Wednesday, July 8, 2009

CL DAILY, isang taong matapang na pagbabalita

Magandang balita, isang taon na pong naglilingkod sa inyo ang Central Luzon Daily. Isang taon na rin pong masusing nagbabantay at nagpapahayag ng mga katotohanan, masakit man sa iba, mahapdi man sa kanila, ang mahalaga po, malaman niyo ang mga storya at puna sa likod ng mga nagbabagang balita.

Kaya, sa hindi sinasadya, sa pahayagang ito, isinilang si Aling Iska, ang inyong matapang na kuwentista, komentarista, tsikadora, manghuhula at pusang gala sa paghanap ng mga sariwang balita.

Sa loob ng isang taon, ang Central Luzon Daily ay naging buhay na saksi sa mga kaganapan pang-ekonomiya at pulitika particular sa probinsiya ng Pampanga.

Buong tapang na sinuysoy ng pahayagang ito ang bawat anggulo, hugis at kulay ng mga balita sa mga kotrobersiya ng pangangasiwa ni Gobernador Eddie Panlilio.

Walang takot at walang pinalalampas na impormasyon, kahit alam nitong may mga ‘kainis at pikon.

Alam ni Aling Iska, palihim itong binabasa ng mga tao at opisyal ng pamahalaan na laman at paksa ng mga balita. Itanong mo man kay Among Ed at sa kanyang esposa sa kapitolyo ng Pampanga.

Anong esposa? Sa banal na kasulatan ay nasusulat, “hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa, ilalalang ko siya na makakasama.” Kaya kung paanong ang inyong lingkod ay may Aling Iska na esposa sa pagbabalita, si Panlilio ay may Atty. Vivian Dabu, ang kanyang kasama sa pangangasiwa sa probinsiya. Oh, my goodness! Ot makanini ing ibie?

Ang Central Luzon Daily ay hindi lamang nakatutok sa kapitolyo, masusi rin nitong sinusubaybayan ang pagkasira ng kalikasan dulot ng buntong-buntong basura bunga ng kawalang disiplina ng mga mamamayan, ang pananamantalan ng mga opisyal ng gobyerno sa kapangyarihan, paglaban sa katiwalian, mga nakakakilabot na kasinungalingan ng mga opisyal pagandahin lang kanilang itsura sa tingin ng pobreng mamamayan.

Hindi po tatatag at magtatagal ang pahayagang ito kung hindi sa buong suporta ng pamilya Hizon sa pangungana ng mag-esposang Jun at Lolita Hizon. Sa inyo maraming salamat po.

Nais din nating samantalahin ang pagkakataon na pasalamatan ang ating mga masugid na mambabasa na nagtetext at nagtatanong kung bakit si Aling Iska ay madalas na wala at tila natutulog din yata sa pansitan.

Salamat din po sa mga advertisers at sponsors. Kayo po ang bumubuhay sa pahayagang Central Luzon Daily.

Asahan po ninyong palagi ang aming matapang, walang kinikilingan at sariwang puna at pagbabalita.

Again, Happy 1st Anniversary sa mga kapamilya, kapuso at karehiyon natin sa Central Luzon Daily.

Oh, ano? Bukas, abangan ang deklarasyon ni Vice Governor Joseller “Yeng” Guiao sa pagkagobernador ng lalawigan.

Masarap na naming bakbakan. Abangan.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o magtext sa 09063900920

No comments:

Post a Comment