Thursday, November 19, 2009

Capitol nagbayad sa Church!

ANG pagsasanay ng tamang liderato sa mga kabataan ng simbahan o ng anumang pangkatin ng pananampalataya ay isang bagay na mabuti. Ibig mong sabihin Aling Iska, okey lang at walang masama?

Wala brod. Lalo na kapagka ang pagtuturo ng liderato ay nakabatay sa mga ipinatutupad na tuntuning itinakda ng saligang batas at maging ng mga banal na kasulatan ukol sa pagiging mabuti at makapangyarihang lider. Ang nangangasiwa sa pagsasagawa ng pagsasanay ukol sa liderato at ang mga nagtuturo nito ay kailangang maging huwaran ng kanilang tinuturuan. Tumpak, Aling Iska. Kailangang maalam sila sa batas at buong kapakumbabaang sumusunod sa mga ito.

Kung gayon, Aling Iska, tama at mabuti ang ginawa ng His Life City Church sa pamamagitan ng kanilang Wild Fire Organization na turuan ang mga kabataang Kapampangan ukol sa mga katangian ng isang tunay na lider. Walang masama at siyang tama.

Pero, Aling Iska, ano po ang isang siste ng iba ukol sa ginanap ng Youth Camp Leadership Training ng tanggapan ng PESO na ibinigay sa ilalim ng pangangasiwa ng di umano ay simbahan kung saan dumadalo ang acting provincial administrator?

Iyon po palang Youth Camp leadership training ay hindi libre at may bayad. Nagpabayad ang His Life City Church ng P675,000 mula sa kabang yaman ng Kapitolyo para punan ang ichinarge nilang P2,250.00 kada participants. Nakapangalan sa simbahan ang chekeng ipinambayad para raw punan ang gastos sa pagsasanay.

Ano ang punto rito, Aling Iska? Okay lang siguro kung libre ang leadership training. Pero kung gagastos din pala ang kapitolyo, bakit nila pinayagan?

Wala bang kakayahan o capability ang kapitolyo na maging organic na lang ang naturang Youth Camp training? Ibig sabihin iyong mga empleyado ng kapitolyo na trained sa leadership ang dapat nagsagawa na lang ng pagsasanay para hindi na sila nagbayad pa ng mahal sa pangkatin ng pananampalataya di umano ni Atty. Vivian Dabu.

Isa pang punto de vista. Karaniwan kapagka may patraining ang kapitolyo, ang hirap magreimburse ng gastos, maraming rekititos at etcheburetche, kaya umaabot sa halos isang buwan bago maapruhan ang budget. Pero sa training na ito ng His Life raw ni Dabu, advance pa ng 4 days ang release ng pondo. Iba talaga kung paborito ka ni Dabu at may connection. Iyan ba ang makakristiyanong liderato. May palakasan at kung gusto at paborito, walang dahilan, lahat ay may paraan.

Bakit naman agad na nakalusot samantalang kapagka training package at contract kung saan lahat ng pagkakagastusan ay nakapakete na sa nakakontrata. Kailangang ang kontratista ay dumaan at nanalo sa bidding. Pero tila yata, nagkaroon ng hokus-pokus at bigla na lang iniaward ang Youth Camp training package sa His Life City Church. Ito kaya ay accredited ng Provincial Development Council?

Isa pa Aling Iska, tama bang magkaroon ng transaksyon ang simbahan di umano ni Dabu sa pamahalaang panlalawigan?

Kung iyong Church di umano ni Dabu ay isa talagang pangkatin ng pananampalataya ay mali na makipagtransakayon ang kapitolyo at bigyan ito ng tinatawag na ‘public funds’ kahit man ito ay kanilang pinagpaguran dahil sila ay isang Church.

Malinaw na nasusulat sa saligang Batas ang pagkakahiwalay ng simbahan at pamahalaan. Maging ang Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 ay nagsasaad na ang pondong pambayan ay hindi maaaring gamitin sa anumang gawain ng simbahan o anumang layuning pangrelihiyon.

Alam mo, Aling Iska, na hindi kayang pasubalian ang katotohanang kapag walang nagreklamo, walang mabibisto. Ang problema lang Aling Iska, at naka kasi king kasigla. O Siyempre, si Aling Iska, dapat laging una sa balita.

Batay sa ating naglilibot na balita, ang naturang training ay isang uri ng pag-aakay sa mga kabataan na tanggapin ang kanilang paniniwalang pang-espiritual. Ibig sabihin ginawa di umano ang pagsasanay para di uman ang mga kabataan sa kanilang pananampalataya. Para daw dumalo ang kabataan sa isang retreat na ginanap sa Peniel, Patling, Tarlac, isang tago at liblib na lugar.

Ibig mong sabihin Aling Iska, nanghikayat na sila na yakapin ang kanilang pananampalataya, kumita pa sila? Well, that is your query but I am not in the position to answer that question.

Pero ang sabi ni Pareng Board Member Cris Garbo, ang ginawang ito na pagbabayad sa His Life City Church ng kapitolyo ay ‘irregular’ o hindi pangkaraniwan, ibig sabihin labag sa mga batas na umiiral.

Para naman sa Boss ng DILG sa Pampanga. That actuation is unconstitutional and it blatantly defies the provision of the Local Government Code of 1991 that public funds should not be used for religious purposes. Ano pa ang sinabi ni Boss Angie? O rugo ot ela mimingat.

Careful…. Careful….because the ends does not justify the means. Maganda ang layunin ng His Life, nagkaroon lang ng lapse.

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Thursday, November 12, 2009

‘Alang Plastikan’

TOTAL ban of all forms of plastic at the capitol premises is easier said than done lthough it is a noble and admirable move and the best thing to do as role model for the fight against climate change. Anyway, this move is also better than nothing at all.

However, Aling Iska, hindi kaya kapag ipinatupad ang ‘Alang Plastikan’ sa Tanggapang Panlalawigan ay hindi na magpasukan ang mahigit sa kalahati ng mga official at politician? Bakit naman? Dahil nga ipatutupad ang ‘Alang Plastikan’. Diyusmiyo, Aling Iska,sa totoo, plastik lang magagalit sa iyong kuwento.

Ba, ikaw ba brod ay nagpapatawa, nagbibintang o nagtatanong lang? Anyone of the three will do. Depende sa kung ano ang interpretasyon mo. Sino? Ikaw na tagabasa ni Aling Iska, una sa balita.

Balikan natin ang panukalang ‘Alang Plastikan’. Ito ay iminungkahi ng kaibigan nating si Board Member Ricardo Yabut sa isang Committee Hearing kamalawa ng hapon sa harap ng mga mista niya at ilang may katungkulan sa Kapitolyo.

Pero diusmiyo, Aling Iska, habang binabanggit ni Board Member Yabut na tatakbong 4th district Congressman ay nagmemeryenda sila ng palabok na nakalagay sa styrofoam, may plastic na tinidor at kutsara at nakaplastic na tinapay na may palaman. Ang sarap ng meryenda. Nakikikain ka Aling Iska? Oh, siyempre naman, sino naman ang tatanggi sa masarap na, nakaplastik pang meryenda.

Pero habang sarap na sarap sa pagkain ang mga bokal natin, naimungkahi na ipatupad ang total ban ng plastik o ‘Alang Plastikan’ sa buong tanggapang panlalawigan. Hindi ba kaplastikan iyan, Aling Iska? I am sorry pero tama ka. Kaplastikan nga.

Bakit naman Aling Iska? Kasi, a sincere man is walking his talk, he practices what he teaches. Am I right Mapiles? If you want to drive something as an advocacy and for others to religiously follow, start it within yourself. Do not patronize any form of plastic of any use.

To the officials or any personality, behind this move, can you please examine your self, your environment, your equipment so you could determine if you are one of the violators of this ‘no to plastic’ move or not.

Aling Iska, I would like to stressed that we are not against to ‘Alang Plastikan’ move, but what I am trying to point out is that there should be detailed measures on how to impose the Alang Plastikan at the Capitol.

Banning of plastic is ideal but what is more appropriate and doable for me is regulating. We should face the fact, that plastic has conquered not only the capitol, not only Pampanga, not only the Philippines but the entire planet earth.

Hence, the use of plastic has put in danger our total environment. But the Capitol as a starter should regulate its use and not totally ban the plastic or else they would end up in failure and in vain or total hopelessness.

The banning of plastic needs holistic approach. If you to get rid of plastic, ban all plastic manufacturers from making plastic materials in the entire Philippines through asking the two houses of Congress to ban plastic making in the country and provide stricter penalty to those who violate.

Tama po ang mungkahi ni Board Member turned candidate for Congresman Ricardo Yabut. Kapagka Congressman ka na imungkahi ninyo sa Kongreso na ipagbawal sa buong Pilipinas ang paggamit ng plastik.

Basta ito lang ang tatandaan at dapat itong simulan, sa Kuwatro Distrito sabihin mo Cong Ric, sana naman ‘Alang Plastikan.’

Meron ka bang pinariringgan Aling Iska, ala naman. Pero kung gusto ninyo sasabihin ko sa susunod. Abangan!!!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Lea S.Dizon- buong ang loob sa hamon ng panahon

STRICTLY no politics, purely public service! Ito ang tinuran ng mahinhin at magandang binibini na si Lea Dizon ukol sa kanilang ginagawang pagtulong at medical mission sa loob halos ng anim na taon bilang paggunita sa kanilang yumaong ama na si Don Tomas Dizon.

Sa unang tingin Aling Iska, mapapahanga ka kay Lea dahil sa angkin niyang kagandahan na kalahating Chinese, kalahating Pinay, in short ‘Chinay’. Sa aming kuwentuhan, naibahagi niya ang mga gawain ng Don Tomas Dizon Foundation na halos walang Linggo na hindi sila tumutulong sa mga mahihirap na cabalen.

Batay kay Lea ang foundation ng kanyang ama ay tahimik na nagbibigay tulong para sa libreng panggagamot at pangangalaga sa mga ngipin at mata sa mga kapuspalad nating mga kababayan sa Pampanga. Kaya ayaw niyang ipadiario. Pero alam niyo naman kay Aling Iska, lahat nakabalita.

Simula pa noong Setyembre, 2003 ang Tomas Dizon Foundation ay nakatulong na sa mahigit kumulang sa tatlumpung libong kabalen sa halos limampung barangay sa Pampanga.

Batay sa mga benepisyario ng foundation, ito raw ang paraan ng pamilya ni Lea upang ibalik sa mga tao ang mga biyaya at pagpapalang tinatamasa nila bunga na rin ng kanilang kasipagan at pagsisikap na magtagumpay sa buhay.

Kamakailan sa Mandasig, isang payak na barangay sa Candaba ay palihim na nagsasagawa ng medical mission sina Lea, subalit alam niyo naman, ang inyong Aling Iska, laging una sa balita.

Kaya si Aling Iska, kay Lea ay palihim na nakipag-ututang dila. Ano ang ibig mong sabihin? Nakipagespadahan ng kuwento at balita ukol sa pamilya Dizon at maging sa hinaharap niyang hamon sa Pampanga.

Maganda ang kanyang mga pananaw sa liderato at disiplina na maaaring ibahagi niya kung ipagkakaloob sa kanya ang kapalarang makapaglingkod sa Pampanga bilang isang bise gobernador.

Alam niya at humahanga rin siya sa kakayahan at talino ng kasalukuyang Bise Gobernador na si Joseller “Yeng” Guiao.

Sa puntong ito ay nakiusap si Lea, na huwag naman sanang pag-usapan pa muna ang pulitika dahil ayaw niyang mabahiran ng pulitika ang matagal ng pagtulong na nasimulan ng kanilang ama.

Bagamat nahihiya si Lea ay pinaunlakan nito ang anyaya ng mga taga-Candaba na magpakuha ng larawang kasama siya.

Masaya ang mga taga-Mandasig sa pangunguna ni Kapitan Bong Mangalino dahil napaglingkuran at narating na ni Lea ang kanilang barangay kahit hindi sa ngalan ng pulitika kundi dahil sa paglilingkod bayan.

Batay kay Lea, ang pagtulong sa mga mahihirap ay nasa dugo na ng pamilya Dizon. Ito ay paraan ng kanilang ama at ng kanyang pamilya para lingunin ang nakaraan, ang kanilang pinanggalingan para marating nila ang lalu pang pagpapala at tagumpay sa buhay.

Si Lea ay nagtapos ng business administration sa University of Asia and the Pacific at nag-aral din ng kursong marketing at management sa University of Barcelona sa Espanya.

Kung titingnan hindi lang sa panlabas, panloob na katangian, si Lea Dizon ay hinog na sa panahon para tahakin ang mundo ng karerahan sa mga usaping pangkapampangan.

Taglay nito ang magandang reputasyon ng kanyang ama na si Don Tomas Dizon, isa sa mga tagapagtatag ng Save Pampanga Movement sa kasagsagan ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.

Batay sa mga nagmamasid, maaaring ibahagi ni Lea ang kanyang pagiging desente, katapatan at pagiging bukas sa lahat ng bagay maging sa mga usaping pampamilya at maging sa panlalawigan.

Ang kanyang integridad bilang isang professional na kabataan ay maaaring maging paraan para, anila, bumalik ang kompiyansa ng mga kapampangan sa mga pulitiko sa lalawigan.

Ayon din sa aming untahan, gusto niyang ihulma ang mga panglalawigang kapasyahan sa epektibong pamamahagi ng makatotohanang serbisyo na magbibigay diin sa pampublikong edukasyon, kalusugan at kapakanang pampamilya.

Maganda ang pananaw, matatag ang credential, may yaman, may magandang anyo at katangian, may talino, mababa ang loob, may puso at may panalo.

Si Lea Dizon, inspirasyon ng kabataan, kaantabay sa tagumpay sa mga hinaharap na hamon ng panahon.

Pero ang tanong Aling Iska, matapatan kaya ni Lea ang kabataan, subok na karanasan, husay, galing, talino at liderato at laging nanalong si Vice Governor Joseller “Yeng” Guiao?

Iyan ang dapat abangan!!!

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Cong Rene and Cong Ric's food for thought in 2010

HAWAK ng pamilya Bondoc ang tiwala ng Kuwatro Distrito ng Pampanga sa loob ng halos dalawang dekada. Taglay nila ang mga matatapat at nag-ugat ng lider pulitika sa walong bayan na nasa tabi ng gumuguhong pampang ng Pampanga River.

Kilala ang mga Bondoc pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga kakampi sa pulitika, umulan man at umaraw. Ang ganitong estilo ng pamumulitika ng mga Bondoc sa Macabebe ay nangyayari na sa panahon pa ng kanilang ama na si Congresman Emigdio Bondoc. Ipinagpatuloy ito ni Congressman Rimpy Bondoc at ngayon ay siyang isinasagawa ng kasalukuyang Congresswoman Anna York Bondoc-Sagum.

Kumbaga, ang pagmimintina ng mga Bondoc sa kanilang mga lider sa pulitika ay taga na sa panahon at pinanday na ng mga pagkakataon. At ang estilong ito ay napatunayang totoo at epektibo.

Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay namamayagpag ang mga Bondoc sa larangan ng pulitika at nirerespeto sila ng kanilang mga tagasunod at mga lider na tapat at may tiwala sa kanilang kakayahan na pangunahan ang Kuwatro Distrito sa Kongreso.

Pero marami ang nagtatanong kung bakit sa kabila ng kanilang pagsisikap ay patuloy pa ring nangungulelat ang Kuwatro Distrito kung pag-uusapan ay infrastrakutura at ekonomiya.

Marami pa rin ang mga sira-sirang daan. Marami pa rin ang kulang sa lahat ng larangan ng serbisyo publiko. Pero, Aling Iska, masipag naman sila sa paggawa, halos araw-araw nga ay kasama ni PGMA si Dra. Anna sa pamamasyal sa Pampanga. Bumbulong tiyak ng proyekto. Pero sa tagal ni GMA sa pagkapangulo, parang kaunti pa rin ang naibulong na proyekto, kasi from the looks of it, wala pa ring malaking pagbabago sa kuwatro distrito.

Baka naman nasa lugar talaga ang problema dahil ito ay catch basin at sirain ng tubig-baha kaya kahit kagagawa ng proyekto ay biglang itong guguho. Aro. Diyusmiyo ot mipapakanyan, dakal yata masasayang?

Pero ang tanong naman ng iba, bakit natin sila pinagtitiyagaan? Bakit para bang sila na lang ang puwedeng manungkulan bilang congressman? Wala na bang ibang puwede sa Kuwatro Distrito? O talagang sila lang ang dapat? Well, panahon lang ang makapagsasabi at tayo sa kuwatro distrito ang pipili at boboto.

Sa palagay ko Aling Iska, maraming puwede na katulad nila ay may kakayahan din para manguna sa atin. Pero kung sabay-sabay silang hahamon sa mga Bondoc pagdating ng halalan ng pagkacongressman, tiyak na pupulutin ang ating mga kaibigan sa pansitan. Papaano mong titibagin ang hanay ng mga tagasuporta ng mga Bondoc kung nagkakabaha-bahagi ang inyong puwersa? Para niyo lang tinulungan si Dra. Anna na mamalagi pa sa kanyang puwesto sa kuwatro distrito at sa kongreso.

Kaya ano ang maipapayo mo Aling Iska sa iyong mga kaibigang gustong magkongressman na sina dating DOTC Assistant Secretay Rene Maglanque at kasalukuyang Board Member Ricardo Yabut? Ba, isa lang bro advise, sa pagkakaisa ay abut tanaw at maipamamalaque ang tagumpay subalit sa pagkakabahagi, tiyak ang hantungan ay sa kabiguan.

Kaya kay Cong Rene at Cong Ric, mag-isip kayo ng lalong makabubuti para hindi kayo malugi. Malugi in the sense na nag-aksaya na kayo ng pera at panahon, si Dra. Anna lang pala sa bandang huli ang kakain ng masarap na pansit bihon.

In short, isa lang sa inyo ang dapat na lumaban sa halalan dahil matibay at malakas pa rin ang kalaban. Kung magsasanib ang puwersa ninyo at hindi kayo magkakawatak-watak, maaaring sa banding huli ay sabay kayong papalakpak at hahalakhak sa tuwa at galak.

To Cong Rene and Cong Ric, let the following food for thought serve as your guiding wisdom: “ In unity, there is strength. In accord, there is power. In harmony, there is victory. Why not try to be one in strength, in power and in harmony for a congressional victory? Just simply think of it, before you finally decide on your fate before the evening of November 30.

If they fail to consider this line of thought, Dra. Anna will finally have this to say: She who laughs last, laughs best. One one-one is good. But three is best for her success again in Congress.

A three cornered fight will favor the congresswoman but what would give her a hard time is a congressional one-on-one.

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920