Sunday, February 21, 2010

Pineda, panalo- Panlilio, talo, iaakyat sa en banc

AND THE WINNER IS Lilia “Nanay Baby” Pineda… Ito ang pinakahihintay na kataga hindi lang ng kampo ni Nanay Baby pati na ni Governor Eddie Panlilio kaya lang hindi pumabor sa kanya ang resolusyon na inilabas noong Huwebes ng Comelec Second Division. Si Pineda ay panalo. Si Panlilio ay talo.

Mag-aalas dos ng hapon, umakyat ang mga local at nasyonal na mamamahayag sa Tanggapan ng Comelec Second Division. Tapos sunod-sunod na nagsidatingan ang mga Alkalde ng Pampanga. Siyempre para ipakita ang kanilang hindi kumukupas na suporta kay Baby Pineda.

Pagkatapos, sumunod na dumating si Governor Eddie Panlilio. Kinamayan ni Mayor Jerry Pelayo. “You’re in full force.” Sabay ang tingin ni Panlilio sa mga mayors na nakalinyang parang magkakaeskuwela. Saan? Well, saan pa? Sa paglilingkod bayan. Sipsip!!!

Sa pagsisimula, nakita naming kung gaano ka-behave ang mga abogado na naghihintay din ng promulgation ng ibat-ibang kaso ng electoral protest, disqualification at iba pa. May mga abogadong naroon na ang porma-porma sa kanilang mga barong at amerikana. Marami ang napromulgate na kaso.

Sa pinakahuli ay ang makapigil hiningang pagbasa ng Clerk of the Commission sa resolution ng electoral protest ni Nanay Baby laban kay Gob. Ed.

Subalit, nang tanugin ni Commissioner Nicodemo Ferrer kung nakahanda na ang magkabilang panig sa pagbasa ng promulgasyon. Tumayo itong si Atty. Sixto Brilliantes. Ang motion ay parang ganito. Can we move for the reading of the 11,000 pages of the resolution in its entirety? Siyempre, sino namang commissioner ang nasa matinong kaisipan ang kakatig sa ganitong nakakatawang kahilingan. Sa isang panayam kay Brilliantes, ang sabi niya kaya niya gustong ipabasa ang 11,000 page na resolution sa pag-asang matapos ang pagbabasa sa loob ng tatlong taon. Puti lang ang buhok ni Brilliantes, hindi naman kalbo pero nagpapatawa.

Sa puntong ito, nabasa na ang promulgasyon na nagsabing nanalo si Pineda at talo si Governor na sa sandaling iyon ay hindi mo maipinta ang mukha dahil siguro nililimi niyang mabuti ang pasya ng Second Division. Kahit hindi aminin ni Panlilio ay siyempre nalungkot din ang lolo mo. Kahit sinabi niya sa interview na inaasahan nila ang ganong pasya. Dahil ang patutsada niya, wala namang pinagbigyan ang Comelec sa lahat ng kanilang motion. Sino ba naman ang kakatig sa mosyong hindi mo pinasasama ang tatlong commissioners ng second division sa pagpapasya kung sino ang talo at panalo sa recount samantalang sila ang duminig sa protesta.

Ikalawa, bakit kakatigin ang mosyong pagbabasa san g 11,000 pages na resolution. Marami pang kuwento, marami pa ang mangyayari. Importante, nakausad na ang recount at sa Martes, pagkatapos ng limang araw ay nasa en banc na ang usapin sa apila at mosyong habang dinidinig ang kaso ay paupuin na muna si Pineda tulad ng nangyari sa Magalang, na pinaupo muna si Mayor Romulo Pecson na nanalo sa electoral protes habang dinidinig ang protesta laban kay Mayor Lyndon Cunanan. Sana naman ay madaliin ng Comelec en banc ang pagpapasya para hindi ito magdulot ng lalong kaguluhan at kalituhan sa mga Kapampangan dahil matagal rin naman silang naghintay.

Sa kampo ni Panlilio at ni Pineda, magpakahinahon tayo at igalang natin ang batas at huwag tayong maging marahas. Sundin natin kung ano ang kagustuhan ng taong bayan na naghalal ng gobernador noong 2007 na lumabas sa ginanap ng proseso ng recount at kung ano ang pasya ng Comelec at maging ng Korte Suprema.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment