Wednesday, February 10, 2010

Presidentiables umaarangkada na!

PUMUTOK na ang hudyat ng karera sa pagka-Pangulo ng bansa. Lahat ng kandidato – Noy-Noy Aquino, Manny Villar, Erap Estrada, Gibo Teodoro, Dick Gordon, Eddie Villanueva, Jamby Madrigal, Nicolnor Perlas, John Carlos Delos Reyes.

Lahat sila nagsabi na kung hindi sila mahirap ay galing sila sa hirap or ramdam nila ang feeling ng mahirap.

They are all banking on the poor man’s vote. Parang walang kuwenta ang boto ng mayaman sa botohan. Pero pagnaupo na ang pangulo, ang mayaman naman ang makikinabang. Hindi ba, Aling Iska?

Kaya lang puro dada ang mga presidentiables ukol sa kapakanan ng mahihrap dahil gusto lang nilang makuha ang kanilang boto. Ibig sabihin karamihan sa mga botante ay mahihirap na, madali pang bolahin, madaling lokohin, madaling pangakuan ng buwan at bituwin.

Well, totoo naman na higit na nakararami ang bilang ng mga mahihirap sa Pilipinas. Pero huwag namang ilagay sa isip ng mga aspirante sa pagkapresidente, na madaling utuin ang mga kapuspalad. Marami na ngayong Pilipino ang matalino sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bansa, may integridad at hindi nabibili ang boto.

Kaya sa mga rumaratsada na ngayong presidentiables, magpakatotoo kayo, huwag kayong bolero dahil kaunti na lang ang inyong maloloko. In fairness, Aling Iska, sa palagay ko kaya kumakarera ang mga kandidato sa pagkapangulo ay para pangunahan tayo sa lalong ikauunlad ng ating bansa at ikapapanuto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Oh, totoo, bolero ka rin pala katulad nila.

Well, kanya-kanyang opinion ‘yan. Sa mga forum, debate na dinadaluhan ng mga presidentiables lagging bukang bibig nila ang pagpuksa sa katiwalian sa pamahalaan para daw anila, makahikayat tayo ng mamumuhunan sa bansa at maingat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap. Mahirap iyan!

Si Aquino nangako na hindi magpapataw ng bagong buwis kung manalo.

Sinabi naman ni Gordon kailangan ang bagong buwis para sa serbisyong panlipunan at maaaring gawin ito hindi sa pagkakaroon ng bagong buwis na babayaran kundi sa pagdaragdag ng buwis. Parang ganoon din iyon, Aling Iska, buwis pa rin. Anyway, that’s Gordon.

Binabatikos naman si Aquino dahil sa kawalan ng karanasan sa pangangasiwa ng pamahalaan. Sabi naman niya, tumatakbo siya sa ilalim ng magandang pangalan ng kanyang ina at ama na hindi niya kailanman dudungisan. “In the good name of the father, the good mother and the good son – Noynoy?”

Si Villar naman na tutulog sa dagat ng basura, namasko sa kalsada ay pinupuna sa malakihang paggasta sa kanyang mga political ads. Kinita naman daw niya ang pera mula sa kanyang mga negosyo. Hindi naman siguro sa C-5, na pinakabangan di umano ng real state properties ng kanyang pamilya.

Si Madrigal naman tumatakbo sa pagkapangulo na walang ginagawa kundi durugin si Villar. Inakusahan niya ng katiwalian si Villar at pagagmit nito sa mga bata at artista. Nanalo kayang senador si Madrigal kundi niya ginamit si Juday?

Sinasabi naman ng mga kritiko binibili ni Villar ang kanyang daan patungo sa Malakanyang. Siya naman daw ay nanggaling sa hirap at tumatakbo papuntang Malakanyang na sandamakmak ang yaman.

Sabi naman ni Teodoro ang pagkakaroon ng “impression ng corruption ay nagwawalis at nagpapaalis sa mga kinakailangang investments.

Kapag daw si Gibo ang naluluklok ay hindi matutukso ang mga empleyado ng gobyerno sa corruption dahil lalagyan daw niya ito ng matibay na kalasag.

Lalagyan daw niya ang gobyerno ng kailangang sistema para hindi na umiral ang katiwalian at kung may gagawa man, tiyak na parurusahan.

Si Erap naman ay magbabalik para bigyang hustisya ang illegal di umanong pagpapatalsik sa kanya sa Malakanyang at ipagpapatuloy ang nabinbing pagganap bilang Pangulo ng masang Pilipino. Kung hindi ka lang sana naduwag at hindi ka umalis sa Malakanyang, graduate ka sana at hindi undergraduate na Pangulo. Well, yours (Erap) is still debatable and only history can tell real story. Kung may Erap daw, may ginhawa? Nye...Nyeeee!

Si Eddie Villanueva, magaling na espiritual lider, may liderato, may karanasan, mangangaral, naging haliging bato ng kanyang relihiyon. Pero kung ako sa kanya ipagpatuloy niya ang pangunguna sa kanyang sekta at maging tagapayo na lang ng magiging pangulo. Iyan naman ang gampanin ng mga propeta at saserdote –ang payuhan ang sinumang hari. Pero ang gusto niya –siya na ang hari, siya pa ang pari.

Well, siguro sa kanyang mga tagasunod, puwede iyon. Pero sa iyo puwede ba iyon?


Si Madrigal, well, ano ba ang balak nito, maging pangulo o tumayong campaign manager ni Villar. Puro siya dada laban kay Manny, Eh siya anong gagawin niya?


Si Perlas never heard. Narinig lang ang pangalan ng pumailanlang sa karera sa pampanguluhan. Si Delos Reyes, bilib ako malakas ang loob. Sana tumakbo muna siyang Mayor ng Olongapo.

Si Gordon, ang sabi niya, tayo’y magsama-sama at tiyaking nating maalis na ang katiwalian magpakailanman. Magawa naman kaya ni Gordon ang kanyang misyon o ito ay bulaklak lang ng dila.

Lahat ng mga presidentiables, ang galing magsalita, akala mo kapag sila ang naging pangulo, ang Pilipinas ay magiging paraiso ng katiwasayan at kaunlaran.



Magkatotoo kaya iyan? Oh, iyan ay propaganda lang para malinlang ang mga mamamayan.



Kaya, mag-ingat, magsuri at maging matalino sa pagpili ng susunod na uupo sa trono ng Pangulo.



Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment