Monday, February 22, 2010

Pampanga Board Members, kumusta na?

KUMUSTA na ang performance ng mga board members sa Sangguniang Panlalawigan? Iyan ang katanungan ni Aling Iska sa mga staff ng mga board members at sa ilang mga tagamasid tuwing sila ay may committee hearing at session.

Well, umani tayo ng ibat-ibang reaksiyon, karamihan ay nakakatuwa, ang iba ay nakakainis at nakakapagsisi kung bakit ang ilan sa kanila ay nahalal pa ng taong bayan.

Ano ang sabi nila Aling Iska? May mga board members na miembro ng mga espesyal na Committees. Ito ang Committee on Silence, “No talk, no mistake.” Guess who? Your guess is as good as mine. It’s a public a knowledge.

Mayroon din namang Committee on Non-sense, “ They have so many point of order but usually and sadly, out of order and without sense. ” Sila ay parang isang ingay sa bangan, sa drum at sa tapayang walang laman. Totoo nga ang kasabihan, na kapagka ang batisan ay mababaw, tiyak na maingay. Who are they? Can you name names? Oh, no need to say ladies and gentlemen. This is for real. You can easily notice these guys- they love to grand stand.

Mayroon ding Committee on Absence, “No appearance but with complete pay”, ang suwerte naman nila Aling Iska. Guess who? I’l give you a clue. Sila ay mga taga tersera distrito. Sabihin ko na Aling Iska? Huwag na. Again, their guess in mind is right because the board members vacant seats speak for itself. Sa kanila ay wala po tayong mapupuna dahil sa tuwina ay wala sila.

Ang masakit kumpleto ang suweldo nila pero hindi sila lumilitaw sa Sanggunian. Kapag alam nila, pangatlo na o pang-apat na pagliban na, ayon darating sila, magpapacheck lang ng attendance. Hindi magsasalita? Hindi. Ano sasabihin nila? Wala nga silang alam dahil wala sila kamalay-malay sa takbo ng konseho. Josporsanto, bakit sila ay inihalal ninyo? Wala nabang iba riyan? Alam mo Aling Iska, kung ako sa kanila, mahihiya ako, kung mayroon silang hiya. Well, kung hindi na po ninyo maaasikaso ang inyong responsibilidad sa Sanggunian, magresign na lang po kayo. Marami naman diyan na may kaya at higit sa lahat may panahon.

May board member naman na kapagka nakaharap sa tao ay nakangiti, kapagka nakatalikod na ay nakangiwi, sabay ang tanong sa guard na bakit nakapasok ang mga taong ito. Ano bang ginagawa ng mga guwardiya? Well, ang ganitong nanunungkulan ay hipokrito at walang karapatang maglingkod sa bayan.

Aling Iska, mayroon din naman bang Committee on Credits? Ba, mayroon. Iyong mga nagpapautang at nangungutang? Hindi ibig kong sabihin na board members na credit grabber. Gusto niya, pangalan nila ang dapat na lumutang kahit hindi naman sila ang may panukala. Marami niyan, hindi naman sila ang nag-sponsor ang gusto nila sila ang lumutang. Well, kanya-kanyang PR lang siguro iyan, Aling Iska. Photo op kumbaga.

Pero in fairness sa ating mga board members lalo na kay Board Members Ricardo Yabut at Edna David. Ang dalawang ito ang nangunguna kung ang pag-uusapan ay ang pagtulong sa mga taong lumalapit sa kanilang tanggapan. Umaga pa lang ng araw ng Lunes, mahaba na ang pila sa kanilang kani-kaniyang pintuan. Ibig sabihin, sila ang uri ng mga nanungkulan, na madaling lapitan, bukas ang puso at palad sa mga nangangailangan. Daig pa nila and DSWD sa dami ng natutulungan. Eh, saan naman sila kumukuha ng ipinangtutulong? Siguro, karamihan personal, iyong iba at galing sa mga koneksyon sa pagamutan at civic organization. Kung minsan ay may tulong din galing sa pamahalaang panlalawigan.

Marami pang puna sa mga bokal. Eh. Siyempe Aling Iska, tulad natin, sila man ay hindi perpekto pero puwedeng magbago sa ikagaganda ng serbisyo publiko. Pero in fairness pa rin, ang mga miembro ng Sangguniang Panlalawigan ay maraming naipasang resolusyon at ordinansa para sa ikagaganda at ikauunlad ng probinsiya. Hayun naman pala, Aling Iska. Bumalanse na, nakasipsip pa.

Kung mayroong nasaktan, pasensiya na, iyan ay ilan lang sa positibong puna ni Aling Iska, una sa balita.

Kung may puna rin, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment