Friday, January 29, 2010

Konstraktibong puna sa politika (Part 1)

Sa paksang ito ay nais kong sabihin mo Aling Iska kung ano ang mga konstraktibong impression at puna mo sa mga kasalukuyang nanunungkulang Congressmen sa Pampanga.

Pusang gala, ibig mong sabihin uutuin natin at bobolahin natin ang mga Congressmen? Ayoko ng nang-uuto o nambobola, Aling Iska. Hindi ba ganyan ang mga pulitiko? Oo nga, pero ang gusto ng mambabasa sabihin mo ang totoong impression sa mga Congressmen.

Aro, mariasantisima, kasakit na niyan. Pero para malaman din ng ating mga kongresista kung sino at ano ang impression ng ilan nating mga kababayan ay sasabihin ko ang totoo kahit na sila ay mga kaibigan at ang iba ay ating kakilala.

Huwag kayong masasaktan mga Congressman dahil dapat ninyong paniwalaan ang kasabihan sa Ingles na, ‘ You cannot please, everybody.” Eto, pa,”Ang totoong kaibigan ay pumupuna sa kamalian, ang masamang kasama na ipapahamak ka ay iyong nambobola at inuuto ka.” Kaya, si Aling Iska ay pagbigyan dahil siya’y maaaring maging matapat na kaibigan.

Ang dami mong pasakalye, Aling Iska, mambabasa ay inip na sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa mga Congressmen.

Okay, sa First District, si Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin. Si Congressman ay tuwang-tuwa kapagka binabanggit na siya ay Congressman Ditak a Salita, Dakal a Gawa. Pero hindi niya mapasusubalian ang katotohanan na siya ay tumatanda na at sinasabing makakalimutin dala ng kanya siguro’y maraming isipin. Si Carmelo ay simpleng pulitiko, simpleng kumilos, mahinahong magsalita pero kadalasan ay nasa Casino. Pero ang sabi niya, walang taong pumapasok sa Casino na nanalo, lahat sila ay talo. Matalo kaya siya? Sa Casino? Hindi, sa kanyang muling pagtakbo sa Kongreso. Kaya pa kaya niya ang batang-batang si Ares Yabut? Ang sabi ni Tarzan, si Yabut at si Bacani ay hindi niya mga kalaban dahil sila sa number ay nag-uunahan. Ibig sabihin, kahit kaunti ang salita at hindi naman nakakatuwa, si Congressman Tarzan ay may kayabangan na dinala yata sa katandaan. Pero sa tingin ko si Ares Yabut ay mahihirapan dahil ang kalaban ay ang beteranong si Tarzan. Taga na sa panahon. Iyan ang aking impression.

Sa Second District. Si Congressman Mikey Arroyo. Anak ng Pangulo, maraming napatupad na proyekto. Maamo at masunurin sa ina. Pero ang nakapanghihinayang ay hindi siya mananalo sa Senado. Talagang hindi siya mananalo sa Senado, dahil hindi naman siya kumandidato. Hindi iyon. Kahit tumakbo siya, tiyak hindi siya mananalo. Kasi ang impression kay Mikey Arroyo ay akala mo kung sinong anak ng Pangulo. Kahit sinong pulitiko na kanyang kaaalyado lalo na’t kaibigan ay sinisigawan at pinaiikot na parang turumpo. Ito namang pulitiko dahil gusto ng proyekto, kahit utusan na mag-chitae at gumulong-gulong ay okay lang basta masabing siya ay kaibigan ng presidential son. Ang sabi naman ng iba, ganoon lang talaga si Mikey. Kapagka raw, napaglaruan niya ang isang tao at nagawan ng katatawanan, ito ay ituturing niyang isang tunay at tapat na kaibigan. Pero kung ang susukatin ay public service for public good, sobra-sobra ang nagawa ni Mikey Arroyo sa kanyang distrito, higit sa kanino mang Congressman.

Well, kung ganyan ang congressman na maraming proyekto at maraming natulungang tao, okay na ang mayabang basta’t may nagagawang kabutihan. Kaysa naman sa Congressmang simple pero walang nagawang mabuti. Pero mas okay at mas kagigiliwan ang simple na gumagawa ng mabuti. Kaysa naman sa mayabang na baka may iba pang kalokohan. Si Mikey ay hindi na mananalo sa segunda distrito dahil ang bagong Congresswoman ay ang mahal na Pangulo. Tiyak iyon!!

Sa Third District, si Congressman Aurelio “Dong” Gonzales. Ang Congressmang malaki at mataas ang tingin sa pangalan na parang sa langit ay nagpaparangalan. Parang lagi nitong ipinagyayabang ang katagang, “Gawa ku ini, proyekto ku ini, king lagyu ku ini, mikukualta ku keni.”

Well, in fairness Aling Iska, bago pa nagCongressman si Dong, ay matagal na siyang mayaman. Akala ko matagal ng mayabang. Ano pa, Aling Iska. Matagal na ring malaki ang pangalan sa mga proyektong nakalap niya noon sa Senado at sa mga ahensiya ng gobyerno.

Oo, alam ko iyon, hindi ba Contractor siya noon? Triple A pa nga ang kanyang construction firm. Iyon ang sabi niya noon. Ewan ko lang ngayon kung aktibo pa ang construction business ng guapong Congressman. Pero, alam mo, sa tingin ko, parang nagbago na si Cong Dong. Talaga yatang nakapagpapabago ang malaking pangalan, ang katanyagan at ang kaisipang pipitsugin at small time ang kalaban. Pero lagi mo ring tatandaan Congressman, “walang malaking bato ang nakakapuwing. Kahit tutuli o maliit na dumi kung hindi gugustuhin ng kapalaran ay kaya kang pabagsakin ng kahit simpleng kalaban. So, anong payo mo Aling Iska? “Laging tingnan ang dumi sa talampakan. Huwag laging nakataas ang leeg baka magka-stiff neck.” Kasi naman ito iyong tipo ng Congressman, na lahat ng proyekto ng gobyerno sa distrito ay kanya at wala ng iba dahil nakalitro din naman ang Pangulong Arroyo sinlaki ng kanyang larawan at siyempre ng kanyang ipinagmamalaking pangalan. Pero, sa katapos-tapusan mananalo pa rin si Congressman. Iyan ang aking impression.

Sa Kuwatro Distrito, si Congresswoman Anna York Bondoc Sagum. Isang kongresistang masipag kahit sukdulang mag-gate crash may proyekto lang na maibigay at maipamalas.

Pero ano ang first impression mo kay Dra. Anna? Siyempre, tatapatin na kita. Si Dra. Anna ay mukhang supladita. Pahirapan kung ngumiti.at tumawa. Kung titingnan mo parang maldita. Pero kung matagal mo ng kausap okay naman pala. Kunwa ay ayaw pag-usapan ang pulitika, pero estratehiya lang pala. Joel, ang sabi niya minsan, huwag muna nating pag-usapan ang pulitika at iyong ibang tao lang diyannang namumulitika, kasama ka na. Ba, nag-isip-isip ako. Hindi naman ako pulitiko at hindi rin ako tatakbo dahil bawal sa relihiyon ko. Ikaw naman Aling Iska, ang ibig lang sabihin ni Congresswoman, napipikon siguro siya sa kakatanong mo ng pulitika. Siyempre, kailangan ding maintindihan ni Congresswoman na trabaho ng media ang ang magtanong at mag-usisa. Well, in fairness, si Dra. Anna, marami ring proyektong kulay pink. Kapagka pink. Kapagka nakakita ng batong pink, puwede mo nal ilink kay Dra. Anna, siguradong aakuin niyang sa kanya ang proyekto kahit ito ay regular projects ng ahensiya ng gobyerno. Eh, kanino mo gustong ipangalan ang proyekto? Gusto ko sana sabihin niyang “ito ay proyekto ni Juan Dela Cruz”. Ba ayaw ni Dra. Anna nang ganyan baka hamunin siya ni Juan sa pag-Congresswoman. Hindi naman dahil si Juan dela Cruz ay hindi pulitiko at nagbabalatkayo, siya ay totoong tao.

Pero in the end ano ang impression mo? Mahihirapan pa rin kay Dra. Anna ang Congressional-wannabe ng Candaba..

Well, iyan ang imga konstraktibong puna ni Aling Iska sa apat na Kongresista ng Pampanga, tanggapin man nila, magalit, mainis man sila o hindi. Dahil ang bolahin sila at magsinungaling ay hindi ugali ni Aling Iska. Kung bago mas maganda. Pero natural na siguro sa pulitiko ang ganyan.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

No comments:

Post a Comment