Habang pansamantala tayong nawala sa sirkulasyon ng kuwento at balita sa kapitolyo, may mga nangyayari palang palitan ng mga salita sa pagitan ni Goberndor Eddie Panlilio at kay dating Pampanga Police Director Ernald Keith Singian at mayors’ league.
Talaga yatang si Governor ay ‘war freak’. Pero ang problema kay Gob, siya ay armado lang ng hearsay and take note, he wants to be heard all over the
Sa iyo namang paglisan, Colonel Singian sa PPO, baunin mo ang aking paghanga at pagsaludo sa iyong kakatatagan at mga accomplishments na hindi kinabibiliban ng gobernador.
Kanya-kanya tingin lang iyan, Kung ang tingin natin kay Singian ay diretso, kay Panlilio, duling sigurado dahil puro hinala siya na hindi lang doble doble ang nasa likod ng pananatili dati ng dating PD.
O siguro, happy ka na niyan, sa paningin mo ay wala na si Singian at ang kanyang mistah sa eskwela ang iyo ng kasama – si Senior Superintendent Gil Lebin. Talagang ang pagkakataon ay mailap at mapagbiro, ano po?
Sa halos dalawang taon ng dating pari sa kapitolyo, marami siyang distinct record, una, gob na iniwan, nirecall at pinagbibitiw at siya palang ang gobernador na nag-akusa ng kawalang paniniwala sa Philippine National Police kaya naman siya palang ang gobernador na ayaw pagbigyan at pagkatiwalaan ng hindi niya pinagtitiwalaang kapulisan.
Ang pakikibaka para sa isang krusada lalo na sa jueteng ay hindi kailangang ngawa ng ngawa, akusa ng akusa sa kapwa nanunnungkulan. Ito ay kailangang suportahan ng matibay na ebidensiya kundi hindi umuwi lang ang iyong krusada sa pagpapasikat sa sarili, trial by publicity, media mileage at kung ano-ano pa. Pero ang totoo, isa siyang malaking inutil at putong walang asukal kung ang pag-uusapan ay governance.
Bakit siya inutil Aling Iska? Una, ang kanyang good governance ay lip service laang. Ang jueteng, dahil hindi niya masugpo, ginagawang tangnan para sumikat at makahabol ng senador sa susunod na eleksyon.
Ang akala naman niya may naniniwala pa sa kanya. Ang totoo para lang siyang nagsasalita sa hangin na walang gusting sumunod, walang gustong umaksyon. Bakit nga? Eh kasi, puro lang siya salita, mahina sa gawa dahil ang mga katuwang sa pangangasiwa, inaway niya at hindi niya, akala mo siya lang ang tama.
Kaya ang masasabi natin, ang pangangasiwa na mahina ang gabay dahil sa marupok ang paghawak, siguradong banging ng kawalan babagsak. Iyan ang larawan ng pangangasiwa ng kasalukuyang hari ng Kapitolyo.
Kaya kung ako kay Panlilio, magbibitiw na lang ako para maingatan ang kasagraduhan ng simbahan at panunungkulan higit sa lahat ang kanyang dangal bilang isang tao at kapampangan.
No comments:
Post a Comment