Aling Iska, kung dadalaw ka kaya sa Kongreso sa araw na ito, makibalita kung ilang makabuluhang panukalang batas ang naipasa ng ating apat na Congressmen, mabibilang mo kaya sa kamay kung ilan na ang naisabatas na panukala.
Ay Diusmiyo, inutusan mo pa ako. Batas ka mo? Oo. Hindi ba kaya sila Kongresista para umakda ng batas sa kongreso. Tumpak! Pero palpak! Ang alin? Ang obserbasyon mo. Bakit naman? Mga kongresista natin, kaya tumakbo para tumabo ng proyekto sa distrito.
E, siyempre, kikita ka ba sa batas? Kahit magsisigaw ka sa kongreso, wala ka, kung wala kang nasasabat ng proyekto. Buti pa sa proyekto, pogi ka na sa kadistrito, gusto ka pa ng tao. Sikat pa ang mas malalking litrato kaysa proyekto. Pero sa paggawa ng batas, wala yata silang galing na maipamalas.
Tama po ba si Aling Iska sa kanyang simpleng pananaw? Kung hindi kayo naniniwala, e talagang ganoon. Pero ituloy mo pa ang diskusyon Aling Iska.
May mga kongresista diyan, na congressman na, contractor pa kung hindi naman may dummy contractor siya. Tapos sasabihin nila hindi sila tumatanggap ng S.O.P. Kagagahan! Papaano nga sila tatanggap ng S.O.P., eh sila mismo ang contractor ng proyekto? Lokohin niyo ang lelong niyong panot. Hindi ba ang contractor ang nagbibigay ng S.O.P. Ba, mas mahusay nga kung congressman ka na, may ginagamit ka pang contractor, kunwaring hindi sa iyo. Pero actually, sa kanya o kasosyo siya. Puwede mo siyang tawaging Congressman S.O.P.
Huwag kang magtatanong ng sariling akdang batas sa mga congressmen natin, tiyak wala silang maipakikita. Siguro mga simpleng resolusyon meron. Pagpapalit ng pangalan ng kalsada, ng eskuwelahan. Pero bukod doon wala na. Puro pending bills.
Pero ito ang ating natitiyak. Lahat ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Education (DEPEd) sa kani-kanilang distrito, ang gusto nila may malalaking pangalan nila. Para bang sinasabi nila na sila ang may kapangyarihan sa pagpapatupad ng infrastrakturang proyekto sa kani-kanilang Distrito.
Ibig lang sabihin, hindi sila magkasya sa kanilang taunang “pork barrel” kaya pati pondo ng DPWH at DepEd sa infrastraktura at pagpapagawa ng eskuelahan ay kanilang pinagdidiskitahan.
Katunayan, isiningit pa nila bilang isang probisyon ng 2009 budget, na dapat muna silang konsultahin at dapat muna nilang pagtibayin ang isang proyekto ng DPWH at DepEd bago gawin ang proyekto sa kanilang distrito para nga naman mamarkahan ng kanilang gahiganteng pangalan.
Susmaryosep, Aling Iska, ibig mong sabihin, tumitiba na sila, sikat pa sila, may utang na loob pa ang mga mamamayan. Pero ang totoo sila mismo ang unang nakikinabang sa proyektong galing din sa buwis ng sambayanan. Ganyan ba talaga ang ating mga congressman?
Kaya sa simpleng pananaw ni Aling Iska, ang pakikialam ng mga kongresista sa bilyong pondo ng DPWH at DepEd is in aid of re-election next year.
Sa ating mga kongresista, gawin po ninyo ang katungkulan na inaasahan sa inyo sa kongreso. Okay lang po at tama na tumulong kayo sa pag-unlad ng distrito pero huwag naman sanang garapalan ang pagkaltas niyo ng SOP.
Kaya tingnan mo ang sinemmento at saka iyong inaspaltong daan, wala pang ilang buwan, sira na naman. Pera na naman. Road repair na naman. Kurakot na naman. Ay Diyusmiyong congressman ka, magbago kayo. Huwag kayong kurakot dito kurakot doon.
Biruin mo naman, hindi pa nagsisimula ang proyekto, natatanggap na nila ang para sa kanila. Kaya ayon, 60% na lang ang sa proyekto, kasama pa iyong kita ng kanyang inupahang dummy na contractor. Kaya lumlitaw, 30% ang natira sa kawawang proyekto. Sasabihin naman ng tumanggap na Kapitan ng barangay. Mabuti na iyong 30% kaysa wala.
Ay Aling Iska, bukas naman, baka uminit ang ulo mo, masabi mo pa ang kaniyang pangalan.

No comments:
Post a Comment