Bawal po ang magkasakit!!! Mag-ingat ka Aling Iska. Talagang kailangan nating mag-ingat para sa ating kalusugan.
Pero alam mo Aling Iska, may hospital dito sa San Fernando, ginto ang gastos ng mga pasyente. Akala mo nasa pinakamahusay kang pagamutan pero hindi naman dahil sa karamihan ng nahohospital na may malubhang karamdaman, humahantong lang sa libingan.
Karamihan sa mga pasyente sa Intensive Care Unit ng pagamutan kung hindi lalabas na pantay ang paa, lalabas dahil kailangang dalhin na sa ibang hospital. Bakit naman? Eh, kasi naman kulang sa pag-asikaso sa pasyente. Biruin mo naman, iyong doctor, dalawang minuto lang sa loob ng beinte kuwatro oras ang dalaw at kung minsan, limang minuto lang sa loob ng dalawang araw.
Ang tendency, nagkacomplikasyon na ang pasyente hindi pa agad nalaman, kaya hayon, patay kang bata ka. Pero ito pa ang masaki. Mamatay din sa sakit ng loob at hirap ng kalooban ang pamilya ng pasyente. Bakit kamo? Napakamahal at sobra ang singilan sa ICU. Kung hindi tayo magkakamali, kulang ang dalawang daang libo ang gastos sa ICU sa loob ng limang araw.
Pero ang masakit, kinukuhanan lang ng blood pressure ng mga nurse ang pasyente. Hindi agad malapatan ng gamot at iba pang life support dahil sa wala pang order ang doctor. Bakit? Wala pa nga. Isang araw pang hihintayin. Sino? Ang doctor nga. Kaya ano ang nangyayari? Dahil sa bagal ng aksyon sa loob ng ICU, sa dalawang araw ko sa hospital, dalawa agad ang binawian ng buhay.
Talaga naman pong masasabi natin na hindi sagip-buhay ang layon ng hospital kundi talaga naman pong hanapbuhay dahil sa tindi ng lumolobong gastos araw-araw.
Biruin mo, inuulit ko naman, kahit patay hindi mailalabas kung hindi mababayaran ang pagkakautang sa hospital na walang ginawa kundi magBP ng pasyente dahil nga madalang ang dalaw ng doctor. Pero okay naman ang mga nurse sa ICU, madalas ang kuwentuhan sa Nursing Station.
Eto, Aling Iska, totoong nangyari itong eksenang ito. Lumabas ang doctor mula sa ICU. Sinong kamag-anak ng pasyente? Tanong ng doctor. Kami po. Sagot ng pamilya. Ipaandiogram inyo ang pasyente para malaman natin talaga kung ano ang sakit? Suhestiyon ng doctor.
Pero dahil sa nagkaroon ng feedback ang pamilya na madalas mamatayan ng pasyente ang doctor sa operasyon. Nagtanong ang pamilya kay Doc. Puwede bang ilipat ang pasyente sa PGH? “Nasa sa inyo iyon,” sagot ng doctor. May kakilala po ba kayo sa PGH para irefer ang pasyente. Pasensiya na, iyong mga kakilala ko nagsialisan na sa PGH. Wala na akong kakilala roon.
Dahil sa matinding pagnanasa ng pamilya, na maitransfer ang pasyente, nagpunta ang isang anak sa PGH. Eto ang eksena- Doc, itatransfer po naming ang aming pasyente from San Fernando, Pampanga. Sino ba ang consultant doctor niyo sa Pampanga. Si… ano po? A, siya ba? Mahirap iyan? Kailangan, may proper endorsement siya sa consultant dito? Bakit po? Kasi, magkaibigan at magkaklase sila. Sabi po niya wala na siyang kakilala rito? Hindi, nga magkaibigan sila. Dito nanggaling ang consultant niyo sa Pampanga. Kaya kung wala siyang proper endorsement, hindi naming tatanggapin ang pasyente. Professional courtesy, kumbaga.
Napakasinungaling talaga ng doctor consultant na ito sa isang pagamutan natin sa Pampanga. Sabi niya, wala siyang kakilala. Talagang hindi naman lang niya kakilala. Kaibigan at kaklase lang niya. Alam mo, akala ko, sa ibang profession lang may kasinungalingan. Sa mga doctor marami din pala ang nuknukan ng sinungaling.
Pagdating sa PGH, kahit walang proper endorsement, tinanggap ang pasyente. Dismayado ang mga nurse at grupo ng mga doctor sa PGH na umaasikaso sa pasyente minuminuto, oras-oras. Bakit daw hindi agaw nalaman ng doctor sa Pampanga kung ano ba talaga ang sakit? Bakit daw hindi agad nilapatan ng lunas? Maraming tanong… Maraming bakit. Pero ang pasyente ngayon, agaw buhay na. Ang pasyente kung sa Lunes pa ito lalabas sa pahayagan, huwag naman sana. Isa na siyang malamig na bangkay.
Napansin din ni Aling Iska. Ano po iyon Aling Iska? 200 plus percent na mas mahal ang gamut at lab test sa naturang hospital sa Pampanga kaysa sa pangkalahatang pagamutan ng Pilipinas o PGH.
Kaya kung kayo ay magkakasakit maging maingat sa pagpili ng hospital at ng doctor para huwang ng maulit ang isang mapait na karanasan.
Bawal po ang magkasakit!!! Mag-ingat ka Aling Iska. Talagang kailangan nating mag-ingat para sa ating kalusugan.
Pero alam mo Aling Iska, may hospital dito sa San Fernando, ginto ang gastos ng mga pasyente. Akala mo nasa pinakamahusay kang pagamutan pero hindi naman dahil sa karamihan ng nahohospital na may malubhang karamdaman, humahantong lang sa libingan.
Karamihan sa mga pasyente sa Intensive Care Unit ng pagamutan kung hindi lalabas na pantay ang paa, lalabas dahil kailangang dalhin na sa ibang hospital. Bakit naman? Eh, kasi naman kulang sa pag-asikaso sa pasyente. Bituin mo naman, iyong doctor, dalawang minuto lang sa loob ng beinte kuwatro oras ang dalaw at kung minsan, limang minuto lang sa loob ng dalawang araw.