Wednesday, July 8, 2009

Kay Dr. Ponio, palpak na supalpal pa si Panlilio

Ang kapalpakan ni Gobernador Eddie Panlilio sa kaso ni Dr. Eddie Ponio ay isang uri ng benggansa, pang-aabuso sa kapangyarihan at katigasan ng ulo.

I am sorry to say, Aling Iska. Masakit man Kuya Eddie, pero iyang ang ating pananaw.

Para malinaw ang ating punto de vista Aling Iska, balikan natin ang mga pangyayari sa likod ng pinagtibay na apila ni Dr. Ponio sa mga pamangahas na memoranda ni Panlilio.

Si Doktor Ponio ay nabigyan na permanenteng posisyon na pinagtibay noong December 10, 2002 ng Civil Service Commission bilang Provincial Health Officer 1 (PHO-1) ng Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital. Hindi lang permanente ang binanggit na posisyon, tiniyak pa ang lugar o stasyon kung saan niya gagampanan ang naturang posisyon.

Subalit sa pag-upo ni Panlilio, sunod-sunod na kautusan o memoranda ang kanyang inilabas. Una ay ang Memorandum 33 naglalagay kay Dr. Romulo Lacson bilang acting chief of Hospital ng Diosdado at nagdedestino kay Ponio sa Provincial Health Office sa may Kapitolyo.

Kaano-ano ni Dr. Romulo Lacson ang isang doctor sa Holiday Inn sa loob ng Clark Freeport Zone? Meron bang ganoon doon? Aling Iska, kaepilyido lang siguro. Anyway, just probe it later.

Umapila si Ponio sa CSC, habang nakabinbin ay naglabas muli ng Memorandum No. 37 si Panlilio na nagdedestino kay Ponio sa Ricardo P. Rodriguez Memorial Hospital .

Bunsod nito, naglabas ng Resolusyon ang CSC na nag-uutos kay Panlilio na muling ibalik si Ponio sa Diosdado.

Sumunod na sumandali si Panlilio pero pagkatapos nito ay muli na namang naglabas ng Memorandum 55, may petsang September 22, 2008 na nag-uutos kay Poniop na gawin niya ang kanyang trabaho bilang PHO-1 ng Provincial Health Office.

Sa pagkakataong ito, inihayag ni Ponio na niloko ni Panlilio ang CSC sa pamamagitang ng Memorandum 55 dahil hindi isinaad nito ang geographical location ng kanyang bagong assignment. Ibig sabihin hindi sinabi ni Panlilio na sa Provincial Health Office idedestino si Ponio at hindi sa kanyang permanenteng istasyon.

Bunsod nito, nilagdaan mismo ni CSC Secretary Ricardo Saludo ang isang resolusyon na nagpapawalang bisa sa mga memoranda ni Panlilio laban kay Ponio.

Ang resolusyong ito kung iyong uunawain ay nagbibigay ng kaisipan na si Panlilio ay umabuso sa kapangyarihan o ng kanyang kawalang alam sa mga batas ng Civil Service Commission at sa Magna Carta ng Public Health Workers.

The CSC resolution stated that even after the Civil Service Commission ruled against the transfer order of Panlilio and ordered that it be held in abeyance, he has blatantly refused and continues to refuse to restore Ponio to his permanent station as appearing in his appointment. Said resolution should already have made a law abiding and mindful administrator from acting irrationally.

The commission has found the subsequent issuance of memorandum order no. 37 to be irregular. At the outset, the commission is still not convince to rule on the validity of Memorandum No. 55.

The CSC stated that the appointment of Ponio is station-specific and thus, Ponio shall report to the office where he was specifically appointed- at the DPMMH.

As such, Ponio could not be reassigned to any other station and he is entitled to stay permanently in that station specified in his appointment.

Kung ating lilimiin sa pasyang ito ng CSC, para nitong sinasabi na ang mga ginawang pagtrato ni Panlilio kay Ponio ay wala sa patulo at labag sa mga isinasaad ng batas.

Pusang gala, Aling Iska, palpak na naman si Gobernor Eddie. Ayusin niyo kasi, Kailangan huwag kang padadala sa init ng ulo o sa katigasan ng ulo para hindi ka nasusupalpal. Napakasakit kasi Kuya Eddie. Sinong Eddie, si Panlilio o si Ponio? Eh‘di siya dapat!!!

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com ot tumawag sa 09063900920.

No comments:

Post a Comment