Monday, February 23, 2009

Maraming salamat po Pangulong Gloria sa pagmamahal mo sa Pampanga

Si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, cabalen, kapampangan, kadugo, kapamilya, kapuso, nagpapaunlad, nagbibigay ng lakas sa ekonomiya at maraming gahiganteng pagbabagong physical sa kaanyuan ng buong lalawigan.


Kung tutuusin, bilang mga Kapampangan, marami tayong dapat pasalamatan una sa Dakilang Lumikha, pangalawa sa Pangulong Goria dahil ang kanyang panunungkulan ay nagdala ng kasaganaan sa ating kabuhayan at sagot sa pangangailangang pang-inprastraktura ng Pampanga.


Pero, ba’t ganoon Aling Iska? Kapampangan ka, bakit hindi kamanlang nag-rereact kapagka binabato siya ng mga walang basehang pagbibintang na may layuning siraan siya at gamitin ang malisyosong akusasyon sa pagpapasikat ng ibang may ambisyung political? Tulad nino? Sabihin na nating si Governor Eddie Panlilio.


Ah, ah, ayari mu ku kanyan? Wa, ne brod. Anti mo y Panlilio, babanatan ne ing Presidenteng Kapampangan, ing Cabalen tamu, nanu mo kayang agawa na ng mas mayap para king Pampanga migit king agawa Atseng Gloria.

Ba, ing tutu na niyan, agyang katiting, alaya pa king kalingkingan ng Ate Glo nung ing pisasabyan ing kasopan para king ikasasaplala ning balen Kapampangan.


Mula noon hanggang ngayon, si Pangulong Gloria ay nagsusumikap na para sa Pampanga. Tanda mo pa Aling Iska, senador noon si Ate Glo nang pumutok ang Bulkang Pinatubo, si Senador Gloria ay naging instrumento sa pagpapasa ng mga batas sa paglalaan ng pondo para sa muling pagbangon ng lalawigan mula sa ngitngit ng bulkan.


Si Pangulong Gloria ay umupo bilang Bise Presidente at Kalihim ng DSWD, si Atseng Gloria ay nagsumikap na matulungan ang mga mahinang sector ng kababaihan, pamilya at komunidad sa ating lalawigan sa pamamagitan ng Self Employment Assistance (SEA) para sa Kaunlaran, pinagtibay ang mga institusyong tumutulong sa mga inabusong kabataan at kababaihan at maraming pang iba na nagpapataas sa uri ng pamumuhay ng mga pamilyang Kapampangan.


Umupo bilang Pangulo ng bansa, nagsumikap para magkaroon tayo ng superhighway para sa lalo pang makamit ating pinapangarap na kaunlaran bilang isang Kapampangan at bilang isang umuunlad na lalawigan tulad ng North Luzon Expressway, Subic-Clark Tarlac Expressway, pagpapagawa ng national roads and mga mahahalagang tulay na nag-uugnay sa mga bayan at lalawigan.


Lahat ng iyan ay naisasagawa dahil mayroon tayong presidenteng Kapampangan na sa Pampanga ay lubos na nagmamahal.


Pero bilang mga Kapampangan, ano ang dapat nating isukli sa kanyang pagmamahal? Panunumbat? Pag-aakusang walang basehan? Hindi ba’t dapat natin siyang alalayan at suportahan sa kanyang mga adhikain na paunlarin, hindi lamang ang ating lalawigan kung ang buong sambayanang Filipino.


Hindi ka Kapampangan, hindi ka taga Pampanga kung hindi ka nagmamahal sa taong kinakasangkapan para sa kaunlaran ng ating lalawigan. Iyan si Pangulong Gloria.


Aling Iska, sa puntong ito, Lahat ba ng paninira laban kay Atsing Gloria ay dapat nating ikondena? Kung Kapampangan ka!!!!! Kung buwaya at ahas ka, hindi imposibleng manira ka. That’s instinct to a snake. Ahas ba si Panlilio? Hindi ako ang nagsabi niyan?

No comments:

Post a Comment