Friday, February 27, 2009

“Melo Touch”- sa recall, bading ang dating

BADING ANG DATING, BADING ANG TINGIN. Ang sarap buching-chingin ni Comelec Chairman Jose Melo.



Aling Iska, bakit duling ya ta ang tingin mo sa ginawang “mellow (Melo) touch” ng Comelec sa recall election? Tingnan mo, noong Enero, ang pinalabas na press release ng kanyang tanggapan ay ito: “Comelec paves way for recall elections”. “Suspension on petitions lifted”.



Kung titingnan, sumulong ano po? Pero ngayon ang top story nila ay: “Comelec can no longer hold recall polls.” Umurong, ano po? Kaya itong Comelec under Melo touch and watch ay urong-sulong-urong, in short, alanganin ang dating. Ibig sabihin, ang Comelec ay tunay ngang bading sa pagtingin sa mga karapatan ng mga mamamayan sa recall sa ilalim ng ating Constitution.



Ay Diyusmiyo, Gagambino at Totoy Bato, kung hindi rin natin igagalang at ipapatupad ang itinatadhana ng batas, hindi na talaga uunlad ang bansang Pilipinas. Dahil sa ang mismong mga opisyal na inatasan para ito ay bantayan at isakatuparan ay walang lakas ng loob na ipaglaban.



Aling Iska, ang Comelec ba kung gayon ay nagkakasala sa konstitusyon at sa mahigit na 200,000 recall petitioners sa Pampanga pa lang na umaasang isang araw ay matitikman nila ang kanilang karapatan na magsagawa ng isang malinis at tapat na recall election bunga ng kawalang tiwala sa taong nagpapatakbo sa lokal na pamahalaan ng mga Kapampangan.



Kung totoo ang ginagawang “finger pointing” ni Melo kay Senator Edgardo Angara na siya raw nag-alis ng P50-million budget para sa recall polls sa General Appropriations Act of 2009. Sa palagay mo Aling Iska, dapat mo pa bang iboto si Angara dito sa Pampanga para sa pambansang halalan sa 2010?



Ba, nasa mga Kapampangan iyan, sila ang magpapasya kung si Angara na sumikil sa kanilang karapatan sa recall election ay dapat bang iboto o isuka sa Pampanga?



Aling Iska, ikang kukutnan ku, ali me papasa ne. Nanung gawan ta kang Angara king gewa ng leko ne ing budget keng recall? Ang gara ng Pampanga, kung si Angara ay may malasakit sa karapatan ng mga Kapampangan. Pero sa ginawa niya, mas makabubuting idelete, alisin ang kanyang pangalan sa balota at sa anomang halalang kanyang lalahukan.



Sa Comelec chair na si Melo na urong-sulong-urong, na hindi kayang ipaglaban ang karapatan sa recall ng mga Kapampangan, saan kaya patutungo ang Comelec sa ilalim ng inyong “Melo touch”,



Ano ba sa paningin mo, Aling Iska ang “Melo Touch”? Bakla sa paninindigan. Negatibo ang tingin sa kinabukasan. Hindi pa naman nangyayari ay urong na ang bayag sa bagay na hindi naman nila natitiyak sa hinaharap.



Wala na raw panahon ang recall eleksyon. Paano magkakapanahon, eh hindi nga ninyo pinaglalaanan ng budget taon, taon ang recall election sakaling magkaroon. The Comelec as an institution should always be one step ahead, pro-active and anticipative. Hindi iyong kung kailan kayo magbabawas, doon lang kayo hahanap ng papel na pamunas sa inyong almuranas. Ang baho po nila, ano po?



Pero may mabuti din namang ginawa ang Comelec, napatunayan nila at pinatunayan nila na ang petition for recall ng mahigit 200,000 kapampangan is sufficient and in form and substance.



Sa pagpapatibay na ito ng COMELEC ay makakahinga na ng maluwag ang mga petititioners. Bakit kamo? Napatunayan nila na ang petisyon laban kay Panlilio ay totoo at hindi imbentong kuwento that they have lost their confidence to the weak ang controversy tainted leadership of Governor Eddie Panlilio.



RELATED POSTS



No comments:

Post a Comment