Sunday, March 21, 2010

Black Propaganda ngayong eleksiyon

NGAYONG panahon ng halalan, marami ang naglalabasang uri at pamamaraan ng tinatawag ng Black Propaganda upang lasonin at impluensiyahan ang kaisipan ng balanang walang kamuangmuang sa tunay na isyu sa likod ng mga maling impormasyon na ipinalalabas hindi ng mismong pinanggagalingan ng balita kundi manapa sa kabilang panig ng mga kalaban sa pulitika.

Ang salitang propaganda ay laging may nakakapit na negatibong pananaw. Karaniwan na ikinakapit ito sa kasinungalingan at kawalang katapatan. Ang propaganda ay isang planadong paggamit ng anumang uri ng material o porma na na karaniwang pinararami upang impluwensiyahan ang kaisipang at damdamin ng isang grupo ng mga tao para sa isang tiyak na layunin tulad ng sa pulitika.

Ano naman ba ang black propaganda, Aling Iska? Nung tunggayan taya king amanung kapampanganm yapin yan ing ‘pamanyira’, ‘pamaglasun king kaisipan’, ‘kalaraman’ ampong malisyosong pisasabiyan. Ito kung ating susuysuyin ay isang uri maitim na paglalahad ng impormasyon na may layuning ipahiya at tapakan ang kalaban para sa bandang huli ay pumanig sa kanya ang simpatiya ng mga manghahalal.

Sa black propaganda, ang impormasyon ay kunwaring nanggagaling sa tunay na pinagmumulan ng mensahe subalit ang totoo ay hind naman. Ang black propaganda ay isang malaki at malikhaing kasinungalingan na ipinatutungkol sa kaaway lalo na sa pulitika na wala namang matibay na batayan kung katotohanan ang pag-uusapan.

Sa banding huli ang black propaganda ay dumidipende sa kahandaan at kagustuhan ng mga mambabasa na paniwalaan ang kredibilidad ng kunway pinagmumulan ng impormasyon. Kung maniwala ka sa black propaganda, ibig sabihin, ikaw ay naimpluwensiyahan. In short, nauto ka or uto-uto ka. Kung hindi ka naman naniniwala sa ipinadala o ipinabasang mensahe na isang black propaganda, magaling ka at naisahan mo sila. Na akala nila ay aanga-anga ka pero ang totoo nagpagod lang sila.

Ang black propaganda ay iba naman sa tinatawag na ‘grey propaganda’. Dito naman hindi rin kilala kung sino ang pinanggagalingan ng impormasyon. Basta na lang ikinakalat pero hindi alam kung sino ang nasa likod nito.

Kung may black at grey, ano naman Aling Iska ang ‘white propaganda’? Ito namang white propaganda ay sigurado ang source ng impormasyon at pinangangalandakan ng source na totoo ang impormasyon kahit na may kaunting eksaherasyon para lalong maganyak ang mambabasa. Kumbaga, press release, news release, pr stories. Diyan magaling ang karamihan.

Pero para sa akin, mas maganda na ang white sa black at grey PR. Pero kung ating oobserbahan ang mga propaganda tuwing eleksyon, masasabi nating ito ay isang uri lamang ‘psywar’ o psychological warfare. Labanan na kaisipan, impluwensiyahan, kung pikon ka siyempre talo ka, kung nalason ang iyong isipan, patay kang bata ka. Kung nakaimpluwensiya at napaniwala mo ang iba baka manalo ka.

Sa Pampanga, sa labanang panglokal, marami na siguro ang nagkakasa o nagpaplano kung kailan pasasabugin ang kanilang bomba ng black propaganda. Nariyang palulutanging muli ang mga lumang kontrobersiya na hindi naman bumenta noong nakaraan.Basta may masabi lang na kasiraan. Magpupukulan ng kanya-kanyang baho. Magpapatutsadahan. Pero sana naman hanggang diyan lang, hanggang doon lang at huwag naman sanang magkakasakitan. Dito naman sa Pampanga ang alam ko lagi naman tahimik at payapa ang halalan. Hari nawa.

Pero kung ako sa inyo, mga pulitiko kayo. Sabihin niyo na lang kung ano ang inyong mas mabuting magagawa kumpara sa iba. Pero iyong siraan ang kalaban ay huwag na. Porjosporsanto, pagnakaupo na kayo, parehas din pala ang kulay ninyo. Sabian na pin nitang metung ming abe, pare-parehas tamu mung atiu king akbak ng Hudas.

Well, kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

No comments:

Post a Comment