Friday, January 29, 2010

STAND TOGETHER FOR JUSTICE AND PRESS FREEDOM

The following is the joint solidarity statement of the members of the press in Luzon and the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) in connection with the Maguindanao Massacre that led to the killings of atleast 31 journalists and media workers:

TWO MONTHS have passed since the worst incident of the killing of journalists and media workers in all of media history, and the worst election-related incident of violence since elections were held in this country, occured in the Philippines.

In the morning of November 23, 2009, allegedly led and commanded by members of the Ampatuan clan, an armed group of 100 carrying the most sophisticated weapons available blocked a convoy of journalists and women relatives of a local politician, re-routed it to a site where all were killed and buried in a mass grave. Those killed included several individuals who happened to be treaversing the highway to Shariff Aguak. The convoy was headed for the provincial Commission on Election Office to file Esmael Mangudadatu's certificate of candidacy for governor of Maguindanao province. At least fifty-seven men and women, including 31 journalists/ media workers were killed. The bodies showed evidence of torture, mutilation, and rape.

As of this writing, the principal suspects including some of the alleged killers and masterminds are either on trial or are being held in State facilities in Manila, Davao and General Santos. The complexity as well as the weaknesses of the Philippine justice system will involve a lengthy and painstaking process. It will take some time before the alleged murderers get their day in court to establish their guilt or innocence.

But the weaknesses of the justice system are not limited to its technical problems, the shorfalls in personnel and resources as well as structural flaws. The judicial system is also highly politicized and is vulnerable to all kinds of pressure, including bribery and corruption.

President Gloria Macapagal Arroyo was reported to have described the leading members of the Ampatuan as "political allies". Other sources have pointed to the capacity of leading political calns in Maguindanao to deliver the desired votes for local as well as national candidates to assure their victory, claiming that politicians of the province assured the victory for the ruling coalition in the 2007 elections.

While the trial has started with more than the usual speed, the people, but most especially, journalists and media workers should bear in mind that they cannot let down the watch but must keep up the safeguard of careful scrutiny. Otherwise, even this case can simply be taken over by the kind of clever legal tactics which have nothing to do with justice.

To allow this to happen is to allow the gravest assault on Philippine democracy to go unpunished. The November 23 massacre was an attack on two of its fundamental pillars: free elections and press freedom.

As we have all seen in the past several years in the life of the Republic, only a vigilant press and informed citizenry can prevent the powerful from savaging the very principles, institutions and laws that they are supposed to be protecting and enforcing. We therefore call on every journalist, media worker, social and political activist and everyoned else concerned with this country's rapid descent into anarchy and violence to unite with us in monitoring the conduct of the trials for the sake of maximum transparency and fairness, even as we pledge never to allow the warlords spawned by a corrupt and abusive political system to continue their rule, not only over their localities, but over the rest of the country.

We must stand together to remember those who lost their lives on November 23, 2009, two months ago, as we raise the call for justice, for authentic and free elections, and for to press freedom, in this hour of Philippine democracy's greatest need.

If you have any comment, you can send a message to the author at joeley01@yahoo.com or text at 09063900920

STAND TOGETHER FOR JUSTICE AND PRESS FREEDOM

The following is the joint solidarity statement of the members of the press in Luzon and the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) in connection with the Maguindanao Massacre that led to the killings of atleast 31 journalists and media workers:

TWO MONTHS have passed since the worst incident of the killing of journalists and media workers in all of media history, and the worst election-related incident of violence since elections were held in this country, occured in the Philippines.

In the morning of November 23, 2009, allegedly led and commanded by members of the Ampatuan clan, an armed group of 100 carrying the most sophisticated weapons available blocked a convoy of journalists and women relatives of a local politician, re-routed it to a site where all were killed and buried in a mass grave. Those killed included several individuals who happened to be treaversing the highway to Shariff Aguak. The convoy was headed for the provincial Commission on Election Office to file Esmael Mangudadatu's certificate of candidacy for governor of Maguindanao province. At least fifty-seven men and women, including 31 journalists/ media workers were killed. The bodies showed evidence of torture, mutilation, and rape.

As of this writing, the principal suspects including some of the alleged killers and masterminds are either on trial or are being held in State facilities in Manila, Davao and General Santos. The complexity as well as the weaknesses of the Philippine justice system will involve a lengthy and painstaking process. It will take some time before the alleged murderers get their day in court to establish their guilt or innocence.

But the weaknesses of the justice system are not limited to its technical problems, the shorfalls in personnel and resources as well as structural flaws. The judicial system is also highly politicized and is vulnerable to all kinds of pressure, including bribery and corruption.

President Gloria Macapagal Arroyo was reported to have described the leading members of the Ampatuan as "political allies". Other sources have pointed to the capacity of leading political calns in Maguindanao to deliver the desired votes for local as well as national candidates to assure their victory, claiming that politicians of the province assured the victory for the ruling coalition in the 2007 elections.

While the trial has started with more than the usual speed, the people, but most especially, journalists and media workers should bear in mind that they cannot let down the watch but must keep up the safeguard of careful scrutiny. Otherwise, even this case can simply be taken over by the kind of clever legal tactics which have nothing to do with justice.

To allow this to happen is to allow the gravest assault on Philippine democracy to go unpunished. The November 23 massacre was an attack on two of its fundamental pillars: free elections and press freedom.

As we have all seen in the past several years in the life of the Republic, only a vigilant press and informed citizenry can prevent the powerful from savaging the very principles, institutions and laws that they are supposed to be protecting and enforcing. We therefore call on every journalist, media worker, social and political activist and everyoned else concerned with this country's rapid descent into anarchy and violence to unite with us in monitoring the conduct of the trials for the sake of maximum transparency and fairness, even as we pledge never to allow the warlords spawned by a corrupt and abusive political system to continue their rule, not only over their localities, but over the rest of the country.

We must stand together to remember those who lost their lives on November 23, 2009, two months ago, as we raise the call for justice, for authentic and free elections, and for to press freedom, in this hour of Philippine democracy's greatest need.

If you have any comment, you can send a message to the author at joeley01@yahoo.com or text at 09063900920

Comelec sa recount- "animal" na pagong o susong lason?

Kung ang Commission on Election o Comelec Second Division na dumirinig sa proseso ng recount sa Pampanga ay ikukumpara sa "animal", sila ay maihahalintulad sa pagong at sa suso. Ba! Aling Iska, ba't mo ikunkumpara sa suso ang Comelec? Hindi ba't ang suso ay nagbibigay ng buhay? Hindi ba't ang suso ay bukal ng kalusugan at kaligayahan ng isang ...ano? Bagong silang. Loko mo, ang suso na tinutukoy ko ay iyong "snail" sa ingles.Hmm. hmm I see..masarap iyan pero mag-ingat, mayroon din namang susong lason.

Pero bago natin kaliskisan ang Comelec Second Division ay pasalamatan muna natin si Commissioner Nicodemo Ferrer na walang sawang nag-eentertain sa ating mga tawag sa Cell phone, kung minsan pa nga siya na ang tumatawag kay Aling Iska kahit wrong number.

Well, anyway, kung gaano kadalas ang pagsagot ni Ferrer sa interview ni Aling Iska kung kailan ang promulgation ng recount na isinampa laban kay Governor Eddie Panlilio ni dating Board Member Lilia "Nanay Baby" Pineda ay ganoon din kadalas tayong makuryente sa balita. Ano ba ang ibig sabihin ng "kuryente" sa lengguahe ng pamamahayag? Ang ibig sabihin ng kuryente ay "wrong information", "false alarm" o isang bagay na hindi nangyari. Ibig sabihin ang balita mo ay grounded. Hindi lang grounded, kundi "double dead."

Bakit mo naman nasabi iyan, Aling Iska/ Kasi naman noong Disyembre tinanong namin si Ferrer. "Kailan po ang promulgation ng recount. Sagot ng lolo mo. Well, on Friday.Noong Disyembre iyan, 2009. Ulit na interview, "Well, the promulgation is set on January 7." Na-excite na naman ang mga kapampangan, iyong iba nagpanic, nagvigil pa nga. Come January 7. Tawag uli kay Ferrer. Hindi raw January 7, because it is under review by other commissioners. Well, si Aling Iska, hindi pa rin nagsawa ng kakakulit kay Ferrer last week ang sabi niya "next week". Eh ano na ngayon? Ito na iyong next week na sinasabi niya. Pero para hindi tayo makuryente "this week", may kasunod ang sinabi niya. Ano iyon? "Maybe after next week."

Sa madaling sabi kung kuryente pa rin ang mga pahayag ni Ferrer ukol sa recount ni Panlilio, mukha na yatang nakakaloko na ng kapampangan ang simpatikong commissioner.

Anyway. Mr. Commissioner, you owe to the people of Pampanga the result of the electoral protest because they deserve to know who is the real governor of this province and they cannot be at ease because they do not know whether the seating governor is pseudo or real.

Isa pa, putting the recount "on hang" is unfair to both Panlilio and Pineda. Si Panlilio baka hindi na siya makatulog baka isang araw, hindi na pala siya gobernador at ang diperensiya, hindi na rin pala siya kleriko ng simbahan. Si Nanay Baby baka naman siya pala ang nanalong gobernador na halal ng taong bayan. It's unfair, baka ideklarang gobernandor si Nanay Baby, isang araw na lang bago ang halalan sa Mayo. Tapos ika-count sa kanya ang isang full term, kahit hindi siya ang aktual na umakto sa posisyon. Kung magkagayon, ano ang simpleng impresyon natin sa umiiral na proseso ng electoral protest dito sa Pilipinas? Simple lang, "usad pagong", "susong lason" at pakong hindi lulusot kundi pupukpukin. Ibig sabihin, ang Comelec ay hindi lang nakukuryente sa promulagation ng recount, pukpukin pa.

In fairness, baka naman malalim pa ang ang hinuhukay ng mga commissioners at hindi pa nila nakikita ang mina ng katotohanan kaya patuloy pa nila itong pinag-aaralan.

Habang tumatagal ang recount, mga commissioners, lalong lumalawak ang impresyon ng pagduda sa inyong tanggapan.

Pero ang sabi nga ni Atty. Sixto Brilliantes kahit na sa 2011 pa nakatakda ang recount okey lang. Loko siyempre, tapos na ang halalan noon at maaaring hindi na rin sila ang nakaupo sa kapitolyo. Sa mga empleyado ng kapitol, tama po ba? O ito ay isang pangarap lang ninyo?

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Mag-ingat sa dayong bisita

Ang mga Kapampangan ay kilala sa tama at mabuting pagtanggap ng bisita at marunong makitungo sa mga kasambahay at trabahador sa kanilang mga sakahan at palaisdaan o maging sa kanilang pagawaan kung mayroon.

Iyan po ay isang magandang katangian ng lahing Kapampangan – maaruga at marunong makisama dala na siguro na kanilang ugaling maunawain sa kapwa na nais makapaghanapbuhay at makaahon sa kahirapan.

Subalit, hindi natin maiiwasan na ang Candaba Massacre na nangyari sa payapang bayan ng mga masisipag na Candabeno kahapon ay magsisilbing aral sa bawat isang Kapampangan.

Ang suspect sa masaker na si Rodel Velasco na tubong Samar na namasukan bilang caretaker sa isang palaisdaan na kumitil sa buhay ng tatlong magkakapatid na Labsal at nag-iwan pa ng dalawang batang sugatan ay malugod na tinanggap sa bahay ni Jaime Labsal Sr., ama ng mga biktima.

Sa mga nakaraang araw bago ang masaker, dala ng mabuting pagtanggap ng bisita ng mga suspect ay nakakalabas pasok ang suspect sa bahay hanggang sa naipagtapat nito na siya ay naniningalang pugad sa kanilang kapatid na si Jaramie, kinse anyos.

Subalit dahil sa tapat ngang makisama ang Labsal family ay inihayag nila ang kanilang pagtutol sa tangkang panliligaw ng suspect sa dahilang bata pa si Jaramie at hintayin na lang nitong makarating siya sa hustong taong gulang.

Ayon sa ama ng mga biktima na natirang buhay ay sinang-ayunan naman ito ng suspect. Kaya nga bago nangyari ang masaker ay masayang nag-inuman ang mga biktima kasama ng suspect. Subalit ng maghahating gabi na, tulog na ang mga biktima ay bigla na lamang silang kinatay na parang baboy. Ginilitan sa leeg ng matulis na kutsilyo at pinalakol sa ulo. Ang masaklap pa matapos gahasain si Jaramie na kanyang nililigawan ay walang awa niya itong kinatay.

Sa puntong ito, ay nais kung ipanukala sa ating mga opisyales ng munisipyo at barangay na dapat ay magparehistro sa barangay o sa munisipyo ang sinomang dayo na gustong makipanirahan at magtrabaho sa loob ng barangay. Gawing requirement ng mga may-ari ng palaisdaan ang pagsusumite ng biodata, barangay clearance at maging ng NBI clearance bago tanggapin sa trabaho.

Sa mga pamilya naman, huwag agad tatanggap ng bisitang dayo kung hindi pa malalim ang kanilang pagkakilala. Hindi naman sa nagmamaramot tayo o binabago natin ang ating kaugalian sa mabuting pagtanggap ng bisita, ang sa atin lang ay dapat isipin natin muna ang ating kaligtasan bago ang ating kaugalian.

Mahirap na baka pala iyang taong pinakain mo na, pinainom pa ng alak na “the Bar” ay siya palang matadero ng sarili mong katawan.

Tayo ang isa sa mga unang nakasaksi sa naliligong katawan ng mga biktima na wala ng buhay sa loob ng kanilang katawan. Kaawa-awa ang kalagayan pero magsisi man ang pamilya kung bakit tinanggap nila ang bisitang mamalakol ng tao ay huli na. Sabi nga laging nasa huli ang pagsisisi.

Pero kayo na bumabasa nito ay maaaring makapag-ingat at sundin ang aking payo na siyasating maigi ang bisita, kung sino siya at ano ang background niya? Huwag agad magtitiwala, magduda muna. Kung mabuting tao, tanggapin ng maayos at bilang tao. Kung tarantado at mangangatay ng tao, ireport sa kinauukulan para sa karagdagang imbestigasyon at impormasyon para sa inyong proteksyon

Siya nga pala at large pa ang suspect. Mag-ingat baka siya bumisita.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

CAMI ang dapat tularan!

KAMAKALAWA, kami ni Aling Iska ay naging saksi sa pangangasiwa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa panunumpa ng mga bagong halal na maytungkulin at mga direcktor ng Capampangan in Media Incorporated (CAMI) para sa taong 2010 sa Fontana Convention Center.

Ang mga miembro ng CAMI ay mula sa print at broadcast media. Ito ay narehistro sa Securities and Exchange Commission noong December 2004.

Ang CAMI ay may layuning ipakilala at ipaglaban ang karapatan sa pamamahayag at isulong ang kapakanan at interes ng mga mamamahayag sa kabuuan. Pataasin ang uri ng kasanayan at pagkapropesyonal lalo na ng mga Capampangang mamamahayag at ipakikilala ang kahalagahan ng pagsasamahan at pagtutulungan sa kanilang hanay at kumilos para sa pagbabalik tanaw at pagpapaunlad ng kultura at positibong tradisyon ng mga Kapampangan.

Alam mo Aling Iska, bilang isang kabataan na nagsisimulang makihalubilo sa propesyon ng pamamahayag dito sa Pampanga ay nagkaroon ako ng inspirasyon, ibayong pananaw at lakas ng loob na ipagpatuloy natin ang ating gampanin bilang isang tagapagbalita o komentarista sa pahayagan nang makita ko ang mga senior at kuya natin na kaanib ng CAMI.

Hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng mahabang panahon ng karanasan, ng kasanayan, ng karunungan, ng uban sa ulo ay nananatili pa ring aktibo ang mga miembro ng CAMI sa ganitong uri ng bokasyon – na ang tanging layunin ay makapagbigay ng tama at patas na impormasyon maging ito ay maging mitsa ng kanilang buhay.

Sa atin Aling Iska, na nasa unang yugto pa lamang ng isang mahabang drama at aksyon ng ating propesyon ay dapat tayong humugot ng lakas at inspirasyon sa ating mga kasamahang mamamahayag na Kapampangan na masasabi nating taga na sa panahon.

Masasabi kong ang mga miembro at opisyales ng CAMI ay isang samahan ng mga propesyonal, marangal, may mataas na moral na dapat nating tularan bilang mga baguhan sa larangan ng pamamahayag.

Sila ang larawan ng isang tunay na mamamahayag na Kapampangan na hindi lamang nagsikap na mamayagpag bilang mga mamamahayag sa ating lalawigan kundi sa buong bansa dahil sila ay kinikilala rin ng mga pangbuong bansang pahayagan tulad ng Manila Bulletin, Philippine Star, Business Mirror, Manila Standard, Philippine Daily Inquirer at natanyag din ang kanilang kasikatan sa mga himpilan ng radio sa bansa.

Ang ilan sa mga opisyales at director ng kami ay ang mga sumusunod: Cris J. Icban (Chief Editor, Manila Bulletin), chairman; Alfredo M. Dela Rosa (Chairman, Editorial Board, Manila Times), vice chairman; Federico D. Pascual Jr. (Columnist, Philippine Star), president; Ernesto Y. Tolentino (DZXQ Anchorman, Manager, KP Productions), vice president for Metro Manila; Fred M. Roxas (Correspondent, Manila Bulletin), vice president for provinces; Jose Cortez (Sr. Writer, Philippine Graphic), secretary; Dionisio Pelayo (Chief News Editor, Business Mirror), treasurer and Ashley Jay Manabat (Chief Editor, Central Luzon Banner), auditor.

Ang mga CAMI directors ay sina Tony Lozano (In-Charge, Senate Media), John Manalili (Director-PBS-Radyo ng Bayan), Al Pedroche (Pilipino Star Ngayon), Vittorio V. Vitug (Manager, Philippines News Agency), Jake Espino (Correspondent, Philippines News Agency) and Willie Capulong (Columnist,.

Bilang isang kabataan na may gatas pa sa labi at marami pang dapat matutuhan sa propesyong ito, malaki ang pasasalamat namin ni Aling Iska dahil sa pinagkatiwalaan tayo na maging bagong miembro ng CAMI. Ikinararangal po namin ang pagiging miembro ng CAMI dahil naniniwala po ako na ang CAMI ang dapat tularan ng mga mamamahayag na Kapampangan.



Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Pampanga River basurahan ng mga Kapampangan?

Nakakalungkot isipin na ang mga halal na opisyal ng Pampanga ay mukhang pinanghihinaan ng loob at tila inutil sa usapin ng basura sa probinsiya. Inihayag ng tanggapan ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa probinsiya sa ginanap na budget hearing ng Kapitolyo kamakailan na ang Pampanga ya naglalabas ng minimum na 238 tonelada ng basura kada araw.

Ang problema na hindi kayang solusyunan sa kasalukuyan ng mga opisyal ay kung saan itatapon ang tone-toneladang basura.

Kaya sa kasamaang palad, ang Pampanga River ang ginagawang tapunan ng basura ng mga kapampangan at wala man lang pagtutol sa mga halal na opisyal.

Isa sa mga ipinagmamalaki ng ating lalawigan noon ay ang Pampanga River. Ito ang sinasabi nilang pinagmulan ng ating sibilisasyon bilang isang lalawigan. Ito marahil ang dahilan kung bakit tinatawag tayong mga Kapampangan o mga taong naninirahan sa pampang ng ilog.

Pero ang masakit Aling Iska, ang ilog ng Pampanga ngayon ay parang isang dalagang binaboy, niluray-luray at pinagsamantalahan hindi lang ng iilan kundi ng daan-daang Kapampangan at pinagkikibit-balikat lamang ng mga opisyal ng mga bayan at maging ng lalawigan.

Wala man lamang nagtangkang siya ay tulungan at bigyan ng katarungan at iligtas sa kuko ng mga taong matitigas ang ulo at walang disiplina sa katawan. May mga opisyales ng pamahalaan na nangakong siya ay iligtas at ibalik ang dating kagandahan, subalit yaon ay nananatiling sa bibig lamang. Wala silang konkretong plano man lang para pangalagaan at ibalik ang dating sigla ng ilog at ng kanyang pampang na ngayon ay nasa masamang kalagayan.

Ang dating ngiti at saya ng Ilog Pampanga ay napalitan ng ngitngit at galit bunga ng hapdi ng pagdurusang gawa hindi ng inang kalikasan kundi ng kawalang galang ng mga tao sa kagandahan at kaayusan ng ilog Kapampangan.

Kaya taon-taon, mapapansin nating ang buhay at pamumuhay ng mga Kapampangan lalong lalo na ng mga taong naninirahan sa tabi ng ilog ay nasa peligro sa dahilang dumadalas ang pagguho ng pampang at nalalagay sa panganib ang buhay at kaligtasan ng higit na nakararaming mamamayan.

Kung minsan naman ang pagguho ng lupa sa tabi ng ilog ay ginagawang gatasan ng mga buwaya sa pamahalaan. Ito na iyong pagkakataong nagkakamal sila ng salapi sa pagpapagawa ng mga istraktura na kahit sa panlasa ni Aling Iska ay hindi papasa. Ibig mong sabihin brod, substandard, palpak, tarantado at illegal ang pagkakayari? Tama po Aling Iska. Pero ang tanong, mayroon bang nananagot? Iyan ang masama Aling Iska, sa halip na kalunusan, ang kalikasan ang sinisisi ng mga taong sangkot sa kapalpakan.

Kaya’t kung ating susuriing mabuti, halos isang bilyong piso na ang nilustay ng mga tao sa pamahalaan sa pagpapagawa ng mga palpak na istrakturang slope protection, revetment at kung ano-ano pa mula sa bayan ng Arayat, Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Minalin, Sto. Tomas, Masantol at Macabebe.

Kailan magigising ang Kapampangan? Kailan magbabago at mawawala ang mga buwaya sa pamahalaan? Kailan lalakad ang mga pagong sa Kapitolyo? Kailan tayo kikilos? Kailan natin pagtutuunan ng tamang pansin ang Ilog Kapampangan? Hihintayin pa ba nating lalong magngitngit sa galit ang inang Kalikasan at tayo’y kanyang luray-lurayin at ilagay sa bingit ng kamatayan maging ang ating sambahayan.

Itayo natin ang nag-iisang alaala ng kahapong pinagmulan ng Kapampangan sa halip na babuyin at gawing basurahan, atin po itong pagyamanin at pagandahin sa ngalan ng pagmamahal sa inang kalikasan at paggalang sa makasaysayang yugto ng ating nakaraan – ang ilog ng mga taga pampang.

Tulungan po nating isalba ang puri ng ilog Kapampangan. Iligtas natin ang Ilog Pampanga. Hindi bukas, hindi mamaya, kundi ang panahon ay ngayon na.

Tiran me ken. Give me five men.

Kung mayroon kayong puna at suhestiyon, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Konstraktibong puna sa politika (Part 1)

Sa paksang ito ay nais kong sabihin mo Aling Iska kung ano ang mga konstraktibong impression at puna mo sa mga kasalukuyang nanunungkulang Congressmen sa Pampanga.

Pusang gala, ibig mong sabihin uutuin natin at bobolahin natin ang mga Congressmen? Ayoko ng nang-uuto o nambobola, Aling Iska. Hindi ba ganyan ang mga pulitiko? Oo nga, pero ang gusto ng mambabasa sabihin mo ang totoong impression sa mga Congressmen.

Aro, mariasantisima, kasakit na niyan. Pero para malaman din ng ating mga kongresista kung sino at ano ang impression ng ilan nating mga kababayan ay sasabihin ko ang totoo kahit na sila ay mga kaibigan at ang iba ay ating kakilala.

Huwag kayong masasaktan mga Congressman dahil dapat ninyong paniwalaan ang kasabihan sa Ingles na, ‘ You cannot please, everybody.” Eto, pa,”Ang totoong kaibigan ay pumupuna sa kamalian, ang masamang kasama na ipapahamak ka ay iyong nambobola at inuuto ka.” Kaya, si Aling Iska ay pagbigyan dahil siya’y maaaring maging matapat na kaibigan.

Ang dami mong pasakalye, Aling Iska, mambabasa ay inip na sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa mga Congressmen.

Okay, sa First District, si Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin. Si Congressman ay tuwang-tuwa kapagka binabanggit na siya ay Congressman Ditak a Salita, Dakal a Gawa. Pero hindi niya mapasusubalian ang katotohanan na siya ay tumatanda na at sinasabing makakalimutin dala ng kanya siguro’y maraming isipin. Si Carmelo ay simpleng pulitiko, simpleng kumilos, mahinahong magsalita pero kadalasan ay nasa Casino. Pero ang sabi niya, walang taong pumapasok sa Casino na nanalo, lahat sila ay talo. Matalo kaya siya? Sa Casino? Hindi, sa kanyang muling pagtakbo sa Kongreso. Kaya pa kaya niya ang batang-batang si Ares Yabut? Ang sabi ni Tarzan, si Yabut at si Bacani ay hindi niya mga kalaban dahil sila sa number ay nag-uunahan. Ibig sabihin, kahit kaunti ang salita at hindi naman nakakatuwa, si Congressman Tarzan ay may kayabangan na dinala yata sa katandaan. Pero sa tingin ko si Ares Yabut ay mahihirapan dahil ang kalaban ay ang beteranong si Tarzan. Taga na sa panahon. Iyan ang aking impression.

Sa Second District. Si Congressman Mikey Arroyo. Anak ng Pangulo, maraming napatupad na proyekto. Maamo at masunurin sa ina. Pero ang nakapanghihinayang ay hindi siya mananalo sa Senado. Talagang hindi siya mananalo sa Senado, dahil hindi naman siya kumandidato. Hindi iyon. Kahit tumakbo siya, tiyak hindi siya mananalo. Kasi ang impression kay Mikey Arroyo ay akala mo kung sinong anak ng Pangulo. Kahit sinong pulitiko na kanyang kaaalyado lalo na’t kaibigan ay sinisigawan at pinaiikot na parang turumpo. Ito namang pulitiko dahil gusto ng proyekto, kahit utusan na mag-chitae at gumulong-gulong ay okay lang basta masabing siya ay kaibigan ng presidential son. Ang sabi naman ng iba, ganoon lang talaga si Mikey. Kapagka raw, napaglaruan niya ang isang tao at nagawan ng katatawanan, ito ay ituturing niyang isang tunay at tapat na kaibigan. Pero kung ang susukatin ay public service for public good, sobra-sobra ang nagawa ni Mikey Arroyo sa kanyang distrito, higit sa kanino mang Congressman.

Well, kung ganyan ang congressman na maraming proyekto at maraming natulungang tao, okay na ang mayabang basta’t may nagagawang kabutihan. Kaysa naman sa Congressmang simple pero walang nagawang mabuti. Pero mas okay at mas kagigiliwan ang simple na gumagawa ng mabuti. Kaysa naman sa mayabang na baka may iba pang kalokohan. Si Mikey ay hindi na mananalo sa segunda distrito dahil ang bagong Congresswoman ay ang mahal na Pangulo. Tiyak iyon!!

Sa Third District, si Congressman Aurelio “Dong” Gonzales. Ang Congressmang malaki at mataas ang tingin sa pangalan na parang sa langit ay nagpaparangalan. Parang lagi nitong ipinagyayabang ang katagang, “Gawa ku ini, proyekto ku ini, king lagyu ku ini, mikukualta ku keni.”

Well, in fairness Aling Iska, bago pa nagCongressman si Dong, ay matagal na siyang mayaman. Akala ko matagal ng mayabang. Ano pa, Aling Iska. Matagal na ring malaki ang pangalan sa mga proyektong nakalap niya noon sa Senado at sa mga ahensiya ng gobyerno.

Oo, alam ko iyon, hindi ba Contractor siya noon? Triple A pa nga ang kanyang construction firm. Iyon ang sabi niya noon. Ewan ko lang ngayon kung aktibo pa ang construction business ng guapong Congressman. Pero, alam mo, sa tingin ko, parang nagbago na si Cong Dong. Talaga yatang nakapagpapabago ang malaking pangalan, ang katanyagan at ang kaisipang pipitsugin at small time ang kalaban. Pero lagi mo ring tatandaan Congressman, “walang malaking bato ang nakakapuwing. Kahit tutuli o maliit na dumi kung hindi gugustuhin ng kapalaran ay kaya kang pabagsakin ng kahit simpleng kalaban. So, anong payo mo Aling Iska? “Laging tingnan ang dumi sa talampakan. Huwag laging nakataas ang leeg baka magka-stiff neck.” Kasi naman ito iyong tipo ng Congressman, na lahat ng proyekto ng gobyerno sa distrito ay kanya at wala ng iba dahil nakalitro din naman ang Pangulong Arroyo sinlaki ng kanyang larawan at siyempre ng kanyang ipinagmamalaking pangalan. Pero, sa katapos-tapusan mananalo pa rin si Congressman. Iyan ang aking impression.

Sa Kuwatro Distrito, si Congresswoman Anna York Bondoc Sagum. Isang kongresistang masipag kahit sukdulang mag-gate crash may proyekto lang na maibigay at maipamalas.

Pero ano ang first impression mo kay Dra. Anna? Siyempre, tatapatin na kita. Si Dra. Anna ay mukhang supladita. Pahirapan kung ngumiti.at tumawa. Kung titingnan mo parang maldita. Pero kung matagal mo ng kausap okay naman pala. Kunwa ay ayaw pag-usapan ang pulitika, pero estratehiya lang pala. Joel, ang sabi niya minsan, huwag muna nating pag-usapan ang pulitika at iyong ibang tao lang diyannang namumulitika, kasama ka na. Ba, nag-isip-isip ako. Hindi naman ako pulitiko at hindi rin ako tatakbo dahil bawal sa relihiyon ko. Ikaw naman Aling Iska, ang ibig lang sabihin ni Congresswoman, napipikon siguro siya sa kakatanong mo ng pulitika. Siyempre, kailangan ding maintindihan ni Congresswoman na trabaho ng media ang ang magtanong at mag-usisa. Well, in fairness, si Dra. Anna, marami ring proyektong kulay pink. Kapagka pink. Kapagka nakakita ng batong pink, puwede mo nal ilink kay Dra. Anna, siguradong aakuin niyang sa kanya ang proyekto kahit ito ay regular projects ng ahensiya ng gobyerno. Eh, kanino mo gustong ipangalan ang proyekto? Gusto ko sana sabihin niyang “ito ay proyekto ni Juan Dela Cruz”. Ba ayaw ni Dra. Anna nang ganyan baka hamunin siya ni Juan sa pag-Congresswoman. Hindi naman dahil si Juan dela Cruz ay hindi pulitiko at nagbabalatkayo, siya ay totoong tao.

Pero in the end ano ang impression mo? Mahihirapan pa rin kay Dra. Anna ang Congressional-wannabe ng Candaba..

Well, iyan ang imga konstraktibong puna ni Aling Iska sa apat na Kongresista ng Pampanga, tanggapin man nila, magalit, mainis man sila o hindi. Dahil ang bolahin sila at magsinungaling ay hindi ugali ni Aling Iska. Kung bago mas maganda. Pero natural na siguro sa pulitiko ang ganyan.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Bumbero namamasko ngayong Enero

PAMAMASKO o pangongotong? Ito ang tanong ng mga establisyemiento sa bayan ng Sta. Ana sa kanilang mga bumbero na namamasko ngayong Enero.

Batay sa pananaliksik ni Aling Iska, kung walang kaukulang solicitation permit mula sa Regional Office ng DSWD, lahat ng panghihingi ng aginaldo kahit pasko ng kahit anong grupo, gobyerno o pribado ay ilegal.

Kung ito ay gobyerno tulad ng grupo ng mga bumbero sa Sta. Ana ay maaaring silang maharap sa kasong administratibo. Bakit mga tsong wala din ba kayong tinanggap na bonus mula sa gobyerno.

Kung kayo ay may pasobre-sobre pa, anong pagkakaiba ninyo sa mga kapatid nating bumaba pa sa bundok ng Pinatubo para mamalimos at humingi ng aginaldo. Maaaring sila ay maaari pang kaawaan at bigyan ng kaunting limos pero kayo na may suweldo na, may bonus pa, mahiya naman po kayo sa sarili ninyo. Lagi ninyong tatandaan ang inyong sinusumpaan tuwing Flag Ceremony.

Ano iyon Aling Iska? Ako’y Kawani ng Gobyerno. Ano ang sabi roon? “Tungkulin kong maglingkod ng tapat at mahusay.” Ano pa? “Dahil dito, ako'y papasok nang maaga at magtatrabaho ng lampas sa takdang oras kung kinakailangan. Magsisilbi ako nang magalang at mabilis sa lahat ng nangangailangan.“ Ano ang sabi Aling Iska? Magsisilbi ako ng magalang. Eh, bakit iyong bumbero sa Sta. Ana na hindi na nga magalang, maangas pa ang mukha. Sukat ba namang sinumbatan pa ang isang maliit na negosyante ng magpapirma ito ng Fire Inspection Permit na bakit hindi raw siya pinapansin kapag nag-iinspect sila at iyong laman ng sobre ay wala pa.

Ba talagang maangas ang mga bumbero sa Sta. Ana kung gayon. ‚’Indi naman la’at, Aling Iska. O sige ano pa ang nasusulat sa Panunumpa. Eto pa...“Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan. Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala. Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa sarili kong kapakanan.“ Sana marinig ito ng mga bumbero sa Sta. Ana. Pero Aling Iska, ano ang lalong mahalaga na matanim sa kokote ng mga bumbero? O sige eto na… “Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol, sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas.“

Sana, mga kapatid nating bumbero, huwag lang ninyong binabasa ang panunumpang ito tuwing Lunes, itanim ninyo sa isip at huwag sa tiyan.

Kasi naman, kasi naman, dahil alam ninyong sa simula ng taon, ay magrerenew ng business at Fire Inspection Permit ang mga establisyemiento. Kaya ano ang ginagawa ng ilan sa inyo. Nagsasamantala. Ginagamit ang panunungkulan sa sariling kapakanan. Iyan Aling Iska ay tahasang paglabag sa kanilang Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno.

Kaya kung hindi lang sa maagang pagtugon ni Mayor Rommel Concepcion na kausapin ang mga bumbero at kung hindi lang sa agarang imbestigasyon na ginawa ni Provincial Fire Marshal Arrozal at paghingi ng dispensa ng kanilang Acting Municipal Fire Marshal ay maaaring idulog natin ito sa kaalaman ng National Police Commission at Civil Service Commission na una nating nakausap ukol sa bagay na ito para sa kuukulang kaso ng administratibo. Tulad ng ano? Grave abuse of authority at kasong extortion.

Pero iyan naman ay hindi na natin itutuloy basta totoo lang ang paghingi nila ng dispensa sa mga taong may puso rin namang nasasaktan.

Well, kami naman sa pitak na ito ni Aling Iska, ay may bagbag na puso sa mga taong nagpapakumbaba at nangakong magbabago.

Tuloy-tuloy nawa ang inyong pagbabago. Maaari naman kayong mamasko in the spirit of Christmas pero huwag namang puwersahan mga Tsong.

Sa mga bumbero ng Sta. Ana. Peace be with you! Lagi ninyong tatandaan.”Huwag gumawa ng sunog para mahimbing na makatulog.”

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Performance Based Bonus?

Empleyado ng kapitolyo nang-utang… Empleyado nagsangla…Empleyado nag-promissory note…nakapangako…Empleyado mukha yatang mapapako. Bakit naman? Kasi naman, Aling Iska, ang inaasahang beinte mil pesos (P20,000) na Chrismas Bonus ay tila yata maglalahong parang bula.

Pusang gala, Atsi kung Iska, nangmilyari king merapat? O kasi naman, y ’Tang Eddie Panlilio ampo rening bapa at dara tamu king Sanggunian Panlalawigan magpasiyasan la. Sa salitang Filipino… Nagpapatigasan. Sa lengguahe ng bakla….hindi na kayo nakakatuwa.

Sa kapitolyo, simula nang maupo si Governor Panlilio ay nanaig hindi ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng higit na nakararaming Kapampangan kundi namayani sa puso at isipan ng mga opisyal lalong lalo na ng punong-ehekutibo kung paano pairalin ang kanilang makasariling prinsipyo –ang katigasan ng kanilang loob para maipahiwatig lamang na sila ang tama at ang iba ay masama.

Sa usaping “Krismas Bonus”, tinuran ni Panlilio na ang mga empleyado ay makakatanggap lamang ng P10,000 subalit ang dagdag na P10,000 libo pa ay ibabatay sa kani-kaniyang performance ng mga empleyado.

Kung ang taong bayan o ang mga empleyado na lang ng Kapitolyo ang tatanungin, pumasa kaya ang naging paggawa ni Panlilio bilang isang gobernador sa loon ng isang taon? May isinumite kayang performance target si Panlilio para sa kaunlaran hindi lang ng kapitolyo kundi ng buong lalawigan ng Pampanga? Gaano kaya kalaki ang kanyang konribusyon sa pagpapagamot sa mga may karamdaman? Napaayos ba niya ang mga district hospitals na sa kasalukuyan ay kahabag-habag ang kalagayan? Gaano kaya ang kanyang naiambag sa pag-unlad ng imprastrakura, ekonomiya at kabuhayan ng mga tao sa Pampanga? Ramdam kaya ng mga Kapampangan na may gobernador sila noong 2009 na handang tumulong at magmalasakit para sa kanilang kapakanan.

Sa pagkakaalam ko Aling Iska, nakapagsilbi si Panlilio sa kakarampot na dami ng mga kapampangan sa pamamagitan ng Pamisaupan. Okay ang proyekto pero para lang itong band-aid solution sa problema ng kagutom at kahirapan. Na maaaring mabusog ang kakarampot na kabataang napagsilbihan pero sa isang saglit, ramdam na naman ang kagutom at kahirapan dahil ang kanyang Pamisaupan ay hindi isang programang pangmatagalan kundi Photo-ops at pacute lamang.

Balikan natin ang P20,000 bonus… sa palagay ko Aling Iska, sa itinatakbo ng isipan ni Panlilio ay hindi na maipagkakaloob pa ang naturang bonus…Kawawa naman ang mga empleyado, ang bonus na ipinangako sa utang ay isang alaala na lamang. Sapagkat ang dahil ay hindi raw P20,000 across the board bonus ang hiniling niya sa konseho ng kapitolyo kundi P10,000 lamang at ang dagdag na P10,000 ay extra cash gift kung ang empleyado ay nagtrabaho ng husto batay sa performance appraisal.

Ang tanong natin kay Panlilio, naipatupad naman ba niya noong Enero 2009 ang pagbuo ng performance target ng bawat empleyado na kanilang isasakatuparan sa loob ng isang taon? May ibinigay ba siyang pamantayan na direksiyon ng kanyang administrasyon na na magiging batayan ng performance target ng mga empleyado o wala? Aling Iska, wala yata.

Diyusmiyo Marimar, kung gayon bakit niya ipinagpipilitan ang performance based bonus kung wala naman silang performance target noong 2009. Kumbaga, noong 2009, suntok sa buwan ang paggawa, kung ano na lang ang maisip ng empleyado. Eh paano hindi pinagawan ng performance target every month, for the whole year.

Sabi ni Panlilio, iyon daw job description ang pamantayan, ay diyusmiyo uli, paano mo makuquantify ang job description kung walang target na dapat maisakatuparan. Eh, kung nagtrabahong minsan ang empleyado batay sa job description, okay na ba iyon?

Kailangan may target sa espisipikong petsa o buwan para malaman kung nagawa ito sa actual na pangyayari o hindi.

Pero wala yatang ibinigay na pamntayan o tinatawag na Key Result Area. At kung mayroon man, bilang isang gobernador, sumunod ba ang 2,100 empleyado ng kapitolyo o para lang siyang nagsalita sa hangin? Kung siya ay nagsasalita sa hangin, paano pa niya pangungunahan ang milyong bilang ng mga Kapampangan.

Kung hindi siya isang makapangyarihang lider na nakapagpapatupad ng simpleng “performance appraisal” at hindi siya sinusunod ng kanyang mga nasasakupan, ang payo ko sa kanya ay manahimik na lang siya at huwag ng makipagpatigasan ng loob, dagliang ipagkaloob ang bonus bago pa magsara ng libro ang tesorero para sa taong 2009 at mauwi pa sa wala ang inaasam na bonus na pambayad utang at pambayad sa sangla ng mga empleyadong tunay na naapi sa usaping Krismas bonus.

Kung sa palagay ni Panlilio na hindi rin siya nakapagtrabaho ng maayos dahil wala rin siyang target at puro actual ang ginawa niya, ibigay na lang niya ang bonus para magkaroon din siya kahit walang pinagbatayan ang kanyang performance.

We cannot say if Panlilio’s performance is poor or good because he failed to set performance' parameters. But one thing is sure, Kapampangans have their own set of criteria with regard to Panlilio's effort–ang pagdami ng nagkakasakit na hindi natutulungan at ang kumakalam na sikmura dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Bonus… nahohokus..pokus..

Kung may puna lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920