Monday, March 1, 2010

Mga lapida ni Panlilio sa Kapitolyo, itinatayo na!

KAPIMBABAWAN. Ito ang paglalarawan ng mga Capampangang dumaraan at bumibisita sa Kapitolyo ng Pampanga kay Governor Eddie Panlilio sa ilang araw na nagdaan. Bakit naman Aling Iska? Tingnan mo naman ang ginagawa niya ngayon sa daang papasok sa Kapitolyo, tinayuan niya ng mga lapida o tableta. Lapida ng mga patay? Ibig mong sabihin ginawang parang sementeryo ni Panlilio ang Kapitolyo? Kalokuwan mo, ali naman, lupa mo, bagya mo. Oh, I see!!!

Eh ano naman ang nakasulat sa tabletang bato? Nasusulat ang mga pangalan ng mga pinasimientong daan ni Panlilio. Ba, ibig mong sabihin, sa layuning ipakita ang pagiging transparent kuno nitong si Panlilio ay nauuwi sa pagyayabang? Ang masama pa magastos ang paggawa ng mga nagtataasang lapidang bato ni Panlilio.

Ang tanong ito kayang proyektong lapida ni Panlilio ay may pondo? Kung may pondo, ano ang ginamit na pondo? Ang pondo kayang ginamit ay aprubado ng Sangguniang Panlalawigan? Para yatang walang alam ang Sanggunian na kanilang inaprubahan para lang sa pagtatayo ng mga lapida ni Panlilio.

Pero, diyusimiyo Marimar at Panlilio. Uyy, may bago nabang love-team sa kapitolyo? None….none. Tantanan mo nga sila, Aling Iska. Why naman? Because, they are still together and maybe, they will live forever. Ka sweet da naman.

Iwan natin ang love team, balik tayo sa lapida. Hindi naman kailangang magpaggawa ng lapidang bato ni Panlilio para ipaalam ang kanyang proyekto sa madlang taoe. Bakit iyon bang mga dokumento ng mga proyektong iyan ay makikita sa lapida kung may katiwalian o wala? Wala bang kakayahan ang kanyang information officer na ianunsiyo ang proyekto ni Panlilio?

Eto pa ang tanong Aling Iska, makikita ba sa lapida kung humihingi ng lagay ang mga empleyadong may kinalaman sa proyekto? Makikita ba riyan na walang kinatigang bidder ang kapitolyo kahit hindi naman pasado sa hinihining requirements ng bidding process?

Isipin mo na lang Aling Iska, kung lahat ng mga gobernador ng mga unang panahon ay gumawa ng lapidang sinlaki ng kay Panlilio, baka daig pa ng Capitolyo, ang Manila North Cemetery na halos wala ng madaanan ang tao sa dami ng lapida at tabletang bato. Juskoday!!! naisip kaya ni Panlilio ang mga bagay na ito. Road obstruction at eyesore ang mga lapidang bato, Governor Panlilio. Huwag mo na kayang ikabit, sayang lang eh.

Alam niyo, iyang mga lapida ni Panlilio ay isang uri ng kapaimbabawan. Walang pinagkaiba sa mga karakter sa bibliya na mga taong pariseo, na nagdarasal sa gitna ng daan, para lamang sila ay purihin, makita at sabihing sila ay relihiyoso. Ano ang termino ng banal na kasulatan sa mga taong ganyan na nagmamapuri? Mapagpaimbabaw, hambog at palalo.

Sa termino ni Aling Iska, hindi mapagpaimbabaw si Panlilio. Eh, ano siya? Mapagpasikat, mapagparangalan at mahilig… Sa ano? Sa propaganda para maging popular. Bakit laos na ba si Panlilio? Hindi naman. Ang kaso lang hindi yata pumapasyal si Panlilio sa mga district hospital upang tingnan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga pagamutan at ng mga kapuspalad na may karamdaman na naghihintay na lang ng kamatayan dahil sa walang maayos na pasilidad ang mga pampublikong pagamutan. Kaya ang kasikatan niya ay unti-unting naglalaho parang bula.

Well, siguro kapag nalagutan ng hininga ang mga pasyente dahil sa walang paggastos sa dialysis at chemoteraphy, walang CT scan, bibigyan na lang sila ni Panlilio ng mga lapidang ginastusan ng pondo ng mga Kapampangan. Ibig mong sabihin, si Panlilio ay may panggastos sa lapida pero wala namang pambili ng CT scan machine para sa mga district hospitals? That’ s reality. Nung deng oxygen magkulang la, CT scan pa?

Well, iyan pu rugo ing tutu. Kung iyan ang totoo, Governor Panlilio, iyan ang dapat ilagay sa lapida para magsilbing paalala. Lalo na ngayong malapit na ang paghusga sa iyong tinatawag na ‘good governance’. Abangan, malapit na!!!!

Kung may puna sa lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment