Monday, February 22, 2010

PYWO- Kulay Bulik din?

IN THE LONG RUN of “FUN RUN” lumitaw din ang tunay na kulay ng mga kabataang ginagamit ni Governor Eddie Panlilio. Pakiwari mo Aling Iska, ano ang kanilang tunay na kulay. Sila ay may kulay pulitika. Naaaninag din sa kanilang mga balat ang kulay bulik. Puwedeng puti, puwedeng itim kaya masasabi nating sila ay nagpapagamit din.

Sila ay nakasanib sa tinatawag na Provincial Youth Welfare Organization (PYWO). Isang samahang “creation” ni Panlilio. S pamamagitan ng isa lamang Executive Order ni Panlilio nalikha ang PYWO.

Subalit sa isang panayam kay Panlilio, eto ang tinuran niya: “What is important for people to know is that PYWO is not my creation except for the executive order which I signed.

Hindi malilikha ang PYWO kung walang inilabas si Panlilio na executive order that creates it. Ito ay isang uri pagsisinsay sa katotohanan.

Pero anyway sa ngayon ay lumalabas na ang tunay na kulay ng samahang ito ng mga kabataan na nagsasabing sila ay walang sinomang kinakampihang pulitiko at sila ay para sa malinis na halalan. Ang gandang pakinggan, Aling Iska.

Ba, nung tutu iyan, brod, obat, king Lubao anyang milabas a aldo, pitu lang pulo miembro ning PYWO deng mekyabe ketang auwsan dang ‘Lakad-Takbo’ king pamanimuna ng Panlilio ampo ing ‘running priest’ Robert Reyes.

Baka naman ang pakay ay para sa kanilang kapakanan ng mga kabataan, Aling Iska. Mali ka ang ipinagpuputok ng butsi nila ay tungkol sa deklarasyon ng Commission on Election Second Division sa pagkakapanalo ni Nanay Baby sa eleksyon.

Ba, bakit sila sumasama sa ganyang kilos-protesta sa pulitika? Hindi ba sila ay isang samahang hindi naman nilikha ni Panlilio para sa kanyang pansariling pulitika? Iyan ang sabi nila at ni Panlilio, pero, ‘ugoy’, lokohin mo ang lelong mong panot. Papunta la pa, pauli ne I Atsi mung Iska. Kalokohan ang sabihing sila ay apolitical at non-partisan. Sila siyempre ay maglilingkod sa kanilang manlilikha na si Panlilio. Kasi naman bibigyan ata sila ng pondo sa kanilang mga gawaing pulitikal este pang … ano nga yon? Pang pulitika nga… Ahh ganoon ba.

Pero kung mali ang insinuasyon ng iba na sila ay gagamitin sa pulitika ni Panlilio, bakit sa unang bugso ng bagyo ngayong taon laban kay Panlilio, sila ay akala mo umaaktong “to the rescue” ni Panlilio kaya nga hanggang sa Lubao ay dumayo sila. Sino? Ang PYWO? Ibig mong sabihin ang PYWO ay kulay bulik din?

Kung sila ay isang lehitimong samahan ng kabataan na gumagalang at sumusunod sa batas batay doon sa kanilang palasumpaan. Kailangang maisip nila na ang nangyayari ngayon sa Comelec ay itinatadhana ng batas na dapat sundin at igalang ng lahat.

Kasi naman Aling Iska, kung pabor kay Panlilio ang Comelec, iyon daw ang batas. Kung kumontra kay Panlilio ang pasya ng Comelec. Iyon daw ay labag sa batas.

Hindi ba ‘double standard’ iyan? Hayaan na lang natin sa Comelec en banc ang pagdedesisyon. Huwag nating ilagay sa ulo natin ang batas. Mayroon tayong mga institusyon na may katungkulang magpasya para sa kabuuan at sa tunay at ganap na katotohanan kung ano ba at sino ba ang nanalo sa nakaraang panggobernador na halalan.

Sa mga kabataan, ayusin po natin ang ating sarili. Huwag po tayong magpapagamit kahit kanino.

Kung kayo ay may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment