Friday, January 29, 2010

Comelec sa recount- "animal" na pagong o susong lason?

Kung ang Commission on Election o Comelec Second Division na dumirinig sa proseso ng recount sa Pampanga ay ikukumpara sa "animal", sila ay maihahalintulad sa pagong at sa suso. Ba! Aling Iska, ba't mo ikunkumpara sa suso ang Comelec? Hindi ba't ang suso ay nagbibigay ng buhay? Hindi ba't ang suso ay bukal ng kalusugan at kaligayahan ng isang ...ano? Bagong silang. Loko mo, ang suso na tinutukoy ko ay iyong "snail" sa ingles.Hmm. hmm I see..masarap iyan pero mag-ingat, mayroon din namang susong lason.

Pero bago natin kaliskisan ang Comelec Second Division ay pasalamatan muna natin si Commissioner Nicodemo Ferrer na walang sawang nag-eentertain sa ating mga tawag sa Cell phone, kung minsan pa nga siya na ang tumatawag kay Aling Iska kahit wrong number.

Well, anyway, kung gaano kadalas ang pagsagot ni Ferrer sa interview ni Aling Iska kung kailan ang promulgation ng recount na isinampa laban kay Governor Eddie Panlilio ni dating Board Member Lilia "Nanay Baby" Pineda ay ganoon din kadalas tayong makuryente sa balita. Ano ba ang ibig sabihin ng "kuryente" sa lengguahe ng pamamahayag? Ang ibig sabihin ng kuryente ay "wrong information", "false alarm" o isang bagay na hindi nangyari. Ibig sabihin ang balita mo ay grounded. Hindi lang grounded, kundi "double dead."

Bakit mo naman nasabi iyan, Aling Iska/ Kasi naman noong Disyembre tinanong namin si Ferrer. "Kailan po ang promulgation ng recount. Sagot ng lolo mo. Well, on Friday.Noong Disyembre iyan, 2009. Ulit na interview, "Well, the promulgation is set on January 7." Na-excite na naman ang mga kapampangan, iyong iba nagpanic, nagvigil pa nga. Come January 7. Tawag uli kay Ferrer. Hindi raw January 7, because it is under review by other commissioners. Well, si Aling Iska, hindi pa rin nagsawa ng kakakulit kay Ferrer last week ang sabi niya "next week". Eh ano na ngayon? Ito na iyong next week na sinasabi niya. Pero para hindi tayo makuryente "this week", may kasunod ang sinabi niya. Ano iyon? "Maybe after next week."

Sa madaling sabi kung kuryente pa rin ang mga pahayag ni Ferrer ukol sa recount ni Panlilio, mukha na yatang nakakaloko na ng kapampangan ang simpatikong commissioner.

Anyway. Mr. Commissioner, you owe to the people of Pampanga the result of the electoral protest because they deserve to know who is the real governor of this province and they cannot be at ease because they do not know whether the seating governor is pseudo or real.

Isa pa, putting the recount "on hang" is unfair to both Panlilio and Pineda. Si Panlilio baka hindi na siya makatulog baka isang araw, hindi na pala siya gobernador at ang diperensiya, hindi na rin pala siya kleriko ng simbahan. Si Nanay Baby baka naman siya pala ang nanalong gobernador na halal ng taong bayan. It's unfair, baka ideklarang gobernandor si Nanay Baby, isang araw na lang bago ang halalan sa Mayo. Tapos ika-count sa kanya ang isang full term, kahit hindi siya ang aktual na umakto sa posisyon. Kung magkagayon, ano ang simpleng impresyon natin sa umiiral na proseso ng electoral protest dito sa Pilipinas? Simple lang, "usad pagong", "susong lason" at pakong hindi lulusot kundi pupukpukin. Ibig sabihin, ang Comelec ay hindi lang nakukuryente sa promulagation ng recount, pukpukin pa.

In fairness, baka naman malalim pa ang ang hinuhukay ng mga commissioners at hindi pa nila nakikita ang mina ng katotohanan kaya patuloy pa nila itong pinag-aaralan.

Habang tumatagal ang recount, mga commissioners, lalong lumalawak ang impresyon ng pagduda sa inyong tanggapan.

Pero ang sabi nga ni Atty. Sixto Brilliantes kahit na sa 2011 pa nakatakda ang recount okey lang. Loko siyempre, tapos na ang halalan noon at maaaring hindi na rin sila ang nakaupo sa kapitolyo. Sa mga empleyado ng kapitol, tama po ba? O ito ay isang pangarap lang ninyo?

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

No comments:

Post a Comment