Friday, March 12, 2010

Angeles City -Station 5, anti-media!

KUMUSTA ka na Aling Iska? Mayap naman bro. Ayne keng saup ning Guinu, pasibayung mibalik ing kekatang mewalang sikanan pauli na ning sakit na ali tana man asahan. Nagkaroon tayo ng Hypertension Stage II- tumaas ang blood pressure mula sa normal na 120 over 90 tumaas ng 170 over 110. Tumaas ang ating sugar at nagkaroon ng sebo ang dugo. Ito ay ayon kay Dr. Amiel Valerio an gating attending physician.

Well, first time nating naranasan iyan sa oras pa naman at lugar na hindi natin inaasahan. Nangyari iyan sa SM Clark noong nakaraang linggo – Martes ng hapon. Pero sa ganitong pagkakataon na hilong talilong ang ating naramdaman, may mga nagsilitawang unsung heroes. Ito ay sina Venus Manalang, PR ng SM Clark, Leonor Rivera at Dr. Batac, nurse at resident doctor ng SM Clark. Kasama na ang mga security guards na umalalay sa atin. Ang nagdala sa atin sa ospital ay ang mga staff ni Barangay Captain Tony Mamac na nagmagandang loob ng kanyang sasakyan makarating lang tayo sa Mother Theresa of Calcutta Medical Center sa Lungsod ng San Fernando. Nandoon din si Kapatid na Conrado Buan, ang aking mahal na esposa si Elaine Mapiles, ang aking mga kapatid, katrabaho sa Central Luzon Daily at ang mala anghel kong kaibigan na si Deng Pangilinan at siyempre naroon din ang suporta ng Philhealth at ni Nanay Baby. Sila ang mga buhay na bayani ng aking panahon. Saludo ako sa inyo. Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha.

Bakit naman biglang lumobo ang iyong blood pressure?

Maraming contributing factors. Una, hindi tayo naging maingat sa pagkain ng kung ano-anong masarap sa panlasa –maalat, matamis, mataba, makolesterol at kung ano-ano pa. Nagkulang tayo sa ehersisyo. Kaya ang tendency nag-over weight tayo. Tumaba ng kaunti, lumaki ang tiyan at laging sumasakit ang ating ulo noong mga nakaraang araw.

Sa araw ding iyon ay napakahapdi sa balat ng sikat ng araw. Subalit sa kabila ng gayong situasyon ay tumulak pa rin tayo sa Station 5 ng Angeles City kasama si Marna Dagumboy para humingi ng kapirasong police blotter para beripikahin ang isang natsitsismis na insidente.

Dahil sa hindi natin ugali na manira ng kapwa o magsulat ng walang basehan. Pilit nating hinanap ang katotohanan sa ngalan ng patas na pagbabalita pero ito ay ipinagkait ng Station 5 ng Siyudad Angeles. Blotter yamu, pisala-salikut de pa.

Kami sa pahayagan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa. Kaya tinitingnan namin kung ang isang balita ay isang uri lamang ng paninira para paboran ang interes ng iba o isang interesanteng balita na kapupulutan ng magandang aral. Dahil panahon ng halalan, titimbangin lang sana naming kung ang police blotter ay may bahid ng pulitika. Kung mayroon hindi kailanman kami magpapagamit. Kaya lang hindi tayo binigyan ng pagkakataon ng Station 5.

Sa hindi sinasadya, ating nakadaupang palad ang bagong talagang Station Commander na si PCI Rogelio C. Javier na ilang minuto lang na nauna sa amin sa himpilan.

Nagkaroon kami ng maikling paliwanagan dahil sa ayaw nilang ipalabas o ipakita man lang sa amin ang police blotter dahil ito raw ay labag sa batas dahil involve daw ang isang babae. Pero ang totoo isang dating pulis ang nagrereklamo at hindi babae.

Nilecturan pa si Aling Iska ng ‘balance reporting’. Ba.ba.ba!!! Dito na nga tumaas ang prisyon ni Aling Iska. Bakit naman? Hindi kasi alam ng Commander ang kanyang sinasabi. Sa layuning itago ang police blotter, kumatha siya ng mga kuwentong salat sa katotohanan. Ang totoo parang hindi nagbabasa si Javier ng Saligang batas nagsasabing ang lahat ay may karapatan sa “access to information”. Siguro kailangang mag-aral itong si Javier at ang kanyang kapulisan sa seminar ng Human Rights at Constitution na dapat sana sila ang unang nagtatanggol. Pero sa pagtatago nila ng ilang dokumento para pagtakpan ang isang pagkakamali ng taong inirereklamo ay maaaring ilarawan nating isang uri ng krimen sa loob ng kapulisan.



Kaya sa puntong ito, masasabi nating ang Station 5 ng Angeles City ay bagsak sa pagkilala sa karapatang pantao at sa Saligang batas. Ang Station ay kalaban din ng patas at karaptan sa pamamahayag.



Buri mong sabian ing Station 5 ning Siyudad Angeles, anti-media ya? Sinabi mo pa. Tiran me ken. Magaral at magbayu ka, Station 5.



Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment