidato, para kang naghahanap ng buto ng munggo sa malawa na disyerto.

Kung incumbent ka, una, nagtrabaho ka na ng husto. Nagdala ka na ng sangkatutak na proyekto. Tinubuan ka na ng acne sa ilong. Nangitim na sa sikat ng araw ang iyong mukha. Grabe talaga Aling Iska, ang hirap ng kampanya. Masakit na sa ulo, masakit pa sa bulsa.

Noong isang araw Aling Iska, sinubaybayan ko ang kampanya ng mga kandidato, bahagi ng aking trabaho.

Alam mo ba Aling Iska, magkahalong awa at saya ang aking naramdaman sa mga kandidatong humihingi ng boto.

Siyempre po, nagmotorcade sila ng pagkahaba-haba. Hindi alintana ng mga kandidato ang sikat ng araw na dumadampi sa kanilang namumulang balat. Ang pawis sa kanilang mukha na naglalasang asin na amoy suka ay dumadagusdos hanggang sa kanilang kasingit-singitan. Iyan ay nangyayari sa house to house at motorcade ng mga nagpapakahirap na kanidadato na gustong makuha ang iyong boto.

Natuwa naman ako nang sila ay tatawagin na para magsalita. Pulitikong pulitiko ang asta sa pagpanhik sa entablado. Pero nang marinig ang kanilang kanta na inaawit sa kanilang barker. Ay rugo, tinerak yang anti mong bibi ing kandidato mo. Pumadyak, kumembot, at nag-ispagetting pababa, pababa ng pababa, pataas ng pataas. Anti y among turumpong durot ng durot ka rin king entablado kabang ding manalbe, lalagapak la keng tula at aili.

Ibig sabihin Aling Iska, makuha lang ang matamis na ‘oo’ o ‘boto’ ng mga tao, okey lang kahit sila ay magmukhang payaso sa entablado. Anti lamong clowns king sirkus a bisang magpakaili.

Iyong isa namang kandidato, bago magsimula ng texto ay nagsuklay pa ng ulo, wari’y makapal ang buhok kahit kalbo. Noong una, walang imik ang mga tao kahit nagsusuklay na at sinasabi pa ang ginagawa na parang nakikinig ka sa radio. Kaya pala itong ating kaibigang kandidato ay nagpapatawa tulad ng isang payaso. Kaya nagtanong ng malakas sa audience. Kutang yu namo bakit magsukle ko? Gusto pa lang mapansin iyong pagsusuklay niya sa ulo niyang kalbo. Kaya pala, nagpapatawa ang kandidato, hindi naman agad nagets ng mga tao. Kasi naman nagpapatawa pa, eh, kalbo na.

Kaya sa puntong ito, nasasabi ko ang hirap palang maging kandidato, kengkoy ka na, payaso ka pa, basta landslide ka sa halalan, okay na.

Pero sa ibang banda, maigi na iyong ganoon kaisa naman magsalita ng pagkahaba-haba, puro kasinungalingan lang pala at paninira ang lalabas sa kanilang bunganga.

Iyong iba namang kandidato talagang bolero at kung umasta trapong-trapo. Lahat ng tao, pangangakuan, lahat ay pagsasabihan ng mga mabulaklak ng pananalita. Siya ay kandidatong madaling kausapin, mahirap hanapin.

Mayroon namang kandidato na kung kumilos ay parang Santo Papa na hindi makabasag ng pinggan. Parang sinasabing siya ay banal at walang bahid ng kasalanan. Delikado ang ganyan Aling Iska. Kaiingat ang publikong bumoboto sa ganoong kandidato baka matukso kang siya’y iboto at malinlang ang kanyang puso. Sila ay nagkukunwang santo pero ang totoo pala sila ay mga kandidatong may balat na, banal na aso pa.

Magsuri po tayo. Hindi po nakukuha iyan sa haba o ikli ng salita, sa galing kumembot at sa malasantong mukha. Nakukuha po iyan sa inyong matapat na intensiyong maglingkod sa publiko. Pagka mayroon po kayong puso para sa publiko, madali po ang pagkuha ng boto. Hindi na kailangang bilhin, iyan po ay buong pusong ipinagkakaloob.

Kaya ito ang tanong naming, kandidatong payaso, banal na aso, iyo bang iboboto?

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920