Bakit mo naman na nasabi Aling Iska na inutil ang mga yellow boys at pulis na nakadestino sa Traffic Management Group ng San Fernando? Sinabi ko nagbubulag-bulagan, hindi inutil. Pusang gala Aling Iska, ganoon din iyon.
Atse kong Iska iyan ba iyong reklamo ng mga drivers na dumaraan sa GSO road na ginawa raw na central terminal ng mga bus at jeepney ang island diyan sa may harap ng Paskuhan?
Tumpak!! Kasi naman iyong talagang central terminal ng siyudad ay nagmimistulang sementeryo, kaunti ang tao at kaunti ang nakabukas na establisyemiento. Ibig mong sabihin Aling Iska, wala ring kakuwenta-kuwenta ang central terminal na brain child ng pangasiwaan ng siyudad ng San Fernando? Tumpak!!!
Tumpak rin ba na magbulag-bulagan ang city hall sa nangyayaring pagsalaula sa kakalsadahan ng San Fernando sa pamamagitan ng walang habas at walang takot na pagsasakay at pagbababa ng mga pasahero sa island ng GSO malapit sa tapat ng Paskuhan?
Hindi siguro. Ito ay isang malinaw na pagpapabaya at kakulangan sa pagdisiplina ng mga traffic enforcers sa siyudad ng San Fernando. O baka naman kaya hindi nagbabawal dahil sa nalalagyan? Nang ano? Ba, ewan ko. Itanong mo kay Mamang pulis. Tiyak sasabihin nilang sila ay malinis. Siyempre, alam nila ang ikalabing isang utos, “huwag mong aminin”.
O, kaya diyan sa mga yellow boys at kapulisan ng San Fernando magtrabaho naman po kayo. Pakitingnan kung tama o mali ang loading at unloading ng mga pasahero. Kasi, hindi na nakakatuwa, nakakasumami na, isore pa. Basta isipin niyo na lang mga boss lalo na kay Mayor Oca at kay Col. Medina, “Agyu Tamu”. Eko mangaina lub, a bawal yo reng mangasias a buntuk.
Sa bayan naman ng Candaba, maligayang araw ng 2nd Ibon-Ebon Festival. Ngayon pa lang ay nais ko ng batiin ang aking mga kapwa candabenio ng isang maligayang pagtatagumpay.
Muli ay magandang balita na naman ang lalabas sa lahat ng pahayagan, radio at telebisyon na ang Candaba ay isang progresibong bayan na may pagmamahal sa kapwa at sa kalikasan.
Sa ganitong paraan ay marami ang nagkakainteres na mamuhunan sa ecotourism sa bayang ito ng mga dayuhang ibon. Ang mga ibong balikbayan ang nagdadala sa kasalukuyan ng magandang oportunidad at kinabukasan sa bayan ng mga matatamis na pakwan at milon.
Kay Mayor Jerry Pelayo, sabihin na nilang magkaibigan tayo kaya ko nasasabi ito pero ito talaga ang totoo at tunay na kuwento. “You are the best mayor that Candaba has ever had.”
I salute you for your being a working mayor, a dreamer and visionary who makes things happen no matter what they say.
Sa paninira ng iba riyan sa pamamalakad ni Kuyang Jerry. Pasensiya na, inggit lang kayo siguro o mayroon kayong makasariling ambisyong pulitikal.
Saka na iyan. Samantalahin muna natin ang magandang simula ng pag-unlad ng Candaba sa ilalim ng pangangasiwa ni Kuyang Jerry.
Keep up the good work. Always think that “You cannot put a good man down and that is you, Kuyang”.
Purihin ang dapat purihin, punahin ang dapat punahin sa ngalan ng paglilingkod sa bayan.
Ang galing Aling Iska, ikaw ba iyan? Loko eka masigla, kekata yang adwa iyan.
Hanggang sa muli, maranun kong muli.
No comments:
Post a Comment