Wednesday, February 24, 2010

Automated election, possible?

POSIBLE ba ang automated election? Ito ang tanong na masasagot lang sa araw at pagkatapos ng halalan sa Mayo 2010. Subalit para mangyari ito kailangang maging positibo ang ating mga pananaw at tulungan natin ang Commission on Election. Ika nga, tumulong muna, bago pumuna.

Kaya ko lang naman naitanong Aling Iska dahil hindi natin mapasusubalian ang katotohanang isa sa sampung Filipino ay walang kakayahang magbasa at magsulat. Kaya possible kayang magtagumpay ang automated election sa Pilipinas?

Tandaan natin, brod, sa mga nakaraang dekada, batay sa karanasan ng mga Filipino, naging possible at matagumpay ang halalan kahit na ang ilan ay hindi marunong bumasa at sumulat.

Kaya sa batayang ito, ang ating bansa, ang ating pamahalaan ay sasabak sa automated election ngayong taong 2010.

Ito ay possible mangyari sa ating bansa sa pamamagitan ng tama at hustong paggamit ng teknolohiya at sistema.

Totoo na marami ring kakaharaping problema Comelec. Tulad ng hindi lahat ng pamayanan sa Pilipinas ay may kuryente, kung mayroon man hindi ito maaaring puspusang maaasahan.

Sa paggamit ng Commissio on Elections (Comelec) ng Direct Recording Equipment Process o Precinct-Count Optical Scan (PCOS) System may problema rin sa pagpapadala ng libo-libong unit ng PCOS sa 1,100 na isla ng Pilipinas na hanggang ngayon ay wala pa.

Hindi lang pagpapakalat ng PCOS ang problema, kailangan ding samahan ng mga technical na manggagawa para isaayos at ikabit ang sistema. Ang pamahalaan naman ay naglaan na ng budget para sa mga kakailanganing kasangkapan at suweldo ng mga gagamiting technical personnel.

Subalit isa pa sa kakaharaping problema ay ang pagtuturo sa mga botante kung paano ang pagboto gamit ang PCOS machine. Nakakatawa dahil sa kasalukuyan ang mga sex bomb dancers ang nagtuturo. Nang ano? Nang sayaw…. Hindi. Kung paano ang pagboto ng ‘itlog’…Well… siguro mas epektibo at kapani-paniwala kung mismong mga personnel ng Comelec ang magtuturo ng pagboto. Baka naman mismong sila ay hindi pa bihasa. O, huwag naman, kasi ilang buwan na lang halalan na.

Kung possible ang automated election, possible rin kaya na maiwasan ang dayaaan? Hindi naman tiniitiyak ng automated election na maaaring mapigilan ang lahat ng uri ng pandadaya sa halalan kundi iyon laman ilan sa pamamagitan ng check and balance. Kasi isang katotohanan din na ang sistemang ikakabit nila ay hindi rin ligtas sa katiwalian.

Ang check and balance na tinutukoy natin ay ang “paper audit trail of ballots, protection of software source code, no switching of ballot boxes and the testing of the technologies.

Ang pagpapatupad nito ay maaaring makabawas sa insidented ng pamimili ng boto at makapagdaragdag din sa siguridad at kredebildad ng mga boto. Sa pamamagitan ng voter verifiable audit trail ay maaaring rebisahin ng botante ang kanyang boto. Ang husto at sapat na pangangalaga sa software source code ng automated election ay makapipigil sa mga hackers na pasukin ang computer na nagbibilang ng boto. Gayundin, mapipigila ang katiwalian sa bulok na pagdaragdag at pagbabawas sa mga boto.

Sa lumang sistema, ang manual na pagdadala ng mga ballot boxes ay nagbibigay ng malaking pagkakataon sa tinatawag na switching subalit sa bagong sistema, ito ay maiiwasan.

Maaaring malaman din kung posible ang dayaan sa pamamagitan ng pagsasalang sa mga teknolohiya gagamitin sa isang testing at malalaman din kung may kakayahan at aandar ang sistema tulad ng inaasahan.

Maraming isyu ang dapat nating ipaliwanag sa kaalaman ng ating mga mambabatas pero ang payo mo Aling Iska ay dapat muna nating paniwalaan ang kakayahan ng Comelec sa pagsasagawa ng automated elections. Subalit kailangan din tayong maging mapagmasid at masusi nating tulungan ang pamahalaan o ang Comelec sa ikapagkakaroon ng malinis at matapat na automated elections. Tulungan po natin ang Comelec.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Monday, February 22, 2010

Pampanga Board Members, kumusta na?

KUMUSTA na ang performance ng mga board members sa Sangguniang Panlalawigan? Iyan ang katanungan ni Aling Iska sa mga staff ng mga board members at sa ilang mga tagamasid tuwing sila ay may committee hearing at session.

Well, umani tayo ng ibat-ibang reaksiyon, karamihan ay nakakatuwa, ang iba ay nakakainis at nakakapagsisi kung bakit ang ilan sa kanila ay nahalal pa ng taong bayan.

Ano ang sabi nila Aling Iska? May mga board members na miembro ng mga espesyal na Committees. Ito ang Committee on Silence, “No talk, no mistake.” Guess who? Your guess is as good as mine. It’s a public a knowledge.

Mayroon din namang Committee on Non-sense, “ They have so many point of order but usually and sadly, out of order and without sense. ” Sila ay parang isang ingay sa bangan, sa drum at sa tapayang walang laman. Totoo nga ang kasabihan, na kapagka ang batisan ay mababaw, tiyak na maingay. Who are they? Can you name names? Oh, no need to say ladies and gentlemen. This is for real. You can easily notice these guys- they love to grand stand.

Mayroon ding Committee on Absence, “No appearance but with complete pay”, ang suwerte naman nila Aling Iska. Guess who? I’l give you a clue. Sila ay mga taga tersera distrito. Sabihin ko na Aling Iska? Huwag na. Again, their guess in mind is right because the board members vacant seats speak for itself. Sa kanila ay wala po tayong mapupuna dahil sa tuwina ay wala sila.

Ang masakit kumpleto ang suweldo nila pero hindi sila lumilitaw sa Sanggunian. Kapag alam nila, pangatlo na o pang-apat na pagliban na, ayon darating sila, magpapacheck lang ng attendance. Hindi magsasalita? Hindi. Ano sasabihin nila? Wala nga silang alam dahil wala sila kamalay-malay sa takbo ng konseho. Josporsanto, bakit sila ay inihalal ninyo? Wala nabang iba riyan? Alam mo Aling Iska, kung ako sa kanila, mahihiya ako, kung mayroon silang hiya. Well, kung hindi na po ninyo maaasikaso ang inyong responsibilidad sa Sanggunian, magresign na lang po kayo. Marami naman diyan na may kaya at higit sa lahat may panahon.

May board member naman na kapagka nakaharap sa tao ay nakangiti, kapagka nakatalikod na ay nakangiwi, sabay ang tanong sa guard na bakit nakapasok ang mga taong ito. Ano bang ginagawa ng mga guwardiya? Well, ang ganitong nanunungkulan ay hipokrito at walang karapatang maglingkod sa bayan.

Aling Iska, mayroon din naman bang Committee on Credits? Ba, mayroon. Iyong mga nagpapautang at nangungutang? Hindi ibig kong sabihin na board members na credit grabber. Gusto niya, pangalan nila ang dapat na lumutang kahit hindi naman sila ang may panukala. Marami niyan, hindi naman sila ang nag-sponsor ang gusto nila sila ang lumutang. Well, kanya-kanyang PR lang siguro iyan, Aling Iska. Photo op kumbaga.

Pero in fairness sa ating mga board members lalo na kay Board Members Ricardo Yabut at Edna David. Ang dalawang ito ang nangunguna kung ang pag-uusapan ay ang pagtulong sa mga taong lumalapit sa kanilang tanggapan. Umaga pa lang ng araw ng Lunes, mahaba na ang pila sa kanilang kani-kaniyang pintuan. Ibig sabihin, sila ang uri ng mga nanungkulan, na madaling lapitan, bukas ang puso at palad sa mga nangangailangan. Daig pa nila and DSWD sa dami ng natutulungan. Eh, saan naman sila kumukuha ng ipinangtutulong? Siguro, karamihan personal, iyong iba at galing sa mga koneksyon sa pagamutan at civic organization. Kung minsan ay may tulong din galing sa pamahalaang panlalawigan.

Marami pang puna sa mga bokal. Eh. Siyempe Aling Iska, tulad natin, sila man ay hindi perpekto pero puwedeng magbago sa ikagaganda ng serbisyo publiko. Pero in fairness pa rin, ang mga miembro ng Sangguniang Panlalawigan ay maraming naipasang resolusyon at ordinansa para sa ikagaganda at ikauunlad ng probinsiya. Hayun naman pala, Aling Iska. Bumalanse na, nakasipsip pa.

Kung mayroong nasaktan, pasensiya na, iyan ay ilan lang sa positibong puna ni Aling Iska, una sa balita.

Kung may puna rin, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

PYWO- Kulay Bulik din?

IN THE LONG RUN of “FUN RUN” lumitaw din ang tunay na kulay ng mga kabataang ginagamit ni Governor Eddie Panlilio. Pakiwari mo Aling Iska, ano ang kanilang tunay na kulay. Sila ay may kulay pulitika. Naaaninag din sa kanilang mga balat ang kulay bulik. Puwedeng puti, puwedeng itim kaya masasabi nating sila ay nagpapagamit din.

Sila ay nakasanib sa tinatawag na Provincial Youth Welfare Organization (PYWO). Isang samahang “creation” ni Panlilio. S pamamagitan ng isa lamang Executive Order ni Panlilio nalikha ang PYWO.

Subalit sa isang panayam kay Panlilio, eto ang tinuran niya: “What is important for people to know is that PYWO is not my creation except for the executive order which I signed.

Hindi malilikha ang PYWO kung walang inilabas si Panlilio na executive order that creates it. Ito ay isang uri pagsisinsay sa katotohanan.

Pero anyway sa ngayon ay lumalabas na ang tunay na kulay ng samahang ito ng mga kabataan na nagsasabing sila ay walang sinomang kinakampihang pulitiko at sila ay para sa malinis na halalan. Ang gandang pakinggan, Aling Iska.

Ba, nung tutu iyan, brod, obat, king Lubao anyang milabas a aldo, pitu lang pulo miembro ning PYWO deng mekyabe ketang auwsan dang ‘Lakad-Takbo’ king pamanimuna ng Panlilio ampo ing ‘running priest’ Robert Reyes.

Baka naman ang pakay ay para sa kanilang kapakanan ng mga kabataan, Aling Iska. Mali ka ang ipinagpuputok ng butsi nila ay tungkol sa deklarasyon ng Commission on Election Second Division sa pagkakapanalo ni Nanay Baby sa eleksyon.

Ba, bakit sila sumasama sa ganyang kilos-protesta sa pulitika? Hindi ba sila ay isang samahang hindi naman nilikha ni Panlilio para sa kanyang pansariling pulitika? Iyan ang sabi nila at ni Panlilio, pero, ‘ugoy’, lokohin mo ang lelong mong panot. Papunta la pa, pauli ne I Atsi mung Iska. Kalokohan ang sabihing sila ay apolitical at non-partisan. Sila siyempre ay maglilingkod sa kanilang manlilikha na si Panlilio. Kasi naman bibigyan ata sila ng pondo sa kanilang mga gawaing pulitikal este pang … ano nga yon? Pang pulitika nga… Ahh ganoon ba.

Pero kung mali ang insinuasyon ng iba na sila ay gagamitin sa pulitika ni Panlilio, bakit sa unang bugso ng bagyo ngayong taon laban kay Panlilio, sila ay akala mo umaaktong “to the rescue” ni Panlilio kaya nga hanggang sa Lubao ay dumayo sila. Sino? Ang PYWO? Ibig mong sabihin ang PYWO ay kulay bulik din?

Kung sila ay isang lehitimong samahan ng kabataan na gumagalang at sumusunod sa batas batay doon sa kanilang palasumpaan. Kailangang maisip nila na ang nangyayari ngayon sa Comelec ay itinatadhana ng batas na dapat sundin at igalang ng lahat.

Kasi naman Aling Iska, kung pabor kay Panlilio ang Comelec, iyon daw ang batas. Kung kumontra kay Panlilio ang pasya ng Comelec. Iyon daw ay labag sa batas.

Hindi ba ‘double standard’ iyan? Hayaan na lang natin sa Comelec en banc ang pagdedesisyon. Huwag nating ilagay sa ulo natin ang batas. Mayroon tayong mga institusyon na may katungkulang magpasya para sa kabuuan at sa tunay at ganap na katotohanan kung ano ba at sino ba ang nanalo sa nakaraang panggobernador na halalan.

Sa mga kabataan, ayusin po natin ang ating sarili. Huwag po tayong magpapagamit kahit kanino.

Kung kayo ay may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Sunday, February 21, 2010

Prayoridad ni Nanay Baby

Sa naging panayam ni Aling Iska kay Comelec-declared Governor Lilia ‘Nanay Baby’ Pineda na nagdiriwang ng kaarawan. Happy-happy birthday, Nanay Baby.

Governor Ed, hindi po ba ninyo babatiin si Nanay? Para sa ano? Sa birthday? Puede. Sa ano pa? Siyempre, sa pagkapanalo sa Election. Agyang dirit, hindi nga matanggap, babati pa. Well, any that’s life. Life is weather-weather lang.

Anyway, kung ayaw de ayaw. Maiba tayo, Aling Iska, inihayag pala ni Nanay Baby ang ilan sa mga pangunahing pagtutuunan niya ng pansin tulad ng Kalusugan, Edukasyon at Kabuhayan na sinasabing pangunahin ding sagot sa pag-ahon sa kahirapan.

Kahit naman hindi governor si Nanay Baby, iyan ay karaniwan naman niyang nagawa, ginagawa at gagawin pa raw niya sa darating pang mga panahon lalo na kung sakaling bigyan pa siya ng pagkakataon sa susunod na eleksyon. Maraming mga maysakit ang kanyang natulungan, nagbalik ang dating sigla at kalusugan. Marami ang mga kabataan ang nakapag-aaral dahil sa kanyang tulong na ngayon ay may sarili ng pinagkukunan ng kabuhayan. Ginagawa raw niya ito akay ng buong pusong pagmamalasakit sa kapwa at pag-ibig sa Lumikha.

Congratulations kay Nanay Baby. I think, iyong pagkapanalo niya sa muling pagbibilang ng mga boto o recount na isinagawa sa Comelec ay isang napakahalagang regalo na maihahandog sa birthday ni Nanay Baby. Kasi ito iyong legal na proseso na naglabas ng tunay na resulta ng nakaraang halalan sa pagkagobernador noong 2007.

Biruin mo, mahigit sa dalawa at kalahating taon ang pinaghintay ni Nanay Baby. Nanahimik siya at hinayaan na lang niya ang kanyang mga abogado ang umasikaso ng recount. Hindi siya nakialam sa pamamalakad ni Governor Ed. Naging malaya si gov na gawin ang balang magustuhan niya dahil siya nga ang idiniklarang gobernador noon ng Comelec.

Pero ngayon, lumabas na ang resulta ng recount, nananahimik pa rin si Nanay Baby kahit siya na ang nanalo. Ang mahalaga raw sa kanya ay lumabas lang ang katotohanan sa halalan. Hindi raw niya ipipilit ang kanyang sarili makaupo lang sa puwesto.

Pero tama ba naman na tawagin ni Governor Ed na dating pari na tawaging plastic si Nanay Baby dahil sinabi daw ng huli na hindi niya pipiliting makaupo samantalang isinusulong ng abogado ng kalaban niya na maipatupad ang pasya ng Comelec.

In the first place, Aling Iska, dahil ba sa nagsabi si Nanay Baby na mananahimik ay hindi na isusulong ng kanyang abogado ang laban.

Mananahimik si Baby Pineda siguro dahil sa ipinauubaya na niya sa kanyang abogado at sa Comelec ang kanyang kapalaran at hindi daw siya gagamit ng power sa sa pamamagitan ng kilos protesta at ingay sa lansangan at para huwag ng magkaroon pa ng alingasngas ng pagkakahati sa lalawigang kapampangan.

Ibig sabihin, Aling Iska, hindi tutumbasan ni hihigitan ni Pineda ang paghahakot ng mga estudyante ni Panlilio mula sa mga pribadong paaralan. Hindi. Una, ayaw ni Pineda na gamitin sa pulitika ang mga musmos pang kabataan. Pangalawa, hindi raw niya papatulan ang style ni Panlilio na parang bata na ngawa ng ngawa dahil sa naagaw sa kanya ang lollipop na hindi naman pala talaga sa kanya. You know what I mean.

Siyempre, hindi mo rin masisisi ang abogado ni Nanay Baby kung ipursige pa niya ang kaso sa pamamagitan ng paghahain ng motion for execution. Dahil hindi mo maaalis sa mga naglalabang abogado ang magpaligsahan at isulong ang kaukulang hakbang hanggang sa matamo ng kanilang kliente ang ganap na tagumpay at paglitaw ng katotohanan, Kaya, bukas pagdedesisyunan ng Second Division kung ito ay kakatigan o iaakyat pa sa Comelec en banc.

Well, anyway, ang deklarasyon kay Nanay bilang gobernador ay pinag-uusapan pa sa Comelec, ipaubaya na lang natin sa kanila ang pagpapasya at huwag ng mag-aksaya ng pagod sa kilos protesta. Isa pa, what we follow is a rule of law and not a rule of men and of the streets.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Pineda, panalo- Panlilio, talo, iaakyat sa en banc

AND THE WINNER IS Lilia “Nanay Baby” Pineda… Ito ang pinakahihintay na kataga hindi lang ng kampo ni Nanay Baby pati na ni Governor Eddie Panlilio kaya lang hindi pumabor sa kanya ang resolusyon na inilabas noong Huwebes ng Comelec Second Division. Si Pineda ay panalo. Si Panlilio ay talo.

Mag-aalas dos ng hapon, umakyat ang mga local at nasyonal na mamamahayag sa Tanggapan ng Comelec Second Division. Tapos sunod-sunod na nagsidatingan ang mga Alkalde ng Pampanga. Siyempre para ipakita ang kanilang hindi kumukupas na suporta kay Baby Pineda.

Pagkatapos, sumunod na dumating si Governor Eddie Panlilio. Kinamayan ni Mayor Jerry Pelayo. “You’re in full force.” Sabay ang tingin ni Panlilio sa mga mayors na nakalinyang parang magkakaeskuwela. Saan? Well, saan pa? Sa paglilingkod bayan. Sipsip!!!

Sa pagsisimula, nakita naming kung gaano ka-behave ang mga abogado na naghihintay din ng promulgation ng ibat-ibang kaso ng electoral protest, disqualification at iba pa. May mga abogadong naroon na ang porma-porma sa kanilang mga barong at amerikana. Marami ang napromulgate na kaso.

Sa pinakahuli ay ang makapigil hiningang pagbasa ng Clerk of the Commission sa resolution ng electoral protest ni Nanay Baby laban kay Gob. Ed.

Subalit, nang tanugin ni Commissioner Nicodemo Ferrer kung nakahanda na ang magkabilang panig sa pagbasa ng promulgasyon. Tumayo itong si Atty. Sixto Brilliantes. Ang motion ay parang ganito. Can we move for the reading of the 11,000 pages of the resolution in its entirety? Siyempre, sino namang commissioner ang nasa matinong kaisipan ang kakatig sa ganitong nakakatawang kahilingan. Sa isang panayam kay Brilliantes, ang sabi niya kaya niya gustong ipabasa ang 11,000 page na resolution sa pag-asang matapos ang pagbabasa sa loob ng tatlong taon. Puti lang ang buhok ni Brilliantes, hindi naman kalbo pero nagpapatawa.

Sa puntong ito, nabasa na ang promulgasyon na nagsabing nanalo si Pineda at talo si Governor na sa sandaling iyon ay hindi mo maipinta ang mukha dahil siguro nililimi niyang mabuti ang pasya ng Second Division. Kahit hindi aminin ni Panlilio ay siyempre nalungkot din ang lolo mo. Kahit sinabi niya sa interview na inaasahan nila ang ganong pasya. Dahil ang patutsada niya, wala namang pinagbigyan ang Comelec sa lahat ng kanilang motion. Sino ba naman ang kakatig sa mosyong hindi mo pinasasama ang tatlong commissioners ng second division sa pagpapasya kung sino ang talo at panalo sa recount samantalang sila ang duminig sa protesta.

Ikalawa, bakit kakatigin ang mosyong pagbabasa san g 11,000 pages na resolution. Marami pang kuwento, marami pa ang mangyayari. Importante, nakausad na ang recount at sa Martes, pagkatapos ng limang araw ay nasa en banc na ang usapin sa apila at mosyong habang dinidinig ang kaso ay paupuin na muna si Pineda tulad ng nangyari sa Magalang, na pinaupo muna si Mayor Romulo Pecson na nanalo sa electoral protes habang dinidinig ang protesta laban kay Mayor Lyndon Cunanan. Sana naman ay madaliin ng Comelec en banc ang pagpapasya para hindi ito magdulot ng lalong kaguluhan at kalituhan sa mga Kapampangan dahil matagal rin naman silang naghintay.

Sa kampo ni Panlilio at ni Pineda, magpakahinahon tayo at igalang natin ang batas at huwag tayong maging marahas. Sundin natin kung ano ang kagustuhan ng taong bayan na naghalal ng gobernador noong 2007 na lumabas sa ginanap ng proseso ng recount at kung ano ang pasya ng Comelec at maging ng Korte Suprema.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Wednesday, February 10, 2010

Presidentiables umaarangkada na!

PUMUTOK na ang hudyat ng karera sa pagka-Pangulo ng bansa. Lahat ng kandidato – Noy-Noy Aquino, Manny Villar, Erap Estrada, Gibo Teodoro, Dick Gordon, Eddie Villanueva, Jamby Madrigal, Nicolnor Perlas, John Carlos Delos Reyes.

Lahat sila nagsabi na kung hindi sila mahirap ay galing sila sa hirap or ramdam nila ang feeling ng mahirap.

They are all banking on the poor man’s vote. Parang walang kuwenta ang boto ng mayaman sa botohan. Pero pagnaupo na ang pangulo, ang mayaman naman ang makikinabang. Hindi ba, Aling Iska?

Kaya lang puro dada ang mga presidentiables ukol sa kapakanan ng mahihrap dahil gusto lang nilang makuha ang kanilang boto. Ibig sabihin karamihan sa mga botante ay mahihirap na, madali pang bolahin, madaling lokohin, madaling pangakuan ng buwan at bituwin.

Well, totoo naman na higit na nakararami ang bilang ng mga mahihirap sa Pilipinas. Pero huwag namang ilagay sa isip ng mga aspirante sa pagkapresidente, na madaling utuin ang mga kapuspalad. Marami na ngayong Pilipino ang matalino sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bansa, may integridad at hindi nabibili ang boto.

Kaya sa mga rumaratsada na ngayong presidentiables, magpakatotoo kayo, huwag kayong bolero dahil kaunti na lang ang inyong maloloko. In fairness, Aling Iska, sa palagay ko kaya kumakarera ang mga kandidato sa pagkapangulo ay para pangunahan tayo sa lalong ikauunlad ng ating bansa at ikapapanuto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Oh, totoo, bolero ka rin pala katulad nila.

Well, kanya-kanyang opinion ‘yan. Sa mga forum, debate na dinadaluhan ng mga presidentiables lagging bukang bibig nila ang pagpuksa sa katiwalian sa pamahalaan para daw anila, makahikayat tayo ng mamumuhunan sa bansa at maingat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap. Mahirap iyan!

Si Aquino nangako na hindi magpapataw ng bagong buwis kung manalo.

Sinabi naman ni Gordon kailangan ang bagong buwis para sa serbisyong panlipunan at maaaring gawin ito hindi sa pagkakaroon ng bagong buwis na babayaran kundi sa pagdaragdag ng buwis. Parang ganoon din iyon, Aling Iska, buwis pa rin. Anyway, that’s Gordon.

Binabatikos naman si Aquino dahil sa kawalan ng karanasan sa pangangasiwa ng pamahalaan. Sabi naman niya, tumatakbo siya sa ilalim ng magandang pangalan ng kanyang ina at ama na hindi niya kailanman dudungisan. “In the good name of the father, the good mother and the good son – Noynoy?”

Si Villar naman na tutulog sa dagat ng basura, namasko sa kalsada ay pinupuna sa malakihang paggasta sa kanyang mga political ads. Kinita naman daw niya ang pera mula sa kanyang mga negosyo. Hindi naman siguro sa C-5, na pinakabangan di umano ng real state properties ng kanyang pamilya.

Si Madrigal naman tumatakbo sa pagkapangulo na walang ginagawa kundi durugin si Villar. Inakusahan niya ng katiwalian si Villar at pagagmit nito sa mga bata at artista. Nanalo kayang senador si Madrigal kundi niya ginamit si Juday?

Sinasabi naman ng mga kritiko binibili ni Villar ang kanyang daan patungo sa Malakanyang. Siya naman daw ay nanggaling sa hirap at tumatakbo papuntang Malakanyang na sandamakmak ang yaman.

Sabi naman ni Teodoro ang pagkakaroon ng “impression ng corruption ay nagwawalis at nagpapaalis sa mga kinakailangang investments.

Kapag daw si Gibo ang naluluklok ay hindi matutukso ang mga empleyado ng gobyerno sa corruption dahil lalagyan daw niya ito ng matibay na kalasag.

Lalagyan daw niya ang gobyerno ng kailangang sistema para hindi na umiral ang katiwalian at kung may gagawa man, tiyak na parurusahan.

Si Erap naman ay magbabalik para bigyang hustisya ang illegal di umanong pagpapatalsik sa kanya sa Malakanyang at ipagpapatuloy ang nabinbing pagganap bilang Pangulo ng masang Pilipino. Kung hindi ka lang sana naduwag at hindi ka umalis sa Malakanyang, graduate ka sana at hindi undergraduate na Pangulo. Well, yours (Erap) is still debatable and only history can tell real story. Kung may Erap daw, may ginhawa? Nye...Nyeeee!

Si Eddie Villanueva, magaling na espiritual lider, may liderato, may karanasan, mangangaral, naging haliging bato ng kanyang relihiyon. Pero kung ako sa kanya ipagpatuloy niya ang pangunguna sa kanyang sekta at maging tagapayo na lang ng magiging pangulo. Iyan naman ang gampanin ng mga propeta at saserdote –ang payuhan ang sinumang hari. Pero ang gusto niya –siya na ang hari, siya pa ang pari.

Well, siguro sa kanyang mga tagasunod, puwede iyon. Pero sa iyo puwede ba iyon?


Si Madrigal, well, ano ba ang balak nito, maging pangulo o tumayong campaign manager ni Villar. Puro siya dada laban kay Manny, Eh siya anong gagawin niya?


Si Perlas never heard. Narinig lang ang pangalan ng pumailanlang sa karera sa pampanguluhan. Si Delos Reyes, bilib ako malakas ang loob. Sana tumakbo muna siyang Mayor ng Olongapo.

Si Gordon, ang sabi niya, tayo’y magsama-sama at tiyaking nating maalis na ang katiwalian magpakailanman. Magawa naman kaya ni Gordon ang kanyang misyon o ito ay bulaklak lang ng dila.

Lahat ng mga presidentiables, ang galing magsalita, akala mo kapag sila ang naging pangulo, ang Pilipinas ay magiging paraiso ng katiwasayan at kaunlaran.



Magkatotoo kaya iyan? Oh, iyan ay propaganda lang para malinlang ang mga mamamayan.



Kaya, mag-ingat, magsuri at maging matalino sa pagpili ng susunod na uupo sa trono ng Pangulo.



Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Kaiingat kayo mga kabataan!

Totoo ang kasabihang ang Kabataan ang pag-asa ng bayan. Hindi ito mapasusubalian ninoman.

Subalit kung minsan at kadalasan ang mga kabataan din ang nagiging sanhi ng kabiguan ng mga magulang, ng pagkalat ng ipinagbabawal na gamot, ng karahasan, ng maagang pamumulitika at kung minsan ay nagagamit sa pagsusulong ng makasariling interest pampulitika ng mga pulitiko –trapo man o hindi.

Hindi po natin kinukuwestiyon ang kalayaan ng mga kabataan sa pagpili ng mga bagay na gusto nilang gawin o mangyari sa kanilang buhay. Sila ay malaya at may karapatan sa ilalim ng ating umiiral na batas.

Subalit ito ang payo ni Aling Iska, magpakatalino tayo sa pagpili ng mga sinasamahang barkada, fraternity o asosasyon o pinaniniwalang tao sa lipunan o maging sa mundo ng pulitika.

Maaaring may mga taong maamo, mukhang santo, mukhang hindi makabasag pinggan, mahusay magsalita, mukhang nagpapakababa, mukhang gagawa ng tama at mukhang sila na ang pag-asa ng bayan. Kaiingat kayo sa mga taong ito.

May mga taong masasalubong ka na abot sa kilay ang ngiti, may mga taong sa tingin pa lang ay may sustansiya na. May mga taong nagdadamit ng tupa, pero sila pala ay sugo ng kasinungalingan, sugo ng katigasan ng loob, masamang halimbawa, hindi dapat tularan.

Muli, kaiingat tayo mga kabataan. Lagi nating tatandaan na kapagka ang isang pinuno ang pinagmumulan ng pagkakabaha-bahagi, pagkakawatak-watak at kawalang pagkakaisa, sila ay hindi sugo ng Kaitaasan. Sila ay mga sugong mahilig sa diskusyon, sugo ng kaguluhan at hindi ng inaasam nating pag-unlad at kapayapaan.

Kaiingat kayo sa mga taong nangangako ng mabuting pangangasiwa subalit isinisinsay ito ng kanilang kaisipan at mga paggawa.

Kaya nga Aling Iska, ang mga kabataan ay dapat na mapagmasid. Huwag tayong magpapagamit sa kung sinong may makasariling interes. Lagi nating isasaisip kung ano ba ng makakabuti at tama para sa kabutihan ng lahat at hindi ng iilan na ang tanging layunin ay ipilit ang pansariling kanila na sa palagay nila ay tama kahit hindi na makakabuti sa iba.

May mga kabataan ngayon na umiikot sa lalawigan, nagpapakilalang sila ay samahang apolitical o samahang ang hangad ay magkaroon ng malinis at tapat na halalan at hindi kakampi ng anomang organisasyong pampulitika.

Napakaganda ng kanilang layunin kung babasahin mo ang kanilang palasumpaan at talaga namang mukhang apolitical – ibig sabihin politically neutral at walang kinakampihang kandidato.

Sa palagay mo Aling Iska, sa halalan, hindi kaya nila kakampihan si Governor Eddie Panlilio samantalang siya ang manlilikha nila at nagbibigay ng lahat ng resources maging ng pondo para isulong ang kanilang mga proyekto sa ilalim ng non-office items ng panukalang Provincial Executive Budget para sa taong 2010. Ang kanilang budget na isinusulong ni Panlilio sa Sangguniang Panlalawigan ay P3.3-million.

Sa palagay mo Aling Iska, magsisimula kaya ang kanilang proyektong “Pulayi para king Panyulung, Fun Run 2010 sa buong probinsiya kung wala silang pondong galing sa kanilang manlilikha na si Panlilio.

Wala namang masama riyan, tama iyan. Kung pinaniniwalaan niyo si Among Ed, “go ahead.” Pero huwag ninyong sasabihing hindi kayo partisan. Aminin ninyo na kayo ay mga sugo ni Panlilio na isa na ngayong pulitiko. Iyan po ay inyong karapatan kahit malaman ng lahat ng Kapampangan. Importante iyan ang gusto ninyo at hindi kayo nanloloko na magsasabing kayo ay non-partisan pero ang totoo isinusulong ninyo ang adbokasiya ng isang kandidato.

Eh, ano ngayon kung gusto ninyo si Panlilio. Importante, kayo ay nagpapakatotoo.

Kaiingat kayo mga kabataan!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Comelec sa recount- "animal" na pagong o suso?

Kung ang Commission on Election o Comelec Second Division na dumirinig sa proseso ng recount sa Pampanga ay ikukumpara sa "animal", sila ay maihahalintulad sa pagong at sa suso. Ba! Aling Iska, ba't mo ikunkumpara sa suso ang Comelec? Hindi ba't ang suso ay nagbibigay ng buhay? Hindi ba't ang suso ay bukal ng kalusugan at kaligayahan ng isang ...ano? Bagong silang. Loko mo, ang suso na tinutukoy ko ay iyong "snail" sa ingles.Hmm. hmm I see..masarap iyan pero mag-ingat, mayroon din namang susong lason.

Pero bago natin kaliskisan ang Comelec Second Division ay pasalamatan muna natin si Commissioner Nicodemo Ferrer na walang sawang nag-eentertain sa ating mga tawag sa Cell phone, kung minsan pa nga siya na ang tumatawag kay Aling Iska kahit wrong number.

Well, anyway, kung gaano kadalas ang pagsagot ni Ferrer sa interview ni Aling Iska kung kailan ang promulgation ng recount na isinampa laban kay Governor Eddie Panlilio ni dating Board Member Lilia "Nanay Baby" Pineda ay ganoon din kadalas tayong makuryente sa balita. Ano ba ang ibig sabihin ng "kuryente" sa lengguahe ng pamamahayag? Ang ibig sabihin ng kuryente ay "wrong information", "false alarm" o isang bagay na hindi nangyari. Ibig sabihin ang balita mo ay grounded. Hindi lang grounded, kundi "double dead."

Bakit mo naman nasabi iyan, Aling Iska/ Kasi naman noong Disyembre tinanong namin si Ferrer. "Kailan po ang promulgation ng recount. Sagot ng lolo mo. Well, on Friday.Noong Disyembre iyan, 2009. Ulit na interview, "Well, the promulgation is set on January 7." Na-excite na naman ang mga kapampangan, iyong iba nagpanic, nagvigil pa nga. Come January 7. Tawag uli kay Ferrer. Hindi raw January 7, because it is under review by other commissioners. Well, si Aling Iska, hindi pa rin nagsawa ng kakakulit kay Ferrer last week ang sabi niya "next week". Eh ano na ngayon? Ito na iyong next week na sinasabi niya. Pero para hindi tayo makuryente "this week", may kasunod ang sinabi niya. Ano iyon? "Maybe after next week."

Sa madaling sabi kung kuryente pa rin ang mga pahayag ni Ferrer ukol sa recount ni Panlilio, mukha na yatang nakakaloko na ng kapampangan ang simpatikong commissioner.

Anyway. Mr. Commissioner, you owe to the people of Pampanga the result of the electoral protest because they deserve to know who is the real governor of this province and they cannot be at ease because they do not know whether the seating governor is pseudo or real.

Isa pa, putting the recount "on hang" is unfair to both Panlilio and Pineda. Si Panlilio baka hindi na siya makatulog baka isang araw, hindi na pala siya gobernador at ang diperensiya, hindi na rin pala siya kleriko ng simbahan. Si Nanay Baby baka naman siya pala ang nanalong gobernador na halal ng taong bayan. It's unfair, baka ideklarang gobernandor si Nanay Baby, isang araw na lang bago ang halalan sa Mayo. Tapos ika-count sa kanya ang isang full term, kahit hindi siya ang aktual na umakto sa posisyon. Kung magkagayon, ano ang simpleng impresyon natin sa umiiral na proseso ng electoral protest dito sa Pilipinas? Simple lang, "usad pagong", "susong lason" at pakong hindi lulusot kundi pupukpukin. Ibig sabihin, ang Comelec ay hindi lang nakukuryente sa promulagation ng recount, pukpukin pa.

In fairness, baka naman malalim pa ang ang hinuhukay ng mga commissioners at hindi pa nila nakikita ang mina ng katotohanan kaya patuloy pa nila itong pinag-aaralan.

Habang tumatagal ang recount, mga commissioners, lalong lumalawak ang impresyon ng pagduda sa inyong tanggapan.

Pero ang sabi nga ni Atty. Sixto Brilliantes kahit na sa 2011 pa nakatakda ang recount okey lang. Loko siyempre, tapos na ang halalan noon at maaaring hindi na rin sila ang nakaupo sa kapitolyo. Sa mga empleyado ng kapitol, tama po ba? O ito ay isang pangarap lang ninyo?

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920