Sunday, March 21, 2010

May pera sa El Nino

Apektado kami ng El Nino. Sigaw ng ilang alkalde sa Kuatro Distrito. And of course, sinigundahan kung hindi man pinangunahan iyan ni Congresswoman Anna York Bondoc. Nagphoto op sila na tila nagsasabing kawawa ang magsasaka. Pero parang may saya sa kanilang mga mata na tila nagpapahiwatig ding sa El Nino ay may pera.

Sama-sama, nagpapahiwatig ng pagkakaisa. Ba, okay iyon Aling Iska. Naglagdaan nga ng Resolusyon ang ilang mga alkalde at lider-magsasaka na ipinatawag siguro ng kongresista. Ang resolusyon ay siguro isang paghingi ng tulong o ayuda sa mahal na Pangulo. Ito raw ay direktang iaabiso sa Pangulong Arroyo ng Congresswoman ng distrito. Ba, ang sipag ano po ni Congresswoman. Iyan ang Congresswoman. Maka-Arroyo na, maka-Villar pa. Paano naman si Gibo Teodoro? Ewan ko.

Balik tayo sa El Nino. Sabi ng mga alkalde particular ni San Simon Mayor Rodrigo “Digos” Canlas ay kailangang maideklara ang State of Calamity dahil sa apektado sila ng El Nino. Tila ba nagsasabing malaki ang kanilang pangangailangan.

Sabi naman ng kaibigan niyang si Mayor Jerry Pelayo, walang El Nino sa Kuatro Distrito dahil sa masagana ang tubig particular sa Pampanga Delta, Pampanga River at ang ilang mga bayan ay nasa mga gilid ng dalampasigan ng Manila at Pampanga Bay.

Wala nga kayang El Nino? Sa ulat ng Office of Provincial Agriculturist o OPA, sinasabi nitong walang dapat ikaalarma dahil sa ang Pampanga ay hindi apektado ng El Nino. Kaya ang State of Calamity ay hindi nila inirerekomenda. Totoo nga na may apektado, totoo nga raw na may fishkill pero hindi nangangahulugan na magdedeklara na tayo ng State of Calamity dahil sa napakaliit lang ng porsiyento ng ating lupaing tinuyo ng El Nino.

Eh, bakit atat na atat itong mga alkalde at Kongresista na maideklara ang kahit na ang kuwatro distrito na sumailalim sa State of Calamity in the disguise of El Nino?

Ika naman, Aling Iska, bala mu eka mipanganak napun nakaduwana. Siyempre, there is money. Sa Filipino, may pera. Sa termino ng bading, may datung. Sa lengguahe ng adik, sa El Nino ay may atik.

Aber!!! Paano lalabas ang pera sa El Nino? Sa ulat ni Senator Edgardo Angara, ang pamahalaan ay maaaring gamitin ang P12-billion contingency fund para lang lunasan ang epekto raw ng El Nino. Ito raw ay inilaan ng Kongreso para sa ‘rebuilding, rehabilitation ng mga lugar na naapektuhan ng El Nino. Maaari nilang gamitin ang pondong ito dahil ang El-Nino ay weather related calamity. Kaya ang gusto nila madeklara silang under state of calamity para majustify ang panghihingi nila ng pondo kahit bahagi lang ng P12-billion. Ba, malaki din iyon.

Kaya hindi mo ba napansin, anti mano mayroon silang resolusyon ng paghingin ng tulong na kuno ay apektado sila ng El Nino. Pero ang totoo, gusto lang nilang magkabahagi sa pondo ng El Nino.

Ano ang benepisyo naman sa mga mayors kung may state of calamit? Maaari na nilang gamitin ang kanilang 5% reserve calamity fund mula sa kanilang kabuuang Internal Revenue Allotment. Ba!! Totoo? Saan talaga nila gagamitin ang pera sa pagsasaka, sa pangingisda o sa umiinit na kampanya? Iyan ang tanong namin.

Sa ibang banda, Aling Iska, anong masama roon? Nakatulong na sila, nakapangampanya na, nagkalaman pa ang bulsa?

Well, bato-bato sa langit, ang tinatamaan, huwag magagalit.

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Kandidatong “kapalmuks”

Bago pa magsimula ang opisyal na panahon ng kampanya sa Marso 26 para sa local na eleksyon, nakita na natin na ang halos lahat ng mga kandidato ay lumalabag na sa batas ng halalan. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanilang lantarang paglalagay ng campaign materials sa kahabaan ng lansangan, sa mga bayan, saan mang dako ng lalawigan. Sila ang mga kandidatong “kapalmuks” as in makapal ang mukha.

Pero alam nila at malinaw sa kanila na may batas ang halalan na dapat nilang isaalang-alang. Subalit mabibilang mo sa iyong daliri ang mga kandidatong tumatalima sa mga batas na tila bulaklak lang ng dila ng mga tauhan ng Commission on Election na pinagkikibit balikat ng mga iresponsableng kandidato ng halalan.

Ang totoo makakapal ang mukha ng mga kandidato na lantarang sinasalaula ang kagandahan at kalinisan ng lansangan pati ng batas ng halalan. Sila ba ang mga kandadatong nanaisin nating ihalal at manungkulan sa bayan?

Ang sabi ng Comelec kailangan ay two by three feet lang ang campaign poster, pero sumunod ba ang ilang pulitikong matitigas ang ulo. Hindi! Kundi gumawa sila ng sariling kanilang batas, gumawa sila ng mga higanteng posters sa hangaring makapukaw ng pansin. Ibig sabihin ang mga kandidatong ito ay kulang na kulang sa pansin. Kawawa naman sila.

Kawawa din ang mga puno sa halalan. Para silang ipinapako sa krus ng mahal na araw. Kung makakapagsalita lang ang mga puno, katakot-takot na mura ang mahihita ng mga kandidato na nagpapako ng campaign materials sa mismong katawan ng puno. Eh, kung sa noo ng kandidato ipako ang poster niya, hindi kaya siya mag-aalsa? May buhay din ang puno. Igalang natin sila at pangalagaan, huwag natin silang parurusahan dahil gusto mo lang maging popular sa halalan.

Dahil sa hindi pa nagsisimula ang halalan, walang nakalagay na salitang “Vote” o “Iboto” sa mga campaign matrials pero sa likod ng kanilang mga ngiti, tila sila ay nagmamakaawa na ihalal ng taong bayan.

Dahil sa walang nakalagay na “IBoto”, hindi rin sila makasuhan ng Comelec na tila bulag at walang bayag.

Bakit kamo wala kasi silang ginagawang hakbang kahit “sample” lang na kanilang kinasuhan at pinarusahan ng “disqualification” bunga ng kanilang maagang pangangampanya.

Armado ang Comelec ng mga kaukulang batas pero tila yata nakatali ang kamay at nakapiring ang mata dahil sa hindi nila maaksyunan at makita ang hayagang pagbaboy sa mga batas ng halalan.

Pero, Aling Iska, baka naman kung maging mahigpit sila at nagsampa ng kaukulang kaso, baka wala ng matirang kandidato at magkaroon tuloy ng failure of election dahil wala ng kandidato. Bakit naman? Tila kasi walang papasa sa batas ng halalan.

Eh, ano ngayon kung wala ng kandidato, importante, naipatupad ng buong higpit ang batas at para wala ng lalabag pa sa susunod na halalan. Mahirap iyan. Imposible iyan sa panahon sa ating sistema. Pero may punto ka, Aling Iska.

Paano naman mangyayari iyan kung takot na tinagin ng Comelec ang mga pulitikong minsan ay pinagkautangan nila ng loob na iwas nilang sagasaan.

Kung gayon, hindi na titino ang sistema ng halalan. Pero kung takot talaga ang mga opisyal ng Comelec na ipatupad ang batas, ang dapat nilang gawin ay magresign na lang dahil nagmumukha silang walang kakuwenta-kuwenta. Anti lamong putong alang mayumo.

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawags a 09063900920

Solusyon sa basura, ginagawa na ba?

LAHAT ng basurahan, controlled o open dump site ay illegal at hindi dapat pahintulutan ng sinomang opisyal ng lokal na pamahalaan. Subalit dahil sa ito ay hindi pinansin o napaghandaan, nalagay ang mga munisipalidad o maging mga siyudad sa situasyong wala na silang uurungan o susulungan malutas lang ang tone-toneladang bulto ng basura na nililikha at inilalabas ng mga kabahayan maging ng mga establisyemiento.

Ito ay isang bagay na walang katapusang suliranin, maaaring maisaayos ang problema sa ngayon, pero paano na ang bukas? Ang basura ay isang paulit-ulit na suliranin. Ikinakampanya ng pamahalaan lalo na ng Environment Management Bureau ang tinatawag na Reuse, Recycle at Reduce o 3Rs. Napaka-ideal ng panukalang ito. Maganda at mahusay kung tutuusin. Pero ilan na ba sa atin ang sumunod at dinisiplina ang sarili magkaroon lang tayo ng bahagi sa paglutas ng suliranin sa basura. Sinasabi sa mga manual ng Solid Waste Management na magagawa ang 3Rs kung sa tahanan pa lang ay pinaghiwa-hiwalay na natin ang nabubulok sa hindi nabubulok at ang maaaring gamitin pa at isaayos. Ito iyong tinatawag na segregation from the source.

Alam ninyo, sa obserbasyon ni Aling Iska, nagagawa lang ang bagay na ito sa pagsisimula lamang ng kampanya sa 3Rs pero pagkatapos ay wala na at balik sa dati, aminin man o sa hindi ng pamahalaang nagsusulong nito.

Pero mayroon naman tayong mga nakausap na mga pamilya, na buong higpit nilang sinunod ang segregation. Pero ang masakit matapos nilang paghiwahiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok ay kinuha ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at isinakay sa truck ng basura kung saan doon ay pinagsama-samang muli ang bulok sa hindi bulok at itinapon lang sa open dump site o sabihin na nating controlled dump site na parehas din namang labag sa batas. Nangyayari ito dahil kung mayroon mang Material Recovery Facilities ang lokal na pamahalaan ay hindi nito kakayaning iproseso ang santambak na basurang dumarating sa araw-araw. Kaya ang masakit bago matabunan ng basura ang mga kawani ay kunwang hindi nila alam na sinusunog ang basura lalo na kung gabi at masaklap kahit araw nagsusunog ang mga hinayupak.



Pero sino ang dapat sisihin? Walang pamahalaan lokal ang hindi nagnanais na ito ay agarang maresolba dahil sa ayaw natin at sa hindi ito na ang isa sa mga pinakamalaking krisis o magiging sanhi ng trahedya sa mga hinaharap na panahon. Kaya’t kailangang magsama-sama tayong mag-isip ng paraan at makipagkaisa sa pamahalaan sa ikalulutas ng problema sa basura.

Bagaman ang Siyudad ng San Fernando ngayon ay nasa estado na ng pagpapatupad ng Memorandum of Agreement sa pagitan nila ng Blue Steel Spectrum sa pagtatayo ng $13-milyong ‘very high temperature gasification’ o ang pagko-convert ng basura para maging methane gas na makakatulong sa elektrisidad, hindi pa rin natin maiaalis na sa kasalukuyan ay patuloy pa rin silang lumalabag sa batas ng Ecological Solid Waste Management Act o Republic Act 9003 na nagbabawal sa operasyon ng open at controlled dump site lalo na at pati na ng pagsusunog ng basura.

Pero sa pananaw ni Aling Iska, mabuti na ang Siyudad ng San Fernando na may ginagawa ng pagkilos para maresolba ang problema kaysa sa ibang munisipalidad na wala yatang ginagang pamamaraan para masulusyonan ang basura sa hinaharap na panahon.

Well, suggestion lang ito. Kung hindi kakayanin ng mga munisipalidad particular ng mga 4th at 3rd class na bayan ang araw-araw na gastos sa trucking pa lang ay kailangang mag-isip ng paraan. Ang naisip natin bakit kaya hindi magtayo ng dalawang Sanitary landfill ang Pampanga. Isa sa Magalang at isa Floridablanca. Lahat ng bayan na malapit sa Magalang ay doon magdadala ng basura. Lahat naman ng malapit sa Floridablanca ay doon naman magdadala ng basura. Kung titingnan kasi ang dalawang bayang ito, ideal silang pagtayuan ng sanitary landfill, unang-una hindi lumulubog, pangalawa malawak din ang mga lupain dito, pangatlo, ang Floridablanca at Magalang ay nasa estratehikong lugar nng Pampanga kung saan mapaghahatian ang solusyon sa basura.

Alam nating kokontra ang ilang mga residente sa mga bayang ito. Pero kailangang gawin ito magkaroon lamang ng pangmatagalang solusyon ang gahiganteng basura. Sa kasaysayan, ang mga bayan sa ibang lalawigan ng tumanggap ng basura ay umunlad dahil sa marami rin ang dalang pag-unlad tulad ng paglaki ng pondo ng mga munisipyo tulad ng nangyayari sa Rodriguez Rizal na dating Montalban, yumaman ang bayan at pinag-aagawan ngayon ng munisipyo at ng probinsiya ang operasyon ng basura dahil sa laki ng buwis na nanggagaling sa paghahakot ng basura. Isa pa marami ang nagkaroon ng hanapbuhay at naipasaayos ang mga pangunahing daan.

Well, sa akin ay suggestion lang kasi kung hindi ito masusulusyunan maaaring magdulut ito ng lalo pang malaking suliranin sa kapaligiran, sa kalusugan na magdudulot ng lalong kahirapan sa buhay.

Ang tanong, solusyon sa basura, ginagawa na ba?

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Black Propaganda ngayong eleksiyon

NGAYONG panahon ng halalan, marami ang naglalabasang uri at pamamaraan ng tinatawag ng Black Propaganda upang lasonin at impluensiyahan ang kaisipan ng balanang walang kamuangmuang sa tunay na isyu sa likod ng mga maling impormasyon na ipinalalabas hindi ng mismong pinanggagalingan ng balita kundi manapa sa kabilang panig ng mga kalaban sa pulitika.

Ang salitang propaganda ay laging may nakakapit na negatibong pananaw. Karaniwan na ikinakapit ito sa kasinungalingan at kawalang katapatan. Ang propaganda ay isang planadong paggamit ng anumang uri ng material o porma na na karaniwang pinararami upang impluwensiyahan ang kaisipang at damdamin ng isang grupo ng mga tao para sa isang tiyak na layunin tulad ng sa pulitika.

Ano naman ba ang black propaganda, Aling Iska? Nung tunggayan taya king amanung kapampanganm yapin yan ing ‘pamanyira’, ‘pamaglasun king kaisipan’, ‘kalaraman’ ampong malisyosong pisasabiyan. Ito kung ating susuysuyin ay isang uri maitim na paglalahad ng impormasyon na may layuning ipahiya at tapakan ang kalaban para sa bandang huli ay pumanig sa kanya ang simpatiya ng mga manghahalal.

Sa black propaganda, ang impormasyon ay kunwaring nanggagaling sa tunay na pinagmumulan ng mensahe subalit ang totoo ay hind naman. Ang black propaganda ay isang malaki at malikhaing kasinungalingan na ipinatutungkol sa kaaway lalo na sa pulitika na wala namang matibay na batayan kung katotohanan ang pag-uusapan.

Sa banding huli ang black propaganda ay dumidipende sa kahandaan at kagustuhan ng mga mambabasa na paniwalaan ang kredibilidad ng kunway pinagmumulan ng impormasyon. Kung maniwala ka sa black propaganda, ibig sabihin, ikaw ay naimpluwensiyahan. In short, nauto ka or uto-uto ka. Kung hindi ka naman naniniwala sa ipinadala o ipinabasang mensahe na isang black propaganda, magaling ka at naisahan mo sila. Na akala nila ay aanga-anga ka pero ang totoo nagpagod lang sila.

Ang black propaganda ay iba naman sa tinatawag na ‘grey propaganda’. Dito naman hindi rin kilala kung sino ang pinanggagalingan ng impormasyon. Basta na lang ikinakalat pero hindi alam kung sino ang nasa likod nito.

Kung may black at grey, ano naman Aling Iska ang ‘white propaganda’? Ito namang white propaganda ay sigurado ang source ng impormasyon at pinangangalandakan ng source na totoo ang impormasyon kahit na may kaunting eksaherasyon para lalong maganyak ang mambabasa. Kumbaga, press release, news release, pr stories. Diyan magaling ang karamihan.

Pero para sa akin, mas maganda na ang white sa black at grey PR. Pero kung ating oobserbahan ang mga propaganda tuwing eleksyon, masasabi nating ito ay isang uri lamang ‘psywar’ o psychological warfare. Labanan na kaisipan, impluwensiyahan, kung pikon ka siyempre talo ka, kung nalason ang iyong isipan, patay kang bata ka. Kung nakaimpluwensiya at napaniwala mo ang iba baka manalo ka.

Sa Pampanga, sa labanang panglokal, marami na siguro ang nagkakasa o nagpaplano kung kailan pasasabugin ang kanilang bomba ng black propaganda. Nariyang palulutanging muli ang mga lumang kontrobersiya na hindi naman bumenta noong nakaraan.Basta may masabi lang na kasiraan. Magpupukulan ng kanya-kanyang baho. Magpapatutsadahan. Pero sana naman hanggang diyan lang, hanggang doon lang at huwag naman sanang magkakasakitan. Dito naman sa Pampanga ang alam ko lagi naman tahimik at payapa ang halalan. Hari nawa.

Pero kung ako sa inyo, mga pulitiko kayo. Sabihin niyo na lang kung ano ang inyong mas mabuting magagawa kumpara sa iba. Pero iyong siraan ang kalaban ay huwag na. Porjosporsanto, pagnakaupo na kayo, parehas din pala ang kulay ninyo. Sabian na pin nitang metung ming abe, pare-parehas tamu mung atiu king akbak ng Hudas.

Well, kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Angeles City -Station 5, anti-media!

KUMUSTA ka na Aling Iska? Mayap naman bro. Ayne keng saup ning Guinu, pasibayung mibalik ing kekatang mewalang sikanan pauli na ning sakit na ali tana man asahan. Nagkaroon tayo ng Hypertension Stage II- tumaas ang blood pressure mula sa normal na 120 over 90 tumaas ng 170 over 110. Tumaas ang ating sugar at nagkaroon ng sebo ang dugo. Ito ay ayon kay Dr. Amiel Valerio an gating attending physician.

Well, first time nating naranasan iyan sa oras pa naman at lugar na hindi natin inaasahan. Nangyari iyan sa SM Clark noong nakaraang linggo – Martes ng hapon. Pero sa ganitong pagkakataon na hilong talilong ang ating naramdaman, may mga nagsilitawang unsung heroes. Ito ay sina Venus Manalang, PR ng SM Clark, Leonor Rivera at Dr. Batac, nurse at resident doctor ng SM Clark. Kasama na ang mga security guards na umalalay sa atin. Ang nagdala sa atin sa ospital ay ang mga staff ni Barangay Captain Tony Mamac na nagmagandang loob ng kanyang sasakyan makarating lang tayo sa Mother Theresa of Calcutta Medical Center sa Lungsod ng San Fernando. Nandoon din si Kapatid na Conrado Buan, ang aking mahal na esposa si Elaine Mapiles, ang aking mga kapatid, katrabaho sa Central Luzon Daily at ang mala anghel kong kaibigan na si Deng Pangilinan at siyempre naroon din ang suporta ng Philhealth at ni Nanay Baby. Sila ang mga buhay na bayani ng aking panahon. Saludo ako sa inyo. Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha.

Bakit naman biglang lumobo ang iyong blood pressure?

Maraming contributing factors. Una, hindi tayo naging maingat sa pagkain ng kung ano-anong masarap sa panlasa –maalat, matamis, mataba, makolesterol at kung ano-ano pa. Nagkulang tayo sa ehersisyo. Kaya ang tendency nag-over weight tayo. Tumaba ng kaunti, lumaki ang tiyan at laging sumasakit ang ating ulo noong mga nakaraang araw.

Sa araw ding iyon ay napakahapdi sa balat ng sikat ng araw. Subalit sa kabila ng gayong situasyon ay tumulak pa rin tayo sa Station 5 ng Angeles City kasama si Marna Dagumboy para humingi ng kapirasong police blotter para beripikahin ang isang natsitsismis na insidente.

Dahil sa hindi natin ugali na manira ng kapwa o magsulat ng walang basehan. Pilit nating hinanap ang katotohanan sa ngalan ng patas na pagbabalita pero ito ay ipinagkait ng Station 5 ng Siyudad Angeles. Blotter yamu, pisala-salikut de pa.

Kami sa pahayagan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa. Kaya tinitingnan namin kung ang isang balita ay isang uri lamang ng paninira para paboran ang interes ng iba o isang interesanteng balita na kapupulutan ng magandang aral. Dahil panahon ng halalan, titimbangin lang sana naming kung ang police blotter ay may bahid ng pulitika. Kung mayroon hindi kailanman kami magpapagamit. Kaya lang hindi tayo binigyan ng pagkakataon ng Station 5.

Sa hindi sinasadya, ating nakadaupang palad ang bagong talagang Station Commander na si PCI Rogelio C. Javier na ilang minuto lang na nauna sa amin sa himpilan.

Nagkaroon kami ng maikling paliwanagan dahil sa ayaw nilang ipalabas o ipakita man lang sa amin ang police blotter dahil ito raw ay labag sa batas dahil involve daw ang isang babae. Pero ang totoo isang dating pulis ang nagrereklamo at hindi babae.

Nilecturan pa si Aling Iska ng ‘balance reporting’. Ba.ba.ba!!! Dito na nga tumaas ang prisyon ni Aling Iska. Bakit naman? Hindi kasi alam ng Commander ang kanyang sinasabi. Sa layuning itago ang police blotter, kumatha siya ng mga kuwentong salat sa katotohanan. Ang totoo parang hindi nagbabasa si Javier ng Saligang batas nagsasabing ang lahat ay may karapatan sa “access to information”. Siguro kailangang mag-aral itong si Javier at ang kanyang kapulisan sa seminar ng Human Rights at Constitution na dapat sana sila ang unang nagtatanggol. Pero sa pagtatago nila ng ilang dokumento para pagtakpan ang isang pagkakamali ng taong inirereklamo ay maaaring ilarawan nating isang uri ng krimen sa loob ng kapulisan.

Kaya sa puntong ito, masasabi nating ang Station 5 ng Angeles City ay bagsak sa pagkilala sa karapatang pantao at sa Saligang batas. Ang Station ay kalaban din ng patas at karaptan sa pamamahayag.

Buri mong sabian ing Station 5 ning Siyudad Angeles, anti-media ya? Sinabi mo pa. Tiran me ken. Magaral at magbayu ka, Station 5.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Friday, March 12, 2010

Asikasong Bong-Bong Marcos

Bago ko simulan ang pitak na ito. Gusto ko munang magkaroon ng disclaimer. The following article below is not a “paid article”. Nakatuwaan lang. Bakit parang defensive ka? Well, para lang maliwanag kasi noong Biyernes pinahanga ako sa press con at sa galing sumagot nitong si Ferdinand “Bong Bong Marcos Jr.

Eto na… Sa loob ng labing pitong taong paglilingkod-bayan, si Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr ay nakapagtala na ng mga natatanging karanasan bilang isang mambabatas, opisyal ng pamahalaan, administrador. Ito ay nangyari malayo sa kisap ng kamera pero malapit sa puso ng balana sa rehiyon ng ilocandia.

Maagang nasabak si Bong Bong sa hamon ng serbisyo publiko dahil nasaksihan niya kung paano naging deboto ang kanyang mga magulang sa paglilingkod bayan sa loob ng higit sa dalawang dekada. Sa kanyang murang edad na 23, nahalal siya bilang bise gobernador ng Ilocos Norte.

Ang mga pangyayari pagkatapos ng Edsa Revolution noong 1986 ay pumuwersa sa mga Marcoses na iwan ang bansa. Malayo man sa Pilipinas ay nakatuon pa rin ang isipan ni Bong-Bong na pagsilbihan ang kanyang lupang sinilangan. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at pinaghusay niya ang kanyang kakayahan habang pinapangarap niyang muling makauwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Matapang na umuwi si Bong-Bong kahit na malaki ang posibilidad na siya ay arestuhin ng bagong rehimen kayat siya ang kauna-unahan sa pamilya na nakabalik sa bansa noong 1991.

Sa pagtuntong niya sa lupain ng Pilipinas ay hindi siya nag-atubili na agad na muling maglingkod sa kanyang mga kababayan na una niyang pinagsilbihan. Kaya sa ganoon ding taon, siya ay nahalal sa Kongreso bilang Kinatawan ng Segunda Distrito ng lalawigan ng Ilocos Norte.

Ang ilan sa mga markadong batas na kanyang inakda ay ang pagtatayo ng Philippine Youth Commission. Naging kasangkapan din siya para isulong ang kapakanan ng mga kooperatiba sa pamamagitan ng paglalaan ng kanyang Countryside Development Fund (CDF) sa pag-oorganisa samahan ng mga guro at magsasaka sa kanyang lalawigan.

Noong 1998, si Bong Bong ay nanalong gobernador ng Ilocos Norte kung saan sita ay nagsilbi ng tatlong magkakasunod na termino. Sa kanyang siyam na taon bilang gobernador, binago niya ang Ilocos Norte tungo sa pagiging First Class na probinsiya. Kanyang ipinakita na ang Ilocos Norte ay destinasyon pangturista dahil sa likas nitong kagandahan at kahusayan sa pangkulturang turismo. Sa kanyang liderato, naging kauna-unahan ang Ilocos Norte sa paggamit ng wind power technology na nagsilbing alternatibong pinagmumulan ng pangangailangan sa enerhiya ng kanyang lalawigan at mga kalapit bayan.

Noong 2007, siya ay nahalal muli bilang Kinatawan ng Kongreso kung saan nagsilbi siya bilang Deputy Minority Leader. Sa panahon ng kanyang termino, ang isa sa mga mahahalagang batas na kanyang inakda ay ang Philippine Archipelagic Baselines Law o ang Republic Act No. 9522.

Unang nasilayan ni Bong-Bong ang liwanag noon Setyembre 13, 1957. Siya ang pangalawa sa mga anak ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos at dating Congresswoman Imelda Romualdez Marcos. Nag-aral siya ng elementarya sa De La Salle College. Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa sekondarya sa Worth School sa England at tinamo niya ang kayang kurso sa Political Science, Philosophy at Economics sa Oxford University noong 1978. Natapos niya ang kanyang Masters sa Business Administration mula sa Wharton School of Business.

Siya ay kasal kay Atty. Louise Araneta at napagkalooban sila ng tatlong anak na lalake.

Iyan ang asikasong Bong-Bong na ginawa niya sa Ilocos. Asikasong itutuloy niya sa buong bansa.

Tutu mo iyan? Iboto me pa, bang mabalu!!!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Black Propaganda

NGAYONG panahon ng halalan, marami ang naglalabasang uri at pamamaraan ng tinatawag ng Black Propaganda upang lasonin at impluensiyahan ang kaisipan ng balanang walang kamuangmuang sa tunay na isyu sa likod ng mga maling impormasyon na ipinalalabas hindi ng mismong pinanggagalingan ng balita kundi manapa sa kabilang panig ng mga kalaban sa pulitika.

Ang salitang propaganda ay laging may nakakapit na negatibong pananaw. Karaniwan na ikinakapit ito sa kasinungalingan at kawalang katapatan. Ang propaganda ay isang planadong paggamit ng anumang uri ng material o porma na na karaniwang pinararami upang impluwensiyahan ang kaisipang at damdamin ng isang grupo ng mga tao para sa isang tiyak na layunin tulad ng sa pulitika.

Ano naman ba ang black propaganda, Aling Iska? Nung tunggayan taya king amanung kapampanganm yapin yan ing ‘pamanyira’, ‘pamaglasun king kaisipan’, ‘kalaraman’ ampong malisyosong pisasabiyan. Ito kung ating susuysuyin ay isang uri maitim na paglalahad ng impormasyon na may layuning ipahiya at tapakan ang kalaban para sa bandang huli ay pumanig sa kanya ang simpatiya ng mga manghahalal.

Sa black propaganda, ang impormasyon ay kunwaring nanggagaling sa tunay na pinagmumulan ng mensahe subalit ang totoo ay hind naman. Ang black propaganda ay isang malaki at malikhaing kasinungalingan na ipinatutungkol sa kaaway lalo na sa pulitika na wala namang matibay na batayan kung katotohanan ang pag-uusapan.

Sa banding huli ang black propaganda ay dumidipende sa kahandaan at kagustuhan ng mga mambabasa na paniwalaan ang kredibilidad ng kunway pinagmumulan ng impormasyon. Kung maniwala ka sa black propaganda, ibig sabihin, ikaw ay naimpluwensiyahan. In short, nauto ka or uto-uto ka. Kung hindi ka naman naniniwala sa ipinadala o ipinabasang mensahe na isang black propaganda, magaling ka at naisahan mo sila. Na akala nila ay aanga-anga ka pero ang totoo nagpagod lang sila.

Ang black propaganda ay iba naman sa tinatawag na ‘grey propaganda’. Dito naman hindi rin kilala kung sino ang pinanggagalingan ng impormasyon. Basta na lang ikinakalat pero hindi alam kung sino ang nasa likod nito.

Kung may black at grey, ano naman Aling Iska ang ‘white propaganda’? Ito namang white propaganda ay sigurado ang source ng impormasyon at pinangangalandakan ng source na totoo ang impormasyon kahit na may kaunting eksaherasyon para lalong maganyak ang mambabasa. Kumbaga, press release, news release, pr stories. Diyan magaling ang karamihan.

Pero para sa akin, mas maganda na ang white sa black at grey PR. Pero kung ating oobserbahan ang mga propaganda tuwing eleksyon, masasabi nating ito ay isang uri lamang ‘psywar’ o psychological warfare. Labanan na kaisipan, impluwensiyahan, kung pikon ka siyempre talo ka, kung nalason ang iyong isipan, patay kang bata ka. Kung nakaimpluwensiya at napaniwala mo ang iba baka manalo ka.

Sa Pampanga, sa labanang panglokal, marami na siguro ang nagkakasa o nagpaplano kung kailan pasasabugin ang kanilang bomba ng black propaganda. Nariyang palulutanging muli ang mga lumang kontrobersiya na hindi naman bumenta noong nakaraan.Basta may masabi lang na kasiraan. Magpupukulan ng kanya-kanyang baho. Magpapatutsadahan. Pero sana naman hanggang diyan lang, hanggang doon lang at huwag naman sanang magkakasakitan. Dito naman sa Pampanga ang alam ko lagi naman tahimik at payapa ang halalan. Hari nawa.

Pero kung ako sa inyo, mga pulitiko kayo. Sabihin niyo na lang kung ano ang inyong mas mabuting magagawa kumpara sa iba. Pero iyong siraan ang kalaban ay huwag na. Porjosporsanto, pagnakaupo na kayo, parehas din pala ang kulay ninyo. Sabian na pin nitang metung ming abe, pare-parehas tamu mung atiu king akbak ng Hudas.

Well, kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Angeles City -Station 5, anti-media!

KUMUSTA ka na Aling Iska? Mayap naman bro. Ayne keng saup ning Guinu, pasibayung mibalik ing kekatang mewalang sikanan pauli na ning sakit na ali tana man asahan. Nagkaroon tayo ng Hypertension Stage II- tumaas ang blood pressure mula sa normal na 120 over 90 tumaas ng 170 over 110. Tumaas ang ating sugar at nagkaroon ng sebo ang dugo. Ito ay ayon kay Dr. Amiel Valerio an gating attending physician.

Well, first time nating naranasan iyan sa oras pa naman at lugar na hindi natin inaasahan. Nangyari iyan sa SM Clark noong nakaraang linggo – Martes ng hapon. Pero sa ganitong pagkakataon na hilong talilong ang ating naramdaman, may mga nagsilitawang unsung heroes. Ito ay sina Venus Manalang, PR ng SM Clark, Leonor Rivera at Dr. Batac, nurse at resident doctor ng SM Clark. Kasama na ang mga security guards na umalalay sa atin. Ang nagdala sa atin sa ospital ay ang mga staff ni Barangay Captain Tony Mamac na nagmagandang loob ng kanyang sasakyan makarating lang tayo sa Mother Theresa of Calcutta Medical Center sa Lungsod ng San Fernando. Nandoon din si Kapatid na Conrado Buan, ang aking mahal na esposa si Elaine Mapiles, ang aking mga kapatid, katrabaho sa Central Luzon Daily at ang mala anghel kong kaibigan na si Deng Pangilinan at siyempre naroon din ang suporta ng Philhealth at ni Nanay Baby. Sila ang mga buhay na bayani ng aking panahon. Saludo ako sa inyo. Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha.

Bakit naman biglang lumobo ang iyong blood pressure?

Maraming contributing factors. Una, hindi tayo naging maingat sa pagkain ng kung ano-anong masarap sa panlasa –maalat, matamis, mataba, makolesterol at kung ano-ano pa. Nagkulang tayo sa ehersisyo. Kaya ang tendency nag-over weight tayo. Tumaba ng kaunti, lumaki ang tiyan at laging sumasakit ang ating ulo noong mga nakaraang araw.

Sa araw ding iyon ay napakahapdi sa balat ng sikat ng araw. Subalit sa kabila ng gayong situasyon ay tumulak pa rin tayo sa Station 5 ng Angeles City kasama si Marna Dagumboy para humingi ng kapirasong police blotter para beripikahin ang isang natsitsismis na insidente.

Dahil sa hindi natin ugali na manira ng kapwa o magsulat ng walang basehan. Pilit nating hinanap ang katotohanan sa ngalan ng patas na pagbabalita pero ito ay ipinagkait ng Station 5 ng Siyudad Angeles. Blotter yamu, pisala-salikut de pa.

Kami sa pahayagan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa. Kaya tinitingnan namin kung ang isang balita ay isang uri lamang ng paninira para paboran ang interes ng iba o isang interesanteng balita na kapupulutan ng magandang aral. Dahil panahon ng halalan, titimbangin lang sana naming kung ang police blotter ay may bahid ng pulitika. Kung mayroon hindi kailanman kami magpapagamit. Kaya lang hindi tayo binigyan ng pagkakataon ng Station 5.

Sa hindi sinasadya, ating nakadaupang palad ang bagong talagang Station Commander na si PCI Rogelio C. Javier na ilang minuto lang na nauna sa amin sa himpilan.

Nagkaroon kami ng maikling paliwanagan dahil sa ayaw nilang ipalabas o ipakita man lang sa amin ang police blotter dahil ito raw ay labag sa batas dahil involve daw ang isang babae. Pero ang totoo isang dating pulis ang nagrereklamo at hindi babae.

Nilecturan pa si Aling Iska ng ‘balance reporting’. Ba.ba.ba!!! Dito na nga tumaas ang prisyon ni Aling Iska. Bakit naman? Hindi kasi alam ng Commander ang kanyang sinasabi. Sa layuning itago ang police blotter, kumatha siya ng mga kuwentong salat sa katotohanan. Ang totoo parang hindi nagbabasa si Javier ng Saligang batas nagsasabing ang lahat ay may karapatan sa “access to information”. Siguro kailangang mag-aral itong si Javier at ang kanyang kapulisan sa seminar ng Human Rights at Constitution na dapat sana sila ang unang nagtatanggol. Pero sa pagtatago nila ng ilang dokumento para pagtakpan ang isang pagkakamali ng taong inirereklamo ay maaaring ilarawan nating isang uri ng krimen sa loob ng kapulisan.



Kaya sa puntong ito, masasabi nating ang Station 5 ng Angeles City ay bagsak sa pagkilala sa karapatang pantao at sa Saligang batas. Ang Station ay kalaban din ng patas at karaptan sa pamamahayag.



Buri mong sabian ing Station 5 ning Siyudad Angeles, anti-media ya? Sinabi mo pa. Tiran me ken. Magaral at magbayu ka, Station 5.



Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Monday, March 1, 2010

Mga lapida ni Panlilio sa Kapitolyo, itinatayo na!

KAPIMBABAWAN. Ito ang paglalarawan ng mga Capampangang dumaraan at bumibisita sa Kapitolyo ng Pampanga kay Governor Eddie Panlilio sa ilang araw na nagdaan. Bakit naman Aling Iska? Tingnan mo naman ang ginagawa niya ngayon sa daang papasok sa Kapitolyo, tinayuan niya ng mga lapida o tableta. Lapida ng mga patay? Ibig mong sabihin ginawang parang sementeryo ni Panlilio ang Kapitolyo? Kalokuwan mo, ali naman, lupa mo, bagya mo. Oh, I see!!!

Eh ano naman ang nakasulat sa tabletang bato? Nasusulat ang mga pangalan ng mga pinasimientong daan ni Panlilio. Ba, ibig mong sabihin, sa layuning ipakita ang pagiging transparent kuno nitong si Panlilio ay nauuwi sa pagyayabang? Ang masama pa magastos ang paggawa ng mga nagtataasang lapidang bato ni Panlilio.

Ang tanong ito kayang proyektong lapida ni Panlilio ay may pondo? Kung may pondo, ano ang ginamit na pondo? Ang pondo kayang ginamit ay aprubado ng Sangguniang Panlalawigan? Para yatang walang alam ang Sanggunian na kanilang inaprubahan para lang sa pagtatayo ng mga lapida ni Panlilio.

Pero, diyusimiyo Marimar at Panlilio. Uyy, may bago nabang love-team sa kapitolyo? None….none. Tantanan mo nga sila, Aling Iska. Why naman? Because, they are still together and maybe, they will live forever. Ka sweet da naman.

Iwan natin ang love team, balik tayo sa lapida. Hindi naman kailangang magpaggawa ng lapidang bato ni Panlilio para ipaalam ang kanyang proyekto sa madlang taoe. Bakit iyon bang mga dokumento ng mga proyektong iyan ay makikita sa lapida kung may katiwalian o wala? Wala bang kakayahan ang kanyang information officer na ianunsiyo ang proyekto ni Panlilio?

Eto pa ang tanong Aling Iska, makikita ba sa lapida kung humihingi ng lagay ang mga empleyadong may kinalaman sa proyekto? Makikita ba riyan na walang kinatigang bidder ang kapitolyo kahit hindi naman pasado sa hinihining requirements ng bidding process?

Isipin mo na lang Aling Iska, kung lahat ng mga gobernador ng mga unang panahon ay gumawa ng lapidang sinlaki ng kay Panlilio, baka daig pa ng Capitolyo, ang Manila North Cemetery na halos wala ng madaanan ang tao sa dami ng lapida at tabletang bato. Juskoday!!! naisip kaya ni Panlilio ang mga bagay na ito. Road obstruction at eyesore ang mga lapidang bato, Governor Panlilio. Huwag mo na kayang ikabit, sayang lang eh.

Alam niyo, iyang mga lapida ni Panlilio ay isang uri ng kapaimbabawan. Walang pinagkaiba sa mga karakter sa bibliya na mga taong pariseo, na nagdarasal sa gitna ng daan, para lamang sila ay purihin, makita at sabihing sila ay relihiyoso. Ano ang termino ng banal na kasulatan sa mga taong ganyan na nagmamapuri? Mapagpaimbabaw, hambog at palalo.

Sa termino ni Aling Iska, hindi mapagpaimbabaw si Panlilio. Eh, ano siya? Mapagpasikat, mapagparangalan at mahilig… Sa ano? Sa propaganda para maging popular. Bakit laos na ba si Panlilio? Hindi naman. Ang kaso lang hindi yata pumapasyal si Panlilio sa mga district hospital upang tingnan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga pagamutan at ng mga kapuspalad na may karamdaman na naghihintay na lang ng kamatayan dahil sa walang maayos na pasilidad ang mga pampublikong pagamutan. Kaya ang kasikatan niya ay unti-unting naglalaho parang bula.

Well, siguro kapag nalagutan ng hininga ang mga pasyente dahil sa walang paggastos sa dialysis at chemoteraphy, walang CT scan, bibigyan na lang sila ni Panlilio ng mga lapidang ginastusan ng pondo ng mga Kapampangan. Ibig mong sabihin, si Panlilio ay may panggastos sa lapida pero wala namang pambili ng CT scan machine para sa mga district hospitals? That’ s reality. Nung deng oxygen magkulang la, CT scan pa?

Well, iyan pu rugo ing tutu. Kung iyan ang totoo, Governor Panlilio, iyan ang dapat ilagay sa lapida para magsilbing paalala. Lalo na ngayong malapit na ang paghusga sa iyong tinatawag na ‘good governance’. Abangan, malapit na!!!!

Kung may puna sa lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No politician on graduation, please!

As graduation rites and election 2010 draw near, incumbent and aspiring politicians in the local and national level are expected to roam around just to grab the opportunity to talk about their “political propaganda” and it’s possible that they may be your children’s guest speakers during their recognition and graduation rites this coming months of March or April.

Sorry guys but let me call these politicians - narrow minded “trapos” short in looking for other more effective political gimmickry in advancing their political interest.

In fact, some of them last year, if you still remember, they don’t want to appear in such occasions because they thought then that it was a waste of time and money.

But now, they are expected to take advantage of these solemn occasions where they know, the have a sure captured audience. Ang masama pa baka haluan nila ng pulitika ang graduation. Huwag po nating pahintulutan na malison ang isipang ng mga kabataang magsisipagtapos.

If Aling Iska is right, the Department of Education has issued Department Order No. 15 that says Graduation rites should be conducted in an appropriate solemn ceremony befitting the graduating students and their parents and shall not in any way be used as a venue for any political forum.



May I remind the private and public school heads to follow the DepEd Order and don’t even think or plan to defy the order for the sake of the students and the integrity of the school. Don’t let your recognition and graduation rites be used as political venues and forum for those who are aspiring for a political position in May polls. Don’t invite politicians as guest speakers and speak of their propaganda that would politicize the minds of the youth.



Puwede namang naroon sila, bakit hindi? The Deped order says “In the event politicians are present during graduation programs, we ask that they focus on the occasion and not discuss politics with young children.



Aling Iska, are you against elected local officials be invited in school activities? No. These local officials are school partners in providing quality education.

What I am saying is that school heads should be choosy about their graduation speakers. They should be curious if the guest speaker they chose has the guts in sharing inspiring messages not political tantrums that may pollute the minds of the young.

Ang hirap kasi pati iyong away nila sa pulitika at ilang mga kasinungalingan na may hangaring itaas ang kanilang sarili habang tinatapakan ang iba ang nagiging paksa ng kanilang mahabang talumpati.

Anong alam ng isang grade one student or grade 2 o sabihin na nating grade 6 sa bangayan ninyo sa pulitika?

Ang masama pa, isang taong pinagpaguran ng bata ang kanyang medalya, halos nasunog ang kilay sa pag-aaral, tapos ang tatanggapin niyang medalya –gold, silver o bronze man, ang pangalan lang ng pulitiko ang nakalagay. Susmariosep, Aling Iska. Itong ba ang klase ng karangalan ang hinahangad ng bata at ng kanyang mga magulang? Iyan ba ang medalyang ididisplay ng magulang.

Sa mga pulitiko, may panahon para sa pulitika, huwag kayong magsasamantala sa espesyal ng araw ng mga bata sa paaralan. Lubayan niyo muna sila. It’s not the right time for the youth to know that you are a “trapo”.

Sa mga opisyal ng paaralan, alam ng lahat na magastos ang graduation. Kung talagang hindi kakayanin, magkaroon lang sana ng simpleng seremonya ng pagpaparangal at pagtatapos. Huwag niyo ng iaasa sa mga pulitiko ang gastos para hindi masalaula ang solemnidad ng okasyon.

Kung may puna, pasensiya na, kung pikon ka, sorry ha. Sumulat sa joeley01@yahoo.com o magtext sa 09063900920.