Friday, January 29, 2010

Performance Based Bonus?

Empleyado ng kapitolyo nang-utang… Empleyado nagsangla…Empleyado nag-promissory note…nakapangako…Empleyado mukha yatang mapapako. Bakit naman? Kasi naman, Aling Iska, ang inaasahang beinte mil pesos (P20,000) na Chrismas Bonus ay tila yata maglalahong parang bula.

Pusang gala, Atsi kung Iska, nangmilyari king merapat? O kasi naman, y ’Tang Eddie Panlilio ampo rening bapa at dara tamu king Sanggunian Panlalawigan magpasiyasan la. Sa salitang Filipino… Nagpapatigasan. Sa lengguahe ng bakla….hindi na kayo nakakatuwa.

Sa kapitolyo, simula nang maupo si Governor Panlilio ay nanaig hindi ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng higit na nakararaming Kapampangan kundi namayani sa puso at isipan ng mga opisyal lalong lalo na ng punong-ehekutibo kung paano pairalin ang kanilang makasariling prinsipyo –ang katigasan ng kanilang loob para maipahiwatig lamang na sila ang tama at ang iba ay masama.

Sa usaping “Krismas Bonus”, tinuran ni Panlilio na ang mga empleyado ay makakatanggap lamang ng P10,000 subalit ang dagdag na P10,000 libo pa ay ibabatay sa kani-kaniyang performance ng mga empleyado.

Kung ang taong bayan o ang mga empleyado na lang ng Kapitolyo ang tatanungin, pumasa kaya ang naging paggawa ni Panlilio bilang isang gobernador sa loon ng isang taon? May isinumite kayang performance target si Panlilio para sa kaunlaran hindi lang ng kapitolyo kundi ng buong lalawigan ng Pampanga? Gaano kaya kalaki ang kanyang konribusyon sa pagpapagamot sa mga may karamdaman? Napaayos ba niya ang mga district hospitals na sa kasalukuyan ay kahabag-habag ang kalagayan? Gaano kaya ang kanyang naiambag sa pag-unlad ng imprastrakura, ekonomiya at kabuhayan ng mga tao sa Pampanga? Ramdam kaya ng mga Kapampangan na may gobernador sila noong 2009 na handang tumulong at magmalasakit para sa kanilang kapakanan.

Sa pagkakaalam ko Aling Iska, nakapagsilbi si Panlilio sa kakarampot na dami ng mga kapampangan sa pamamagitan ng Pamisaupan. Okay ang proyekto pero para lang itong band-aid solution sa problema ng kagutom at kahirapan. Na maaaring mabusog ang kakarampot na kabataang napagsilbihan pero sa isang saglit, ramdam na naman ang kagutom at kahirapan dahil ang kanyang Pamisaupan ay hindi isang programang pangmatagalan kundi Photo-ops at pacute lamang.

Balikan natin ang P20,000 bonus… sa palagay ko Aling Iska, sa itinatakbo ng isipan ni Panlilio ay hindi na maipagkakaloob pa ang naturang bonus…Kawawa naman ang mga empleyado, ang bonus na ipinangako sa utang ay isang alaala na lamang. Sapagkat ang dahil ay hindi raw P20,000 across the board bonus ang hiniling niya sa konseho ng kapitolyo kundi P10,000 lamang at ang dagdag na P10,000 ay extra cash gift kung ang empleyado ay nagtrabaho ng husto batay sa performance appraisal.

Ang tanong natin kay Panlilio, naipatupad naman ba niya noong Enero 2009 ang pagbuo ng performance target ng bawat empleyado na kanilang isasakatuparan sa loob ng isang taon? May ibinigay ba siyang pamantayan na direksiyon ng kanyang administrasyon na na magiging batayan ng performance target ng mga empleyado o wala? Aling Iska, wala yata.

Diyusmiyo Marimar, kung gayon bakit niya ipinagpipilitan ang performance based bonus kung wala naman silang performance target noong 2009. Kumbaga, noong 2009, suntok sa buwan ang paggawa, kung ano na lang ang maisip ng empleyado. Eh paano hindi pinagawan ng performance target every month, for the whole year.

Sabi ni Panlilio, iyon daw job description ang pamantayan, ay diyusmiyo uli, paano mo makuquantify ang job description kung walang target na dapat maisakatuparan. Eh, kung nagtrabahong minsan ang empleyado batay sa job description, okay na ba iyon?

Kailangan may target sa espisipikong petsa o buwan para malaman kung nagawa ito sa actual na pangyayari o hindi.

Pero wala yatang ibinigay na pamntayan o tinatawag na Key Result Area. At kung mayroon man, bilang isang gobernador, sumunod ba ang 2,100 empleyado ng kapitolyo o para lang siyang nagsalita sa hangin? Kung siya ay nagsasalita sa hangin, paano pa niya pangungunahan ang milyong bilang ng mga Kapampangan.

Kung hindi siya isang makapangyarihang lider na nakapagpapatupad ng simpleng “performance appraisal” at hindi siya sinusunod ng kanyang mga nasasakupan, ang payo ko sa kanya ay manahimik na lang siya at huwag ng makipagpatigasan ng loob, dagliang ipagkaloob ang bonus bago pa magsara ng libro ang tesorero para sa taong 2009 at mauwi pa sa wala ang inaasam na bonus na pambayad utang at pambayad sa sangla ng mga empleyadong tunay na naapi sa usaping Krismas bonus.

Kung sa palagay ni Panlilio na hindi rin siya nakapagtrabaho ng maayos dahil wala rin siyang target at puro actual ang ginawa niya, ibigay na lang niya ang bonus para magkaroon din siya kahit walang pinagbatayan ang kanyang performance.

We cannot say if Panlilio’s performance is poor or good because he failed to set performance' parameters. But one thing is sure, Kapampangans have their own set of criteria with regard to Panlilio's effort–ang pagdami ng nagkakasakit na hindi natutulungan at ang kumakalam na sikmura dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Bonus… nahohokus..pokus..

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

No comments:

Post a Comment